Chapter 2: Emma's background story
Si Emma kasi di mo aakalaing anak ng mayaman yan. Divorce nga mama at papa niyan eh. Infairness ah mahal magpadivorce. Mataas din standards niya sa lalaki katulad ko, gayon pa man ay may experience din siya sa papa niya. Ideal guy rin naman kasi papa niya, kaya di na ko magtatakang nagustuhan siya ng mama ni Emma. Matangkad, singkit, mestizo, matalino, at mayaman.
Naghiwalay si Tita Emily at Tito Jack kasi di kinaya ng LDR. (Long distance relationship)
Napa isip tuloy ako, pano kaya kung kinakaylangan din umibang bansa ng magiging asawa ko para magtrabaho? May iba naman sigurong oppurtunities dito sa pinas na di na niya kinakaylangang umibang bansa, diba? Pero ako, panigurado, kakayanin ko ang LDR. Aantayin ko ang ilang buwan bago uli makauwi at makabalik asawa ko sakin. At gusto ko yung magiging first boyfriend ko, yun narin yung last. Yung papakasalan ako. Yung aantayin ako sa altar, yung titignan ako habang lumalakad ako sa aisle... ah bastaaaaaa, nakakakilig isipin.
Pero ang kwento sakin ni Emma, na kinwento sakanya ni Tita Emily ay si Tito Jack daw yung di kinaya LDR. At di mo aakalaing may minahal narin na ibang babae si Tito Jack sa ibang bansa.
Ay nako, kaya di na ko magtatakang madrama sa buhay tong si Emma eh.
Pero sinusustentuhan pa naman siya ni Tito Jack, kahit pa divorce na sila ni Tita Emily.
May sumubok din manligaw kay Emma nung 3rd year high school kami, which is last year. Isang lalaking galing sa ibang bansa, na tila ba nakikita niya sa lalaking ito ang ama niyang si Tito Jack.
Matangkad, singkit, mestizo, at mayaman din. Yun nga lang di katalinuhan. Makikita mo talaga sakanya si Tito Jack na para bang pina-younger version ng papa ni Emma.
Nagustuhan din naman ni Emma si Carl. Pero lagi nalang siya nag aalanganin. Lagi niya ko tinatanong kung bagay daw ba sila, at kung magagawa bang magantay ni Carl para makapagisip isip si Emma.
Syempre, magkaboyfriend ka ba naman ng mayaman at galing sa ibang bansa diba? Di narin kataka-takang pinag chichismisan si Emma na pera lang habol niya kay Carl. Dahil rin sa chismis na 'to kaya pinatigil na niya si Carl sa panliligaw. Tumigil naman si Carl.
Makakahanap din naman daw kasi ng ibang babae yan si Carl na mas mataas standards kaysa sakanya, eventually.
Ako talaga lagi nilalapitan ni Emma tuwing may problem siya, sino pa ba diba? (hehe)
Kaya sobrang dami ko naring alam sa buhay niya. Nagkekwento din naman ako sakaniya, pero di palagi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro