Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3


"Canada? Bakit?" tanong ko ng mabalitaan kong aalis na sya. Nagkibit balikat na lang si Johnny. "Baka magmu-move on na sayo..." tumawa sya na parang hangal. Inirapan ko na lang sya ang pinasok sa kanang bulsa ang kamay.








I've been a jerk to her since I don't know when. I was hurt. She hurt me. Niloko nya ako. Kaya bumabawi lang ako. But I never knew that my actions are too much. Hindi ko naisip lahat ng dapat kong gawin. I just do whatever I feel like without even knowing what would she feel after it. Pinahabol ko sya, pinahiya, pinaiyak at sinaktan ulit ng paulit ulit. I was hurting too but I know what I'm doing to her is not enough. Masyadong masakit talaga sa akin ang lahat.






Sya ang dahilan kung bakit nagbago ang isang gagong Ten noon. I changed because I liked her too much. I changed my ways. Hindi na ako tamad, pumapasok na ako araw araw, nagpapasa na ako ng projects on time at hindi na ako bugnutin. I may look like a good boy but I'm really not. Ako lang yung tipikal na studyante na chill lang. Mahilig mag-cram tapos magrereklamo. We're on the same section before pero nung nagbreak kami, the next school year ay nagpalipat ako ng section. I avoided her and even pretend that she's not around. Dun na nagsimula ang laro.








Pero masyado ko atang naenjoy.







At eto ang bunga ng kagaguhan ko, lalong mawawala sakin ang babaeng pinakamamahal ko. Mag-iisang buwan na nya akong hindi kinukulit. Nakakamiss yung tuwing labasan ay nandun sya at nakaabang sa may pinto namin. Dadaanan ko lang sya at magpretend na hindi ko sya nakita. Tapos hahabulin nya ako pero gagawa ako ng paraan para tantanan nya ako. It's either I'll get rid of her physically or verbally. But I really love her attention. I love her ambiance.








Pero ngayon, gusto ko na syang bumalik. Mahal na mahal ko pa rin sya hanggang ngayon. Kaya nagsisisi ako. Bakit ko sinunod ang stupidong plano kong yon? Bakit ko sinasaktan ang mahal ko? Kinain na ako ng galit ko kaya ko napagpatuloy ang lahat. Ang pananakit, pag-iwas at kung ano ano pa. She doesn't deserve my treatment. She's always there every seconds, minutes, hours, days and even weeks for me. Begging for me to comeback pero nabato na ata talaga ang puso ko.










I gave her everything. Even myself. The whole me. My soul, heart and dignity. Pero sinaktan nya nga ako! And if you're asking if we did 'it'? Yes. We did and I was so damn happy that time dahil sa wakas, akin na sya. Akin na akin. Buong buo but I was wrong.






It was our 11th month that day. I was going to surprise her pero ako ang nasurprise. She's with him and it's clear that they go out together. Nakaisip ako ng paraan para mahuli sya that's why I called her. She was just few meters away from me. Paapat na ring palang ay dinungaw na nya ang cellphone nya at lumayo sa kanya. I immediately asked her where she is at ang sagot nya









"Nasa bahay ako nila Auntie. May family gathering."







Lie. Oh I hate lies. It makes me want to punch someone kapag may nagsisinungaling sakin. Sinundan ko sya the whole time na magkasama sila. Pero in the end, pinagsisihan ko ang desisyon ko. Nung moment na nilalapit na nila ang sarili nila sa isa't isa, nagmadali akong lumapit. Pero dahil madaming tao ay nahirapan akong makalapit agad. Nung nandon na ako magkadikit na ang kanilang labi. It was just peck but fuck, bakit nya kailangang magsinungaling sakin? Sya ang unang bumitaw pero nung nakita nya ako ay agad akong tumakbo palayo.









Ansakit. Ang sakit ng lahat ng nakita ko. Ang sakit kasi nagsinungaling sya sakin. Ang sakit kasi binigay ko ang lahat sa kanya pero sa nakita ko, nakaramdam ako ng may kulang akong binigay sa kanya kaya naghanap sya ng iba. I don't want to listen to her explanations. Kaya pala ang dalas dalas na naming nag-aaway. Ang dalas na nyang mairita at madami na syang alibi lagi. Dahil pala doon. Dahil may iba na sya. Mahirap ba talaga akong mahalin? Bakit lagi na lang ako yung dapat masaktan? Bakit ako dapat lagi yung magsakripisyo? Ang unfair naman!








Di nya ako masisisi kung bakit ganito ako sa kanya. Hindi nya pwedeng kwestyunin ang lahat. Sya ang nagsimula, bumabawi lang ako.







Pero wala palang maidudulot na maganda yung pagpapahirap ko sa kanya. Walang magandang maidudulot ang galit. At ngayong huli na, wala ng tyansang mahahabol ko pa sya. Aalis na sya eh. Tapos na ang laban. Iniwan na naman ako.







"Tarantado.." natawa sya lalo sa sinabi ko. Sinapak ko na. "Ako? Ako pa tarantado sating dalawa ha? Sige nga Ten, ako?" tanong nya na nakapagpahilo sakin. Nagsimula na namang mamuo ang sakit na naramdaman ko nung araw na yon. Ang pagkakaiba nga lang, triple yung ngayon. Napaupo ako at hinayaang tumulo ang luha sa aking pisngi. Tangina, nakakabakla naman to.







"Ngayon, iiyak iyak ka. Gago ka eh. Sinaktan mo din eh. Quits na kayo ngayon." singit ni Yuta. Habang seryosong nakatingin sa akin. "Hindi ko na alam gagawin ko..." sabi ko habang tuloy tuloy na pumapatak ang luha ko sa sahig. "Putangina di nyo naman ako masisisi diba? Nasaktan ako, man! At mas masakit yung ginawa nya."




"Pareho kayong gago. Sakitan kayo ng sakitan, wala namang pinatutunguhan. " - Johnny.




"Isa na lang ang pwede mong gawin..." napatingin ako kay Yuta sa sinabi nya. "Ano?" I sound desperate but I really need to know, para mahabol ko pa sya at mapigilan. "Pumunta ka sa bahay nila. Kausap ko si Jaehyun kanina. Mamaya pang alas sais ng gabi ang flight nila. Alas kwatro palang kaya bilisan mo na." agad akong napatayo at nabuhayan ng loob. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba o ano si Yuta e. Sa sobrang sakit, nakalimutan kong may utak pala ako.












Nagmamadali akong tumakbo palabas ng soccer field. Pagdating ko ng parking lot ay agad kong in-unlock ang kotse at nagmadaling sumakay. Pinaharurot ko na iyon at wala na akong pake kung may masabitan man ako o wala. Pero awa ng Diyos, wala.







Halos bugbugin ko ang manibela tuwing nasa stop light ako. Kainis! Bakit naman ngayon pa kung kelang kailangang kailangan ko magmadali! Isang liko na lang at nasa subdivision na nila ako.






Halos mabangga ko na ang guard house sa sobrang pagmamadali ko. Kilala na ako ng guard nila dito kaya nginitian nya ako at hinayaang makapasok. Masyadong mahigpit security nila dito. Pag wala kang bahay dito at bibisita ka lang, ang daming itatanong sayo. Kukunin pa lisensya mo at kung ano ano. Pero salamat kay Pia at nakilala ako dito.








"Tangina Pia wag kang tumuloy!!!!" sigaw ko ng makarating ako sa harapan ng gate nila. Bumaba ako ng kotse ko at walang habas na pinagpipindot ang door bell. Sa sobrang desperado ko ng makita si Pia ay tinawag ko na lahat ng pangalan ng kasambahay nila dito. Pero wala pa ding sumasagot.






Kinalabog ko na din ang gate pero wala talaga. Hindi pwede. Wag mong sabihin sakin na umalis na sila. Hanggang sa lumabas na yung kapitbahay nilang kilala ako. "Ate Cheska!" bati ko sa kanya at lumapit sya. "Ten?" Tanong nito at pinanliitan pa ako ng mata. Nung nakumpirmang ako nga ay halos yakapin ako sa tuwa. "Kamusta ka na? Napadpad ka dito ah." Sabi nito habang naniningkit pa ang mata. "Ay alam ko na! Si Pia?" Tumango ako ng sunod sunod na parang aso. "Opo Ate!" nanlumo ang mukha nya sabay sabing. "Nako, malabo na Ten. Matagal na silang umalis dito, sa kabilang subdivision na sila nakatira." agad akong napanghinaan ng loob. "Saan po ba yun Ate?" Tanong ko habang pumwesto na sa may sasakyan ko. "Sa may bayan malapit yun. Unang subdivision bago magbayan." Nagpasalamat na ako at nagmadaling umalis doon. I need to go there before it's too late.









Medyo mahaba haba pa ang byaheng napagdaanan ko bago ko narating ang subdivision nila. Tinanong ko sa guard ang location nila doon at agad akong nagpunta. Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Kinakabahan ako na naiiyak na nasasaktan na nalulungkot. Ayst! Ewan!






Nagmadali akong bumaba ng kotse at pinindot ang door bell. Sa patatlo kong pindot ay may lumabas na isa sa kanilang kasambahay. I think she's new. Hindi ko sya kilala e. "Yes sir? Sino pong hinahanap nila?" Bungad nya ng mabuksan ng bahagya ang gate. "Si Sophia po, andyan ba?" Tanong ko at hindi na mapakali ang mga paa. Please, tell me andyan pa sya. "Sir, wala na po eh. Kanina pa po silang umalis papuntang airport." napasabunot ako sa aking buhok saka nagmadaling pumasok ulit sa kotse. Hindi na ako nakapagpasalamat dahil walang habas ko na namang pinaandar ang sasakyan ko. I only have an hour to do everything. Kelangan ko syang maabutan. Isang matinding dasal ang kailangan ko para maabutan sya. Dahil sa kaso ko, mahirap. Mahirap habulin ang oras dahil malayo ang airport kung magmumula dito sa kanila. Sana ay hindi traffic.










Dininggin naman ni Lord ang panalangin ko dahil kahit papaano ay maluwag naman ang daan. Nagmistulang express way ito dahil sa kakaharurot ko. Pero nag-iingat pa din ako. Dahil baka sa kakamadali ko, ay mapadali din ang buhay ko at malabong makita ko pa ang Pia ko.











Nahirapan lang ako sa pagpasok ng airport dahil medyo mahirap dahil madami ding sasakyan ang naandito. Pinagpapalo ko na naman ang stirring wheel sa sobrang inis at kaba. Iilang mura din ang nasabi ko dahil sobrang bobo nung driver ng kotse na nasa harapan ko. Sinulyapan ko ang relo ko "P*T*NG*N* 20 MINUTES NA LANG!!" sigaw ko sa loob ng kotse. Mabilis kong pinark ang kotse ko at tumakbo palabas hanggang sa makarating ako ng airport.









Hingal ang inabot ko sa ginawa ko. Ikaw ba namang tumakbo mula parking lot hanggang departure area ewan ko na lang. Inabot ako ng ilang minuto sa ginawa ko. Tiningnan ko na ang next flight at halos maihi ako sa pants ko na CANADA na ang sunod. Nagmadali ako sa paghahanap.







7 minutes. 7 minutes na lang para mapigilan ko sya.








Para akong baliw na patakbo takbo sa kung saan saan para mahabol sya. Ang dami na ng taong pumapasok sa loob at tulak tulak ang mga maleta nila. Wala na. Tapos na tapos na ang laban.








Napaupo na ako sa sahig sa sobrang pagod at frustrations. Eto! Eto ang premyo ko sa lahat lahat! Napakagago ko! At this is my consequence. I was left broken and alone at the same time. Hindi manlang kami nakapag usap or what. She's gone. It's over.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro