Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AKIN KA

"Akin ka"

Sisimulan ko sa umpisa,
Kung paano tayo nagkita,
At naging masaya,
Sa piling ng isa't isa.

Masaya, ganyan tayo,
Ganyan ang paglalarawan ko
Masaya na hindi na natin iniisip ang iba tao,
Kasi ang mahalaga ay tayo.

May mga pagsubok mang dumating,
Maraming salamat at nandito ka pa rin sa aking piling.
Sabay nating nilalabanan,
Ang mga unos na dumarating sa ating pagmamahalan.

Salamat mahal, kasi akin ka,
Sana'y hanggang huli ay maging akin ka.
Akin ka, akin ka mahal,
Tandaan mo 'yan palagi mahal.

Akin ka at sana ay wala kang mahanap na iba,
Kasi akin ka lang at dapat akin ka.
Mahal, mahal ikaw lang ang mamahalin,
Sana'y ganun ka rin sa'kin.

Walang bibitaw,
Hanggang sa muling pagsikat ng araw,
Tayong dalawa hanggang sa huli,
Wag ka sanang magsisisi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro