Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Online Class

"Online Class"

Pag-aaral ngayong panahon ng pandemya,
Madali sa iba,
Mahirap sa karamihan,
Ngunit patuloy na nagsisikap para may ipagmalaki kinabukasan.

Online class ang naisip na suliranin ng ating gobyerno,
Na hindi man lang inisip ang ibang tao,
Taong naghihirap na noon,
Na mas lalong maghihirap ngayon.

"Kabataan ang pag-asa ng bayan."
Pag-aaral ang kasangga ng kabataan.

Ngunit paano ito?
Matututo nga ba tayo?
Sa panahon ngayon, masasabi nating mahirap,
Mahirap dahil sa pandemyang kinakaharap.

Online class nga ba ang ating kakailanganin?
O pag-aaral ng walang iniisip na gastusin?

Hindi natin mapipilit ang mga magulang natin na tustusan ang pag-aaral sa gitna ng pandemya,
Kung gugustuhin mo talagang mag-aral ng walong pera,
Ay matuto kang magbasa mag-isa,
At matuto kang mag-aral ng wala sila.

Online class ay hindi solusyon,
Kundi dagdag lang sa ating iisipin,
Wala tayong magagawa sa panahon,
Kaya mag-isip na lang ng sagot sa mga suliranin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro