6: Search Information
Chapter 6
Kung may gusto malaman ang kasagutan sa katanungan gumugulo sa isipan mas mabuti hanapin ang Kasagutan.
Wala ako makita kung hindi puro kadiliman. Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang alam ko nahimatay ako.
“Holly.”
Nilibot ko ang tingin kahit wala ako makita. “Sino ang nandyan?”
“Sundan mo aking boses. Dadalhin kita sa akin hardin.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Hindi nagtagal nakalabas ako sa kadiliman.
“Wow ang ganda. Nasaan ako?”
Nagtaka ako na walang sumagot sa akin. Napagpasya ko mag libot sa hardin. Ang ganda talaga para ayaw ko na umuwi.
Namitas ako ng masanas. Sarap mabuhay dito, wala problema ang gaan sa pakiramdam.
Natigilan ako na may nagsalita mul sa likod ko. Napalingon ako.
“Ikaw ba ang nagsalita kanina?”
Maganda ang kasuotan ng babae. May mga bituin na disenyo ang kaniyang pulsiras. Pero napapikit ako na tumingin sa mukha niya.
“Ako nga. Pasensya na hindi mo makikita ang mukha ko sapagkat hindi mo pa ako nakikita sa tunay na mundo.”
Ang lakas niya sa tingin ko lang. Parang may humihila paibaba sa mga magkabilang tuhod ko pero nanatili ako nakatayo. Nakakahiya kung makita niya ang hina ko.
“Sino ka? Nasaan ako?”
Inilahad niya ang palad sa akin na kaagad ko naman tinanggap.
“Ako direksyon ng lahat na may Special Ability. Nasa panaginip ka.”
Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Ang ganito kagandang lugar ay isang panaginip.
Sinundan ko ng tingin ang itunuro niya. Napataas ang kilay ko sa nakita.
“Ano yan?”
Nakalutang sa eri ang maliwanag na bato na walang kulay.
“Yan ang kapares ng ability mo. Kung gusto mo lumakas hanapin mo ito sa loob ng Academy.”
Bumitaw siya sa akin. Lumapit ako sa bato para pag aralan ang kabuohan nito. May mga simbolo ang nakalagay na hindi ko maintindihan.
Humawak ako sa bato. Halos manginig ang buong katawan ko na may kasamang panlalamig. Napalingon ako sa babae. Bumitaw ako sa bato na lumayo ang babae sa akin. Tumakbo ako palapit sa kaniya pero lumalayo naman siya.
“Hintay..!”
Nagising ako habol hininga. Naliligo sa sariling pawis, bumangon ako na hindi mapalagay sa kinaupuan. Nilibot ko ang tingin sa loob, nandito ako sa Clinic.
“Mabuti naman gising ka na. Kumusta Ms. Trinidad?”
“Medyo ayos naman ako.”
Lumapit siya sa akin at binigay sa akin candy.
“Kainin mo yan para manumbalik ang iyong lakas.”
Sinunod ko ang kaniyang sinabi. “Nasa labas ang kaibigan mo. Maiwan na kita, pwede ka na lumabas kung gusto mo na umuwi sa dorm,” ngumiti siya sa akin bago lumabas.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kaibigan? Parang wala naman ako non.
Bumukas ang pinto at sumara na walang pumasok.
“Ay grabe ka girl!”
Muntik na ako sa hospital bed sa gulat. Dahan-dahan lumitaw si Kuro sa harapan ko.
“Mamatay yata ako sa gulat sa iyo. Sa susunod huwag mo ulitin yun,” inis kong sabi.
“Pasensya na. O nga pala tatlong araw ka na tulog dito sa Clinic. Grabe ka girl lumaban ka talaga hanggan dulo sa isang sub elemental ability.”
“Ano, tatlong araw?!” sigaw ko sa kaniya.
“Oo girl. Hay naku buti na lang pumayag ang mga guro sa excuse na reason ko. Pasalamat ka sa akin.”
“Ano papasok ka ba ngayon sa normal subject natin?”
“Hindi na siguro. Gusto ko kumain, may dala ka ba dyan?”
Natawa naman siya sa inasta ko. Binigay niya sa akin ang dala niya pagkain kaagad ko naman binuksan. May kanin, gulay, karne at tubig.
“Salamat.”
Hindi ko na siya pinansin sa mga sinasabi niya.
***
Nandito kami ngayon sa hardin. Nalaman ko kay Kuro pinag isipan ng Headmaster kung ililipat ako sa kabilang section. Ang section kung saan kabilang si Kuro.
“Anong ganap ngayon?”
“May meeting ang mga teacher ngayon. Sa susunod na linggo may malaking pagbabago at i announce.”
“Alam mo hindi ko maiwasan mainggit sa mga may elemental ability. Isipin mo marami silang nagagawa. Ako tamang pag laho sa paningin ng tao.” Yumuko si kuro.
“Kuro huwag ka na mainggit dyan. Walang maitulong yan sa sarili mo. Ang mabuti pa mag tungo tayo sa library para malaman ang higit na imporsyon sa atin Special Ability.”
Mabuti naman pumayag siya. Hindi ko alam kung saan ang library na kasunod lang ako kay Kuro.
Nakasalubong namin ang The Higher Student ng Academy. Masama kung tiningnan si Namsoon pero hindi ako napansin nito. Masaya nag kwentuhan ang lima kasama ni si Mengchi.
Lumagpas na kami sa kanila nakahinga ako ng maluwag. Nakarating kami sa loob ng library subrang tahimik. May isang studyante ang nagbabasa.
“Higher Student ang isang yan.” bulong sa akin ni kuro. Tumango lang ako. Naghanap muna kami pag pwestuhan na malayo sa Higher student.
“Tamang tama medyo tago dito. Dito na lang tayo magkita hanap mo na ako ng libro.”
Nag hiwalay kami subrang lawak ng library. Paikot ikot ako sa library hindi ko makita ang section sa touch ability.
Pagliko ko sa pinakatago sa library. Bumungad sa akin ang mga libro balot ng alikabok halata walang gumamit sa mga ito.
Nakahinga ako ng maluwag na makita ang ability section ng mga libro. Kunti lang ang mga libro patungkol sa touch ability. Dinamput ko ang isa at binuklat. Bumungad sa akin ang unang pahina.
ABILITY LIST
-Move
-Healing
-Precognition
-Recognition
-Waves
-Generate
-Creation
-Anywhere
-Shadow
Palipat lipat ako mahina mabilis ko ito nabasa sa pamamagitan sa pag lapat ng palad ko sa pahina ng mga letra. Nalaman ko hindi touch wave ang ability ko. Isang kalokuhan para paniwalain ang lahat na isa ito pinakamahina na ability. Matapos ko mabasa ang lahat ng nakasulat. Pinagana ko ang ability ko. Sa kisap kata dahan-dahan ito naglaho sa hangin.
Hindi ako mapaniwala may kaya pang gawin ang ability ko. Kahit anong mahawakan ko gumagana ang lahat. Hindi kaya marami pa akong hindi nalalaman. Nanumbalik sa kasalukuyang ang isip ko na marinig ang kakaibang tunog na mula sa likod ng pader.
Kumuha ako ng isa pang libro bago magpasya bumalik. Naabutan ko si Kuro na abala sa pagbabasa.
“May nalaman ka ba impormasyon na makakatulong sa iyo?”
Huminto siya sa pagbabasa at tumingin sa akin.
“Ayon dito sa nakasulat. Si Price Killiam taglay niya rin ang invincibility. Ang invincibility may kakayahan invisible ang iba pang bagay o nilalang na mahawakan.”
“Mabuti naman. Sigurado ako lalakas ka pa.”
Napabuntong hininga si Kuro. “Kaya mo yan Kuro. Basta sundan mo lang ang mga nakasulat dyan kung paano matutuhan yan.”
“Maraming salamat. Teka lang, eh ikaw may nalaman ka ba?”
“Oo pero hindi ako sigurado kung gagana. Susubukan ko pag may free time ako.”
Nahinto ang pag-uusap namin na dumating ang namamahala sa library. Lumapit sa amin ang bata. May maamong siya mukha.
Napapikit ako saglit na bigla ko na naman nakita ang detailed niya.
Name: Ello Echo
Gender: Male
Age:31
Special Ability. Telekinesis
“Yan na ba ang gusto niyo hiramin?”
“Yes po.” - Kuro.
Kinuha niya ang libro sa amin. Lumiwanag ang libro saglit bago ibalik sa amin.
“Maraming salamat po.”
Nagpaalam na kami sa kaniya lalo na naramdaman namin may masamang tumingin sa amin. Lumingon ako sa Higher bago kami lumabas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro