Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Bahay

Hindi ko parin lubos maisip na siya yung lalaking pagkapasok na pagkapasok ko palang ng silid namin nung unang araw ng klase ay nakatingin siya sakin na tila ba may gustong ipahiwatig. 

"Una na ako. Babye!" sabi ni Emma habang napatigil ako sa paglalakad at napatingin sakanyang papasok na ng gate nila. Kinawayan ko nalang din siya.

----------

"Oh ano nanaman problema Ava? Lalim nanaman ng iniisip mo..." pag uulit niya, "Huyyyy!" sabay tinapik ko ng medyo malakas sa braso.

Napatingin ako sakanya, "Aray ko naman ate Iris!" sabay irap.

"Eh bat ba kasi nakatulala ka nanaman." aniya

Nasa kwarto kasi kami ngayon, nag babasa ako ng libro kani-kanina lang, pero di ko namalayang sa iba na pala ako naka tingin at hindi sa libro ko. Oopsss, hindi libro sa school ah? English novel na libro ang hilig ko basahin, o kaya mga wattpad books. Double deck ang higaan namin ni ate, siya sa taas nito at ako sa baba. Kaya di na ako magtatakang biglaan nalang siyang titingin sa baba para silipin ako. Si ate Iris mas matanda sakin ng apat na taon.

"Ah, eh wala, dun kana nga!" pag tataboy ko kay ate Iris.

"Hay naku Ava, ako pa pepeke-in mo, kilalang kilala yata kita." 

Tuwing may problema kasi ako, lagi akong tulala, kilalang kilala nga ako ng bruhang 'to. 

"Osiya osiya..." sagot ko.

Kinuwento ko sakanya ang tungkol sa impression ko kay Tristan. 

Wala rin siyang nasabi kasi wala rin naman siyang maipapayo. 

NBSB kasi kami pareho. 

Mapili din kasi  kami sa lalaki... at medyo choosy. Okay, admitted naman kami. 

"Ava..." pagkukumento ni ate Iris, "Di ka naman mag woworried ng ganyan kung wala kang pake sakanya ediba..." 'di ko na siya pinatuloy pang patapos at nagsalita narin ako agad.

"Ate, wala akong gusto sakanya. Okay? Okay aminin ko perfect siya, medyo ideal... Okay, ideal boyfriend siya kung titignan. Matipuno, gwapo, matangkad, maputi at matalino. May kaya din. Pero imposibleng wala siyang syota sa kasalukuyan diba?" 

"Hmmm, ikaw den..." pangangasar niya.

"Ate naman!"

"Eto nalang, kapag tinabihan ka niya or kinausap or kahit anong kilos na nag papatunay na parang nang lalandi..."

"Ate di ako nag papalandi kilala mo ako!" 

"Patapusin mo muna kasi ako girl!" pag papatuloy ni ate Iris, "So yun, bigla mo siyang prangkahin, sabihin mo na baka may magseselos, o magagalit. Di ka naman mahahalata nun, mapapaisip pa nga yun na careful ka kasi 'baka' nga meron."

"Sabagay..." maikli kong sagot.

Agad kaming napatingin sa pintuan ng mapansin may kumakantok. 

Si Papa pala. "Baba na daw kayo sabi ng Mama niyo, kain na tayo." pagaalok ni Papa. 

Nagkatinginan nalang kami ni ate Iris kasi hanggang ngayo'y naka silip parin siya sa baba mula sa hinihigaan ko.

Agad narin kaming kumilos at para bumaba at maka-kain na. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro