Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8

"Everyone's really excited." ngumuso si Hazel sa tabi ko. I stared at her. Ayan na naman sya sa pagtatatrum nya. Hindi kasi kami kasama sa fiel trip ng batch namin. Yes, I'm finishing my degree here at kahit transferee ako nakahabol pa naman ako sa school year. Malelate nga lang ako ng isang semester bago grumaduate. "It's okay. Wala naman tayong magagawa eh. At least nandun tayo sa game nila Yuta right?" I smiled. Tumango sya pero bakat parin sa mukha nya ang pagiging malungkot.

It's been a week since that night. And I can say that Ten really changed. Hindi na sya kagaya ng dati na sobrang higpit. He's careful now. At yun nga lang, seloso at overprotective pa din. But I find it really cute. "What are we going to eat? Men, I'm dead hungry." reklamo ni Hazel ng makarating kami sa canteen. "I still don't know." sabay dungaw ko sa menu. I read every dish na nakalagay  doon. "Mushroom soup?" imik ko. Napailing ako. If you didn't know, I hate soups, I don't know. Maybe dahil doon sa isang eksenang nalaglagan sya ng langaw nung ganadong ganado ako kumain one time. Napansin ko din kasing mas attracted yung langaw doon. Which is, eww. hayst!




"Ate Ruby, isang spaghetti na nga lang po. Padagdag ng cheese thank you!" order ko sa kaclose naming staff na si Ate Ruby. Simula palang grade 6 ay sya na ang nakikita kong staff na naghahandle dito sa serving area. She's on her 30's na ngayon. Nung nagsimula pa kasi yan ay bata bata pa sya. Nginitian nya ako sabay abot sa akin ng order ko. "Unli drinks ba?" tanong pa nya habang iniaabot ang tissue. "Opo ate. Ano pong available?" salida ni Hazel. Parehas lang kasi kami ng order. Ang pinagkaiba nga lang may binili pa syang cheesecake. Napakatakaw. "Blue lemonade, Red Tea tsaka Matcha Kiwi." sagot nito. "LEMONADE!!!" sabay naming sigaw ni Hazel na nakaagaw pansin ng mga kalapit naming kumakain. Natawa nalang kaming tatlo.


Pagkatapos umorder ay umupo na kami sa mesa malapit sa inuupuan ng mga varsity. "Saan na naman kaya iyong mga iyon?" imik ni Hazel habang sinusuyod ng tingin ang buong canteen. Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot habang nakatingin sa aking pagkain. "Hindi nagtext saiyo si Ten?" tila napaparanoid nyang tanong. "Hindi." simple kong sagot. Oo nga noh? Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakareceive ng text galing kay Chittaphon. Nasaan na kaya yung lalaking iyon. Dinukot ko sa bulsa ko ang aking cellphone at doon napagtanto kong may tatlo na akong missed calls at dalawang text. I checked the notification bar and find out that it was Ten who's calling. I checked his texts.

"Hindi ako makakasabay ng lunch. May tatapusin akong plate. Eat well, baby. I love you!"

"Where are you?  I'm done."

Agad akong nagtipa ng sagot sa kanyang last text.

"Slr, canteen baby."

"Ayan na pala eh!" untag ni Hazel pagkababa ko ng phone sa lamesa. I met Ten's gaze. "I texted you." he said in a serious tone habang umuupo sa tabi ko. "Sorry. Kakareply ko lang. How's your last class?" sabi ko sabay subo ng spaghetti. Hindi sya sumagot. hindi ko alam kung iniiwasan nya ba yung tanong na iyon o hindi nya narinig. "Spaced out Ten." untag ni Yuta. Napatingin si Ten sa kaibigan na ngayon ay busy ngumuya at pinunasan ang gilid ng labi ni Hazel. "I'm not. Wala lang ako sa mood." sagot naman nya nakapagalarma sakin. "What's the problem?" tanong ko. Tinignan nya muna ako saka isinubo ang natitirang sandwich. "Nothing, I'm just tired. Feeling ko kasi hindi ko nadrawing ng maayos yung floor plan kaya ganito. I'm fine don't worry." I gave him an unsatisfied look. He smiled and kissed me on my forehead. "I'm fine, baby. Sabay tayo umuwi ah?" sabi nito at hinawakan ang kamay kong nasa lap ko. "Okay." huminga ako ng malalim at isinubo ang spaghetti. Then few minutes later, the bell rang. Simula na naman ng bakbakan.








"Nasaan ka?" bungad nya ng sagutin ko ang tawag matapos ng huli kong klase. Calculus is no joke after all. I know I have my math skills sharpened pero hindi ko naisip na mahirap talaga ang math kahit saang anggulo ko tignan. "Room pa pero pababa na ako ng building." sagot ko at naglakad na papuntang corridor. "Dito ako sa may field. I'll wait for you here." sabi niya at pinatay na ang tawag. There's something wrong with him. I'm dead serious.


Nagmadali akong bumaba ng building at tinahak ang landas papuntang field. I saw him sitting under the biggest tree of this school. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ay nalingon na nya ako kaya tumayo na sya. Nakasampay sa kanyang balikat ang kanyang polo at tanging white t-shirt na lang ang suot nya. "Sorry..." bungad ko ng makalapit ako sa kanya. Nginitian nya ako. "It's okay. Tara ice cream tayo?" yaya nito at sunod sunod ang tango ko sa kanya.





Naglakad kami palabas ng gate at dumiretso sa ice cream hub na malapit lamang dito sa aming school. Nananatili syang tahimik mula pa nung naglalakad kaming dalawa. Hindi ko alam pero I can feel that there's a big gap between the two of us. "Humanap ka na ng mauupuan nating dalawa." malamig nyang utos habang naglalalakad sya papuntang counter. Sinunod ko na lang sya at hindi na inintindi pa ang pagkilos nya. Mamaya, tatanungin ko sya kung anong nangyayari sa kanya.





Nang makahanap ako ng pwesto ay agad akong umupo doon. Tinignan ko sya mula sa kinatatayuan ko at lumilingon lingon sya sa paligid. Hinahanap ata ako kaya iwinagayway ko ang aking kamay. Napansin naman nya iyon at lumapit na sya papunta sa akin. "Anong inorder mo?" tanong ko at sinalubong ang kanyang mukhang kanina pang walang ekspresyon. Alam nyo yung nasasakal na ako sa kakaisip kung ano bang nagawa ko at ganito sya kung umasta? Kumuha sya ng tissue doon sa dispencer sa harapan nya at walang gana akong tinignan. "The usual." tipid nyang sagot. Tuluyan ng nawasak ang mga pader na naghihiwalay sa akin at sa mga tanong sa aking isip. Huminga ako ng malalim.





"May problema ba Ten?" tanong ko kaya napatingin sya sa akin. "Wala." walang gana nyang tanong. Bahagya na akong napikon kaya hinuli ko na ang tingin nya. "Kung wala, bakit ganyan ka? Kanina mo pa akong iniisnab. Kanina pa akong lunod dito sa kakaisip kung ano bang ginawa ko sayo maghapon dahil ganyan ka ng ganyan simula nung magkasama tayo kanina. Sabihin mo nga sakin Ten, ano ba talaga ang gusto mo?" hindi ko na napigilang mairita sa kanya. Tiningnan nya muna ang paligid na parang naninigurado bang walang nakarinig sa akin. "Diba sabi ko wala? Bakit ba ang kulit kulit mo? Hindi naman kita iniisnab diba? Kinakausap naman kita! Ano pa bang gusto mong marinig galing sakin?" di ko na mapigilan ding umirap dahil hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi nya o ano. "Gusto kong marinig ang totoong dahilan kung bakit kanina ka pang ganyan. Tapatin mo nga ako, napipilitan ka na lang ba sa relasyong to, ha? Ten?" tinapunan nya ako ng matatalim na tingin at padabog na tinapon sa harapan ko ang nirolyo nyang tissue. "Ano?! Ano pa bang gusto mong gawin ko para mapakita ko sayong seryoso ako? Na gusto ko talagang bumalik tong relasyon na to? Ano pa? Sabihin mo na!" nagulat ako sa bahagyang pagtaas ng kanyang boses. Ten never done this to me before, ngayon lang.





"Alam mo Ten, ewan ko. Ano nga ba? kasi hindi ko na din talaga alam gagawin ko eh. Hindi na." ingit ko at tuluyan ng napayuko. Bakit feeling ko, kahit anong gawin ko, mali ako? Na feeling ko ako talaga ang puno't dulo ng lahat kaya nangyayare samin to ngayon. Feeling ko, napipilitan lang sya dahil naaawa sya sakin nung hinahabol habol ko sya. bakit ako na lang lagi? Gusto ko syang intindihin pero hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin. Nakakapanghina na. Nakakasawa ng kumapa ng kumapa sa relasyong to.





Sandali syang natahimik ng dumating ang inorder namin pero pag-alis ng waitress ay agad din syang tumayo. "Alam mo, kung nahihirapan ka na at patuloy mo lang akong panghihinalaan, itigil na natin to. Tutal kaya mo namang makakuha ng kapalit ko . Umalis ka na lang ulit baka sakaling mas okay pang hindi muna tayo magkausap kesa ganito lagi pinaparamdam mo." untag nya na nakapagpaangat sa akin sa upuan. Sasagot pa sana ako pero agad na syang lumabas ng ice cream hub at tanging ako na lang ang natitira doon at iniisip kung anong nangyare. Iiniwan nya na ba talaga ako? ULIT? Nakipagbreak na ba sya?





Tangina masakit na..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro