Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

-CHAPTER 6-

Lumabas na kami ni Nessa ng Recording Room para magpuntang canteen at kumain ng lunch.

Nakita naman namin si Serah, Nickaela at Zerina na lumabas ng SC office.

Officer din ba si Nickaela at Serah?

"Hi guys." bati ko sa kanilang tatlo.

"Hi beshiee!!" sambit ni Serah sabay yakap sa braso ko. Ang cute talaga niya minsan. Para siyang bata.

"Tara kumain na tayo ng lunch." sambit naman ni Zerina. Baka gutom na talaga siya kasi di naman siya bumalik kanina for breakfast.

"Let's go!! Sabay sabay na tayong lima."sabay akbay naman sakin ni Nickaela.

Pareho sila ni Serah. Makulit din.

Si Nessa naman at si Zerina serious lang lagi pero may pagka makulit din naman minsan. Gaya nalang ng pangungulit ni Nessa kanina sa Recording Room.

Sabay sabay kaming lima nagtungo ng canteen. Si Nessa at si Zerina ang nag-order kaming tatlo naman ang naghanap ng mauupuan.

Nang maka upo kami ay may nagpapatugtog nanaman ng mga songs kaya parang ang ganda sa mood kumain.

"Kaylee we didn't know each others very well. Magkwento ka naman..."
Wika ni Nickaela habang nakapangalumbaba at nakangiti.

"Oo nga. We should know each other very well." sambit naman ni Serah.

"Ano bang gusto niyong malaman tungkol sakin??" Tanong ko naman sa kanilang dalawa.

Kasi di ko din alam kung anong sasabihin ko sa kanila.

Nabasa ko naman yung reflection paper na pinasa sakin ni Kia kanina kaya baka yun nalang din sasabihin ko pag nagkataon.

"Sige Let's ask one question at a time tapos lahat tayo sasagot isa isa."
Suggestion naman ni Nickaela.

"Tama. Mas madali yan."sambit naman ni Serah.

Dumating naman si Zerina at Nessa. At inexplain nung dalawa kung anong gagawin at pumayag naman sila.

Habang naghihintay ng pagkain nagsimula na magtanong si Serah.

"First question, describe the school in one word. My answer is HAPPINESS. Ikaw naman Nessa. Paikot nalang..."

"Hmm. UPBEAT?" -Nessa

"Boring." sambit naman ni Zerina. At sabay ngiti.

Medyo boring nga dito. Pero atleast pwede lumabas ng campus pag weekends.

"AWESOMENESS!! Ikaw naman Kaylee." Natawa naman kami kay Nickaela dahil may effect pang paghawi ng kaniyang buhok.

"Hmm. Misterious?" Wala naman ako ibang maisip kundi yun eh.

Natahimik naman sila sa sinabi ko...

"Okay. Next question. Nagkaboyfriend ka na ba??? My answer is Yes." Sambit naman ni Nickaela. Kaya ako naman ang next na sasagot.

"No." sabay sabay silang tumingin sakin na parang di makapaniwala.

"Seriously?? Sa ganda mong yan? Di ako naniniwala. Hmm. By the way my answer is yes." Sambit naman ni Serah.. tumango lang ako.

"Mine is Yes." sambit naman ni Nessa. At nahalata ko parin ang lungkot sa mga mata niya.

"Yes" seryosong sabi ni Zerina na parang sasabog na sa pagkainis. siguro bad memories.

"Ofcourse yes!" Sabi naman ni Nickaela.

Okay ako na single for life...

"Ang babata niyo pa nagka BF na kayo?? Seryoso?" Sambit ko naman sa kanila at tumango lang sila sakin.

"At what age kayo unang nagka BF?" Tanong kong muli sa kanila.

"16" -serah
"15" -Nessa
"15" -Zerina
"17" -Nickaela

"Eh. Ilang taon na ba kayo ngayon??" Tanong ko ulit.

"18"- Serah
"19"-Nessa
"18"-Zerina
"17"-Nickaela

Napatingin naman kami ng sabay sabay kay Nickaela...

"So may BF ka ngayon??"tanong naman ni Serah sa kaniya.

"Yes..." sambit naman niya sabay kindat pa at parang kinikilig pa.

"Ikaw Kaylee?? How old are you??" Tanong naman ni Zerina sakin.

"I'm 20. So I will be your ate kaya wag kayo mahihiya sakin lalo na kapag may nangaaway sa inyo at pag may problema..." sambit ko naman sa kanila.

Napangiti lang naman sila sakin. At dumating narin ang pagkain namin.

"Zerina magpalipat ka na kaya sa section A1. Para magkakaklase na tayong lima." sambit ni Serah habang kumakain ngumunguya.

"Plano ko din magpalipat pero after na ng HT welcoming ceremony."

Matapos kumain at sabay sabay kaming apat pumasok sa classroom at si Zerina ay pumasok narin.

Nagbigayan din kami ng cellphone number at gumawa ng group message sa PH ACCOUNT.

Nagsimula na ang History class.

Nagdiscuss lang si Sir John about folk dances at nagannounce lang siya ng magiging group project namin.

Hinati sa tatlo ang class. Kagrupo namin sila Luke, Matheo, Lee, Mikaelo at Dexter.

Ano kayang mangyayare samin nito. Knowing na may nangyare sa past nila. Sana magkasundo sila kahit dito lang sa project namin.

Ang project ay sasayawin namin ang isa sa mga Folk Dance na diniscuss kanina... It will be presented a day after the HT Welcoming Ceremony.

Pinalapit ko naman lahat ng kagrupo at may naisip naman na ako...

"Mikaelo can you ask if we can change the music to modern style folk music. Para di maging boring..."

"Okay." Tumayo naman siya at nagpunta kay Sir. John.

"Serah and Nickaela sa costumes kayo."

"Alright! Kami na bahala diyan." Sabi ni Nickaela na may pagkaexcited.

"Nessa and Luke marunong ba kayo mag drawing? Kayo sana sa backgrounds."Tumango lang silang dalawa.

"Matheo and Dexter can you think of the theme, kind of short story??"

"Sige. Magiisip kami." Sabay na sagot nilang dalawa.

"Ibigay niyo agad ang drafts kay Serah at Nickaela para tugma sa costume."

"Alright." Sabay ulit sila.

Haha.. ang cute nila.

"Sino pa ang hindi ko natawag??"

Parang may nakalimutan ako...

"Grabe siya! Kinalimutan mo ako agad. Dapat ang mga guwapong kagaya ko hindi kinakalimutan. I hate you." Sambit naman ni Lee na nag aacting pa na kala mo batang naagawan ng laruan.

"Umayos ka nga." Binatukan naman siya ni Luke. Haha.

"Aray! Oo na... anong gagawin ko??" Tanong naman ni Lee sakin...

"Dance step. Magsearch ka ng mga dance steps."

"Teka ano palang pipiliin nating sayaw??" Sabay naman na tanong ni Matheo at Dexter.

"Let's vote for that." sabay singit naman ni Mikaelo sa usapan.

"Pwede daw bang iremix or baguhin yung music??"

"Yes. Pero sabi niya dapat andun parin yung story or meaning ng sayaw."

"Okay let's start voting for what type of folk dance ang pipiliin natin."

Nagbotohan naman na ang group at pinasa sakin. Itinally ko naman ang scores at nag tie ang pandango sa ilaw at tinikling.

"Tie ang tinikling at pandango sa ilaw. What do you think guys??" Sambit ko naman sa kanila.

"Ayoko ng pandango sa ilaw takot ako sa apoy..." ani ni Nessa. Oo nga pala.

"Let's go with tinikling then..." sagot ko ulit sa kanila.

"By the way Mikaelo sa music and dance steps tayo."

"Okay." Sambit naman niya at nakita kong ngumiti lang siya.

"Anything you ask me to do gagawin ko." sambit niyang muli.

"Okay... May ginawa pala kaming GC sa PH Account iaadd nalang namin kayo para easy to communicate."

Tumango lang sila at nagsulat sa kanilang planner. Dito kasi may mga ppanner lahat ng students.

After our discussion and planning for our project ay dumating naman si Sir Tom which means Music class na. Dapat ethics and character muna ang subject ah. Bakit ganun.

"Good afternoon class. Nakiusap ako kay Ms. Lira na mauna ang subjcet ko for your seatwork for today. So wala kayong class sa kaniya mamaya dahil may assembly."

Ito na nga ang seatwork na sinasabi nila kanina.

"Kaylee and the music club will be exempted to this seatwork. Kasi kumanta na si Kaylee kanina at ipinakinig pa sa lahat ng students which is really a great job." Nagpalakapakan naman ang mga students lalo na si Nessa.

"All of the students in the music club including Kaylee will help me grade each one of you. So, Get ready."

Buti nalang exempted na ako. Kundi nakakahiya na talaga.

Umupo naman akosa harap katabi si Mikaelo at ang tatlo pang kasali sa music club.

"It can be instrumental, acapella, solo or anything related to music. This seatwork is worth 15% of your final grade so be serious about it. Let's start." Sambit naman ni sir Tom at nagsimula na magperform ang student.

By group ang performance but my individual grading. Kaya naman nakikinig akong mabuti sa bawat kanta.

One group performed with acoustic guitar. They are 4 in the team. Gusto ko yung group na yon kasi mahilig ako sa acoustics pero I need to be fair and truth sa grading method ko sa kanila. I gave them 87%.

Another group performed may pagka acapella dahil may isang beatboxer and the other three is the singer with gestures. Sobrang hirap gawin pero ang galing nila. I gave them 90%.

Next ay sila Serah na. Tatlo lang silang magkakasama. Nagsign ako ng goodluck sa kanila.

Sa piano si Nessa, guitar si Nickaela at si Serah naman ang vocalist.

"1,2,3 go." Bulong ni Nessa at nagsimula na silang magperform.

They are singing the english version of BTS song 'Young Forever'.

Ang ganda din pala ng boses nitong si Serah. Sumasabay naman si Nessa at Nickaela minsan. Akala ko ba kasali siya sa music club.

Forever we are young 
Under the flower petals raining 
I run, so lost in this maze, wandering 
Forever we are young 
Though I fall down and I am hurting 
My dream’s ahead so I’ll keep running 

Nang natapos sila nagpalakpakan naman ang lahat. Para kasi kaming nakikinig sa professional band. Medyo nakakarelate pa ako sa mga kanta. Nakakatuwa.

When the performances is done, ibinigay ko na agad kay sir yung scores.Pinauna ko na sila sa auditorium dahil mag CR pa ako.

Umalis naman ako agad at sobrang naiihi na ako kanina pa. Pinipigilan ko lang dahil sa seatwork.

After kong umihi ay palabas na sana ako ng cubicle nang may narinig akong nag-uusap na babae. Di ako sigurado kung narinig ko ang pangalan ko kanina.

"Girl, I can't believe it... Balita ko siya daw magiging VP. Paano niya kaya napikot si Mr. President."

Sinong VP pa ba tinutukoy nila malamang ako yung pinaguusapan nila. Kung alam lang nila ang buong pangyayare.

"Hay nako girl. Nagtaka ka pa. Si Mikaelo nga mas kinampihan pa siya kesa kay Terry. May pagka haliparot kasi."

Wow! Kung magsalita kala mo kilalang kilala niya ako.

"Correct ka diyan. Siguro ginagamit niya kalandian niya para mapasunod ang dalawang bae."

Grabe pala mag-isip mga tao dito. Akala ko ba, school to ng mga mababait na estudyante. Pero mukang kahit saan ay may ganitong klase ng tao.

"Tara na nga... Good luck nalang sa kaniya. Hindi niya kilala mga nilalandi niya."

Lumabas naman ako agad bago pa sila makaalis kaya gulat na gulat sila ngayon.

Humarap ako sa salamin at naghugas ng kamay habang nakatingin sa kanila.

Nakakatawa reaksyon ng muka nila. I swear. Haha. Parang nakakita ng magandang anghel na bumaba sa lupa. Charot!

"Do you guys have something to say? Why don't you tell me?" Sambit ko sa dalawa habang nakangiti sa kanila.

"Ah. Did you hear everything? Hmm. S-sorry. Hindi namin-"

"Shhh... Don't worry I'm not that bad. But. If you did that again I will be your biggest nightmare." Pananakot ko sa dalawa.

"Hindi na mauulit." Sambit naman ng dalawa sakin.

"Just try me. Then I will be the bad girl that you want." Sagot ko sa kanila bago umalis.

Ayoko na magpa bully no kahit ayaw ko sila patulan tao lang din ako. Simula bata pa ako lagi na ako nabubully, nakakasawa na.

That's one of the reason why I don't have friends. Kaya nag home study and online courses nalang ako para makagraduate.

Pagkarating ko sa auditorium ay malapit na magsimula ang assembly.
Ngayon iaannounce ang mga Student Council Officers at ididiscuss din ang about sa HT welcoming ceremony at iba pang projects.

Hinanap ko naman sila at nag chat sa group chat ng PH account. Papunta ako sa pinakaharap dahil dun daw sila nakaupo reply ni Mikaelo sa GC.

Nang malapit na ako ay napatid ako. Ay hindi, pinatid ako ni Terry. Buti nalang nakita ako ni Luke kaya nasalo niya ako.

"Okay ka lang??" Tanong ni Luke sakin habang tinutulungan ako tumayo ng maayos.

Nagaalarm nanaman ang relo ko.

"Y-yeah. Thanks sa pagsalo sakin."

Umupo naman na ako sa tabi ni Luke at Nessa. Katabi naman ni Nessa si Mikaelo pati ang iba ko pang ka dorm mates.

"Good Afternoon everyone. Let's start the assembly. May I call on the president of the student council, Xyrone Murphy." Nagpalakpakan naman ang ibang students at naghiyawan naman ang mga babae na akala mo may fans club.

"Good Afternoon Co-students. I wanted to introduce to all of you, the official Student Council Officers for these school year."

Halos lahat na ata ng kadormmates ko SC officer na atsaka dito hindi pinagbobotohan ang magiging officer.

"Please come up on stage when you hear your name and position... For the vice president, Kaylee Veron Mendoza."

Kinakabahan ako kaya tumutunog nanaman ang relo ko kaya I turned it off at umakyat na sa stage.

"Zerina Hayes as a secretary."
Nagpalakpakan ulit ang mga tao.

Bakit nung ako yung tinawag konti lang ang pumalakpak. Grabe na ba talaga galit nila sakin?

"For the treasurer, Matheo Gallagher."
Ang dami ulit pumalakpak at parang famous din siya dito dahil sa ingay ng mga babae. Di bale guwapo naman talaga siya kaso cold blooded.

"Our (PRO) Public Relation Officer, Mikaelo Fritzgerald" This time halos lahat na ng babae ay sumisigaw at nagcocomment.

May narinig pa akong 'ang guwapo mo', 'I love you oppa!'. No wonder kung bakit maraming galit sakin.

"Our school representative, Luke Mendez" ganun din ang reaksyon ng lahat kay Luke.

"Shanon Donovan for the senior high representative and Amira Flanagan for junior high representative."
Nagpalakpakan naman sila pero mas mahina kesa kanina nung si Luke at Mikaelo ang tinawag.

"We are the student council officers. We will do our responsibility to the fullest with respect to all of the co-students. My secretary will now announce the important events."

Ipinasa naman niya ang mic kay zerina at nagsalita na siya.

"There will be three events for this month.
First is the HT welcoming ceremony will be celebrated on monday which is three days from now. I hope that section A1 will be ready for the incoming event..."

Good luck nalang sakin. I'm an officer already so I'm part of the preparation.

"Second is the history project. Folk dance for seniors and booths for junior high. This event will happen next week friday so you only have a week to prepare for that."

Isa pa nga pala yan. Ang dami namang gagawin. Seryoso? Anong konek ng mga ito sa misyon ko?

"And for the last event for this month is the muse and escorts pageant which is two weeks from now."

May mga ganito ganito pa. Bakit parang first month palang ng school year ang dami dami nang ginagawa.

"There will be muse and escort selected for each HT. That's all thank you." Natahimik ang lahat siguro nabigla sa agenda at announcement.

Kinuha naman ni Xyrone yung mic kay Zerina at ipinasa kay Luke.

"As a school representative I am encouraging all of you to participate on any clubs and projects of the school and I hope all of you will enjoy it. That's all, Thanks!" Nagpalakpakan ulit ang mga students pagkatapos niyang magsalita.

Ibinigay naman niya ang mic kay Mikaelo.

"There will be a battle of the band next month. Some of the professional bands, artists and singers will come to watch and participate to the event."

Gusto ko tong event na to kesa sa ibang event. Sumali na kaya ako sa music club?

"I will post a poll in PH account page and vote for the bands you wanted to come. Thanks..."

Kapag si Mikaelo talaga nagsalita parang wala karing kausap. Blangko lang ang ekspresyom ng muka.

Inabot naman na ni Mikaelo ang mic kay Xyrone nang hindi tumutingin sa kaniya.

" Thank you for listening... Ms. Lene do you have anything to say?" Ipinasa naman niya ang mic kay Ms. Lene.

" I hope all of you will have fun with your studies even if you have a hectic schedule of events. Good luck to each of you. Once again, the SC officers!"
Itinuro naman kami ni Ms. Lene.

Hinawakan naman ako ni Xyrone at binulungan ako na mag bow daw kami ganun din yung ibang officer...

"That's all for today. You may now go home."

Nagpalakpakan naman ulit ang mga students at umalis narin.

Nung nakababa na ng stage ay may message akong natanggap I guess it's from Zerina.

'Go to the SC office now'

"Tara beshiee may meeting pa tayo. You wouldn't want to be late." Sambit naman ni Zerina sakin.

Sumabay naman din sila Luke samin pati ang mga kaibigan niya. Si Mikaelo naman ay nauna na sa paglalakad.

Nung makarating na kami sa office ay namangha ako sa itsura ng loob. May sofa at may long table sa gilid with office chairs. Umupo naman sila at natunganga parin ako.

"Sit here." Sambit naman ni Mr. SC  President.

Dali dali naman akong umupo sa tabi niya at sa kaliwa ko ay si Mikaelo.

"Zerina can you please call on the  HT representatives they should be here within 10 minutes." Sambit ni Xyrone with authority.

"Here's the copy of the projects for the next 2 months pati narin kung sino ang assigned for each responsibility."

Iniabot naman ni Zerina ang copies ng papers na medyo makapal.

"We already had a meeting about the agenda for this month pero included narin diyan for the new officers." Sabi ulit ni Xyrone.

Napaka seryoso niya. Blangko lang ang ekspresyon na makikita mo sa mga mata niya.

Habang binubuklat at binabasa ko ang andun sa files. Ilang sandali lang ay may biglang kumatok at pinagbuksan naman yun ni Zerina.

Nakita ko namang pumasok sila Nessa, Nickaela, Serah, Lee at yung tatlo pang guy na hindi ko pa kilala pero pamilyar sila sakin. Pumasok din si Terry. Ang sama agad ng tingin niya sakin.

Umupo naman sila kung saan kami kasalukuyang nagmemeeting ngayon.

"Where is Monica?" Tanong ni Xyrone kay Zerina.

"Monica is not able to be the white HT representative because of her health. She's now admitted at the heart institute hospital."

"Alright. Sino pwede natin ipalit sa kaniya?"

Nagkibit balikat naman yung ibang officers. Tumingin naman siya sa bracelet ko.

"Hmm... Kaylee. You will be the White HT representative."

Hindi manlang ako tinanong kung gusto ko o kung kaya ko ba. Ayoko na ng responsibilidad nadagdagan pa.

Ano nalang ang magiging moves ko para sa misyon ko.

"Do I have any choice?" Hirit ko pa sa kaniya. Pero umiling lang siya at sumagot. "No."

"HT representatives can you please stand up and go to your partners?" Utos ni Xyrone kaya ako ay dahan dahan pang tumayo.

Hinanap ko ang guy with white bracelet at tumabi lang ako sa kaniya.

"Hi I'm Liam. Nice meeting you." Sambit nung guy na magiging escort ko.

"Hello. I'm Kaylee. Nice to mee you." Inilahad ko naman ang kamay ko para makipag shakehands at inabot naman niya yun.

Tinitigan naman kami ni Xyrone isa-isa mula ulo hanggang paa.

"Alright. All of you should be ready. Here's the criteria pati narin ang pagkasunod sunod ng mga mangyayare sa event."

Iniabot ulit ni Zerina ang papers sa aming mga contestants. Matagal pa naman pero pinaghahandaan na rin nila.

"Ako at si luke ay kasali sa isa sa mga judge. Kasama din ang famous makeup and fashion professional from Paris na si Ms. Barbie..."

Seryoso ba siya. Ang bigatin naman bg judge na yun.

" Si Ms. Lene sin ay kasali, as an head of  student administration. Also Mr. Sian Lim is back from Canada to be a judge for this competition."

Mr. Sian Lim? Parang narinig ko na ang pangalan na yun. Parang pamilyar talaga pero di ko lang maalala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro