Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Jeep

"Hoy ako dyaaaaan!!" Sigaw ko nang agawan ako ng puwesto ng dalawang magkasintahang di kalayuan sa edad na bente anyos.

Subalit di na nila ako pinansin pa.

"Jusko, pati ba naman sa upuan aagawan ako? Lagi nalang ba? Nakooo, makahanap nalang nga ng ibang jeep na masasakyan papuntang eskwelahan." Bulong ko sa sarili ko, agad namang sumagot si Emma.

Si Emma ang best friend ko since grade 5 kami. Transferee siya, nung una di rin agad kami nagkasundo. Nagaway pa kami bago kami maging magkaibigan. So far going strong ang friendship namin.

"Ay nako mag bebreak din yang dalawang yan! Tska teka nga, aga aga eh nagdadrama ka dyan?" Aniya ni Emma.

"Eh ikaw nga aga aga ang bitter mo. Kala mo naman talaga may experience kana" sagot ko naman.

Natawa nalang kami parehas, sa tagal na naming magkaibigan hindi na bigdeal o nakakaoffend samin yung magasaran ng ganyan.

"Quiapo, quiapo!!" Sigaw ng isang manong driver ng jeep.

Sa di katagalan, sumakay narin kami ni Emma dahil baka malate kami sa klase. Mahirap na, first day pa naman.

Agad kong binaba ang earphones na nakalagay sa tenga ko ng kalabitin ako ni Emma. Jusko, alam ko na. Magdadrama nanaman to.

"Ava, kaylan kaya ako makaka hanap ng guy na perfect sa ugali ko? Na perfect sakin."

"Emma, di hinahanap yan. Kusang narating yan. Teka nga, ikaw yata tong nagdadrama?" Aniya ko.

"Hindi. Kasi alam mo yung bigla kana lang mapapaisip nang ganung bagay." Sagot naman ni Emma.

Napakibit palikat nalang ako.

Pero oo nga naman, ako kaya, kaylan din ako makakahanap ng guy na mag-fifit-in din sa ugali ko no.

Ay nako, bat ko ba iniisip yan? Sa pwesto o posisyon nga lang lagi ako na aagawan eh. Sa lalaki pa kaya? At isa pa, mataas standards ko sa lalaki.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro