16: Piece of necklace
Chapter 16
Kinabukasan maaga ako nagising para mag luto. Napansin ko ang note na iniwan ni kuro.
Pasensya na hindi ako nag paalam na uuwi ako. O nga pala holiday ngayon at sa susunod na linggo ang balik ko.
-Kuro
Wala akong magawa buong araw kung hindi ang mag kulong sa kwarto pero na isipan ko lumabas ng dorm ng dis oras ng gabi.
Alam ko bawal lumabas sa ganitong oras pero hindi ako mapakali. Maingat ang paglilibot ko sa loob ng paaralan hanggan sa napadpad ako sa office ni Headmaster. Nakabukas ang pinto, minabuti ko pumasok.
Napansin ko sa bookshelf na may kwintas. Kinuha ko ang kwintas saka nag madali lumabas ng office. Nagawa ko maglaho sa paningin ng mga teacher na paparating.
Habang nakatapak ako sa hangin tiningnan ko ang kwintas. Sa hindi malamang dahilan bigla na lang ito nagkapiraso pisaro sa maraming beses.
Nataranta ako naramdaman ng mga guro ang presensya ko. Sa kisap mata nasa harapan ako ng pinto ng dorm.
Pumasok ako na may gulat na eksrespyon. Umupo ako sa sahig na puno ng katanungan. Ang mga piraso ng kwintas sa palad ko lumutang at muling na buo. Isang imahe ang nilabas ng kwintas.
“Jabie?”
Anong kinalaman ni Jabie sa kwintas na ito. Hindi kaya may nalalaman siya sa pagkamatay ng kaibigan ko.
Naglaho ang imahe kasabay ang kwintas. Na iwan ako tulala. Napagtanto ko marami pa ako hindi alam sa sarili ko.
Una ang kakayahan ko makakita ng ibang information ng may special ability. Pangalawa akala ko touch wave ang kakayahan ko, yun pala microwaves. Pangatlo ngayon nagawa ko makarating sa kisap mata sa harap ng pinto ng kwarto ko. Hindi kaya isa ito sa kakayahan ng microwave ko.
Tumayo ako at lumapit sa bintana. Tanaw ko sa ibaba ang lalaki nakaupo sa ilalim ng puno.
Napatakip ako ng tenga na biglaan humangin. Hindi ko inalis ang tingin sa lalaki kahit hindi ko makita ng malinaw kung ano ginagawa niya.
“Holly I'm just here.”
Nanginginig ang buong katawan ko. Nakakakilabot ang boses na parang mula sa ilalim ng lupa.
“Holly help me!”
Bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa pangalawa pagkakataon na marinig ko ang boses niya, niyakap ko ang aking sarili sa sobrang ginaw.
“Holly, do not talk to him.”
Hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko. Pero pinipigilan ko sumigaw.
“Don't look at him.”
Nanlaki ang mga mata ko makita ang kaluluwa ni Lea, Sabrina at Althea. Hindi ako nagkakamali nakaluhod sila sa harapan ng lalaki.
“Holly close the window!”
Tumilapon ako at tumama sa pader. Nanhihina ako bumagsak sa sahig. Bago ako mawalang ng malay, nakita ko ang isang babae, malungkot nakatingin sa akin.
***
Pinatawag ako ni Headmaster sa Hardin ng Special Section. Napakamot ako sa ulo na maalaala ang nangyari.
Pagkarating ko sa Hardin. Tanaw ko na si Headmaster nakaupo sa damuhan habang nakatingin sa akin.
“Good morning,Headmaster Khie. Bakit mo ako pinatawag?”
Napalingon ako na marinig ang boses sa likod.
“I'm here now.”
“It's good that you two are here. Kaya ko pinatawag para balaan na mag ingat. One week holiday.
“One week holiday. I was worried about the two of you that you might get hurt especially since the masked guards saw someone.”
Tinapunan ako ng mapanuring tingin ni Jabie. Anong problema ng babaeng ito.
“Don't worry headmaster. Kaya ko ang sarili ko except sa isang dyan.”
Sa hindi ko malaman dahilan ang sakit sa tenga ng sinabi niya. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Sa kisap mata hawak ko na leeg ni Jabie habang inaangat ko siya sa eri.
“Slowly in your speech.”
Nahihirapan siyang huminga kita ko sa mukha niya. Nakita ko ang personal information niya ng malinaw. Akala ko noong una ang ability niya ang talino ngunit nagkakamali ako.
“Release me. I have difficulty breathing.”
Nabitawan ko siya na gawa niya sipain ako sa tiyan na ikanatras ko habang siya bumagsak sa lupa na habol hininga.
“Ms. Trinidad What's the problem? You are a demon in act.”
“Edi sorry.” sabay lingon ko kay Headmaster.
“Ms. Trindad?!” galit na sambit ni Headmaster.
Napahawak ako sa ulo. Alam ko sinusubukan ni Headmaster gamitin ang Telepathy at mind reading ability niya.
“Holly, anong problema mo?”
“Jabie, ikaw. Oo ikaw ang mamatay tao dito!”
Nanginginig si Jabie pero hindi ko maintindihan ang ginagawa ko.
“Headmaster, don't stop me. Hindi ako mag dalawang isip na kalabanin ka.”
“Ms. Trinidad, calm down. You don't understand what's happening to Jabie. Wala magagawa ang galit mo.”
Humangin ng malakas na muntik ko na ikatumba. Kung hindi ko nagawa gamitin ang aking ability.
“Ang lakas ng loob mo gawin ito sa akin. I will kill you.”
“Jabie, calm down,” sabi ni Headmaster.
Napaatras ako na kumawala sa katawan ni Jabie ang malakas na hangin. “Isa rin siyang elemental. Paano di ko nakita ang personal information?”
Napansin ko lumitaw ang mga piraso ng kwintas na mula sa kung saan. Ito ang hinahanap ko.
Third Person Point Of View
Hindi makapaniwala ang headmaster sa nangyayari kay Jabie. Hindi niya lubos akalain na siya ang tinutukoy ng kaibigan.
Paikot ikot ang mga kinang ng piraso ng kwintas sa katawan ni Jabie. Binalaan niya si Holly na huwag lumapit.
Ngunit hindi nakinig si Holly dahil alam niya ang dulot na mangyari sa oras na lumagpas si Jabie sa kaniyang limitations.
“I will use my ability in combination.” - Headmaster.
Nasa isip ng Headmaster, anong silbi niya siya ang naturingan na Headmaster ng paaralan kung wala siyang magagawa.
"Oh no, Holly!”
Nagawa kontrolin ng Headmaster ang isip ni Holly para ilayo ito sa kay Jabie. Sinubukan niya kontrolin si Jabie ngunit hindi niya magawa dahil sa harang.
“Holly...!”
Mas lalo lumakas ang hangin na mula sa katawan ni Jabie. Patuloy napaatras ang Headmaster. Nawalang siya ng kontrol na naging dahilan na makawala si Holly sa kontrol niya.
Nagwawala si Jabie, halata hindi kontrol ang sarili. Umabot na ito sa punto na ang kaniyang emosyon ang komokontrol sa kaniya.
“Holly...!” sigaw ng Headmaster na muntik tamaan siya.
Sa kisap mata nag laho si Holly matapos ibalik ang hangin paalon kay Jabie. Isang malakas na pag sabog ang nag pa yanig ng lupa saglit.
“Holly. Where are you?”
Ngunit walang sumagot na mas lalong nag pakaba sa Headmaster.
“My ability is useless, in the current occurrence. I didn't reach the border of combination ability. Sa pagkakataon ito susubukan ko lagpasan ang kakayahan ko.”
Hinawakan ng Headmaster ang kaniyang ulo upang ituon ang kaniyang atensyon kay Jabie. Kahit walang kasiguraduhan na mag tagumpay siya, hindi nag dalawang isip na subukan.
“Mind Control Manipulation!”
Napapikit ng mariin ang Headmaster saka napahiyaw sa sobrang sakit na dulot na pagpupumilit niya lagpasan ang hangganan ng combination ability.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro