Chapter 9
Natasha's POV
Hingal na hingal akong napabangon mula sa higaan ko. Nandito pa rin ba ako sa Spispisle?
“Oo Natasha, nandito ka pa rin sa Spispisle” pagsasalita ni Selestina na nasa gilid ko lang pala. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sila Rome at Alicia na nakatayo habang alalang-alala na nakatingin sakin.
“Ano Natasha? Alam mo na lahat?” tanong sakin ni Sele at napapikit naman ako bago tumango.
“S-sorry Sele. Sorry sa mga ginawa ko sayo kanina” nakayukong sabi ko dahil nahihiya talaga ako kay Sele. Hindi sya sumagot kaya naman napaangat ako ng ulo at nakita kong nakangiti sakin si Sele. Niyakap nya ko ng mahigpit at sinabing “ayos lang”.
“Walong buwan ka nang coma Natasha at lahat ng mga napapanaginipan mo tuwing natutulog ka ay ang mga ala-ala na nawala sayo. Nagkaamnesia ka dahil nabagok ang ulo mo noong bumagsak ka sa bangin” paliwanag ni Sele kaya mas lalo akong naliwanagan.
“Inatake ka ng depression mo kaya nagawa mong magpakamatay. Hindi mo nailalabas ang kinikimkim na damdamin mo kaya pabigat ng pabigat hanggang sa umabot na nga sa depression” patuloy pa ni Sele at napaiyak na lang ako.
“Hindi na ba ko makakabalik?” tanong ko at natahimik naman sila kaya napaiyak na lang ako.
Nagising ako at nagtaka kung bakit madilim na, oo nga pala nakatulog ako kakaiyak. Ang alam ko ay binantayan ako nila Sele at pilit na pinapatahan hanggang sa nakatulog na lang ako. Sino ba naman ang hindi iiyak kapag nalaman mong wala ka nang pag-asa na makaba---
“Makakabalik ka pa Natasha” sabi ng isang babae na nasa gilid ko kaya naman agad akong napaatras. Nakakatakot yung itsura nya.
“Wag kang matakot Natasha, ako si Arthemis. Ako ang namumuno sa lugar na ito” sabi nya at tinanggal ang nakatakip sa kanyang mukha kaya naman lumitaw ang mahaba at kulay asul nyang buhok. Para syang diwata.
“Salamat binibini. Halika't sundan mo ko” kahit nagtataka naman ay sinundan ko na lang sya.
Ngayon ko lang din napansin na nandito kami sa palasyo malapit doon sa sacred tree, dito ba ko dinala nila Sele? Nevermind. Magkapatid kaya sina Sele at Arthemis? Parang magkahawig kasi sila.
“Oo binibini, kapatid ko si Selestina at sya ang katuwang ko sa lugar na ito” sagot naman ni Arthemis habang umaakyat kami ng hagdan. Nakakabasa ba ng isip si Arthemis? Kasi kanina pa sya sagot ng sagot kahit di naman ako nagsasalita.
“Oo binibini, may kakayahan akong makabasa ng isip ng isang tao. Kaya kung tinatamad kang magsalita ay pwede mo akong kausapin sa pamamagitan ng isip lamang” sabi nya at kumindat pa sakin bago nagpatuloy sa pag-akyat.
Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na namin ang pinakatuktok ng palasyo. Ang aliwalas ng paligid kahit gabi na. Nagbibigay liwanag ang buwan na bilog na bilog.
“Patawarin mo sana sila Selestina sa nagawa nilang paglilihim sayo, iyon ang iniutos ko kaya naman sumusunod lang sila” sabi ni Arthemis at napayuko naman ako. Nakakahiya talaga yung mga ginawa ko kay Selestina kanina.
“Pero bakit? I mean bakit kailangan nyo pang ilihim sakin ng ganun katagal? Pwede nyo naman sabihin sakin on the spot pagkagising ko di ba?” naguguluhang sabi ko at napailing naman si Arthemis.
“Alam mo Natasha, hindi namin pwede ipilit ang isang bagay na hindi mo naman papaniwalaan. Nagkaamnesia ka di ba?” paliwanag ni Arthemis at napayuko na lang ulit ako. Nakakahiya ka talaga Natasha, lahat ng mga sinasabi mo ay wala naman sa katwiran.
“Wag mong sisihin ang sarili mo Natasha, alam kong naguguluhan ka lang kaya mo nasasabi ang mga iyon” sabi nya at tinapik ang balikat ko. Sana matured din ako mag-isip kagaya ni Arthemis.
“Tignan mo ako ng deretso sa mata Natasha”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro