Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Nagsisimula pa lang tayo...

"Nagsisumula pa lang tayo pero bakit tinapos mo agad"

Mahal, nagsisimula pa lang tayo,
Pero bigla ka agad sumuko.
Hindi mo ba kayang maging tayo?
Kasi ako, oo kaya ko.
Bakit bigla mo na lang tinapos?
Puso'y biglang naupos.
Dahil sa katagang iyong binitawan,
Na mismo sa aking harapan.
'Di mo alam na ako'y lubos na nasasaktan,
Sa iyong kagagawan.
Mahal, wala ba talaga?
Wala ba talaga o mayroon lang iba?
Ayun na e, kaso tinapos mo,
Masaya dapat ako, tayo,
Pero umpisa pa lang talaga,
Wala na.
Nagsisimula pa lang tayo,
Pero agad tinapos mo.
Wala ka bang nararamdaman kahit konti man lang,
Konti na kaya kong panghawakan.
Pero tapos na pala,
At wala akong karapatan humingi ng iba pa.
Tapos na pala,
Kasi tinapos mo na pala.
Ang saya,
Ang saya saya,
Pero bigla itong naglaho,
Dahil sayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro