Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Natasha's POV

“Magtiwala ka naman sakin Natasha. Kahit sa pagkakataon lang na 'to. Please?” pagmamakaawa ni Rome at parang may nagtutulak sa akin na sumama ako sa kanya kaya pumayag ako.

Lumabas kami ng Spispisle at nagsimulang maglakad. Tahimik lang kami at walang ni isa ang may lakas ng loob upang magsimula ng usapan hanggang sa umismid si Rome at basagin ang katahimikan na namamagitan samin.

“Alam mo na pala” malamig nyang sabi at napairap naman ako.

“Spispisle huh? Isla para sa mga espiritu? Ang galing naman” sarkastiko kong tugon habang naka-cross arms. Nakita ko naman napaawang ang bibig ni Rome at hindi na nagsalita pa. Natakot siguro. Aba! Dapat lang.

Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang parang abandonadong lugar. Tumagos sya sa saradong gate at nabigla ako dahil nandun na sya sa loob. Ganun na din ba ako ngayon? Tatagos ako sa gate na yan? Tinignan ko ang itaas ng gate at nakasulat doon ang salitang “Cemetery”. Whut?! Nasa sementeryo kami? Ano namang gagawin namin dito?

“Tara na Natasha” aya sakin ni Rome na naghihintay na sa loob. Wala akong choice kundi pumasok din sa loob, bakit ba kasi sumama ako sa lalaking 'to?

Tahimik lang kaming naglalakad at ang utak ko ay lutang kaya naman hindi ko namalayan ang isang lalaki na tumagos lang sa katawan ko. Napahinto ako sa paglalakad habang nanlalaki ang mga mata. Nilingon naman ako ni Rome at nagkibit-balikat lang. Talagang normal na sa kanya yung mga ganoong bagay nuh? Pwes! Sakin hindi!

Huminto kami sa isang lapida at tinignan ko naman ang nakasulat doon. James Rome Trevino. Napahakbang ako at napahawak sa aking bibig. P-patay na sya?

“I-ikaw yan?” nauutal na tanong ko.

“Yeah” tugon nya habang blangkong nakatingin sa lapida nya.

“Ako yung matagal mo nang hinahanap Natasha. Ako yung lalaki na nakasama mo ng anim na taon” sabi nya pa at lumingon sakin. Nanlalaki naman ang mga mata ko na nakatingin sa kanya.

“H-hindi” di makapaniwala at wala sa sariling sabi ko.

“Ako yung sinasabi mong nag-iisang tao na nakinig sayo at naging sandalan mo. Ako yung lalaking mina---”

“Tama na!” sigaw ko at tinakpan ang dalawang tenga dahil hindi ko na kaya pa ang mga naririnig ko.

“Mahal din kita” mahinang tugon nya pero parang isang malakas na sampal sakin.

“Lumipat kami ng bahay pagkatapos natin grumaduate ng grade 6. Nagalit pa nga ako noon kay mama dahil hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sayo bago kami umalis pero wala na kong nagawa dahil hindi na kami pwede na bumalik pa. Lumipat kami ng bahay kaya lumipat din ako ng school. Katulad mo, wala din akong naging kaibigan. Introvert din ako. May kotse si papa noong mga panahon na yun, hindi nila alam na patago ko iyong pinag-aaralan tuwing gabi hanggang sa nasanay na ako. Isang araw, napagdesisyunan ko nang puntahan ka gamit ang kotse ni papa. Maulan noon pero di ko alintana dahil gustong-gusto na talaga kita makita at gustong-gusto ko na rin aminin sayo ang nararamdaman ko. Lumakas ang ulan pero hindi ako huminto kahit halos wala na akong makita sa daan. Desperado na kung desperado pero mahal kita eh. Dahil wala nga akong makita ay hindi ko napansin ang isang truck na papunta sa direksyon ko. Nabangga ako. Na-coma ng limang buwan at napunta sa Spispisle. Tinanong ako ni ate Selestina kung gusto ko pa bang bumalik, tumanggi ako dahil akala ko magiging masaya ang buhay ko sa Spispisle pero nagkamali ako dahil naalala ko na hindi ko na makakasama pa sila mama at hindi na ulit kita makikita pero gumawa ang tadhana ng paraan para makasama kita kahit sandali lang” natatawang sabi nya bago pinunasan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

“Nagagawa mo pang tumawa” sabi ko at hinampas sya ng malakas habang humahagulgol sa pag-iyak. Niyakap naman nya ko.

“Ayokong mangyari sayo yung nangyari sakin Natasha. Proud ako sayo na nakaya mo kahit wala ako sa tabi mo pero hindi ko lang talaga matanggap na magagawa mong magpakamatay” sabi nya at huminga ng malalim kaya naman napahiwalay ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

“N-nagpakamatay? A-ako?” utal-utal na sabi ko. Kailan ba ko lulubayan ng mga rebelasyon na 'to?!

“Tara” tipid na sabi ni Rome at tumayo na.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko pero hindi nya ko sinagot kaya naman sumunod na lang ako.
































Nakarating kami sa isang....

“Ospital?!” kanina nasa sementeryo kami, ngayon naman sa ospital.

“Obviously?” sagot naman ni Rome. Minsan, di ko maintindihan kung bakit ang sungit-sungit nito. May dalaw ata eh.

Papasok na sana kami ng ospital pero may nakita akong pamilyar na tao dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad.

“Mama?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro