1
"Sophia.." nilingon ko ang tumawag sa akin. I smiled a bit when I saw my best friend Jae, waiting for me sa front door. I walked through the aisle and went straight to where he is. He patted my head.
"Kain na tayo." He looked so tired. "Sige, kukunin ko lang ang bag ko." Tinalikuran ko na sya. My classmates kept on giggling and whispering. Hay, andyan na naman kasi ni Jae. Well, hindi ko naman sila masisisi, gwapo talaga ang best friend ko. "Tara na." I smiled.
Matagal na kaming magkaibigan. Our parents were college friends that's why when we were born, we almost grew up together. Tumigil ako ng mamataan ko ang mga lalaking nakatambay sa labas ng isang classroom. Is he here? I scanned everyone on his circle. Napatigil din si Jae. "Stop looking for Ten. He's not worth your time. Halika na, baka magbell na." Hindi ko pinansin ang sinabi nya pero hinila na nya ako papalayo doon. He's always like that.
"Jae.." sabi ko. Medyo nairita sa ginawa nya. "What?" He said seriously. Hindi ko na lang sinagot. Baka mag-away na naman kami e. Okay naman sya pag ibang tao ang kinakasalamuha ko, pero pagdating kay Ten, lagi syang nagagalit.
Matagal na akong may gusto kay Ten at alam ni Ten yon. Nag-uusap pa kami nyan dati pero isang araw, natigil lahat ng yon. At kung ano man ang dahilan non, ayoko ng balikan pa.
"Mark!" Untag ni Jae ng makarating sya sa table namin. Dala dala na nya ang tray na may laman na pagkain naming dalawa. Katabi ko si Mark kaya pinausog sya ni Jae para magkaroon ng space para sa kanya. "Itong si hyung... hay nako talaga." sabi nya habang may mapaglarong ngiti sa kanyang mukha. Ang cute cute talaga nya! Mas matanda kami ng dalawang taon sa kanya e.
"Oh.." sabi nya sabay abot ng tinidor. Agad kong tinuhog ang tinidor at iniikot sa carbonara. Gutom na talaga ako. "Hinay naman. Baka mabulunan ka." nginitian nya ako at sinimulan na din nya ang pagkain nya. Tumingin ako sa paligid. Hindi pa ba sya kakain? Lunch time na ah?
"Jae!!" Tawag ni Hansol sabay tabig sa likod ni Jae. Bahagyang natapon ang iniinom nyang juice sa kanyang damit. Agad akong kumuha ng tissue sa dispenser at pinunasan ang basa nyang bibig. Lumitaw ang kanyang dimples dahil sa pag ngiti.
"Ulul walang forever." singit ni Doyoung na kanina pang tahimik habang nagse-cellphone. Paano nya napansin yon? Binatukan lang sya ni Hansol.
"Ayan na sila..." tili ng mga babaeng nasa katabi naming table. Napatigil ako sa pagpupunas ng daliri ko ng dumaan ang grupo ni Ten sa may table namin. Sinulyapan nya ako saglit. Seryoso ang mukha nya at as usual, walang pake sakin kaya agad nyang binawi ang kanyang tingin.
"Halika na." agad ng tumayo si Jae sa kinauupuan nya. Pero mukha akong napako doon. Ayokong umalis. Kahit saglit lang Jae. Pagbigyan mo na ako. Nang marealize nyang hindi ako sumabay sa kanya ay tumigil sya at binigyan ako ng masamang titig. "Hindi ka tatayo dyan, Pia?" Ingit nya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan lalo na ng nagsalita pa si Hansol. "Tayo na, bago pa yan manapak ulit." Wala sa wisyong tumayo ako at sumunod sa kanya. And again, all eyes on us.
Madalas kaming napapagkamalang magboyfriend kaya nung isang beses ay nag-aral kami ni Jae kung paano dumistansya kahit minsan sa isa't isa. Hindi iyon naging madali dahil hindi kami sanay. Ito din ata ang naging dahilan kung bakit ako tinigilan ni Ten. Ang mga balibalitang kami ni Jae...
"Hindi ka pa din nadadala ano?" usad nya ng makarating kami sa may hallway. "Pag aawayan na naman ba natin to Jae?" Iritado ko ng sagot. Ito. Ito lagi ang nangyayari kapag nakikita nya akong hanggang ngayon ay humaling na humaling pa din kay Ten. Kaya minsan ay nakakagawa na ako ng alibay para lang kausapin si Ten pero lagi nya lang akong binabaliwala. "At bakit hindi? Maawa ka naman sa sarili mo Sophia."
"Jae, ano ba? Para namang wala kang alam."
"Yun na nga eh. Kaya nga ako ganito sayo kasi alam ko nga yung nangyari at ayoko lang maulit ulit."
"Nakikita mo pa ba akong lumalapit sa kanya Jae?"
"Sa ngayon hindi. As if I don't know na pahuhupain mo na naman ulit tapos babalik ka na naman sa dati mong gawain."
"I get it. You're just concern pero Jae, you know everything. At kilala mo ako. Hindi ko palalagpasin lahat ng pagkakataon para lang makausap sya. I will do everything para lang bumalik kami sa dati. Why don't you set your foot into my shoes para alam mo lahat ng nararamdaman ko?"
"Why would I? I don't want to be called desperate, Pia."
"Desperada na kung desperada. Pero kung ikaw din naman ang nasa sitwasyon ko, gagawin mo din lahat diba? Kasi mahal mo sya!"
"This is what I hate about love. It will turn you into a person that you never thought that you will become. Alam mo, bahala ka na nga sa buhay mo."
He walked straight to the gym at ako? Naiwan ako dito sa hallway habang nakasandal sa isang poste. I'm tired but I won't give up without a fight. I redeemed myself from the pole and started walking. I've had enough of Jae today. I need to recharge. Buti na lang at tatlong oras na lang ang itatagal ko dito sa school at pagkatapos ay makakauwi na ako.
"Bye Mam!" Huling salitang nabitawan ng buong klase para sa araw na to. I keep my things and check my phone. May tatlong message doon. Unang una sa listahan ang text ni Jae.
Jae:
Una na ako. Ingat.
Bahagya akong napangiti sa text nya. Pero hindi pa din kami bati, alam ko. Ganito lang sya pero galit pa din yan sakin. I find it amazing kung paano nya pa din ako nagagawang itext kahit na galit na galit sya sakin. Ang swerte ng magiging girlfriend nya someday. Sure ako dyan.
"Pia, sabay ka ba?" Si Hazel, best friend ko dito sa classroom. "Hindi muna siguro Haze. I still have to drop by the library. Nakalimutan ko kasing isoli yung librong hiniram ko kahapon." Sinabayan ko syang maglakad palabas ng room. "If it's okay with you, samahan na kita." She offered with a smile. "Oh sige. Hindi ka ba nagmamadali?" nakangiti kong tanong sa kanya. This is why I love her so much. "Hindi ah. Wala naman sila Mommy e kaya pwede akong umuwi kahit anong oras ko gusto." Her smile widen. "Thug life ka talaga." Sabay tawa naming dalawa.
Mga praktikal na bagay lang ang pinag-uusapan mamin habang pataas kami sa floor ng library. Fourth floor pa ang library at nasa second floor palang kami. Nang umikot kami para makarating ng third floor ay may naririnig kaming himig mula sa kung saan. Agad napatingin si Hazel sakin. "What the f*ck?" Wika nito. Alam nyo ba yung tunog ng nagkikiss? Ganun yung naririnig namin. Hindi na lang namin iyon pinansin. Umakyat na kami sa third floor, saktong pagdating namin ng hagdan, nalaman na agad namin kung saan iyon nanggagaling.
Seryoso? Dito talaga ha? To the point na may mga studyante pang nandito at any minute ay pwedeng lumabas. Paano kung nakita sila? People nowadays.
Nagvibrate ang cellphone ko kaya napatigil kami para tignan iyon. Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita na yung dalawang naghahalikan. Agad akong tumungo at tinuon ang atensyon ko sa phone. I checked the message. It was just a gm. Nung ibinalik ko na iyon sa bulsa ko ay bigla naman akong hinawakan ni Hazel sa pulso.
Ikinagulat ko ang ginawa nya. "Wait! Bakit? Saan tayo pupunta?" Sabi ko habang dahan dahang bumababa ng hagdan. "You will never like what you'll see there kung tutuloy ka pa. Tara na." Sabi nito pero out of curiosity ay bumitaw ako at sinilip kung sino iyon. Kailangan ko pang ibalik ang libro. Hazel naman kasi e.
Nang makita ko ng buo kung sino ang mga nandoon ay halos manlambot ang tuhod ko. Hindi ako makagalaw. All I wanted to do was to disappear immediately and pretend that I didn't see who it is. Nakatindig lang ako sa kinatatayuan ko at feeling ko, basag na ang puso ko. Hindi ako makahinga. He's kissing her passionately. Nakapikit ang kanyang mata at pabalik balik ang kanyang kamay sa likod nung babae. I can't stand this.
Nabalik na lang ako sa wisyo ko ng hilahin ako paalis ni Hazel doon at nagmadaling bumaba ng hagdan.
Totoo ba talaga yung nakita ko? Baka naman nananaginip lang ako. It can't be. Tell me it's not Ten.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro