Chapter 5
Natasha's POV
Hinila ako ni Rome sa kung saan at nakaharap na kami ngayon sa isang lugar kung saan puro puno at sa gitna nun ay puro baging. Seriously? Anong gagawin namin dito?
“Anong gagawin natin ngayon? Mag-didisappear ba yan kapag tinitigan lang natin ng ganito?” sarcastic kong sabi at natawa naman sya.
“What? Seryoso ako aba, wag mo kong tawanan dyan” sabi ko at naka-pameywang na ngayon. Anak ng tinola naman oh!
“Hindi tayo tatayo lang dito maghapon okay? Ang gusto ko kasi, ikaw ang humawi ng mga baging na nakaharang” natatawa nyang sabi. Di talaga sya maka-move on ah? Pero teka, ako? Maghahawi ng baging? No way highway, mamaya may ahas dyan eh.
“Ayoko nga” matigas kong sabi.
“Bakit?” tanong nya at ngayon ay nakakunot na ang mga noo.
“Baka mamaya may mga ahas dyan eh tuklawin pa ko. Gusto mo ba kong mamatay ha?” paliwanag ko at parang natigilan sya pero hindi nya ipinahalata.
“Sige na nga, ako na maghahawi” sabi nya at naglakad na papunta sa mga baging.
Pinagmasdan ko sya at sandali nya lang nahawi ang mga ito. Wala naman palang ahas hehehe.
“NaMae tara dito” tawag nya sakin at naituro ko pa yung sarili ko.
“Oo ikaw, may iba pa ba akong kausap dito?” may pagkasuplado din pala ang lalaking ito.
“Eh bakit kasi Na---ano?” taka kong tanong at hindi talaga ako magaling sa pagkakabisa ng mga pangalan lalo na kapag mahirap bigkasin.
“NaMae” maiksing pag-uulit nya.
“Ayon! Bakit NaMae tawag mo sakin?” tanong ko habang nakakunot ang noo.
“Pinagsamang Natasha Mae kaya NaMae. Tama na muna ang tanong, tara na dito dahil may limit lang ang oras ng pagbisita dito” iritang sabi nya at parang may hinahabol. Ang sungit. May mood swings ata 'to eh.
Nang makalapit kung nasaan sya ay hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Totoo ba 'to? Baka panaginip na naman ah?
“Di ka nananaginip” sabi ni Rome na nasa tabi ko at kinurot yung pisngi ko.
“Aray!” sigaw ko at pinalo yung kamay nya.
“Oh di ba, di panaginip” natatawang sabi nya.
Inirapan ko lang sya at itinuon ulit ang atensyon ko sa pinto na nasa harap ko. Hindi ito ordinaryong pinto lang dahil gold ito. Oo mga pre, ginto yung pinto.
“Buksan mo na binibini” sabi ni Rome at yumuko pa kaya naman bahagya akong natawa bago tuluyang buksan yung pinto.
Wow. Just wow. Napaka-ganda, nakakamangha, maaliwalas, wala na may nanalo na. Kinusot ko pa yung mga mata ko dahil akala ko namamalik-mata lang ako pero hindi eh, totoong nasa harap ko ang napaka-gandang paligid na ito.
“Speechless?” tanong ni Rome sakin at hindi na ako nakakibo pa dahil abala ako na pagmasdan ang paligid ko.
Kulay lila na daan at mga puno ang bumungad sakin. Parang sakura tree pero kulay violet ganorn.
“Wala kang balak pumasok?” tanong ni Rome na nasa gilid ko at pinagmamasdan din ang buong paligid.
“Saglit lang naman noh. Atat ka masyado?” inis kong sabi at nauna na maglakad. Hmpf! Bahala ka dyan, maiwan ka.
Tinahak ko ang mahabang daan na puro puno na kulay violet. Ang peaceful ng lugar na ito, yung tipong ikaw lang mag-isa tapos dinadama mo yung ganda ng kalikasan.
“Di ba favorite color mo yan?” tanong ni Rome sakin na kasabay ko na sa paglalakad.
“Huh?” nakakunot-noong sagot ko. Wala akong maalala na favorite ko ang color violet.
“Oo nga pala. May amnesia ka” parang wala lang na sambit nya habang ang dalawang kamay nya ay nasa likod kaya naman lalong kumunot ang noo ko.
“Kung may amnesia man ako, edi sana di ko na naaalala ang buong pangalan ko” puno ng determinasyon na sabi ko.
“Oh sige nga, ano ang buong pangalan mo?” paghahamon ni Rome sakin kaya naman napangisi ako. Ano akala nya sakin? Nagsisinungaling ako?
“Ang buong pangalan ko ay Natasha Mae Dalla---ano yung kasunod?” mahina yung pagkakabigkas ko sa mga huling salita dahil ayokong iparinig kay Rome pero narinig ko na ang mahinang tawa nya.
“See? May amnesia ka nga, wag na makulit” natatawang sabi nya at pinitik muna ang noo ko bago naunang maglakad.
Pero paano? Bakit ganon? Nung unang araw ko dito eh naaalala ko pa ang buong pangalan ko. Pero bakit ngayon? Argh! Mababaliw ako kakaisip!
Napansin kong medyo nakakalayo na si Rome kaya naman tumakbo na ako para maabutan sya. Narating namin ang dulo ng daan at may gintong gate sa aming harapan. Di naman sila sagana sa ginto nuh? Anyways, mababa lang yung gate at may nakalagay na salitang “sacred tree” sa itaas nito.
“Let's go?” aya nya sakin habang nakalahad ang isang kamay kaya naman tumango ako at kinuha iyon.
Binuksan nya yung gate at bumungad samin ang isang malaking puno na napapalibutan ng mga kumikinang na parang bolang kristal.
Naiisip ko, parang nasa loob ako ng isang fantasy world. Ganito kasi yung mga nababasa ko sa libro. Ngayon lang ako nakarating sa ganitong lugar. Napakaganda ng lugar na ito at parang walang polusyon. Imposible rin na sa Maynila ito dahil balot na balot na ng polusyon ang lugar na iyon. Posible nga kaya na nag-eexist ang ganitong lugar?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro