Epilogue
Natasha's POV
“Anak!” rinig kong sigaw ng isang babae at puting kisame ang bumungad sakin. Maya-maya pa ay may lumapit na doctor sakin at ginawan ako ng ilang test para daw masiguro na ayos at gising na talaga ako.
“Anak! Masaya akong nagising ka na” tuwang-tuwa na sabi ni mama at niyakap ako ng mahigpit. Hala? Parang ang tagal ko atang nawala?
“Ilang buwan po ba akong tulog?” takang tanong ko dahil parang pakiramdam ko ay saglit lang ako natulog.
“Walong buwan hija” sagot nung doctor at agad na nanlaki ang mga mata ko.
“P-po? W-walong buwan?” nauutal na sabi ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Napatawa naman ng mahina ang doctor bago nagsalita.
“Totoo yun hija. Matindi ang pagkabagok ng ulo mo kaya matindi rin ang naging epekto sayo” paliwanag naman ni doc kaya nalinawan ako.
“Maraming salamat talaga doc Emily” pagpapasalamat ni mama pero ano daw? Emily? So sya yung...
“Nanay ka po ni JR? (short for James Rome)” tanong ko at nakangiti namang tumango si doc Emily.
“Kamusta na po sya? Saan po sya nag-aaral nga---”
“Wala na sya hija” sabi ni doc Emily at parang nabingi ako dahil dun.
“P-po?” parang bingi na sambit ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na yun.
“Alam mo hija, naaalala ko sayo ang anak ko dahil na-coma din sya katulad mo. Na-coma sya dahil sa isang car accident. Unfortunately, hindi ko sya nailigtas. Kaya noong ako ang naassign sayo ay ginawa ko ang lahat para mailigtas ka dahil ayokong maranasan mo ang dinanas ng anak ko” kwento ni doc at katahimikan ang bumalot sa buong kwarto hanggang sa muli itong basagin ni doc Emily.
“Nga pala, nakita ito sa kotse na ginamit ni Rome. Nabasa ko na para sayo ang sulat na ito kaya tinabi ko para kapag isang araw na magkita tayo ay maibigay ko sayo” sabi nya pa at iniabot sakin ang isang kulay light pink na envelope.
Nagpaalam na din si doc dahil madami pa daw syang aasikasuhin na mga pasyente. Agad ko namang binuksan ang envelope at sinimulang basahin.
Dear Natasha,
Hi Shawty ko! Kilala mo pa kaya ako? Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sayo ah? Biglaan kasi eh but anyways, may bf ka na ba? HAHAHAHAHA. Alam kong ang cringe pero di na ko magpapaligoy-ligoy pa, gusto kita Natasha. Matagal ko na itong nararamdaman pero hindi ako umamin sayo kasi ayokong masira ang friendship natin. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko manlang naamin sayo ang totoong nararamdaman ko pero babawi ako sayo ngayong araw, may lakas na ko ng loob para umamin sayo Shawty ko.
Ang lakas ng ulan nuh? Pero di bale, hindi ko na ipagpapaliban pa 'to kasi gustong-gusto na talaga kita makita at yakapin ng mahigpit. Nararamdaman kong may mangyayaring masama pero panatag na ang loob ko dahil naisulat ko ito at nakaamin na ko sayo. Kapag may nangyaring masama sakin, ingatan mo ang sarili mo ah? Ayokong may sakit ka. Staka gusto ko na matupad mo ang mga pangarap mo at makapunta ka sa lugar na pinapangarap mo, ang England. Tuparin mo ang mga pangarap mo kahit wala na ko, maging matatag ka at wag kang susuko. Mahal na mahal kita Natasha.
Love,
Your Shawty (JR)
~*~*~
10 years later...
“Oh anak, ready ka na ba?” tanong ni mama sakin at tumango naman ako habang nagniningning ang mga mata.
“Nakaempake ka na ba?” tanong naman ni papa na nasa tabi na ngayon ni mama.
“Oo naman po pa, kagabi pa” sagot ko at natawa naman sila mama.
“Oh sya, kung handa na kayo ay tara na sa van. Baka mahuli pa tayo sa flight natin” paalala ni papa kaya naman tumayo na ko at hinila ang aking maleta.
Nasa byahe na kami nang madaanan namin ang sementeryo kung saan nakalibing si JR.
“Pa, ihinto mo lang po saglit. Bibisitahin ko lang po si JR” paalam ko at tumango naman si papa. Bumaba agad ako sa van at may nakita ako na nagtitinda ng mga bulaklak kaya naman bumili ako ng isang bouquet.
Nang makarating ako sa puntod ni JR ay agad kong tinanggal ang mga tuyong dahon na nakatakip sa kanyang lapida. Sinindihan ko ang isang kandila at inilapag ang bouquet sa kanyang lapida.
“Huy Shawty ko, graduate na ko oh. Nagawa ko at nagtagumpay ako. Siguro, noong nabasa ko ang sulat mo ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. Naalala mo na naikwento ko sayo na gusto kong mag-nurse balang-araw? Hindi nurse ang kinuha kong kurso Shawty ko, sa halip ay Psychologist ang kinuha kong kurso. Alam mo kung bakit? Narealize ko kasi na sa propesyong ito ay marami akong matutulungan na tao. Ayokong danasin ng kung sino mang bata o kabataan ang dinanas ko noon. Gusto ko silang tulungan na malagpasan ang depression na nararanasan nila ngayon. Kaya isa na kong ganap na Psychologist at makakapunta na din ako sa England. Hindi ako magtatagumpay kung wala ka Shawty ko kaya maraming salamat sayo. Gabayan mo kami palagi ah? Te'Amo Mi Amor”
Hindi solusyon ang pagpapakamatay sa lahat ng problema, maaaring magpalala lang ito sa sitwasyon. Tandaan mo na iisa lang ang buhay mo at bihira lang ang mga nabibigyan ng pangalawang pagkakataon kaya habang nabubuhay ka ay wag mong sayangin ang pagkakataon para tuparin ang mga pangarap mo. At bago ka gumawa ng isang bagay na alam mong makasasama sayo ay isipin mo muna ang mga taong nakapaligid sayo, isipin mo ang mga taong nagmamahal sayo, at isipin mo ang mga pangarap mo. Huwag kang susuko dahil alam kong malalagpasan at mapagtatagumpayan mo ito. Tiwala lang at manalig ka lagi sa Diyos.
~The End~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro