Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Natasha's POV

Hindi na ako nakatulog sa sobrang excited ko na makabalik pero nang sumapit na ang umaga ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Ewan ko ba, ang saya-saya ko kagabi pero ngayong umaga bigla akong nalungkot.

Sa huling pagkakataon ay nilibot kong muli ang Spispisle. Dinadama ang bawat sariwang hangin na dumadampi sa katawan ko. Parang dati lang, hinihiling ko na mapunta ako sa mapayapang lugar. Tinupad ng Diyos ang hiling ko pero panandalian lamang ito, kumbaga ay pinaalala nya lang sakin na hindi sa lahat ng oras ay puro saya ang mararanasan mo. Dadating ang mga problema pero magagawa mong harapin at pagtagumpayan ito, magbibigay din ito ng mga aral sayo na magagamit mo sa mga susunod pang problema o hamon.

Napadako ang tingin ko sa isang lalaki na naglalakad ng marahan. Parang may sariling buhay ang mga paa ko at patakbong sinalubong ang lalaking ito.

“Rome!” bigla na lang akong napaiyak nang mayakap ko ng mahigpit si Rome.

“A-anong problema?” nag-aalalang tanong nya pagkahiwalay sakin.

Biglang bumalik sakin ang huling sinabi ni Arthemis na lalong nagpaiyak sakin.

“Huwag kang mag-alala Natasha dahil pagkaalis mo dito ay wala kang maaalala kahit isa, kahit kami ay hindi mo rin maaalala”

“Ipangako mo sakin na magiging ayos ka lang kapag nawa---”

“Sandali Natasha, ano ba yang mga sinasabi mo?” naguguluhang tanong ni Rome at mariin akong napailing.

“Makinig ka muna sakin Rome! Basta ipangako mo na magiging ayos ka lang dito kapag nakabalik na ko samin” sabi ko habang patuloy pa ring umaagos ang aking mga luha.

“Naguguluhan pa ri---”

“Mangako ka please?” pagmamakaawa ko at halos lumuhod na ko sa harapan nya.

“P-pangako” sabi nya at niyakap ko ulit sya ng mahigpit, alam kong naguguluhan pa rin sya pero niyakap nya ko pabalik.

“Mahal na mahal kita” sa pagkakataong ito ay napahagulgol na ko.

“Mahal na mahal din kita Natasha” sabi ni Rome habang nakahawak sa pisngi ko at maya-maya lang ay naramdaman ko na lang ang kanyang labi na nakalapat sa labi ko. H-hinalikan nya ko? Totoo ba 'to?

Humangin ng malakas pero hindi kami nagpatinag hanggang sa unti-unti na akong lamunin ng nakasisilaw na liwanag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro