Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

'Wag ako...

"Wag ako..."

Mahal, bakit ganito?
Minahal kita ng buong buo,
Pero bakit mo ako niloko,
At ipinagpalit sa ibang tao.
Mahal wag ako,
Sinabi mong wala lang siya sayo,
Pero bakit ganoon kayo?
Ganoon kayo magturingang dalawa,
Turingang di na iniintindi ang iba.
Ang sakit lang isipin na dati ay akin ka,
Ngayon ay kapiling ka na ng iba.
Sino ba ang magtataka?
Kung ang isang manlolokong katulad mo ay makahanap ng iba,
Wag ako, parang awa mo na,
Lokohin mo sila wag ako, kung dun ka masaya.
Please lang wag ako,
Kasi kahit anong gawin mo, parang ayoko na isuko ang puso ko sayo.
Wag ako, sa daming iba diyan wag ako,
Wag ako kasi ayokong masaktan ka sa mga sasabihin ko sayo,
Wag ako, nagmamakaawa ako.
Wag ako,
Mahal na mahal naman kita nung una,
Pero anong ginawa mo?
Sinayang at sinayang mo lang ulit ito.
Maraming pagkakataon akong ibinigay sayo,
Pero ano?
Hindi ka pa rin nakuntento,
At naghanap ka pa rin ng ibang maloloko.
Wag ako,
Wag ako, kasi sawang sawa na ako sayo,
Wag ako, kasi sobrang sawa na ako sa mga panloloko mo,
Parang awa mo na, wag ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro