Ihip ng Hangin
"Ihip ng hangin"
Dedicated to elysha_jane
Isang ihip ng hangin,
Ang nagpapikit sa akin.
Pagdilat muli ay ikaw ang nakita,
Tila ikaw pa ay natatawa.
Ika'y nasa harapan ko na,
Nais mong magpakilala,
Hindi ko iyon ipinagdamot,
Kamay ko na ako mismo ang nag-abot.
Parang isang hangin na bigla na lang dumating
Hindi ko naman ito hiniling.
Masaya tayong magkasama,
Habang gumagawa ng mga ala-ala,
Na babaunin natin hanggang dulo,
At wala ng makakapantay nito.
Pero ang susunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan,
Bigla na lang naglaho ang lahat,
Na parang hindi ako naging sapat,
Dahil nawala ang pagmamahalan.
Isang ihip ng hangin,
Ako ay napuwing,
Kinusot ito,
Pagdilat ko,
Nakita kita,
May kasamang iba,
Masaya kayo,
Habang wasak ako.
Tumulo ang mga luha,
Inalala ang mga ala-ala
Na hindi mawala,
Dahil sa isang ihip ng hangin na dumadampi sa balat,
Bumabalik ulit ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro