12
2 years later.....
"Firm it is." comment ni Taeyong matapos kong idisplay ang kauna unahang portrait na nagawa ko. "Maganda ba?" tanong ko habang inaayos ang paha ng damit ko. "Oo naman." nakangiti nyang sabi. He's off with his first love. They broke up after a year and two months. She cheated on him with some other guy. Alam kong makakahanap din sya ng taong para sa kanya.
As for me, nothing happened. Wala pa ding Ten na bumalik sa buhay ko. Kahit anong balita, wala kaming nasagap. He's gone for real. He left us. He left me. Sa sobrang sakit ng ginawa nya, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkita pa kaming muli. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Should I slap him? Should I nag about everything I've felt nung iniwan nya ako ng walang kaclue clue kung nasaan sya? There's a lot of questions inside my head. At alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay sobrang mahal ko pa din sya. A lot of guys courted me sa loob ng dalawang taon pero lahat ng iyon nireject ko. Cause there's still a bit of hope sa puso ko na babalik sya. Magkikita pa kami ulit.
"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong ni Taeyong ng kumakain na kami ng tanghalian. It's past 2:00 pero ngayon palang kami kumakain. Tsss, I should really know how to manage my time. Hazel is in Macau with her parents and isa pa palang balita. Jaehyun's mom died a couple of months ago. He was dead broken at maging ako ay ganun din. She was like a mom to me too. Kaya sobrang hirap sa part namin ni Jaehyun ang lahat. Jae stays with me the whole weekend dito sa apartment ko. Friday night palang ay nandito na sya at Sunday ng hapon ay babalik na sya sa kanila. Sabi nya, masyado daw malungkot sa bahay nila kaya gusto nya namang tumigil sa akin kahit ilang araw lang sa isang linggo.
"Hongdae. Mamimili ako eh. I need a new coat and slacks. Why?" tanong ko pagkatapos isubo yung huling piraso ng karne sa plato ko. "Wala naman. Natanong ko lang." tinignan nya ang kanyang wrist watch at bahagyang napatalon ng makita ang oras. "Sh*t late na ako sa appointment ko kay Daddy! Fuck! Bye, Piyang!" di na nya hinintay pa ang salita ko at mabilis na nya akong hinalikan sa noo at iniwan ang apartment ko. Kahit kailan talaga yung lalaking iyon. Tinapos ko na ang pagkain ko at naligo. Nagbihis na ako at dumiretso na sa Hongdae.
Bumili na ako ng mga kailangan ko. I decided to go on a coffee shop para naman makapag unwind kahit saglit. "Peppermint Choco, Miss. Mouse." sabi ko sa counter at agad naman nya iyong iniutos sa bar tender nila. Pumwesto ako malapit sa may glass window. How I miss everything. The old us. Madalas kaming dalawa dito and we stay here for hours. Just talking and sharing everything. Ano kayang nagawa ko at iniwan na naman nya ako? Did I hurt him? Possibly not. Lahat na ng bagay nagawa ko para lang macontact sya kaso wala. I even went to his old house pero sabi sa akin ay matagal na daw silang wala doon at hindi alam kung saan nagpunta. Para akong baliw kakahanap sa kanila. I even ask for my Tito's help to search for him but he's nowhere to be found. Tuwing naaalala ko lahat ng effort ko, naiiyak na lang talaga ako.
"Peppermint choco for Ms. Pia." bumalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses nung waiter. Nginitian ko sya. I took the frappe and sip it like there's no tomorrow. How I miss him so much. Akala ko pag tumagal, maiibsan din ang sakit. Pero mali pala ako. The more na tumatagal, the more na sumasakit ang sugat na iniwan nya. The more na hindi ako makamove on sa pag-iwan nya. Ganun ba talaga ako kahirap mahalin kaya iniiwan na lang nya ako bigla at babalikan lang nya pag kelan nya gusto? I can't even think right ngayon. Wala pa akong trabaho pero I always make sure na may pagkukuhaan ako ng income. Mom gave me one of her franchise ng book store. We sell, recycled notebooks at kung ano ano pa. Just like the usual dedication shop. I even enter the printing business para naman may extra pang kita.
Halos masamid ako ng makita ko ang isang pamilyar na tao. Is that Ate Tern? Bumilis ang tibok ng puso ko. i almost stand up ng makita nya din ako. I smiled at her. She seemed so shocked ng makita nya ako. Hindi sya magkaintindihan kung aalis ba sya o tutuloy sya doon sa cafe. She opened the door at dumiretso sya sa counter. Shocks, ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Finally, may pagtatanungan na ako ng lahat. Lahat lahat ng mga bagay na paikot ikot sa utak ko sa loob ng dalawang taon. Lahat ng mga pangamba at galit ko ay masusulusyunan na. I wanna cry out of happiness. Indeed, God is really good. Yung akala mo, sayad na sayad ka na pero hindi pa pala. She kept on looking at my seat. Nang makaorder sya ay dumiretso sya sa akin.
"Pia..." bigla syang naluha ng makarating sa akin. "Ate..." I stood up and hugged her. Naiiyak din ako ng dahil sa kanya. "Kamusta ka na? Ang ganda ganda mo na lalo." untag nya habang pinupunasan ang kanyang luha. "Okay lang po... sana. Kamusta kayo? Si Ten? Ate ano ba talagang nangyare?" tila natigilan sya sinabi ko. Sunod sunod ang tanong ko. I almost feel my knees tremble. I wanna know everything. Right from the start. Ang dahilan kung bakit sya umalis. Bakit nya ako iniwan. Bakit hindi sya nagsabi at bakit bigla na lang nawala lahat ng koneksyon sa aming dalawa. Ate looked at me with an eyes full of concern, loneliness, longing ness and hurt. "Pia, I'm sorry. I'm sorry my brother left you. May mga bagay lang talagang kailangan nyang asikasuhin." sagot nya at hinawakan ang kamay ko. I looked into our hands. Nanginginig si Ate. "Like what ate? Tell me. Kasi I've been waiting for him for two years. He never left me a note. He never told me where he went. Ni isa sa amin ay hindi alam kung saan sya hahagilapin." nabasag ang boses ko dahil sa sakit. All of our memories came crashing down my veins.
Dumating ang order nya at humigop muna sya doon. She looked outside. I'm waiting for her answer and I can sense na kumukuha sya ng tamang salita na ibibigkas para sa akin. "Ate..." imik ko ng hindi na ako makapaghintay. "I need answers Ate! Mahal ko pa din ang kapatid mo. Kahit anong gawin kong limot, sya pa din eh." dugtong ko. Hindi ko na napigilang umiyak. Tinignan nya ako gamit ang maamo nyang ekspresyon. She resembles Ten in some ways. Their eyes and nose are on the same shape. Tuwing tinitignan ko sya ay lalo ko lang namimiss ang boyfriend ko. "Pia, are you ready?"
"I am Ate."
"Are you sure?"
"Damn, yes! I've been waiting for this day ate! Lahat ng effort ginawa ko para lang mareconnect sa kanya! Of course I'm ready!"
"Then, kaya mo bang tanggapin lahat ng sasabihin ko? Lahat lahat?"
Bigla akong kinabahan. Am I really ready? Wait, shit! Of course I am. No matter what his reason is! Para matapos na ang lahat ng to. Ayoko na. Masakit na at sobrang bigat na. Nahihirapan na akong mangapa.
"Even if it takes to break my heart. I'm ready."
"Pia...." nabasag ang boses nya at tumulo ang luha nya. Nakatingin sya sa akin at ganun din ako sa kanya. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. Wala masyadong tao dito sa cafe kaya okay lang kahit humiga ako dito sa sahig pag nalaman ko ang totoo.
"Pia... he's gone. He didn't make it." naguluhan ako sa sinabi nya. Natulala ako. He did not what? Ano ba talagang nangyare?
"Ate what d-"
"He was diagnosed of a rare brain illness. He never wanted to tell you kasi ayaw nyang mag-alala ka."
Biglang tumigil ang mundo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. He-He's gone? My one great love is... gone? In just a matter of time, he left me? Then eto?
"Tell me you're lying."
"I'm not. Pinangako ko sa kanyang sasabihin ko ang lahat pag okay na. I'm sorry Pia. I'm so so sorry. I just fulfilled my promise to him. Ayaw nyang ipaalam kahit kanino. I'm so sorry. Sinabi nya sa aking pag hindi naging matagumpay ang process, gusto nyang malaman mo na, mahal na mahal ka nya. You're his one and only love. Sana daw mapatawad mo sya sa paglilihim nya sayo ng lahat ng ito. Sorry if he let you wait for him. Na sinaktan ka na naman nya. But as his sister, Pia, gusto kong malaman mo na walang araw na hindi ka nya inisip. Walang araw na hindi nya sinabing "Miss ko na ang Pia ko. Kamusta na kaya yun?" He never skip at least a day sa pagtingin ng videos and photos nyo. And Pia.."
Hindi ko na mapigilang humagulhol. Ang sakit. Sobrang sakit. Eto pala yung feeling ng naiwan ng literal. Yung wala ng balikan. Napayuko na ako sa mesa at tuloy tuloy ng tumulo ang luha ko.
"Bakit hindi nya pinasabi? Bakit ayaw nyang malaman ko? Gago ba talaga sya? Mas nahihirapan ako sa ginawa nya eh. Dapat sinabi na lang nya kesa hintay ako ng hintay sa wala. Ang sakit ate. Sobrang sakit kasi umaasa pa din akong babalik sya eh. Pero puta, wala na pala. Wala na lahat." I cut her off before she say anything. May inilabas sya sa kanyang bag. It was his jersey. Ang jersey na gamit nya nung nagchampion sila. I grab it. At agad na bumungad sa akin ang pangalan kong nasa bottom part ng jersey.
Pia Ryelle Aregues Leechaiyapornkhul
Hayup ang haba ng apilyedo ng gago. Hindi ko mapigilang umiyak. I hugged it na parang feeling ko ay suot nya iyon. I even kissed it. I will miss my man. I will miss everything. Ngayong nasaktan na ako ng sobra, hindi ko na alam kung makakapagmahal pa ako. Hindi ko na alam kung masusundan pa ba sya. But life goes on. And I should deal with this pain that I have now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro