Chapter 1
Natasha's POV
"Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang paligid ko. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya nakakapagtaka staka parang ako lang ang tao dito.
"Maligayang pagda---"
"Ay palaka ka!" sigaw ko dahil nagulat ako sa biglaang pagsasalita ng babaeng ito sa likuran ko. Papatayin ata ako ng maaga nito eh.
"Ate naman, wag kang nanggugulat ng ganon. Aatakihin ako sa puso dahil sayo eh" di maka-move on na sabi ko at natawa naman sya ng mahina.
"Pasensya ka na binibini" sabi nya at yumuko pa ng konti pero ano daw? Binibini? Ehe enebe yen. Heh! Selp, behave.
"Ano pong pangalan mo?" tanong ko dahil kanina pa kami naghuhuntahan dito tapos di ko man lang alam yung pangalan nya.
"Ako si Selestina at nandito ka sa Spispisle" sagot nya kaya naman nagtaka ako. Spispi--ano?
"A-ano po? Spispisle? Saang lugar po sa Manila ito?" taka kong sabi at kumunot naman ang noo nya.
"Hindi mo ba maalala?" tanong nya at kumunot din ang noo ko. Ano bang sinasabi nito?
"Ang alin po?" ano ba yan. Tanong nya tanong din sagot ko. Ang gulo ah.
"Hindi mo maalala na naa--"
"Selestina! May kailangan tayong pag-usapan" ngiting-ngiti na sabi ng isang babae na sa tingin ko ay kaibigan nya. Panira naman 'to. Nag-uusap pa kami eh.
"Ah o-oo nga pala. Paalam binibini, maglibot ka muna dito" sabi ni Selestina at yumuko ulit bago kumaway sakin.
"T-teka! May hindi ka pa nasa---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at inis na pumadyak dahil tuluyan nang nakalayo si Selestina at yung kaibigan nya.
"Amnesia?" muntik na ulit ako mapatalon dahil may nagsalita na naman mula sa likuran ko. Ano ba yung mga tao dito? Kabute? Kaasar ah.
"Oh? Sino ka naman?" pagtataray ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Mahalaga pa ba yun?" sabi nya at dumukwang para maging magkatapat yung mukha namin, mas matangkad kasi sya sakin ng konti. Konti lang hehe. Nagulat ako sa ginawa nya kaya naman muntik na ko matumba pero mabilis nya kong nahawakan sa beywang at hinila papalapit sa kanya. Sa sobrang lapit ko sa kanya ay natitigan ko yung asul na asul nyang mga mata.
"Hinay-hinay sa kakatitig, baka matunaw yan" sabi nya at natauhan naman ako dahil dun kaya itinulak ko sya papalayo sakin.
"A-asa ka nuh" sabi ko at nag-iwas ng tingin. Bakit ganon? Kinakabahan ako tapos feeling ko ang init ng pisngi ko.
"Eh bakit nauutal ka?" usisa nya pa. Ang kulit naman ng lalaking ito.
Hinawakan nya yung baba ko tapos pilit na iniharap sa kanya. Tinititigan nya yung mga mata ko pero iniiwas ko. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sakin na wag ako tumingin ng deretso sa mga mata nya.
"Tumingin ka sakin" utos nya pero pilit ko pa ring iniiwas yung tingin ko. Ayoko nga, sino ba sya?
"Tumingin.Ka.Sa.Akin" sabi nya at bawat words ay madiin ang pagkakasabi nya kaya natakot ako at walang nagawa kundi tumitig sa mga mata nya.
Maya-maya lang ay nagkaroon ng gulat sa mga mata nya at binitawan nya bigla yung baba ko at nag-iwas ng tingin. Okay? Weird.
"Ah s-sige. May gagawin pa pala ko. Maiwan na muna kita dyan" sabi nya at mabilis na naglaho sa paningin ko. Bakit ganon? Feeling ko iniiwasan nila ako. May dapat ba akong malaman?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro