Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10



After that day, everything went smooth sa aming dalawa ni Ten. It's been two weeks and three days since the day na nagdate kami. After kasi naming kumain noon ay dumiretso na kami sa mall. May dala naman akong extrang damit lagi sa kotse ko kaya wala akong angal. Nanuod lang kami ng movie at nagkape sa isang kilalang cafe. Hindi na kami masyadong nakakapagbonding simula noon. We're both busy  dahil malapit na ang finals pero hindi dahil busy kami ay walang wala na talagang oras sa isa't isa. We still communicate as much as possible. Jaehyun went back to California for a while. Madalas na kaming hindi nakakapagbonding nun. At medyo tampo pa ako nung una. Pero nung sinabi nya sa akin ang dahilan ay halos umiyak ako sa lungkot. His mom is dying. Malubha na ang cancer nya. I went to the hospital bago sila lumipad ng Cali. Tita cried when she saw me and told me she was happy na nagkabalikan na kami ni Ten. Jaehyun is courting someone from his province. Sinabi nya sa akin iyon bago sila umalis. It was his childhood friend. Nag-aalala na talaga ako sa dalawang mahahalagang tao sa buhay ko. Ilang araw na akong hindi kinikibot ni Ten. Wala na din akong natatanggap na long messages sa kanya.





"Nasaan si Chittaphon?" bungad ko ng makarating ako sa pool side nila Yuta. "Bakit kami ang tinatanong mo? Diba ikaw ang girlfriend?" untag ni Johnny na nakaupo sa gilid ng pool. "Tinanong ko lang naman kasi maski ako hindi alam kung nasaan sya. Nagbakasakali lang naman akong alam nyo eh." sagot ko at dumiretso sa kinaroroonan nina Yuta at Hazel. Umahon si Taeyong mula sa pool at sinuklay gamit ng kanyang kamay ang basang buhok. Then he looked at me. Nginitian ko sya at ganun din sya sa akin. He grabbed his towel ng makalayo sya sa amin at dumiretso sa garden. Nasa garden kasi ang entrance ng kusina nila Yuta. Kung saan pinakamalapit ang cr nila.





"Hindi pa din kayo nag-uusap ni Taeyong?" untag ni Hazel na nakarest ang ulo sa balikat ni Yuta. Honestly, naiinggit ako sa kanilang dalawa. Napangiwi ako sa tanong nya. "Hindi pa." sagot ko at kumuha ng isang inumin sa tray. "Oh, ilang taon na ah?" natatawang sabi ni Yuta. Nagkibit balikat na lang ako. Umalis ako sa kinauupuan ko at nagpunta sa duyan sa may garden. I need to unwind ayoko ng ganitong feeling. Bakit kasi parang kabute yung feelings nya? Pasulpot sulpot at kung minsan hindi ko pa alam kung sigurado pa. I don't wanna doubt or what pero I just can't help it. May bago na ba sya? Is he seeing someone else at alternate ang pakikipagkita nya saming dalawa?





"Hayst!" sigaw ko sa hangin. Suot ko na ang panligo ko pero nawawalan ako ng balak na maligo dahil sa mga iniisip ko. "Anong ginagawa mo dyan?" napalingon agad ako sa nagsalita. "T-Taeyong.." umupo sya katabing upuan nitong duyan. There is a small table here apat na hakbang lang ang layo sa duyan. Sa aming tropa, kila Yuta talaga ang pinakamagandang bahay. Syempre, ikaw ba naman anak ka ng may ari ng kompanya ewan ko nalang kung hindi ka yumaman. "Wassup?" sabi nya sabay ngiti. Parang kinurot ang aking puso. I miss him. I miss my childhood buddy. "Not fine.." pabaliktad ang upo nya sa upuan. Ang sandalan noon ay nasa kanyang dibdib at nakahalumbaba syang nakaharap sa akin. "Ten?" pagsisigurado nya. I nodded. "Hindi na din sya nagpapakita sa amin eh. Ilang araw na." sagot nya. Napabalikwas ako sa duyan. Seriously? Nasaan ang lalaking iyon? "Talaga?" tanong ko na may bahid na ng lungkot. Bakit hindi nya iniinform kaming lahat kung nasaan sya? Maski itong si Taeyong na bestfriend nya ay hindi alam kung nasaan at kung anong nangyare na sa kanya.





"Oo. Hindi na sya nag-oonline eh. Pag chinachat ko naman, seen lang. Seen Lord ampota." natawa kaming dalawa sa sinabi nya pero hindi pa din maalis sa akin ang pagkakakaba sa nangyayare. I'm really worried about him. Mamamatay na ako sa kakaisip kung nasaan sya. Kung anong problema nya at kung ano ng nangyayari sa kanya. I'm tired of thinking. Simula nung nagkabalikan kami wala na ako ibang ginawa kundi isipin kung nasaan sya at kung bakit ganun na ang kilos nya. He was good at first. Masaya naman kami nung nagkabalikan kami. But I never knew na magiging ganito din pala ang ending. Bumabawi ba sya? Ano? Hindi pa tapos yung bawi nya sa akin noon? Sumosobra na ata sya! Ako na lang ba laging kakapa sa aming dalawa? Daig ko pa ang bulag ah?





"Huy, ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" nagulantang ako sa tanong nya. I touched my cheeks. Totoo ngang umiiyak na ako. This is it, I have to tell someone about my thoughts. Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot na ako. Hindi ko na alam kung ano na bang mangyayari sa akin after all this. "Si Ten kasi T.Y. eh..." at humagulhol na ako. Lumapit sya sa akin at tinabihan ako sa duyan. Inilagay nya sa balikat nya ang ulo ko at hinagod nya iyon. "I know.. Alam ko ang feeling ng ganyan. Pasulpot sulpot. Hindi na lang sabihin na tumigil na para walang nahihirapan. Sometimes, love is really selfish." he comforted me like the way he comforts me tuwing pinapagilitan ako ni Mama at Papa. Kagaya ng dati. I can't believe he's here. "Ano ng gagawin ko?" tanong ko habang nakatukod ang baba sa kanyang balikat, facing him. "To tell you honestly, hindi ko din alam eh. I'm on the same situation right now. Kaya nakakarelate ako sayo. Pero lito din ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Baka kasi pag gumalaw ako, may magawa akong mali. Bahala na."



"Same? Who's the girl?" tanong ko. Napangisi sya. I looked into his eyes at alam kong nasasaktan sya ng sobra ngayon.



"She's from our school, Pi. Saka ko na lang sasabihin sayo ang buong kwento kapag ayos ka na." hinampas ko ang braso nya. Natawa kaming dalawa. "Alam mo hindi ka pa din nagbabago, minsan wala ka pa ding sense." natawa kami lalo sa sinabi ko. "I'm just blank spaced, Piyang. I'm hurt as fuxk right now. I'm sorry if I failed you again." sabi nya at tinignan na nya ako sa mata. "It's fine. i understand." isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tunog lang ng dahon na napapawid ng hangin ang naririnig sa amin. "I missed you.." hindi ko alam kung saang lupalop ng utak ko iyon napulot at bigla ko na lang iyon nasabi. Ramdam kong natigilan sya. "I'm sorry if I stayed away from you. I just wanted to get my love back pero pinahirapan nya lang ako. I'm sorry T.Y..." hinarap nya ako at hinawakan nya ang aking kamay. "It's okay. Ako ang dapat magsorry kasi kung hindi dahil sa akin ay hindi naman kayo magbebreak. Hindi ka sana nasaktan noon. Hindi ka sana nahirapan noon. I regret everything that I've done. I'm so sorry Piyang." I can see sincerity in his eyes. "Don't you ever blame yourself. May pagkakamali din ako. Indeed, love will make you selfish sometimes." sagot ko at tinitigan sya. Niyakap nya ako. "I miss you too, bestfriend." sagot nya sa akin na nakapagiyak na naman sa akin. "Nakakainis ka.." bulong ko at natawa naman kaming dalawa.







We're good at least. Nasasaktan man ako ngayon, at least narestore ko naman ang isa sa pinakamahalagang bagay sa akin na alam kong kahit kailan ay hindi matutumbasan ng kahit ano. It's been years, yes. And the memories should be forgoten. It should rot in the past and the most important thing here is to look forward on our future. I missed taeyong at ang kanyang pagiging phlegmatic. I miss his corny jokes and most of all I miss his sweetness.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro