Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6


"Sorry." sagot nung lalaki sa akin matapos nya akong masagi. Tinignan ko lang sya saka tinanguan. Tumuloy ako sa paglalakad. Papunta ako sa victory party ng team nila Yuta. Wala akong magagawa, si Yuta na mismo ang nagimbita sa akin. Banta pa nyang hindi na daw ako makakalapit pa kay Hazel pag hindi ako pumunta. Pwe, akala mo naman mapipigilan mo yung babaeng yun na lumapit sa akin.



Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at lumiko sa pinakamalapit na pastry shop. Isang malaking cake ang inorder ko at pinasulatan lang iyon ng 'Congratulations Black Archers!' atsaka lumabas ng shop. Naghintay ako ng taxi papunta kila Yuta. Hindi naman sila gaanong kalayuan doon sa tinitirhan namin kaya wala naman akong angal. Tinigilan ako ng isang taxi at sumakay na sa backseat.


Hindi naman ganoong katagal ang byahe kaya agad akong nakarating sa kanila. "Thank you po.." sabi ko sabay abot ng bayad kay Manong. Maingay na ambiance agad ang sumalubong sa akin sa harapan ng gate. These guys are so loud ever since. Sana naman ay hindi na ganitong kaingay pagdating ng hating gabi dahil tiyak na marereklamo na naman iyong si Yuta. Simpleng t-shirt, ripped jeans at addidas lang ang suot ko. As I step inside their house, malakas na tugtog agad ang sumalubong sa akin. It's just 6:43 pm on my wrist watch pero ganito na agad, what more mamaya?




"Glad you came!" Bungad sa akin ng nakangiting si Yuta. I smiled at him at iniabot ang cake. "Uy, thank you! Nag-abala ka pa. Kumain ka na don!" He guided me papuntang dining area at halos malaglag ang panga ko ng makitang ang daming pagkain at alak na nakakalat sa lamesa. Wow, parang fiesta lang. He handed me a plate at tinanggap ko naman iyon.





What should I eat first? Hmmm. Ang dami kasi kaya hindi ako makapili. Tumusok na lang ako ng liempo at konting spaghetti to stuff myself. Nakatayo pa din si Yuta sa tabi ko kaya nilingon ko na sya. "What?" hilaw kong ngiti. He gave me an evil smirk. Oh, I know what he's thinking. Inirapan ko na agad sya. "Cut it, Nakamoto. I'm not the girl you guys know before." sabi ko at umupo sa pinakamalapit na mesa. Susubo pa lang ako, ay parang kabuteng biglang sumulpot si Hazel. "Bessy!!!" untag nito at niyakap ako. "Buti naman pumunta ka, akala ko kasi hindi eh." nginitian ko lamang sya at tinuloy ng kumain. "Ten's at the pool side." agad ko syang binigyan ng matatalim na tingin. Pwede ba? I'm not in the mood to talk about him and my stupid actions few days ago. All I want is to focus myself on this event para naman hindi ko pagsisihan ang pagpunta ko dito. But there she is, making me feel like I should go home now. Nakuha nya agad ang ibig kong sabihin kaya nag-peace sign sya at nagsorry sa akin.



"Nagdala ka ba ng extrang damit?" basag nya sa katahimikan naming dalawa. It felt a bit awkward nung sinabi nya iyon. Eww, Pia. Why are you acting like you're a bitter bitch? Tinanguan ko lang sya sabay baling sa dumaang sila Hansol at Johnny. Sumaludo lang sa akin si Johnny at tinanguan naman ako ni Hansol. "Bilisan mo kumain, maligo na tayo." Sabi nya saka tumayo palabas ng dining area. Nagkasalubong sila ni Yuta at kitang kita ko kung paano sya hinablot nito at dinala pataas sa kwarto. This two. Mabuti nalang at ako lang ang nakakita.






Nagbihis na ako ng pang swimming. Naka black na may stripes na halter top bikini ako at boy leg. I'm not used to two piece kaya ganito lagi ako. Hindi naman ako patpatin at hindi naman ako bilugan. Kumbaga average lang ang size ng katawan ko. Hindi din ako ganung kaputi. Kaya may confidence naman ako nung lumapit na ako sa pool side. Nakita ko ang nag hilerang mga kaibigan ni Yuta sa higher year at sa ka-year lang namin. Of course  his team mates are there like a gold fish sa pool. Tumabi ako kay Hazel na ngayon ay medyo busangot ang mukha.







"Now, what happened?" sabi ko habang umuupo sa tabi nya. Isinawsaw ko ang paa ko sa tubig at bahagyang nangalagkag sa lamig noon. "Look at him!" sabi nya at inginuso ang kinaroroonan ni Yuta. He's talking with a white chick. Sa pagkakaalam ko ay sya iyong bagong recruit na cheerleader. Maganda sya at sexy din syempre, gymnast. Nakikipagtawanan sya rito at halos idikit na nung babae amg buo nyang katawan sa braso ni Yuta. Her breasts are into his biceps kaya ramdam kong medyo inilalayo ni Yuta ang katawan nya doon. "They're just talking." Sabi ko para naman kumalma sya kahit na alam kong ngayon, parehas kami ng takbo ng utak. "Talking?! Really?! Eh kung idikit nya yung boobs nya kay Yuta, wagas! Tas anlandi landi pa? Talking?!" hinawakan ko sya sa balikat nya. Good thing, malakas ang tugtog at alam kong hindi sya maririnig ng mga tao sa paligid. Pwera na lang kung malapit sila sa amin. "You know what, let's take a dip. Tara?" I told her while smiling. Medyo nagbago naman ang hitsura nya kaya tumayo kaming dalawa para makapunta sa hagdan pababa ng pool. Pero papunta palang kami, parang gusto ko ng umatras. Ten's there. Nakaupo sya sa gilid ng pool katabi ng bakal na hawakan. Nag-uusap sila ni Taeyong at nagtatawanan.





Ano ba Sophia? Wag mo naman pahalatang affected ka! Asan na yung sinasabi mong hindi ka na lilingon pa ulit sa kanya pag uwi mo? Nasaan na? Wake up!





"Pia!" tawag sa akin ni Hazel. Na-space out na pala ako. Napatingin sila Taeyong sa gawi ko ng tawagin ako ni Hazel. Ten's eyes were pinned at my body. Hined to foot nya ako atsaka tumingin sa akin. Inirapan nya ako. Gay! Lumapit ako kay Hazel saka sumabay sa paglakad pababa ng tubig. Nakakaabot pa lang ang tubig sa hita ko ay narinig kong nagyaya lumangoy si Taeyong kay Ten. Narinig ko naman ang pagudyok ng tubig ng tumalon silang dalawa. Water splashed into our faces pero hindi na lang namin inintindi. "Papansin." bulong sa akin ni Hazel habang naglalakad papunta sa gitnang parte ng pool.



Agad akong sumisid ng makarating kami doon. Inabot ko ang sahig atsaka lumangoy pataas. Nagpatagalan pa kaming lumubog ni Hazel sa tubig at sabay din kaming sumisid paminsan minsan. Nang makaramdam kami ng pagod ay umupo na kami sa gilid ng pool. Our feet are still soaked in the water. "Kanina ka pang tinitingnan ni Ten." untag nya sabay tingin sa padaang si Yuta. "Like I care?" bumaling naman sya sakin. "Wow ah? Like you care talaga!" umirap na lang ako at tinignan ang aqua blue na tubig. "Bes, bakit ganito? Feeling ko nag-aksaya lang ako ng panahon sa Canada. Yung pagmumove on ko, nauwi lang sa wala. Kasi hanggang ngayon, sya pa din eh." sabi ko at halos mainis na sa luhang nagbabadyang tumulo. I'm wet, pero hindi sapat yon para itago ang mga luhang gustong kumawala.





"Ganun naman talaga eh. The more kasi na pinipigilan mo, the more na ipo-provoke ka. At isa pa, dahil na rin siguro dun sa... alam mo na."




"Bakit sa kanya ko pa kasi ibinigay?"




"Kasi mahal mo sya. Yun na yon."




"Argh, let's stop this conversation. Lalangoy muna ako saglit. Dyan ka lang." sabi ko sabay talon sa tubig. Gusto kong magpakalunod. Gusto kong mawala bigla. Ayoko na. Kahit kelan talaga ang tanga tanga ko. Hindi na ako nadala. But you can't blame me right? I loved him with my whole heart. Alam ko, nagkamali din ako pero hindi ibig sabihin noon, ay hindi ko na deserve ang second chance. Iniwan nya ako sa ere. I was hurt. I tried to bring our relationship back pero lagi nya akong pinagmumukhang kawawa. That's why I escaped from the situation. I run away from home. Pero pagbalik ko, akala ko wala ng sakit. Wala ng Ten o kahit ano pang konektado sa kanya ang makakapagbagababag pa sa akin. But I was wrong. Kasi hanggang ngayon ay siya pa din. I hate the fact that i'm still into him after all of those times na pinaiyak nya ako at pinahiya. Totoo ngang gagawin ka talagang tanga ng pag-ibig. This is the only fact I hate about falling in love and falling apart cause in the end, you're still in love with the same person who broke you billion times.




Pag angat ko sa tubig ay wala na si Hazel. Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon? Nilingon ko ang paligid. Wala na sila Taeyong at tanging mga random na tao na lang ang naandito. Most of them ay hindi ko kilala. Kaya napagdesisyunan ko nalang na umalis doon. I was walking straight to the garden na malapit sa pinagbihisan ko ng biglang may nagsalita sa gilid. "Kelan ka pa dito?" Nakasandal sya sa dingding habang ang isang paa ay nakadikit din doon. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa magkabila nyang bulsa at halos mailaglag ko ang towel na hawak ko sa gulat. "Why do you care?" sagot ko at naglakad palayo sa kanya. Naglalakad na ako sa parteng tiles na palitada ng likod bahay nila Yuta Ng bigla nyang hagilapin ang aking kamay. Nakabihis na sya at amoy na amoy ko ang pabango nya.







How I miss that smell of him. "Ang bastos naman ata kung tinanong kita tapos binato mo din ako ng tanong." Iritado akong tumingin sa kanya. "Bakit ba? Ano bang pakelam mo kung kelan ako umuwi? Don't tell me you're interested now." sabi ko sabay taas ng kilay. Himagikhik sya at bumitaw sa aking pulso. "I was just asking. Nothing more, nothing less." Sagot nya na lalong ikinainit ng dugo ko. "Alam mo, kung wala ka ng ibang sasabihin, hayaan mo na ako." sabi ko at tumalikod na ulit sa kanya. But I stopped ng maramdaman kong nakayakap na sya sa akin. "Fuck. Okay, I'm not just asking. It's because, hinihintay kitang bumalik." His breathe lingered on my nape. Nakikiliti ako pero bigla akong bumalikwas at sinampal sya ng isa.






"Really? Hinihintay mo ako? Pinagtabuyan mo ako noon tapos nung umalis ako, sasabihin mo sa akin ngayon na hinihintay mo ako? Gago ka pala talaga eh ano?"




"Okay, I get it! Galit ka! Oo, mali din ako. Malaki ang pagkakamali ko dahil pinagtabuyan ko yung babaeng mahal ko. But can't you see? I was dead broken nung umalis ka! Dahil iniwan mo na naman ako!"



"Hindi ako aalis kung hindi mo ako binigyan ng rason para umalis! Nasaktan kita, oo! I was chasing you para lang mag-usap tayo dahil gusto kong maayos yung relasyon natin. Pero anong ginawa mo? Ginawa mo akong asong habol ng habol sayo! At hindi mo ako masisisi sa ginawa ko! I chased you because I'm still hoping na babalik pa tayo pero all you did was break my heart even more at pagmukhaing tanga sa harap ng mga tao! I was begging for you to forgive me pero sinabi mo saking tama na. Then you're just standing there and telling me na hinintay mo ako? So kasalanan ko pang naghintay ka? At the first place hindi ko sinabing hintayin mo ako diba? Gago ka! Wag mong ipamukha sa akin ngayon na kaya tayo lalong naglaho kasi ako ang may gawa dahil nilayasan ko ang sitwasyon na to!"









"Oo na nga! Pinahabol kita. I broke you even more dahil gusto ko lang namang makabawi sa panloloko mo sakin! You lied to me! At hindi mo alam kung gaano ako nadurog nung makita kong si Taeyong pa ang kahalikan mo! I know he's into you since then! Alam kong close ang pamilya mo at pamilya nya. Pero what hurts the most is to see you kissing some other guy tapos sasabihin mo sakin na sya ang may kasalanan! Hindi lang sya ang nagkasala, ikaw din! Dahil you kissed him back! Putangina!"







"It was my mistake! Alam kong alam mong sobra akong nagsisi sa ginawa ko pero I know that I don't deserve that kind of treatment na pinaramdam mo sakin. Alam mo ba kung anong nangyare sunod? Nilayuan ko sya kahit alam kong alam mong close talaga kaming dalawa. Ginawa ko yun para ipakita sayo na wala talaga sya sakin compared sayo. Pero nabulag ka ng galit mo! So don't blame everything on me dahil alam kong alam mo na pareho tayo nagkamali!"




"Parehas tayong nagkamali pero ako pinakanaapektuhan  sa lahat. I almost lost my scholarship the day na sinundan ko kayo. Sa akin nakasalalay ang buhay ng pamilya ko at alam mo yan. Kung hindi lang kinausap ni Mama yung representative ng agency, malamang sa malamang hindi na ako nag-aaral ngayon. Alam mong ako lang ang pag-asa nila Mama. Pero dahil mahal kita, ikaw ang inuna ko tapos ganun lang yung makikita ko? Yung best friend ko at yung girlfriend ko naghahalikan? I never cheated on you alam mo yan."





"You never cheated pero you broke me billions of times Ten. Parehas tayong nasaktan. You know what, sa ginagawa natin ngayon, lalo lang tayong nagkakasakitan. Kaya mas okay na atang hindi na lang tayo magbalikan. Kesa laging ganito. Let's stop now. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako."






Lumakad na ako palayo. I left him standing there even though my heart and mind tells me to give our relationship a second chance. Pero pagod na ako. Kelangan ko munang mag-isip. I don't want to get hurt again.







I shut the door pero mabilisan iyong nagbukas ulit at nakaramdam na naman ako ng yakap. "Wala namang ganyanan Pia. Hihintayin pa din kita. No matter what happens. Magiging tayo ulit pero hindi na kagaya ng dati. We'll change our ways. I'll promise to get you back again soon." Nanginig ang tuhod ko. He's damn sincere and i never saw him like that. Pero kelangan ko munang mag-isip. I tried to unwrapped his arms around me but he's too strong. "Bitawan mo ako."




"Pia, please... kahit ngayon lang. Hayaan mo akong yakapin ka. I just wanna let you know that I'm serious. Just a bit more time Pia. Para wala naman akong pagsisihan bago ako matulog ngayong gabi. I love you Sophia... i love you so much." Then he rest his head on my nape.





I love you too. But I can't say that now. I have to clear myself first.







Few minutes past, naramdamn kong lumuwag na yung grip sa katawan ko at narinig kong sumarado ang pinto. I was off to my knees again and cried the whole damn pain out. I'm tired. I need to cool things down.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro