Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pag-ibig na hindi pinaglaban

"Pag-ibig na hindi pinaglaban"
Dedicated to: Mushmiraxx

Akala ko,
Sapat ang pagmamahal natin para maipaglaban mo ako.
Akala ko,
Hindi ka susuko.

Ngunit puro akala lang pala—
Nagising akong wala ka na,
Iniwan mo akong luhaan,
Iniwan mo akong walang laban.

Parang isang nobela,
Nobelang pantasya.
Ako ang kawal na handang gawin lahat para sa 'yo,
Pero ikaw yung bait-baitang namumuno,
Na mangununa pa sa una,
Pero sa dulo ay tatakbo at iiwan ang iba.

Pag-iibigan na kuntento sa simula,
Masayang nagsasama,
Ngunit sisirain ng maliit na problema,
At iiwan ka na lang mag-isa.

Pag-ibig na winakasan,
Iniwan ng hindi ipinaglaban.
Ako na luhaan,
Na walang magawa kundi tanggapin ang kinahantungan.

Napatanong ako,
Mahal mo ba talaga ako?
Kung oo,
Bakit bigla ka na lang sumuko,
Nang hindi man lang lumalaban?
Napapaisip tuloy ako,
Kung ako ba'y lumaban ay nandirito ka pa rin,
O ikaw na mismo ang aalis dahil ayaw mo na sa akin.

Ako na lang ang lumalaban,
Sa pag-iibigan,
Na sa huli ay wala rin kinahantungan,
Dahil sa iyong paglisan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro