9
Nagising ako sa alarm ng aking desk clock. Sabado ngayon at pasado alas sais pa lamang. I took a bath and get on my jogging attire. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkakaayos ni Ten. I tried to text him pero hindi sya nagrereply. Hindi rin sya sumasagot sa mga tawag ko at isang beses pa nga ay pinatayan pa ako ng phone. I told him na sabihin nya sakin kapag ayaw nya na. Hindi yung ginaganito nya ako. Hindi ko alam kung anong maling nagawa ko. Ang alam ko lang ay gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kanya dahil hindi ako mapakali sa mga kilos nya. Yun lang nothing more nothing less.
Nakatatlong laps na ako dito sa 3 KM na oval kaya tumigil muna ako saglit sa isang bench malapit sa tindahan ng buko juice. Bumili ako ng isang basong buko habang nagpapahinga. I checked my phone at agad na pumunta sa messenger. Tinignan ko ang mga message na sinend ko sa kanya mula pa nung isang gabi. Padalawang araw na naming hindi nag-uusap ngayon. And to be honest, I hate it. I hate it kasi hindi ko deserve to. I hate it kasi ayoko sa lahat naghihintay. I hate it kasi miss na miss ko na sya.
Sineen nya lang ang lahat ng iyon. Napakagat ako ng labi sa inis. Napaka-prideful talaga! Eto na naman ako sa panghahabol sa kanya. Pagod na ako. Simpleng bagay lang pinalaki pa nya. Pruweba lang iyon na may problema talaga sya pero pilit nya iyong itinatanggi sa akin. Tumayo na ako para umuwi. Nakakawalang gana tong mga nangyayari.
Nasa kalahati pa lang ako ng daan papuntang labasan ay nakita ko ang isa sa pinakamalapit na tao sa buhay ko. He's wearing his addidas sando na itim at nakajogging pants sya na gray. He's stretching at halatang tapos na din sya magjogging. It's been a while since naghiwalay kami ni Ten noon. Lumapit ako sa kanya habang nakatalikod pa sya. "T.Y." bati ko dito na nakapagpalingon sa kanya. Halatang nagulat sya sa pagbati ko. Syempre, I can't blame him. Kinalawang na ata ang bibig ko pagdating sa kanya dahil sa nangyari noon. Alam kong nagulat sya dahil sa kinatagal tagal na panahon, ngayon ko lang ulit sya nakausap. "Uy... P-Pia.. Sino kasama mo?" tanong nya at tumulo ang pawis mula sa kanyang noo.
"Wala. Ako lang.." biglang naging awkward ang lahat. Napayuko na lang ako sabay ngiti. "Ah.. Pia, mauna na ako ah?May pinapatapos pa sakin si Dad eh." sabi nya at parang naiilang pa din sa sitwasyon. I wanna talk to him seriously. It's been a long time since our last talk. "Ah ganun ba? Sige. Ingat ka ah?" sagot ko. "Sige, ikaw din." then he left.
I can really feel that there is a huge wall between us. Simula nung araw na iyon dito. Simula nung iniwasan ko sya para lang kay Ten pero wala naman akong napala. ugh, why am I still dwell on the past? Ang importante ay iyong ngayon. I wanna make things clear to him. After all ay magkababata kaming dalawa. I walked towards the gate at dumiretso ng umuwi. I brought our family car para naman hindi na ako hassle magcommute. Hello, pawisan ako at nakakahiyang magcommute na ganito hitsura ko.
Pagkadating ko sa parking lot ay halos madapa ako sa gulat. Ten was there! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I met his serious face at parang galit sya sa akin. Ano na naman? Ako na naman may mali? Ano na naman kaya nagawa ko? "Ten.." I called. Tinignan nya muna ako at saka lumingon sa kung saan. He let out an evil smirk. Tinignan ko ang dakong nilingunan nya. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ng makita ko sa di kalayuan si Taeyong na ngayon ay binubuksan ang kotse nya. He even glanced at me and smile. Hindi ko alam kung nakita ba iyon ni Ten pero pagbalik ko sa direksyon nya ay feeling ko nalunok ko ang puso ko sa sobrang gulat. We're 2 inches away from each other now. "Wow, did you guys jogged together? How sweet. We never did that shit." nagharumentado ang puso ko. Hindi ko alam kung sa galit ba o sa kaba dahil alam kong napipikon sya sa nakita.
"You're dead wrong, Ten. Kung ano man yang iniisip mo, cut it out. Dahil walang ganon at alam mo yan." dipensa ko dahil ngayon ay parang uhaw sya sa paliwanag ko. Uhaw sya sa katotohanan at alam kong naglalaban na naman ang mga tanong at conclusion sa isip nya. But those conclusions are wrong. We never jogged together and I'm telling the truth. God knows what happened. "Do you really think na iniisip kong nagjog kayo? Hinuhuli lang kita." then he smiled at me widely. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi "hinuhuli" nya daw ako o dahil ramdam kong makikipagbati na sya sakin. I stared at him at halong inis at tuwa ang nararamdaman ko. I can even see the formation of liquid right into my eyes.
"I know you won't do that. I trust you with all my heart, Pia." niyakap nya ako ng mahigpit. Hindi ko magawang magwala. Hindi ko magawang magalit dahil sa paghihintay ko sa kanya nung mga nakaraang araw. I was so frustrated that time pero ngayong nandito na sya and I'm feeling his chest against mine, parang natunaw ang lahat. I really love this moment. Yung yayakapin na lang nya ako bigla tapos paparamdam nya sa akin na mahalaga ako sa kanya. This is what I love about him.
Hinampas ko ang dibdib nya. "You didn't answer my calls tapos sineseen mo lang chat ko. Pinatayan mo pa ako one time! Ano ba talagang problema mo?" sabi ko at hindi napigilang humikbi sa sitwasyon. Umagos na ang luha ko. I know his shirt is wet now but I don't care. Gusto kong iparating sa kanya na nakakabwisit sya. Pinaghintay nya ako ng matagal. "I'm sorry for cutting you out. I just don't know. Baliw na ata ako baby. I'm sorry. I'm so sorry. Paranoid ako this past few days." kumawala sya sa yakap at tinignan ako. He gave me a worried look. "I'm so so sorry, baby." he kissed my forehead. "Okay tayo diba? You won't break up with me?" sinapak ko na. "Balak ko na nga eh. Gago ka kasi." sabi ko at di mapigilang matawa sa sinabi ko. He cuffed my face with his two hands at pinagdikit nya ang noo naming dalawa. "I love you, okay?" sabi nya at tumango tango naman ako. "I love you too." hinawakan ko ang kamay nyang nasa aking pisngi. He moved an inch at nagtagpo ang aming mga labi. He kissed me passionately. Ako ang unang bumitaw then he looked at me with a smile on his face.
"Halika, kain tayo. Gutom na ako." yaya ko at lumakad paalis ng kotse ko. May mga kainan kasi dito ng almusal at doon ko balak kumain. Nakakamiss yung sinigang. Hawak ko ang kamay nya pero napatigil ako sa paglakad ng makita kong nakatigil pa din sya doon habang hawak ako. Kumunot ang noo ko. "Hoy, bakit?" lumapit sya sa akin at niyakap ako ulit. Nasa batok ko ang isang kamay nya. "Pwede bang ikaw nalang kainin ko?" natulak ko sya at nagpang-abot ng pula ang aking mukha. He's laughing so damn hard right now. "Umayos ka nga!" lumapit sya sakin pero hinampas ko ulit sya natawa na naman sya. "Hindi na! Hindi na! Joke lang!" umakbay sya sa akin at saka kami naglakad papunta sa isang pwesto na nagtitinda ng sinigang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro