Chapter 2
Natasha's POV
Isinantabi ko muna yung mga nasa isip ko ngayon at dinama ang sariwang hangin sa lugar na ito. Ayoko muna mag-isip ng kung ano-ano dahil baka ma-stress ako. Kung saan sila masaya, edi bahala sila dun. Basta ako ieenjoy ko muna ang mapayapang lugar na ito.
Naglilibot ako ngayon at puro puno at mga paru-paro ang nakikita ko sa paligid. Feeling ko walang polusyon dito. Akala ko lahat ng lugar sa Manila ay puno ng polusyon pero may lugar pa rin palang katulad nito na payapa at sariwa pa ang hangin. Parang ang saya-saya manirahan sa lugar na ito. Walang problema, stress, polusyon, sakit tapos payapa at malayo sa mga kaguluhan. Sa susunod na bisita ko dito, isasama ko sila mama at papa. Teka muna, bakit nga pala di ko kasama sila mama? Ano ba yan! Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon.
3rd Person's POV
“Naaawa na ko sa kanya Alicia. Para syang bulag sa katotohanan” malungkot na sabi ni Selestina sa kanyang kaibigan.
“Wala tayong magagawa Tina dahil iyon ang iniutos sa atin. Buti nga at napigilan pa kita kanina kundi pareho tayong lagot ngayon” sabi naman ni Alicia at tumingin kay Natasha na ngayon ay nililibot ang buong Spispisle.
“Masisisi mo ba ako? Alam mo namang maawain ako lalo na sa mga kabataan na katulad nya” pangangatwiran nito at hindi na sumagot pa si Alicia.
“Mga ate!” napatingin sila sa humahangos na lalaki na tumawag sa kanila.
“Oh Rome bakit?” tanong ni Selestina sa kanya.
“Totoo ba yung nakita ko kanina? Totoo bang nagawa yun ng babaeng iyon?” hindi makapaniwalang tanong ni Rome habang nakaturo kay Natasha.
Malungkot namang tumango sina Selestina at Alicia. Maging sila ay hindi makapaniwala na kaya iyon gawin ng isang labinlimang taong gulang.
Natasha's POV
“Saan naman ako matutulog nito ngayon?” bulong ko habang pinagmamasdan ang mga paru-paro.
“May alam akong luga---”
“Ay kabute!” sigaw ko at muntik pang mahulog sa kinauupuan ko ngayon.
“Selestina naman! Kanina pa ah? Nakakadalawa ka na, papatayin mo ba ko?” naghihisterikal kong sabi. Pano kasi, bigla-biglang sumusulpot.
“Sorry na” tawang-tawa na sabi ni Selestina.
“Masaya ka ganon? Satisfied?” sarcastic kong sabi habang naka-thumbs up pa.
“Okay, okay. Sorry” mahinahon nyang sabi at saglit na katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa.
“Narinig ko na naghahanap ka ng matutulugan mo ngayon?” tanong nya at ito naman ang bumasag sa katahimikan na bumabalot samin kanina.
“Yeah” tipid kong sagot.
“Tara, samahan na kita papunta doon” aya nya sakin at tumayo na kaya naman sumunod na ko.
“Nga pala Selestina, kailan ako pwedeng umuwi?” tanong ko dahil wala akong matandaan kung ilang araw ako dito.
“H-ha? Hindi ko alam eh hehehe” awkward nyang sabi at binilisan pa yung lakad nya. Bakit lahat na lang ng itanong ko sa kanya hindi nasasagot ng maayos?
Nakarating kami sa isang kubo at parang ang lamig sa loob. Parang ang sarap matulog dun hehez.
“Tara, akyat ka” sabi ni Selestina at inilahad yung kamay nya para alalayan ako. Binuksan nya yung nakaharang na kurtina at tumambad sakin ang isang malapad na kama at feeling ko ang lambot-lambot.
“Kumikinang yung mga mata mo ah?” puna nya sakin kaya naman napatalon ako sa tuwa.
“Akin yan?” excited kong sabi at hindi na makapaghintay pa na tumalon doon sa malambot na kama.
“Oo naman, sayong-sayo” sabi ni Selestina at tumalon na ko sa malambot na kama. Pagkatalon ko ay parang bigla akong inantok at di ko na napigilan pang mapa-hikab at ipikit yung mga mata ko.
“Maiwan na kita dyan Natasha” rinig kong sabi ni Selestina at tumango naman ako.
“Sige Sele. Salamat. Good night” sabi ko bago umayos ng higa at dinama ang lambot ng kama.
“Sorry” rinig kong sabi ni Sele bago ako tuluyang makatulog.
Sorry? Bakit? Para saan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro