Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2: Armando

 Chapter 2: Armando

(August 2003)

"Baby girl, aalis na si Daddy. Promise babalik ako kaagad," I watched as he placed a kiss on Diosa's forehead. Mangiyak-ngiyak ang kapatid ko pero pilit niyang pinipigil ang kanyang luha.

"Promise po? Pero sabi niyo po noong isang buwan pupunta kayo sa play namin," she bit her lip as a tear escaped. Ako ang mas nasasaktan kasi alam kong hinintay niya si Daddy nang napakatagal bago siya pumunta sa backstage at habang play nila ay panay ang tingin niya sa audience sa pagbabakasakaling dumating ang aming ama.

Pero wala. Narinig ko na lang sa telepono si mommy pagkauwi namin na nagagalit dahil ang dahilan ng di niya pagpunta ay may basketball game din ang panganay niyang anak sa kabit niya ng araw din na iyon. Hindi man lang niya naisip si Diosa.

"Promise dadating ako. Wag ka nang umiyak baby," he wiped her tear with his finger and kissed her cheek. Lalo ko lang naikuyom ang aking palad. Nagpaalam na siya ngunit sumunod ako hanggang sa garahe. Napatigil si daddy bago sumakay sa kotse niyang itim na Honda Civic RS.

"Daddy!"

"Ali?" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magsalita, pero matagal ko nang kinikimkim ito at hindi ko na kayang itago pa.

"Kung aalis po kayo, wag na kayong babalik," I whispered quietly. Hindi ko siya matignan. "Wag niyo pong pinapaasa si Diosa."

I felt his hands on my shoulders. Mabigat at 'tila may gusto siyang sabihin pero nanatili lamang kami sa ganoong posisyon. Mabigat ang paghugot ko ng hininga,"lalo niyo lang siyang sinasaktan."

"Alistair," I heard him say my name. I felt him raise my face to look him in the eye.

"Hindi ko gustong saktan si Diosa," I met his stare with a glare. Hindi ako naniniwala sa'yo.

"Pag malaki ka na, sana maintindihan mo ako." Napabuntong-hininga si Daddy bago binitawan ang aking mukha.

"Nakakaintindi na po ako," I refused to let him go without telling him. I cannot tolerate people who try to insult my intelligence because of my age. Si daddy—siya ang dapat na mas nakakaalam noon dahil ama ko siya. "Ang hindi ko po maintindihan, bakit kailangan niyong saktan ang pamilya ninyo. Hindi po ba kami mahalaga?"

I saw rage cross his features and I took an involuntary step back pero agad niyang napansin ang reaksyon ko. I saw guilt cross his face and my anger resurfaced.

"I hate you," hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi pa pinapanganak si Diosa ng magkaroon ng ibang pamilya si Dad. Dalawa ang anak niya sa babae niya, si Aidan at si Adam na halos kasunod ko lang ang edad. Noong una hindi kami makapaniwala dahil ang alam namin kaya parating wala si daddy ay dahil sa trabaho niya kaya naipapadala siya sa iba't-ibang expeditions at lectures abroad. I found out about his liaisons and it broke my image of my father. Aaminin kong nawala ang paggalang ko sa kanya.

"ALISTAIR!" Narinig kong saway ni mommy. Nasa likuran ko pala siya. Minsan hindi ko rin siya maintindihan dahil kapag nagagalit kami kay Daddy parati niya itong pinagtatanggol kahit lagi silang nag-aaway. Noong ipinagbuntis niya si Diosa, akala namin maayos na ulit sila pero hindi pa man ipinapanganak si baby girl ay bumalik na siya sa ibang pamilya niya.

Hindi ko maintindihan ang pag-ibig. Kung ganito ang ginagawa ng walang-kwentang emosyon na yan, mabuti pang iwaksi ko na siya sa aking sistema habang maaga pa. Ang mga kagaya nila mommy at daddy na matatalinong tao ay nagagawa nitong gawing mahina.

"Ali," I felt my mother's arms around my shoulders. "Stop it."

I saw my father nod to my mother bago siya tuluyang sumakay sa kotse niya. I felt something hard lodge inside my chest. Yung sama ng loob ko hindi ko mapigilan.

"Kuya?" I felt a small hand encircle mine. "Kuya, pasok na po tayo. Sabi mo po tuturuan niyo ako ng Math." I closed my eyes and breathed deeply.

"Okay," I knelt down at kinarga ang kapatid ko. She's rather tiny kahit na nine years old na siya. She wrapped her arms around my shoulders and buried her face on my neck. I could feel the slight dampness of her cheeks.

"Okay na si kuya baby," I stroked her back as we went on our way to the study. "Wag ka na mag-alala."

----------------

 (September 2006)

I could hear the sound of their laughter drift up from the garage. Dumating si daddy ngayon at tinuturuan niyang mag-drive si Kuya Alphonse at Albert. Nasa baba rin sila Kuya Andro at Alfred at nanonood. Niyaya nila ako pero tumanggi ako. Ayokong makipag-plastikan kay Daddy. Hindi kami okay, at hindi ko ramdam na magiging okay kami anytime soon.

I turned my attention back to the screen of my desktop. Malapit ko nang matapos yung level ng game ko. Ilang oras ko pa lang nilalaro pero nakabisado ko na lahat nung combinations saka yung attacks. Parang halos nagiging mechanical na yung mga kalaban ko.

"Kuya?" Narinig ko ang mahinang katok sa pinto. Ipi-nause ko ang game at pinagbuksan si Diosa. May dala siyang platito ng snacks at baso ng juice.

"Meryenda na po kuya." She smiled up at me. Agad kong inabot ang pagkain at dinala sa kama. Sumunod siya at naupo rin. "Bakit di ka bumaba kuya?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. "Ayaw mo ba matuto mag-drive? Si Kuya Alfred muntik na mabangga yung gate." She giggled. I took a cookie from the plate and munched on it.

"May nilalaro akong game eh," pagdadahilan ko. Ang totoo gusto ko rin namang matutong mag-drive, pero ayokong magpaturo kay Daddy. Pakiramdam ko inuuto lang niya ang mga kapatid ko.

 Lumapit si Diosa at kinulong ang mga pisngi ko sa kanyang mga kamay. "Weh, kuya?" She searched my eyes and I tried to make my face neutral. "Ayaw mo ba talaga kay Daddy?" Malungkot ang kanyang mga mata.

"Di mo pa maiintindihan kasi baby ka pa," I took her hands off my cheeks. "Baba ka na." I tried to push her off gently. Napabuntong-hininga si Diosa.

"Dito na lang po ako kuya," she mumbled softly. "Di naman ako pwedeng sumali sa kanila."

Naawa ako sa kanya. Bukod sa akin, kay Diosa pinakanahihirapan si daddy. Hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi niya alam kung paano kikilos kay baby girl. Hindi naman mahirap i-please si Diosa. Hindi siya choosy at kahit mga laro naming boys ay nakikisali siya kapag dito lang sa loobng bahay.

Siguro kasi parati niyang hinihiling na mag-stay si daddy kaya ilang ito sa kanya. Alam naman naming lahat na hindi niya matutupad iyon. I felt the pain resurface in my gut.

"Gusto mo two-player tayo?" I offered and saw her nod her head enthusiastically. I saved my game at binuksan ang PS2 para makapag-two player kaming magkapatid. Kay Diosa at Kuya Alphonse lang ako komportableng makipaglaro kasi nakikinig sila sa instruction ko. Di kagaya ni Kuya Alfredo at Albert na badtrip kapag tinuturuan ko ng technique. Lalo na si Kuya Alfredo. Feeling niya kasi iniinsulto ko siya dahil mas bata ako pero ahead ako sa kanya.

We played for hours at nakalimutan namin ang oras. Masarap kalaro si Diosa kasi ang bilis niya matuto ng technique saka di siya pikon. Kapag namatay yung character niya hinihintay niya lang ako na matapos ang level para ma-revive siya.

"Ali, Diosa!" Narinig namin ang katok sa pinto. "Kakain na!" Si Kuya Andro ang tumatawag. I glanced at the wall clock at nakita Kong 7:30PM na pala.

"Tara?" I paused the game and gave a hand up to Diosa. Tumayo na kami at tumungo sa komedor.

Naabutan namin si Daddy na mukhang paalis na. Lumapit si Diosa sa kanya at yumakap sa kanyang baywang. I turned my back and started for the dining area. Wala akong pakialam sa kanya.

"Di ka dito kakain Daddy?" I heard Diosa say. Asa ka pa, baby.

"May kailangan pa kasing gawin si Daddy, baby. Next week, promise dito ako mag-di-dinner. Gusto mo mag-pizza tayo?"

"Pizza? Yes!" Narinig ko ang tuwa sa boses ni Kuya Albert. "Gusto ko yung all-meat dad ha?"

"Oo sige." I heard him say. I went to the table and saw it being set by Kuya Andro. Nilalagyan niya ng pinggan yung mesa saka mga kubyertos. Kinuha ko yung mga baso at tinulungan siya.

"Ay salamat bumaba ka na." Nakangiting bati ni Yaya Maring sa akin. "Kunin mo yung kanin para makakain na tayo."

"Si Mommy po?" I asked.

"Naku, ma-la-late daw. May tatapusin na grades," she replied. Parating busy si Mommy lately kaya tulong-tulong kami sa gawaing bahay.

"Oops, tingin sa dinadaanan!" Kuya Alfredo admonished me. Dala niya yung malaking lalagyan ng ulam na may umaasong sinigang na baboy. Siya ang nagluluto kapag sobrang busy si Yaya sa paglalaba. Pinadaan ko siya bago ako tumuloy sa kusina para kunin yung kanin.

Pagbalik ko, nasa may mesa si Daddy at iniaabot yung allowance namin isa-isa. Ibinaba ko ang kanin at naupo ako sa aking upuan. Isa-isang nagpaalam ang mga kapatid ko pero nanatiling nakapako ang mata ko sa espasyo sa pagitan ng mga pinggan. I refuse to join them na para bang walang problema at normal lang na iniiwan kami ng aming magulang para umuwi sa ibang pamilya niya.

Nasusuka ako tuwing naiisip ko ang bagay na iyon.

Naramdaman kong ibinaba ni Daddy sa tabi ng kamay ko ang allowance ko. Hindi ko siya kinibo at ganoon din naman siya sa akin. Sanay na kami na hindi nag-uusap sa isa't-isa.

Nagpaalam na siya sa mga kapatid ko at nagsiupuan na sila para magsimula ng hapunan. Kinuha ko ang pera at isinuksok sa bulsa ni Diosa. Napatingin sa akin ang bunso kong kapatid.

"Kuya, last time binigay mo din sa akin," mahina niyang bulong. Ngumiti ako sa kanya.

"Para sa'yo talaga yan baby," I told her in a low voice. "Ipunin mo lang para makabili tayo ng gift kay Mommy. Lapit na birthday niya." She smiled and nodded at me.

Ayoko ng kahit anong galing kay Daddy. Mas okay pa sa akin ang mag-bike araw-araw papasok at pauwi sa school kaysa tanggapin ang allowance na binibigay niya. Kinausap na ako ni Kuya Alphonse noong unang beses na tinapon ko sa basurahan ang pera kaya ngayon binibigay ko na lang kay Diosa.

"Kain ka na," I told her. Iba yung pagkain na nakahain para sa kanya kasi ang dami niyang food allergies. Isa sa mga rason kung bakit din subsob si Mommy sa work kasi ang mahal ng medication ni Diosa at limitado ang pwede niyang kainin.

"Baby girl gusto mo sumama kila Chelsea mamaya?" Tanong ni Kuya Albert sa kanya. Si Chelsea ang kababata namin na taga-kabilang village at bestfriend ni Kuya Albert.

"Sige po," she replied enthusiastically.

"Mag-ingat kayo. Bakit gabi ka pa pupunta ha?" Kuya Alphonse frowned.

"Syempre ipapakita ko sa kanya ang skills ko," Kuya Albert grinned. "Joyride time!"

"Gago. Hindi mo pwedeng ilabas ang kotse." Kuya Alphonse thumped him on the head. "Wala kang lisensya Alberto."

"Oww kuya, kabilang village lang..." he whined as he rubbed the spot Kuya Alphonse hit. I rolled my eyes and turned to my food.

"Ali," I glanced at Kuya Alphonse. "Usap tayo mamaya." I inwardly groaned. Alam ko na ang laman ng lecture ni Kuya Alphonse. I just nodded.

Pagkaligpit ng kinainan ay nagtungo na sila Kuya Albert at Aya kina Chelsea. Si Kuya Alejandro naman at Alfredo nanood ng movies sa cable. Naupo ako sa terasa at hinintay si Kuya Alphonse.

Madilim ang langit at tahimik ang village. Pawang mga kapwa propesor ni Mommy ang nakatira dito kaya hindi uso ang may maingay. I felt my Kuya Alphonse sit beside me in the darkness. Tanging ilaw na naglalagos mula sa jalousies ang aming tanglaw.

"Don't be so hard on him, Ali." Pagsisimula ni Kuya Alphonse. I leaned back on my seat and regarded him with what I hope is a nonchalant expression.

"Kuya, I don't like lying to myself," I answered bluntly. Hindi ko naman kasi kailangang magsinungaling kay Kuya. He knows me inside out. Napailing siya sa tinuran ko.

"He tries, Ali. He's trying very hard."

"Not hard enough." I replied. Bitter na kung bitter. Angsty, emo, or whatever you want to call it. I've ceased trying to understand my father.

"You don't know the worth of things until they are gone," my kuya Alphonse told me in a solemn voice. "Don't waste the opportunities in life Ali."

"I don't need him Kuya. Kung mahal niya tayo, bakit hindi tayo ang pinili niya?" I spat bitterly. "He doesn't need us, and I don't need him either."

"Ali, there are things in the world that have no rational explanation. Things like the workings of the human heart. Huwag mong hayaan ang galit sa loob mo. Oo, nagalit rin ako kay Daddy pero ayokong makulong ako sa galit ko. Hate breeds hate."

"I'm sorry kuya, pero ayoko nang pag-usapan," I cut him off. Tumayo na ako at nagtungo sa pintuan.

"Don't close yourself off Ali," I heard him mutter.

------------------

(December 2006)

 I braced myself as the car swerved dangerously on the next turn. I glanced at my Kuya Alfredo whose hands are white as he gripped the steering wheel tightly. Kita ko ang pagtiim-bagang niya habang binabagtas namin ang madilim na highway. I uttered a quick prayer for safety.

"Shit!" I heard him curse as sirens followed us. I don't know if I wanted him to slow down or go faster. Alam kong kaya niyang takasan ang mga sumusunod na pulis pero ayoko rin namang madisgrasya kaming dalawa. I watched the speedometer rise higher and higher with each passing second.

"Kuya," I tried to warn him but he is in his own world right now.

The news of dad's death hit him the hardest. Si kuya ang pinakamalapit kay Daddy at pareho silang car enthusiast. I've never been that close with Kuya Alfredo kahit kami ang pinakamalapit ang age sa isa't-isa. Parati kasi kaming naikukumpara noong bata kami dahil mas maaga akong nag-aral at natapos sa kanya. It felt like gusto niya laging makipagkumpetensya at nasasaktan nang husto ang ego niya tuwing napupuri ako. Malayo rin ang mga hilig namin sa isa't-isa at ang pinagkakasunduan lang naming lahat na magkakapatid ay ang pagiging protective kay Diosa.

"Kuya!" I don't dare try to take the wheel. Sa velocity ng kotse, malamang na mag-turn-turtle kami kapag nakipag-agawan ako.

"Fuck! Damn it!" I could feel him cursing as the tears started to fall. Hindi iyakin si Kuya Alfredo, bagkus macho ang façade niya pero ngayon umiiyak siyang parang bata.

Hindi ko alam kung bakit pero nalulungkot din ako na makita siyang ganoon.

"Kuya tama na," I said softly. When the news hit, na-shock kaming lahat. Patay si daddy sa helicopter crash during his expedition. Magulo ang lahat pero si kuya Alfredo nakita kong nagdilim ang paningin at agad na kinuha ang susi ng kotse. Hindi ako nagkamali ng pumunta siya sa garahe at sinamahan ko siya dahil baka mapaano siya.

Being in the car with him, I felt the full blunt of his sorrow. Tila tinatakasan niya ang realidad sa pagbilis ng takbo ng kotse. We're both minors and likely to get caught pero wala na kaming pakialam.

I heard the shrill ringing of my phone at agad ko itong sinagot.

"ASAN KAYO?!" I cringed at the full blast of Kuya Alphonse's voice over the line.

"Putangina!" Kinakabahan na ako.Lalong dumarami yung police cars na sumusunod.

"Kuya Alphonse," I tried to answer pero tila tatalon ang puso ko nang subukan kaming i-box-in ng police car.

"Ali!" I could hear panic in Kuya Alphonse's voice.

"Sandali po, may pulis po hinahabol kami, ah shit!" Napamura ako ng subukang harangan ng police car ang daanan at napa-break si Kuya Alfred nang malakas. Nabitiwan ko ang cellphone ko at malakas ang hampas naming dalawa.

"Kuya Alfred," I pulled at my Kuya's arm. Maraming pulis ang nasa labas at pinapababa kami ng sasakyan. We've caused quite a ruckus sa highway at akala nila get-away vehicle kami.

"Hindi po kami lalaban," I calmly stated when I stepped out of the car. Alam kong malaking problema na naman ito para kay Kuya Alphonse at Mommy on top of Dad's death, pero hindi ko maiwan si Kuya Alfred. He remained mute nang posasan siya dahil ayaw niyang sumagot nang tanungin siya ng mga pulis.

The events of the night felt blurry. We spent the night in jail dahil umaga na nakarating si Mommy at Kuya para sunduin kami. Umiiyak si Mommy sa galit pero niyakap lang siya ni Kuya Alfredo. I felt a lump on my throat as my Kuya Alphonse draped his arms around my shoulders. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko wala lang sa akin kung mawala si Daddy but looking at my family, I felt a deep mourning inside of me.

I don't know how I got home. Everything felt like a daze. I found myself feeling numb as I closed the door of my bedroom. The adrenaline in my blood is wearing off and it felt like everything is crashing down on me.

"Kuya?" I heard a soft, mournful voice on the other side and opened it a bit to gaze at my sister's tear-stained face. She lifted her arms up to me and I knelt down and crushed her small body against mine. I could feel her trembling as she soaked my shirt in tears.

"Saan po kayo pumunta ni Kuya Alfred?"She mumbled in between hiccups. "Natakot po kaming lahat."

"Shhh..." I murmured softly to her. I picked her up. She's ten but she's too light. I went to bed and hugged her against my side.

"Wala na si daddy," she murmured. I patted her back awkwardly. There's this unmistakeable feel of loss in my heart. Hindi ko maintindihan. Akala ko dati hindi ko ma-mi-miss si Dad. I admit, I always wished he'd be gone from our lives forever pero ngayon na nagkatotoo na, I feel like dying too.

"Diosa, wag kang umiyak baby. Nandito si kuya. Di ka namin iiwan," I hugged her tightly as she spilled bitter tears that quickly soaked the fabric of my shirt. I stared at the glow-in-the-dark stars on my ceiling and felt my vision blur as I quietly shared the grief of my baby sister.

In that silent moment, I truly understood what Kuya Alphonse had kept on telling me all this time.

If only I gave him a chance.

If for one moment I made him feel how I love him.

It's too late now.

I miss you, Dad.

W/N:

Na-miss ko ang Zabala brothers! Waah! Salamat sa readers ng Star-Crossed. Please vote and comment, I would like to hear your thoughts. XD


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro