Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2


"Ano ng plano mo?" tanong ni Hazel habang nakahiga sa sofa namin at namamapak ng pop corn. "Ewan ko. Bahala na, kakausapin ko lang sya tapos, tapos na." tumayo ako para magrefill ng pop corn. "Sigurado ka?" tanong nya ulit. Napabuntong hininga ako out of disbelief. Wow, ngayon lang ako nafrustrate ng ganito. It's been almost a month nung mangyari yung sa may third floor. As far as I can remember tatlong beses ko na naman syang sinubukang kausapin. At yung pang apat, yun lang yung napala ko. Pag naaalala ko, naiinis lang ako.




------



Naghihintay ako sa may bench kung saan nakaupo ang team mates nya. May hawak hawak akong tubig at panyo para meron akong alibay pag lumapit sya. Ilang minuto lang ay para akong nabunutan ng tinik ng makita silang lumalapit sa bench. Nanginig ang kamay ko. Come on Pia, para ka namang baguhan. Ilang beses mo na syang inaapproach diba? Ngayon ka pa ba aatras? It's your time! Make it a moment that you will never forget.




Agad nya akong napansin pero nag-iwas sya ng tingin. Lumapit ako ng ilang hakbang sa kanya. Nakita ni Taeyong ang ginawa ko kaya napailing na lang sya. Oo na Taeyong. Ako na nga desperada. "Ten..." bungad ko sabay abot sa kanya ng tubig. Tinignan nya ang bote na hawak ko tapos ako. Hindi nya ito pinansin. Kinuha nya ang bote ng gatorade sa bag nya at iyon ang ininom. Ngumiti na lang ako sa hangin. Bago ko pa makalimutan, iniaabot ko ang towel sa kanya. "Kahit ito na lang Ten, oh. Tanggapin mo naman." Tinignan nya lang ulit yon tapos ngumisi at tumalikod. I get it, hindi mo pa din ako napapatawad. Tumayo ako doon at tinignan ang likod nya. He still makes my heart flutter kahit na wala syang ginagawa. Moments later, bumalik sya sa bench. Kasama na nya si Yuta at Johnny ngayon dahil nauna na si Taeyong umuwi. Kinuha nya ang gym bag nya na katabi ko lang at umalis na parang hindi ako nakita.







He needs to stop treating me like this. I need to talk to him. Kaya bago pa sya tuluyang makalabas ng gym ay hinabol ko na sya. Naabot ko ang braso nya dahilan para mapatigil sya. "Ten please, can we talk?" sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanya. Binawi nya ang braso nya at akmang lalakad ulit pero naabot ko na naman sya ulit. "Ten.."





"Will you stop following me? Nakakairita ka na."




"I just want you to talk to me."




"Ano bang pag-uusapan pa natin ha?"






Lahat ng babaeng dumadaan sa tabi namin ay pinagbubulungan na naman kami. Same comments about me. Desperada. Pero wala akong pakealam sa kanila. They don't know a thing or two. So it's better not to entertain them.



"Ten!" Tawag ni Yuta mula sa pinto ng gym. Sinenyasan lamang sya ni Ten na mauna na. Is this really it? After all those times na nagpapansin ako sa kanya? Eto na ba yon? Dear Lord, thank you! Ibinalik nya ang tingin sa akin.




"Siguraduhin mong may saysay yang pag-uusapan natin dahil kung hindi lalayasan kita dyan."






Sus, dyan ka naman magaling eh. Sa paglayas.







"Ten, please. Ano bang dapat kong gawin just to gain you back?"




"I knew it. Walang kwenta tong pag-uusapan natin."



"Ten wait lang. Mahal pa din kita. Kahit ilang beses kong sabibin sa sarili kong tama na, wala talaga e. It will always be you." Natawa sya sa ere sa huli kong sinabi. Paniwalaan mo ako please. Iilan ilan na lang ang tao sa gym dahil tapos na ang practice nila.




"You still love me? Oh really? No one will buy that Sophia! Alam ng lahat ang ginawa mo! Alam mo, wala ng patutunguhan pa to eh. Umalis ka na."







"Ten hayaan mo naman ako magpaliwanag."







"Wala ka ng dapat ipagpaliwanag pa. Matagal ng wala lahat Sophia. It's been a year and a half. Move on!"






"I can't! Hindi ako matahimik lalo na't pinapamukha mo saking ako ang dahilan ng lahat!"


He slammed his gym bag on the floor.




"T*ng*n* don't play innocent here Sophia! Alam kong alam mo ang nangyari at alam kong hindi ka tutol don!"





"Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisisihan ang araw na nangyari yon Ten! And hindi ko gusto yon! It's his fault Ten! Inosente ako!!"





"Wag ka ngang umasta na ikaw ang biktima dito! Tang*n* hanggang ngayon ba niloloko mo pa din ako?!"






"Never kitang niloko! Alam mo yan! Alam mo kung sino ang nanloko sa ating dalawa? Ikaw!"





"Tangin* wag mong baliktarin ang kwento dahil kahit kailan hindi ako nakipaghalikan at nakipagdate sa ibang tao!"







"Talaga? Hindi? As if I don't know. Kung hindi eh sino yung kalaplapan  mo sa third floor ha? Hindi ba Ten? Kahit kailan hindi?"







"Alam mo kung bakit tinigil ko lahat? Kasi ganito tayo. Tama na Pia. Umuwi ka na. Tapos na ang pag-uusap natin." He grabbed his bag and left.







That's all? Sa lahat ng oras, araw, linggo at buwan yun lang? Ganun lang kahaba usapan namin? Tangina Sophia, eto. Eto ang premyo mo. That's it. Tapos na. This is going to be my last. Ayoko na.


----




"Huy! Naluluha ka na naman." pinahiran ko ang mata ko. "I just can't forget him Haze." Sagot ko at humagulhol na sa iyak. Am I really that hard to love? O talagang sinukuan na nya ako? I can't find the right word. Nasasaktan ako sa lahat ng nangyari saming dalawa. We're perfect for each other pero all those memories were shuttered because of one mistake. I wish I can turn back time. And fix everything between the two of us. Kahit na ang tagal na noon, sariwa pa rin lahat sa akin. Hanggang ngayon, mabigat pa din sa puso.











"You need to pack your things Pia. Maaga pa flight mo bukas. Are you really sure about this?" sabi ni Hazel habang hinihila ang malaki kong maleta kinagabihan. This is the only way that I know. Bahala na, kung ano pang mangyayari. Kelangan ko munang magpalamig. I'll be back in Canada tomorrow. I'll stay there until I'm ready. Oras na para isipin ko naman ang sarili ko at tapusin na ang panahon ng paghahabol kay Ten. I'm going to find myself and be whole again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro