13: Miyan Farm
Chapter 13
Holly Point Of View
Nasa harapan ko naman ang babae nagpakita sa panaginip ko nitong nakaraan araw.
“Maligayang bati nag tagumpay ka. Nais mo bang malaman ang kasagutan sa likod ng tunay mo katauhan.”
“Gustong gusto ko. Pakiusap sabihin mo sa akin.”
Lumuhod ako sa kaniyang harapan. Wala ako alam sa pinagmulan lahi ko. Pawang kasinungaligan ang sinabi ko nasa lahi na namin ang magkaroon ng dalawang Special ability. Pero yun ang pakiramdam ko.
“Hindi ko maari sagutin. Makilala mo rin ako balang araw.”
Naglakad siya palayo sa akin. Kahit anong bilis ko pagtakbo pero hindi ko siya maabutan.
“Hindi...!”
Nagising ako pero nagtataka ako. Mabagal ang tibok ng puso ko.
“You finally woke up,” naiiyak na sabi ni Ate Hena.
“Ate Hena, bakit hindi ko maramdaman ang kanang kamay ko?”
Kahit anong pagpupumilit ko ayaw pa rin. Naiiyak na ako. “Ate Hena, bakit hindi ka sumagot?”
Napabuntong hininga siya. “Sorry.” itinuro niya ang kanang kamay ko.
Ipinaliwanag niya ang nangyari sa akin. “Thank you, Ate Hena. Gagawa ako ng paraan para ibalik sa normal ang kamay ko.”
Bumukas ang pinto at pumasok ang hindi pamilyar sa akin na lalaki.
“Good news. May gamot na para sa kamay mo. If gusto mo talaga gumaling. Go to Miyan farm.”
“Thank you po.”
“Doctor Xan.”
“Doctor Xan ilang araw na ba ako dito sa Clinic?”
“Two days. Balita ko ang Special Section ipinadala sa mission. Wala nakakaalam kung saan.”
“Hena pinatawag tayo ng Guidance Teacher.”
Nagpaalam ang dalawa pero bago lumabas si Doctor Xan.
“Personal Information.” bulong ko.
Lumitaw ang detailed. Pero hindi ko maiwasan magtaka. Isang Rare Ability. Kung ganoon sa kaniya pala galing ang healing candy.
“Maker healing?”
***
Dalawang araw na lumipas simula nakalabas ako ng Clinic. Gaya ng dati pumasok na ako sa mga subject. Buong section ng ordinary kinamusta ako.
Natutuwa ako, hindi ang ordinary section lang na kumusta sa akin pati si Sharon at Benidict. Dumaan ako sa garden, kitang kita ko ang malaki pagbabago mula ordinary hanggan special.
Halata pinaghirapan ayusin at pagandahin ang garden.
***
Bandang ala una tulog pa ang lahat. Umalis na ako ng Academy para pumunta sa Miyan Farm na hindi nag paalam kay Headmaster. Sure naman ako hindi papayagan lalo na sa kalagayan ko.
Sa pagmamadali ko habang tumatakbo palabas na hindi tumingin sa daanan. Bumangga ako sa gate na naging sanhi na makagawa ng ingay.
Napahawak ako sa ulo. “Anong gagawin ko ngayon, baka ma huli nila ako?” namalayan ko na lang nakalutang na ako sa hangin at napapalibutan ng invisible wind. Sakto pag dating ni Hannah. Palinga linga sa palibot, hindi ko inaasahan binasag niya ang batong hawak niya. Mula sa bato lumitaw ang lagusan na patungo sa kung saan. Pumasok siya at nag laho.
Napatingin ako sa ibaba nagising ang mga bantay. Umalis na rin ako sa takot na mahuli.
Lumapag ako sa high way sa madilim na parte. Nakatayo ako sa gitna ng high way. Huminto ang taxi nang makita niya ako halos mamutla siya sa takot.
Bumaba ang lalaki na galit na galit pero. Na tahimik siya na masilayan niya ang ganda ko.
Walang anu-ano ay sumakay ako sa taxi. “Manong hinatid mo ako sa Miyan Farm. Babayaran kita ng higit pa sa kita mo ngayon araw.” nagbago ang ekspresyon ng lalaki.
Sumakay na ang lalaki. At nagsimula pinatakbo ang taxi. “Ma'am subrang layo ng Miyan Farm, aabutin tayo ng bukas bago makarating doon.”
Ibinigay ko sa kaniya ang dalawang libo na ikinatahimik nito.
***
Huminto kami sa harap ng kagubatan. “Ma'am nandito na tayo,” mahinang sambit ng lalaki.
“Maraming salamat.”
Bumaba na ako. Sinimulan ko maglakad papasok. Lumipas ang isang oras na paglalakad, dumating ako sa farm na subrang tahimik.
“Nasaan kaya ang mga tao dito?”
Malulusog ang mga pananim dito halata may kakaiba.
Napatalon ako sa gulat na may magsalita.
“Sorry ginulat kita. Bakit ka nandito?”
Mula paa hanggan ulo tiningnan ko siya.
“Balita ko nandito ang gamot sa sakit ko.” sabay pakita ko ng kanang kamay.
“Sumunod ka sa akin.”
Wala akong magawa kung hindi sumunod sa baboy nagsasalita at naglalakad na parang tao.
Huminto kami sa malawak na hardin, may iba't ibang halaman at bulaklak na dito lang makikita.
“Anong halaman gamot ba ang tinutukoy mo?”
“Wala ako ideya eh.”
“No problem. Check ko sa bahay.”
Umalis siya na hindi ko man lang nalaman ang pangalan.
Hindi ko mapigilan isa isa i check ang mga halaman at bulaklak.
“Nasaan kaya sila?”
Namitas ako ng bunga ng bulaklak na may kakaibang hugis ang dahon nito.
Narinig ko ang yapak na paparating kaya nagmadali ako sa kaninang kinatayuan ko.
Sakto naman dumating ang baboy na dala ang bote na may lamang na kulay berde.
“Gamitin mo lang yan mamayang gabi. Pag lumiwanag yan, ibuhos mo dyan sa kamay mo. Itago mo yan mabuti dahil yan na lang ang huling nagawa ni Master.”
Tinanggap ko ang maliit na bote.
“Thank you.”
Ngumiti lang siya sa akin. “Huwag ka muna umuwi. Mapanganib sa daan lalo na maraming halimaw ang nagkalat dito.”
“Ikaw na bahala kung saan ka matulog, mahigit ipnag bawal sa akin ni master na huwag magpapasok sa alin man sa dalawang bahay.”
“Thank you.”
“Alis na ako, kailangan ko pa tulungan si Master.”
Nakatingin ako sa baboy na palayo sa akin.
Itinago ko ang bote sa bulsa ko. Ang dala ko backpack, kasya ang sapat na kakailnganin ko talaga.
“Simulan ko kaya hanapin sila.”
Hindi ko alam ang pasikot sikot sa Miyan Farm. Pero sinusubukan ko hanapin sila pero wala ako makita. Napansin ko ang nakasulat sa malapad na bato. Lumapit ako dito.
“John Dalton?”
“Ang ibig sabihin nito ang tinutukoy sa history. Pero paano nag exist ang farm sa tagal ng panahon?”
Nagmadali ako nagtago sa likod ng bato na marinig ko ang boses na papalapit.
Hindi nagtagal dumating ang dalawang baboy. Gaya ng una may kakayahan rin na mahalintuald sa tao.
Kakaiba ang Miyan Farm lalo na ang tinawag nila na master. Sinundan ko ang dalawa ng palihim.
“Mabuti hindi natin nakasalubong yun. Pag nagkataon, papagalitan na naman tayo ni Master,” wika ng baboy na may suot na pulsiras.
“Sinabi mo pa,” sagot ng baboy na may piktlat sa noo.
Huminto ang dalawa sa harap ng bato.
“Merin! Nandito na kami!”
Ang bato naging putik bigla at bumagsak.
“Mabuti naman nandito na kayo.”
Nakakatakot ang boses ng babae. Kahit hindi ko siya nakikita ramdam ko malakas ang ability niya
Pumasok ang dalawa kasabay naman umangat ang putik at bumalik sa paging bato.
“Ano yun?” mahinang sambit ko na sumakit bigla ang kanang kamay ko. Nakikita ko mula sa pinasukan ng dalawa, may kumawala na alon ng itim na enerhiya.
Nang tumama ito sa akin napaluhod ako sa sakit. Nag madali ako tumakbo palayo na walang ginawa na kahit katiting na tunog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro