10: Riona and Irina
"O Ali, akala ko ngayon 'yong job interview mo?" Bati sa akin ni Yaya Maring habang naglalapag ng singangag at longganisa sa lamesa.
"Opo, 'Ya." Tumayo ako at sinundan siya papunta sa kusina at tulungan. "Mamaya pa pong 10AM."
"Ay ako na diyan," saway niya sa akin pero kinuha ko yung plato na mayroong scrambled eggs na paborito ni Diosa. "Sige, gagawan na lang kita ng kape," sabi ni Yaya. Bumalik na ako sa dining room at nakita kong pababa na ang bunso namin galing sa kuwarto.
"May pasok ka baby girl?"
"Opo, kuya." She smiled and gave me a kiss good morning bago siya maupo. "Aayusin ko pa po yung enrollment ko sa summer class namin nila Sab." I nodded absently habang naglalagay ng sinangag sa plato. Halos isang linggo rin ako nagtiis muna dito sa bahay bago yung actual na pag-'apply' ng trabaho. I spent the time getting in touch with my family. Nakapag-bonding naman kami - a family dinner in Kuya Alfred's restaurant with our half-brothers, nakapag-basketball with the boys, target shooting, saka isang araw sa race circuit to watch Kuya Alfredo.
"Meow?" I felt my cat brush against my leg. Nanghihingi ng food.
"Here, Panther." Diosa offered him some eggs on her open palm.
"Wag mong bigyan, masasanay yan tapos everytime kakain tayo mag-be-beg siya. Give him food sa kitty bowl after we eat," saway ko. "Magiging obese 'yang pusa sa table food."
"Oh, sorry." Inamoy lang ni Panther yung pagkain pero hindi kinain. Inalis ni Diosa yung kamay niya. "Ganoon pala 'yon. Sorry kuya."
Sumampa si Panther sa upuan sa tabi ko at akmang aakyat ng lamesa.
"No," utos ko sa kaniya. Sumunod naman siya at kaagad na bumaba ng lamesa at humiga sa paanan ko.
Mabilis na natapos kumain si Aya at nagpaalam na para daw hindi siya maubusan ng slot. Nanatili ako sa lamesa at uminom ng kapeng tinimpla ni Yaya Maring. Nag-check na rin ako ng emails at mga balita sa online news. I was about to go when I received a text message from Sanada.
RK Sanada: Got two newbies coming in today. Be nice.
I shrugged.
Me: That depends on their performance.
Ilang beses ko nang sinabi na huwag na munang dagdagan ang agents dahil supposed to be lie-low kami habang wala pang leads at para tahimik na makapag-establish ng network. Clearly, the people in the higher-ups are having a field day in sending me more people.
Me: Let me guess, females again?
Hindi na nag-reply si Rika and I almost groaned.Everyone knows that silence means yes.
At hindi nakakatuwa na puro babae ang ipinapadala nila. I have nothing against the so-called gender equality and equal opportunity thing pero nakakasawa rin na puro babae ang nasa HQ. Hindi naman ako chatty na tao, and a lot of other guys would probably feel like heavenly ang mapalibutan ng naggagandahang agents pero sa totoo lang sakit talaga ng ulo.
Icen's tendency to roleplay and game-binge during office hours.
Jem and Yellow's shopping sprees. And more shopping sprees.
Trixie's unhealthy obsession with Nutella and Pottermore.
Red's daily PMS-ing.
Shanvie's weird science experiments in the lab.
And Edge... is Edge. Di ko actually alam kung anong hobby niya. Might have to check it out.
I hate to admit it pero minsan mas gusto ko pa tumambay sa tabi ni Manong Guard kaso baka ma-weirduhan siya sa akin.
Oh well... the world has a funny way of balancing things out. Baka dahil sa dami naming magkakapatid na lalaki ay kaya binibigyan ako ng sandamakmak na babaeng katrabaho.
Karma's a bitch.
---------
I watched his reaction to the performance of the newbies onscreen.
"How old are these two?"
"Riona Marie Fache, 22." I checked her file. The girl completed the fifth and final trick-shot - hitting a gumball on a golf tee with a Winchester from 30 yards.
Jaguar raised an eyebrow. "Impressive aim." Napangiti ako. Hindi madaling makakuha ng compliment lalo na galing sa kaniya. "But her cardio exam sucks ass." I sighed. True, Fache lacks stamina at madalas na mahuli sa exercises.
I winced as the next agent missed the target by 30 degrees. Akmang tatayo si Jaguar pero maagap ko siyang pinigilan. "Watch first."
The agent recalculated her position and fired again. This time she grazed the target, but was still off by a scant few degrees.
"You know that's not gonna cut it, Sanada," he reminded me. Well, damn Mr. Perfectionist.
"Cut her some slack, she just turned 19." Nakita kong nanlaki ang mata niya.
"What's the story?"
"You can't find a better bomb expert than her in the pool."
"But?" Here it goes. Alam niya kung bakit kailangan naming itong bagong recruit. If he had a bomb expert in the last mission then it would have been a whole different story. Same goes for another sniper. I'd really want to convince him that we need more people.
"She's not trained yet. Barely a year inside."
He frowned at me. "Rika, that's fucking with consequences. We need to have someone with at least an undergrad. Those are the rules, unless you are me." Tch. Gusto ko sana siyang i-call out sa kayabangan niya pero kaso totoo naman. "Isa pa wala siyang patience. She's wasting bullets."
"She's gonna enroll this schoolyear, then train full time. Patience can be learned."
"That one might be more trouble than she's worth. I'll accept no more than a 1.5 gradepoint average." He got up and left the Viewing Room.
I hope Irina Jean Ignacio is secretly a fucking genius.
-----------
"Anak ng tilapia sobrang sakit ng buong katawan ko!" The new recruit-the younger one plopped down on the floor as soon as the last test was over. Nagpapasalamat ako na hindi ako ang nasa posisyon niya dahil malala pa ang sitwasyon niya kesa sa amin noon dahil si Jaguar mismo ang nag-supervise ng training session nila.
Napailing na lang ako ng ikiskis niya ang pisngi niya sa malamig na sahig na parang pusa.
"Mrrrw..."
"You think she'll pass the trial?" Icen nudged me from behind. Magtalikuran ang upuan namin dito sa Simulation Room.
"I hope so." Pero kahit ako hindi ganoon kakumbinsido. E nakakatakot kaya si Jaguar, parang lagi kang kakainin. Nakita kong papalapit na siya kaya sinenyasan ko si Icen. "Mush-mush, initiate." Agad namang nakuha nito ang ibig kong sabihin at nag-start yung simulation program. Biglang nag-activate ang suot kong helmet at lumabas ang maze na kailangan kong i-navigate. Astig ang graphics ng dinevelop na simulation program ni Icen at sa tulong ng helmet ay nagiging 3D ang experience, complete with sensorround speakers sa Simulation Room.
Minabuti kong mag-concentrate dahil ayoko na namang mayari kay Jaguar. Halos ako lagi ang pinagdidiskitahan niya. Pero sabagay, may point naman kasi siya dahil ako lagi ang may mababang scores sa physical exams at maging sa ballistics. Pero ang sakit kasi sana... sana minsan purihin naman niya ako.
Trixie, bakit naman kasi sa tulad pa ni Alistair Damien Zabala ka nagka-crush? Taong-bato siya! Taong-bato!
Pero mapipigilan ko bang humanga sa isang nilalang na tulad niya. Kilay pa lang ni boss, lahat ng agents napapapigil-hininga. Si Red lang yata yung hindi affected sa kaniya kasi maski si Shanvie kinikilig ang tumbong pag bumibisita siya sa lab.
Ito kayang mga bagong agents, mabiktima rin kaya ng legendary charms ni Boss Ali?
"3X concentrate." I heard Icen's voice cut-in on the speakers. Shoot, muntik na akong tamaan ng bomba. Mamaya magagalit na naman si Jaguar. I took careful aim and took out the three targets. Halos matatapos ko na itong level.
"3X?" Tanong ko.
"Codes." I could hear the laughter in Icen's tone. "And I'm I7. Cute, di ba?" Hay, ang kulit talaga ng kabuteng ito.
"Suits you." Muntik na akong mabaril ng bigla akong napatigil sa boses ni Boss. Oh my, nakikinig pala siya. "3X enemy at 3 o'clock."
Dali-dali kong tinapos ang huling kalaban at natapos ang simulation. Lumabas ang results sa feed.
Tsk... 85% accuracy. I was aiming for at least a 90%.
"3X, next time call the target. Your next test will be on Wednesday." Narinig kong sabi ni Boss. Wohoo buti na lang mukhang hindi siya galit. Inalis ko na ang helmet at nagulat ako nang makitang nakatayo si Boss at pinagmamasdan ang nahihimbing na si Ignacio sa sahig.
"Hey." He nudged her with his boot. Holo, may malalagot na kabute. Nakita kong napalunok din si Icen samantalang si Fache ay nakatayo na at attention.
"Wake-up," utos ni Jaguar.
Naku, gumising ka nang kabute ka dahil yari ka mamaya.
"Xander, kakalbuhin kita pag di mo ko tinigilan..." Nakakunot-noong sagot ni Ignacio. Mukhang nananaginip siya. "Minu-minuto, puro ka kalokohan."
"IGNACIO!" He leaned down and shouted near her ear at parang binuhusan ng malamig na tubig na napatayo si Ignacio.
"Asan ang tilapia? Ay sir!" Namula ng husto yung newbie sa intense na titig ni Jaguar. "Erm, s-sorry po."
"Ignacio, 2 hour circuit training now."
Mukhang hihimatayin yung bata.
-----------
Sumakit ang ulo ko matapos akong manggaling sa Simulation Room. Mangiyak-ngiyak si Ignacio habang nag-ci-circuit training pero hindi ako puwedeng maging slack sa training niya. The girl has a bright future if she could just be disciplined. Mas mataas pa nga ang accuracy rate niya kumpara kay Luna pero di hamak na mas mataas ang management skills nung isa.
I immediately put Fache's file on my INBOX. Kaunting polish pa ang isang 'yon. Ignacio needs to grow up very fast if she is to keep up and keep her position. Nilagyan ko ng note na PROBATIONARY ang file niya.
I felt my phone vibrate.
"Yes, Sanada?"
"Nanghihingi ng permission ang agents kung puwede ba daw mag-bonding. It's their first weekend as a complete team." I opened the glass doors to the balcony of my office and saw the winking lights. Friday night is lively here in Eastwood.
"No booze," I replied. "And I don't want to see any room trashed. Better yet, lumabas na lang kayo and have dinner outside."
"Hindi ka sasama?" Napangiti ako sa slight accent ni Sanada. She's brushing up on her Tagalog, eh?
"Nah, enjoy the night out."
"You're such a killjoy. C'mon Ali have a little fun!" She said in a chiding tone. Well my idea of fun is curling up with a good detective novel or wrecking havoc on someone else's firewall.
"Good night Sanada." I turned off my phone before she could protest. Naupo ako sa harap ng desk ko. An orange light suddenly blinked to life on my screen.
What the hell, someone's trying to breach security?
I logged on. I could commend him for trying. Definitely amateur but he has guts.
In a few seconds, I found him. What the flying fuck?
I grinned. Well, I think I'm gonna have fun after all.
In his bedroom in Bulacan, a boy suddenly realized that he just opened Pandora's box.
-----------
"Anak ng talabang duling mamamatay na ako gusto niyo pa mag-party? Seryoso?" Parang lasing na pasuray-suray si Ignacio... ay shems, Rin pala. Sabi niya tawagin namin siyang Rin. Some anime reference yata. Di ko napigilang mapahagikhik.
"Ikaw naman kasi tinulugan mo si Jaguar. Tapang mo ha, buti di ka nilitson." Patigil-tigil kami sa mga restaurant dito para tumingin kung may bakante pa. Medyo puno kasi Friday at swelday ng mga empleyado.
"Pero seryoso akala ko papatayin niya na ako," namimilog na kuwento pa ni Rin. "Sayang super guwapo niya pero huhubels ang sadista."
"Shhh..." Saway ni Trixie. "Baka mamaya may tracker siya or pinapanood niya tayo sa CCTV!" Mukhang natauhan si Rin at napasulyap sa paligid.
"Weh? Di nga? Kaya niya 'yon?!" Nanlaki pa yung mga mata niya.
"You wouldn't believe what that man is capable of," narinig kong sabi ni Rika. Siya yung parang Team Leader namin dahil siya ang pinaka-senior na agent. Mas matanda pa nga siya kay Jaguar. Actually kaedad lang namin ni Trixie si Jaguar pero yung aura niya... waah, nakakapanglambot ng mush-mush legs ko.
"Ano ba kakain ba tayoooo?" Halos mag-tantrums na si Rin na dinantayan si Fache. "Di ka ba napagod kanina, Yhona?" Naka-pout na siya at umiika na. Ikaw ba naman mag-circuit after mag-exam buong araw.
"A bit." Sinulyapan ko ang demure na sniper. Jusmiyo ang cuuute ng accent niya. Nalaman namin na french pala siya. Grabe. United colors ang mga agents sa HQ. Kami lang ni Trixie ang half-Filipino. Ako ay half-American, samantalang si Trixie or Phoebe Bellatrix Luna naman ay half- Spanish. Si Red at Yelle ay Germans, si Rika ay Japanese, Si Edge ay American, at Si Shan naman ay Colombian. Si Jem naman ay may dugong Romanian at Brazilian.
Sa sobrang puno ng mga resto ay sa al fresco na kami nakaupo.
"Hay salamat!" Pasalampak na umupo si Rin. Dumating naman agad yung waiter.
"Good evening ladies, I am Emil and I will be your server tonight." Sabay abot ng mga kopya ng menu. Puro Italian dishes.
"May Nutella crepe!" Trixie gushed at nakita kong kumislap ang mata ng lahat ng agents. Oh my... di nga ako nagkamali at lahat ay umorder nito, kasabay na rin ng halos lahat ng pagkain sa menu. Aba, nakakagutom yata mag-training.
Matapos kumain ay biglang may cake na dinala ang waiter, compliments daw from the chef. Nagkatawanan pa kami at lumingon sa may pinto kung saan nakatayo yung head chef daw.
Paglingon niya ay parang may dumaang anghel sa katahimikan.
Shet. Mukhang mapapadalas ang kain namin dito.
"Whoa..." Napalingon ako kay Trixie na nakasubo yung tinidor habang nakatitig sa chef. Haha... mukhang may tinamaang kabute.
Hmmm... my mush-mush senses are tingling. I-check ko nga itong head chef ng Pisces at baka chance na ito para maka-move-on ang isang kabute!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro