Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5: Duel

Chapter 5
Kahit mahirap kakayanin ang mahalaga sinusubukan lagpasan ang hanggan kaya gawin.


Huminga ako ng malalim hindi ko alam kung ano gagawin ko ngayon.

“For today...  Duel ang gaganapin ngayon. Buksan niya ang libro at tingnan ang kulay. Kung anong kulay ang itinawag ko maari pumunta dito sa Duel Stage.”

Napahawak ako sa ulo na lumitaw ang detailed sa ibabaw ng ulo ni Sir.

Name: Hanshi
Gender: Male
Age: 35
Special Ability: Shadow controler

Hindi ko mapigilan ang kakayahan ito. Impossible na may dalawa o higit pa ang isa tao na may Special Ability.

Binuklat ko ang libro. Bumungad sa akin ang papel na kulay itim. Nilibot ko ang tingin sa palibot pero wala ako nakita na may hawak na kulay itim na papel.

“Duel Stage?”

“Hay naku Holly, hindi mo alam yata ang ability ni Sir Alwin.”

Nilingon ko si Sharon. “Tapos?” natawa naman siya sa inasta ko.

“Ako ri hindi ko alam. ” pigil tawa nito.

Napataas ang kilay ko sinasabi niya. “Walang nakakatawa. Ang mabuti pa tumahimik ka dyan.” Tumingin muli ako sa Duel Stage may dalawang estudyante ang nasa loob. Napatayo ako sa kinaupuan ko na makilala ang dalawa.

“Si Mermon at si Khung Ta, interesting.”

Naghanda ang dalawa kasabay dahan-dahan pumalibot ang barrier sa  duel stage. Napatingin ako sa may gawa nito.

"Ano?” gulat na sambit ko.

Isang payat na babae ang lumikha ng barrier. Sa unang tingin ko mula siya sa Higher Student base sa uniform suot niya.


Name:Mengchi
Gender: Female
Age: 23
Special Ability:Barrier Creation

Napakuyom ako ng kamao. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko magawan kontrolin ang makakita ng mga detailed.

Nanumbalik sa kasalukuyang ang isip ko na marinig ang pag sabog na mula sa Duel Stage.

Halos nanginginig si Mermon na tumaas ang temperatura ng lamig. Nakakapagtaka sa loob ng Duel Stage mabilis ang pag ulan ng niyebe.

“Kung ganoon yan pala ang kaya gawin ng Barrier Creation.”

Nag liwanag ang katawan ni Mermon. Sa pag hupa ng liwanag bumungad ang panibago niya kasuotan. Nakasuot siya ng Armor na may pakpak sa likod.

“Hindi ako papayag na matatalo mo ako!”

Lumipad paitaas si Mermon. Sa bawat pagapas ng kaniyang pakpak na hawi ang mga maliit na  niyebe sa eri.

“Sorry. Tapos ka na ngayon.”

Sa kumpas ng kamay ni Khung Ta mas lalo lumakas ang pag-ulan ng niyebe.

Nahihirapan lumipad si Mermon sa subrang lakas ng hangin. Habang abala siya sa pag balanse, palihim umatake sa kaniya si Khung Ta ng sunod-sunod na tumama sa kaniyang likod na naging dahilan na pag bagsak niya sa niyebe.

Hindi nakontento si Khung Ta, hinampas niya ang kamay sa sahig na naging dahilan umalon ang mga niyebe. Tumilapon palabas ng Duel Stage si Mermon na walang malay.

Lumabas ang loko nakangisi sa amin lahat. Lumapit naman isang kaklase namin na isang Healer.

Maraming pang sumunod na duel pero boring hindi ganoon ka interesado ang nangyari.

Nag angat ako ng tingin na tumayo si Sharon. Hindi ko inakala kaklase ko ang bruha. Nasa stage na si Hannah naghihintay kay Sharon.

Sa pagtapak pa lang ni Sharon sa stage kaagad nag pakawala ng tornado sa direksyon ni Sharon. Mabuti na lang nakaiwas siya.

Muli nagpakawala si Hannah ng Tornado. Walang magawa si Sharon kung hindi iharang ang dalawang kamay niya.

Patuloy umiikot ang buhawi habang pilit itinutulak ni Sharon palayo sa kaniya.

Muli naghagis ng tornado si Hannah. "Yan lang ba kaya mong gawin, Sharon?”

Napa wow ako na umangat sa eri si Sharon. Naiwasan niya ang isa pang tornado. Tumama ito sa barrier at naglaho.

Hinigop ni Sharon ang maraming naglitawan na tornado sa palibot. Napaatras si Hannah ng dalawang beses, humihina na ang kaniyang katawan maging si Sharon.

Inubos ni Sharon ang lahat ng tornado. Bumagsak sa sahig si Hannah sa subrang panghihina.

Huminga ng malalim si Sharon. Sa pag buka ng bibig lumabas ang malakas na hangin ang tumama kay Hannah. Na walang ng malay si Hannah na tuluyan siyang manghina.

Bumagsak sa sahig si Sharon na habol hininga. Lumapit sa kanila ang Healer at binuhat sila palabas ng stage.

Apat na lang kami natitira ang hindi lumalaban. Nagsigawan ang lahat na tumayo ang dalawa at nag tungo sa stage.

Napa pikit ako ng mariin. Sa pagmulat ko nakita ko naman lumitaw sa ibabaw ng ulo ng lalaki ang detailed.

Name: Astroid
Gender: Male
Age:19
Special Ability: Teleportation

Nagsimula ang laban ng dalawa. Pinaulan ng fire ball ni Harvey pero nag teleport si Astroid ng paulit ulit para iwasan ang mga fire ball.

Nag teleport si Astroid sa likod ni Harvey. Muntik na tumama ang kutsilyo hawak ni Astroid sa balikat ni Harvey kung hindi siya tumagilid.

Muli nag teleport si Astroid at lumitaw sa hindi kalayuan.

“Akala ko hindi ka tatagal sa laban ito. Mali pala ang akala ko.” Nakangisi si Harvey.

Tumadyak sa lupa si Harvey. Na bigla kami lahat sa sunod na nangyari. Umapoy ang sahig, nag teleport si Astroid sa eri ng paulit ulit para maiwasan tumapak sa sahig.

Muli nag paulan ng fire ball si Harvey. Hirap na hirap umiwas si Astroid sa subrang dami. Disadvantages sa kaniya ang hindi makatapak sa sahig.

Sa bandang huli sumuko si Astroid na hindi niya kinaya muli mag teleport. Pinaglaho ni Harvey ang apoy sa sahig. Maingat na lumapag si Astroid sa tulong ni Sir Alwin. Maraming pasa sa katawan.

Lumabas ang dalawa, bumalik sa upuan si Harvey samantala si Astroid dinala sa Clinic.

Hindi na ako naghintay na tawagin ako. Seryuso nakatingin sa akin si Tian. Pag tapak ko ng Stage nakaramdam ako ng kaba na hindi ko ma ipaliwanag sa sarili ko.

"Huwag ka mag alala tatapusin ko kaagad ito.”

Itinapon niya sa paligid ang mga binhi ng halaman.

" Ayos yan.” tanging na sagot ko.

Napatalon ako ng baliktad na may tumubo na halaman sa kinatayuan ko.

Nakaupo lang siya habang nag enjoy manood sa akin. Pwes nagkakamali siya ng minaliit niya.

Hinampas ko ang sahig na naging sanhi na umalon pero napaatras ako na hindi na apektuhan ang mga halaman.

“Alam ko ang ability mo. Pinag aralan ko ang bawat ability niyo. Kung sakali makalaban ko ang isa sa inyo alam ko na ang dapat gawin.”

Iniiwasan ko ang lahat ng atake ng halaman. Naiinis ako sunod ng sunod ang mga ito.

Sa pag iwas ko sakto naman tumama ang isang halaman sa akin. Napaatras ako ng dalawang metro. Napaubo ako ng dugo.

Pinahid ko ang tumulo sa labi ko na dugo gamit ang palad ko.

Nakapalibot nasa akin ang lahat ng halaman. Wala ako maisip na pwede gawin. Tumalon ako sa isa mga halaman at hinawakan ng mahigpit kahit napahiyaw ako sa subrang hapdi dulot na katas ng halaman na parang natutunaw ang balat ko.

Umalon ang halaman na naging sanhi na mabali ito ng maraming beses. Sinunod ko ang iba pang halaman hanggan sa maubos ko ang lahat.

“Mahina, hindi ka bagay sa school na ito. Kung ako pa sa iyo umalis ka na.”

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Minamaliit niya talaga ako. “ Ang baba ng tingin mo sa akin. Mahina ka rin tulad ko. Umasa ka lang sa ability mo hindi sa physical na labanan. Katulad ka rin ng kapatid mo.”

Tumawa lang siya sa akin. “Anong sabi mo?” sa kisap mata nakapulupot sa akin ang halaman. Nahihirapan ako huminga. Habang pilit ko inalis ang halaman mas lalo humigpit.

Naalaala ko ang matalik kong kaibigan. Kung hanggan dito lang ang kaya ko gawin. Hindi ko kaya matupad ang pinangako ko sa kaniya na tapusin ko ang misyon niya.

“Tian ihinto mo yan. Babae lang ang kalaban mo. Duel lang ito!” sigaw ni Mengchi. Napansin ko hindi niya makontrol ang barrier mas lalo ito tumibay kaya mahirap basagin ng sino man.

Malaya umagos ang dugo ko sa mga mata. “Hindi...!” sumabog ang halaman nakapulupot sa akin. Kumawala ang malakas na alon sa hangin, sa sahig at maging barrier ay umalon hanggan sa mabasag ito.

“Nagawa ko,” sabi ko bago lamunin ng kadiliman ang paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro