11
"You really need to go overseas, Ten. We need to go back to Thailand." naibato sa galit ang cellphone ko. I hate this! why do I have to suffer all of this? Hindi ko alam na ganito na kalala ang kalagayan ko. Noon hindi ko pa pinapansin ang sakit ng ulo ko na tumatagal ng ilang araw. Hindi ko iyon pinapansin at iniiinom na lang kung ano anong gamot na nakakawala ng sakit. Panandalian lang iyon pero at least nawawala pero kinabukasan triple ang sakit. "I told you, I'm fine! Pero ang kulit nyo!" tumayo ako sa upuan at matapang na sinagot ang aking ina. "Wag ng matigas ang ulo Chittaphon! Your case is rare!" sigaw ni Papa sa akin. "Kapag hindi ka sumama pabalik ng Thailand, kailangan mo ng magpaalam sa mga kaibigan mo dahil hindi ka na makakabalik! Alam kong alam mo yon!" dugtong pa nya. "Wag nyo akong bilugin! Bakit sa Thailand pa ha? Kung pwede namang sa america o sa iba pang bansa. Sigurado akong mas magagaling ang mga doctor doon kumpara sa atin!"
"Dahil doon, may tutulong sa atin, Ten." sagot ni Ate. I glared at her. "Tern, tumawag na ba ang Tita Nim mo?" napalingon ako sa nanay ko. "Tita Nim? Ano na naman ang sinabi nyo doon ma?!" Tita Nim owns three general hospitals way back home. At alam ko na ang kinikilos nila Mama. Kaya pala sa Thailand nila ako gusto dalhin. Since then, close ang pamilya namin. They have one daughter named Fei at matagal na nila akong kinakantyaw doon pero ayaw ko sa kanya. Dahil unang una, ayaw ko ng ganon. Pangalawa, mahal na mahal ko si Pia Aregues. Pangatlo, ayoko sa buong pagkatao nya.
"Ten wag ka ngang ganyan! Gusto mo bang mabuhay ng matagal?" sigaw ni Ate sa akin. "Ayoko ng may hihingan tayo ng utang na loob. We have our own money! We can pay for my medications! We don't need them!" sigaw ko at nilapitan na naman ako ni Papa. "Anak, wala na tayong ibang alam na paraan. We have our own money pero hindi iyon sapat. We need to do this para mabuhay ka. You're my only son, Chittaphon. Nasabihan na namin ang Tita Nim mo at pumayag sya. Alam kong alam mo na sya ang isa sa pinakamagaling na Neurologist sa atin. That's why we asked her and she offered na babaan nya ang bills sa lahat ng process na pagdadaanan mo."
"Kung gusto mo pang mabuhay at makita ang mga kaibigan mo, sasama ka sa amin." matalim akong tiningnan ni Ate nung sinabi nya iyon. "Are you block mailing me?!" hindi ko na napigilan ang galit ko. "Hindi ka namin binablock mail Ten. We're telling you your consiquences. You'll go with us, there's a chance that you'll live. If you don't, you know what will happen." napaupo na ako sa sobrang frustrations. I have to make a decision right now. Matagal na akong hindi nagpaparamdam sa mga kaibigan ko maging kay Pia dahil ganito nga nang nangyayari sa buhay ko. Pabalik balik kami sa hospital dahil sa sakit ko. I got it from an accident. We were in High School back then. Naglalaro kami nila Yuta sa bagong gawang condo building malapit sa tower nila Hansol. Nang magshushoot ako ay nasabayan ako ni Hansol ng talon para i-block ang bola kaya nagkabanggaan kami sa ere at malakas ang aking pagbagsak. Nauna ang aking ulo at ang huli kong nakita noon ay ang maliwanag na paligid ng hospital.
"Ten.." binuksan ni Ate ang pinto ng kwarto ko. Bumangon ako at umupo sa kama. Lumapit si ate at tinabihan nya ako. "Ten, I know it's hard. But you have to sacrifice para mabuhay ka." isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. "Ate.. ayoko na, sobrang nahihirapan na ako. bakit kailangan pang maging ganito?" naiyak na ako sa frustrations, lungkot, sakit at pangangambang hindi na ako gagaling. "Ten, ganun talaga. We have to endure it. Hindi naman yan ibibigay satin kung hindi natin kaya diba? At ikaw, kaya mo yan. Wag kang susuko. Hindi tayo susuko. Gagaling ka at alam kong hahaba pa ang buhay mo. You just have to decide Ten." naiiyak na din si ate habang hinahaplos nya ang aking buhok. "Ate, paano si Pia? Ang laki na ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko gustong saktan at paghintayin sya pero I can't tell her. Ayokong mag-alala sya sa akin. Ate, I love her so much and it kills me to see her crying and suffering because of me." humagulhol na ako. Bakla na kung bakla pero nasasaktan na ako. Naaawa na ako sa girlfriend ko. I don't want to be selfish. Gusto kong maayos ang lahat sa amin dalawa pero parang ayaw yata ng tadhana.
I know she feels that I don't love her or pinaghihintay ko na naman sya sa wala. I didn't mean to do that. "Ten, maiintindihan din yan ni Pia in the end. We just have to tell her after all the process at pag magaling ka na. You want to see her right? Decide." I wanna break everything in my room. Why do i have to go through this? Bakit kailangan maging ganito ang lahat? Sana pinatay na lang ako diretso kesa ganito ang nangyayari sa akin. Miss ko na ang mga kaibigan ko. Miss ko na magbasketball kasama sila and I feel sorry for them for doing this. Mahal ko sila pero kailangan kong mabuhay para makita at makasama pa nila ako. I should think about Pia and me. Yung future naming dalawa. I wanna make a family with her. I wanna see her happy kasama ako. I wanna see how will she take care of our children in the future. I wanna have my first baby with her. Fuck, why is this so hard for me.
"Ate, promise me, if everything went wrong, tell her about everything. Lahat lahat. I don't want to see her suffering pero I have to do this." parang nabunutan ng tinik ang aking kapatid. "Of course! I promise! I will tell her everything." naiyak lalo si Ate sa sinabi ko at napagdesisyunan ko. It's now or never. I have to do this.
"Ten, let's go." untag ni ate ng makarating sya sa pinto ng kwarto ko. It's our departure day. I have to leave everything. Memories, friends and even my one great love. Wait for me Pia, magpapagaling lang ako. At pagbalik ko, aanakan na kita. Para wala ka ng takas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro