Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

CASSIDY

Nagising ako ng may naamoy akong mabango. Dali dali akong nag inat at bumangon. Pumunta ako sa banyo para mag mumug at maghilamos. Nang matapos ay bumaba na ako.

Agad akong dumiretso sa dining area kung saan napansin ko ang mga nakahain ng almusal.

"Good morning mahal" saad ni Wind na naka apron habang nakahawak ng sandok.

"Morning" tanging sambit ko lang. Wala ako sa mood ngayon kaya tinatamad akong kumain ang kaso.

Biglang tumunog ang alarm clock sa tiyan ko kaya nahimas ko ito. Badtrip na tiyan to oh. Gusto kong magdrama eh.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay umupo nalang ako sa harap ng lamesa. Siya naman ay lumapit para asikasuhin ako. Akmang maglalagay na siya ng kanin sa plato ko ng pigilan ko siya.

"Ako na, may mga kamay ako. At isa pa hindi ako bata para paghainan mo pa." Walang emosyong saad ko. Nakita ko namang natigilan siya.

Huwag ako Wind, hindi ako marupok. Bahala ka diyan. Manigas ka.

"M-mahal, sorry pala kahapon ha. H-hindi kasi ako maka tanggi eh. M-may reporters kasi."nauutal at malungkot niyang saad.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain. Naiinis ako, hindi nagagalit ako. Hindi dahil sa hindi kami nakalabas kagabe. Kundi dahil sa mga pesting dahilan niya. Palagi nalang Camera, Reporters, Media at Manager iyan ang palaging laman ng mga rasun niya.

Kunti lang ang kinain ko. Ayokong makita ang pagmumukha niya ngayon. Galit ako sa kanya. Ano ba kasi ang meron ang pest*ng Amora na iyan.

Umakyat na ako sa taas at pumasok ng kwarto. Balak kong gumala. Ayoko mag mukmok dito tutal free naman akong gumala. Hindi tulad niya na kailangang may bodyguards na kasama, kung wala man ay kailangang mag disguise. Kagaya nalang kapag lumalabas kami noon. Need niya pang mag disguise para walang makakilala sa kanya at para iwas na rin issue. Puk*ngnang issue na iyan. Samantalang ako? Haha. Kaya kung gumala kahit kailan ko gusto.

Naisip kong magmukbang sa isang korean restaurant kaya kinuha ko na ang cellphone ko at nagpa book sa isang kilalang kor-resto. Pagkatapos kong magpa book ay naligo na ako.

After 12345 hours ay tapos na rin ako. Simple lang ang isinuot ko. Inayos ko rin ang mga gagamitin ko para mamaya. Nang matapos na akong mag ayos ay pumasok si Wind sa kwarto.

"Aalis ka mahal?" May lungkot sa tono ng pananalita niya.

"Yeah, may pupuntahan lang ako" sambit ko.

"Gusto mo samahan kita? Day off ko ngayon." Saad niya.

"Huwag na, mas mabuting magpahinga ka nalang. Pagod ka diba, pagod kang iDATE si AMORA" saad ko na may diin sa dalawang salitang binigkas ko.

Nagseselos ako. Oo aaminin ko. Nakatulog nalang ako sa kaka overthink kagabe. Idagdag niyo pa ang sinabi ng dalawang babaeng nakasabay ko sa elevator.

"Mahal naman eh, sorry na kasi. Hindi ko naman ginusto yung kahapon eh. And please mahal. Huwag mong iisipin na hindi kita mahal. Kasi mahal na mahal kita, I am doing this para rin sa atin. Para sa future natin." Paliwanag niya.

"Future natin? Kasama pa pala ako? Hahaha kasi parang wala na rin naman na ako sa iyo Winiever eh". Saad ko na sinabi ang first name niya.

Sa sinabi kong iyon ay napaluha siya. Dahil tinatawag ko siya gamit ang first name niya kapag galit ako.

"Mahal huwag naman ganyan. Pangako babawi ako sayo" saad niya habang niyayakap ako mula sa likod.

"Promises are made to be broken. And you always break your promises Winiever" sambit ko at kinuha na ang mga gamit ko bago siya talikuran ay nagsalita pa ako. "Huwag mo na akong hintayin sa lunch. Sa lalabas nalang ako kakain." Saad ko at lumabas na ng kwarto.

Nagpa book ako ng uber. Sa totoo lang wala akong kotse. Kasi ayaw niyang magka kotse ako. Dati naman kasi noong hindi pa siya sikat ay hatid sundo niya ako sa kung saan ko gustong pumunta. Pero ngayon? Minsan si Stella na ang gumagawa nun.

Pagkarating ko sa resto ay sinalubong agad ako ng isang staff.

"Mornakz bakz. Sino kasama mo?" Saad ni Maezy, si Maezy ay isa sa ka close kong staffs dito. Actually lahat naman ng staffs ay ka close ko eh.

"Morning, ako lang. Nagpa book na ako kanina dito. Balak ko mag mukbang eh" saad ko.

"Ay?? Ginugutom ka na ba bakla?" Tanong niya.

"Gag*, trip ko lang. And para naman may content ako sa vlog ko ngayong araw. Wala na akong maisip eh" saad ko.

"Ayy ganern? Hahaha. Lusot ha, oh siya sige pumunta kana dun sa table mo. And sasabihan ko nalang ang ibang staffs na tulungan kang mag set up." Saad ni bakla.

Hindi ko na siya sinagot sa halip ay pumunta na ako sa table na ipina reserve ko.

Samu't saring korean food ang nasa harap ko. Tinulungan na rin ako ng mga staffs na mag set up. Maya maya pa ay nag umpisa na ako.

Ilang oras din ng matapos ang pag mumukbang ko. Nabusog ako sa totoo lang. And besides masaya na rin kasi may panibagong video na naman ako sa vlog ko. Nabawasan rin ng kaunti ang galit ko. Well, food is life ako eh. Di nga lang tumataba hehehe.

After kong maayos na ang mukha kong puro sauce hehehe. Ay nagbayad na ako at nagpa alam. Naka discount pa nga eh. Kasi daw fineature ko yung resto nila. Well isa yan sa mga bagay na magandang nangyayari sa mga vloggers hehe.

6pm na ng naisipan kong umuwi. Kung itatanong niyo kung saan ako nagpunta? Sa mall, sa park at kahit saan lang. I also take photos of some views since hilig ko rin ang photography.

Pagkapasok ko sa unit ay napanganga ako.

Punong puno ng balloons ang sala namin. Mayroon pang Minnie Mouse na stand sa harapan.

Napaluha naman ako ng lumapit sa akin si Wind dala ang sunflower na paboritong bulaklak ko.

"Mahal, flowers for you" lahad niya sa akin ng bulaklak at hinalikan ang noo ko. "Kung hindi kita ma date sa labas dahil ayaw mo. Edi dito nalang tayo sa bahay" nakangiting saad niya.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago magsalita. "I love you" tanging saad ko at niyakap siya.

"I love you too and I also prepared a dinner for us. Alam kong nag mukbang kana kasi nakita ko sa vlog mo. Pero care to eat a dinner with me?" Saad niya kaya napangiti ako.



"Oo naman. Ikaw pa. Sorry kung nagalit ako ha. Nainis lang kasi ako eh" mahinang saad ko.

"Sorry din mahal ha, so shall we?" Saad niya at inilahad pa sa akin ang kamay niya. Inabot ko naman ito. Iginiya niya ako paupo sa upuan namin.

A/N:HINDI KO NA NILAPAG YUNG SA MUKBANG PART. FAMILIAR NA RIN NAMAN KAYO DOON EH. HEHE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro