Chapter 6: School ID
"Susmariosep, kung kaylan 2nd quarter na tska lang ipinamigay yung ID natin." pagrereklamo ni Emma nang matanggap niya na ang ID niya, "Oo nga pala no, mageexam na, tas pagkatapos ng exam intrams na."
"Ayy oo nga pala! Bilis ng panahon!" sagot ko.
"ID mo asan?" tanong ni Emma.
"Absent ako kahapon diba? Kaya eto di pa nabigay sakin kanina ni Ms. Marquinez."
"Ay oo nga pala no. Bat kaba absent?"
"Well, as usual, nalate nang gising."
"Hayyyy." huling sagot ni Emma.
---------------
"Ms. Luna, sino po kagrupo ni Emma sa experiment?" tanong ni Emma sa science teacher naming si Ms. Luna.
"Hmmm," sagot ni Ms. Luna, "Ikaw nalang. Sino ba iba mo pang kagrupo?"
"Yes!!! Ahm, si Tristan po tska si Kiefer." sagot ni Emma
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Si Tristan? Seryoso?
Okay I admit, medyo awkward ako sa mga kilos na pinapakita niya sa akin.
"Osigesige kayong apat nalang." sagot naman ni Ms. Luna
Lalo pa nang laki ang mga mata ko ng pumayag siya. "Jusko" pabulong kong sinabi sa sarili ko.
"Salamat po Ms. Luna" ani Emma.
"Thank you po!" pahabol ko.
"Emma ano nga next subject pagkatapos ng science?" pagtatanong ko kay Emma
"Ahh, ICL"
ICL kung saan wala kaming ginagawa, free time kung baga. Pwede mo gawin HW's mo or projects, o pwede ka din matulog.
In my case, pinili ko nalang matulog. Since wala naman akong ibang gagawin. At gigisingin naman ako ni Emma pag andyan nba teacher para sa next subject namin.
---------------
Hindi na ako nagulat ng may humaplos sa likod ko para gisingin ako.
I knew it was Emma.
"Ava, gising na." patuloy parin ang pag hahaplos niya.
Nang nagising na ako at nalamang...
"Oh, Tristan, asan si Emma?"
"Ahh, nag paalam na magCR. Pinabilin nalang na gisingin nalang kita kapag andyan na si Sir. Santos." nakangiti niyang sagot
Napatahimik ako nang sandali at tumango nalang dahil iba talaga siya tumingin sa akin, iba siya ngumiti, at iba niya ako turingin.
That's why awkward ako kapag kasama siya.
Science time...
Science time... siya nga pala katabi ko tuwing science time.
Haaaaaaaaay
Science time, subject din kung san madalas ako nakakatulog dahil sa boring at sa antok. Subject kung san madalas din niya akong ginigising.
Di ko namalayang nakatulog nanaman ako, nahulog pa ballpen ko kaya gising ang diwa ko nang kunin ko yung ballpen ko, nagkasabay pa kami ni Tristan. Nagkadaplis pa kamay namin.
"Oh, sorry, i taught kasi di mo kukunin kaya ako na sana kukuha kasi antok na antok ka." sabi ni Tristan.
Ilang beses kumurap ang mata ko kung totoo ba to o nananaginip lang ako. "Ahh, s-salamat."
"Antukin na Ava," natawa siya "Oh by the way, sakin pala pinabilin ni Ms. Marquinez yung ID mo. Bigay ko daw sayo as soon as makapasok ka na, and here you are." kinuha niya 'yong ID ko sa bag niya at saka binigay sakin nang may kasamang ngiti.
Napangiti nalang ako at nagpasalamat.
"Uhm, Ava?" panimula ni Tristan nang mailagay ko na ang aking ID sa uniform ko.
Napatingin ako sakanya at tinaasan siya ng dalawang kilay.
"You look so beautiful..."
"Huh? Filter lang yan." natawa ako sa sinabe niya
"No, not just in your ID. But the way who you are, Ava."
PUSHANG GALA!!! SOBRANG AWKWARD!!!
"Uyy nakikinig paba kayo?" ani Emma, siya yung nasa likod namin ni Tristan, katabi niya si Kiefer.
"Ahh, s-syempre." sagot ko at napatingin kay Emma sa likod at humarap na ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro