Chapter 6
⚠️Warning: Profanities ahead⚠️
Natasha's POV
“Rome, nag-eexist ba talaga ang lu---” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil pagkalingon ko ay wala na sa likod ko si Rome. Nang-iiwan bigla hmpf!
Hindi ko na lang muna sya inisip at ipinagpatuloy ang paglilibot. Sa kanang bahagi ng puno ay may natatanaw ako na isang palasyo at sa harapan nito ay may isang lawa kung saan may isang babae na nagpapalutang ng bolang kristal.
Naisipan kong mamaya na puntahan iyon at suriin muna ang puno na nasa harapan ko. Madami ang mga kumikinang na bolang kristal at nakapalibot ito sa puno. Nilapit ko pa ang mukha ko sa mga bola upang makita ng malinaw kung ano ang nasa loob nito.
Naaninag ko ang mga tao na nasa loob ng bolang kristal, parang mga karanasan o mga pinagdaanan nila. Yung iba ay masaya, yung iba naman ay malungkot at mayroon ding mga trahedya. Basta halo-halo. Ang weird lang dahil parang may gusto akong makita sa mga bolang kristal na ito. Parang may hinahanap ang sarili ko. Hanggang sa napadako ang tingin ko sa katawan ng puno. May nakaukit dito pero di ko mabasa ng maayos kaya naman lumapit pa ako dito.
"A-ano 'to?" mahinang sambit ko habang nanlalaki ang mga mata.
Rome's POV
[Now Playing: Together by Neyo]
~Since the day that we met girl
I never had anyone make me feel this way
And my heart is sure it wants to be with you
Wanna give you the whole world
If you make the promise to me, You're gonna stay
Without you guiding me, I'm lost and so confused~
Pinagmamasdan ko sya mula sa malayo. Ang ganda nya at ang laki na ng pinagbago nya. Natasha Mae Dallarosa. Ang binansagan nilang "introvert lonely girl". Naiinis ako sa sarili ko kasi wala ako nung mga panahong kailangan nya ng sandalan. Naiinis ako dahil hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya. Oo, ako yung kinikwento nya na kaibigan nya noong elem pa sya. Taena ang manhid mo James Rome Trevino. Ang torpe mo ding hayup ka.
~I know he left you stranded
And you paid the price when you messed up your life oh
Girl I know you're so afraid
But I can't right the wrongs he did
I know you saw the lipstick on my window
And wonder'n how many chick's been to my home
I've done my share of playing games
But for you I given up that life~
Masaya ako na nakita at nakasama ko sya dito pero alam kong hindi na maibabalik pa ang panahon. Ni hindi nya nga ako nakilala eh. Alam kong nag-iba na rin ang itsura ko pero kahit anong pilit ang gawin ko, hindi nya ko maaalala dahil may amnesia sya.
~I'm gonna be the love that's gonna last
And be the one that got your back
Ain't nothing ever that bad that we won't be together
And though we both made our mistakes
And some we never wish we made
But we'll be okay if we just stay together~
Gagawin ko ang lahat para makabalik sya sa dati nyang buhay at maging masaya ulit kahit wala ako.
Natasha's POV
Napaupo na ko dito sa damuhan dahil sa labis na pagkabigla. So, ang ibig sabihin ng Spispisle ay Isle of the Spirits? What the hell?! All this time akala ko ay isang sikat na lugar lang ito. What the ffuuddggeee!
Sumigaw ako ng napakalakas. Wala na akong pake kung makabulabog man ako o ano. Gustong-gusto ko magwala at magbalibag ng mga bagay bagay dahil sa nalaman ko. Maya-maya pa ay may nagtakip ng bibig ko at hinila ako papalayo sa lugar na iyon. Nagpupumiglas ako hanggang sa namalayan ko na lang na nasa labas na ako. Hinarap ko yung humila sakin at agad na sinampal. Gigil na gigil na ko ngayon. Gusto ko manakit pero salamat na lang dahil nagagawa ko pang pigilan ang sarili ko.
“Bakit ka ba nagwawala Natasha? Masyado kang mai---”
“Wala akong pakialam Rome! Sige, magpalit tayo ng posisyon. Anong gagawin mo kapag nalaman mo na lahat ng bagay sa mundong ito ay hindi totoo?! Anong gagawin mo ha?! Anong gagawin mo kapag nalaman mong nagsisinungaling lang yung mga taong pinagkatiwalaan mo sa mundong ito?! Sabihin mo nga sakin!” pagwawala ko habang sinusuntok yung dibdib nya.
“S-sorry”
“Sorry? Anong magagawa ng sorry mo?! Maibabalik ba nun yung buhay ko?! Tangina naman eh!” parang sasabog na ko sa galit. Di ko na mapigilan kung ano yung mga lumalabas sa bibig ko.
“Sumama ka sakin” sabi nya habang nakatalikod sakin na animo'y parang wala lang sa kanya yung nangyari. Staka ako? Sasama sa kanya? Matapos nilang sirain yung tiwala ko sasama pa ko sa kanya? Gago ba sya?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Hey, Gusto ko lang mag-sorry sa mga nabasa nyong profanities sa chap na ito. Actually, eto yung first time na naglagay ako ng profanities and hindi na mauulit pa HSHSHSHS. Again, sorry and enjoy reading✨💜
~agent_purple19
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro