Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

-CHAPTER 5-

Ano naman kayang meron sa past nila ni Nessa? I want to know but I don't think I have the rights to know.

Ano bang meron samin? Wala naman. Hindi pa nga kami officially friend pero gusto niya ipaliwananmg sakin lahat ng tungkol sa kanila ni Nessa.

"What about you and Nessa??"

I think I heard almost everything about them dahil sa usapan nilang dalawa kanina.

"I just want to clear what you heard about us." Banggit niya habang nagkakahawak sa batok at bumalik sa pagkaupo sa bench.

"You know what? I can forget that I heard your conversations. Di mo naman kailangan ikwento pa sakin ang past-"

"I still want to. Because you already said that I can trust you."

Bumibilis nanaman ang HR ko. Ano ba yan. Nawawala ang pagkastable ng Heart rate ko pag siya talaga nakakasama ko.

"Naging kami ni Nessa for almost 1 year. Sumali din siya sa gang (TMB) noon kahit na ayaw ko dahil siya lang ang babae sa grupo."

"Does the gang was made sa loob na mismo ng Pandemonium High??"

Tanong ko sa kaniya. Kasi hindi ko maintindihan kung paano nabuo ang grupong yun.

"Yes. Ginawa namin yun dahil-... Nagawa ang grupo dahil saming apat na magkakaibigan. Ako, xyrone, Luke, Lee and Nessa."

Kasali din si Luke?? Magkakaibigan sila dati? Anong nangyari.

"Magkakaibigan kaming lima. Pero simula nung natibag ang grupo nasira din yung pagkakaibigan namin. Nung natibag ang grupo yun din yung time na umalis si Nessa ng walang pasabi."

Medyo nagegets ko na. Bakit natibag ang grupo? Bakit nawala ang friendship.

"Hmm. Pero si Luke at Lee ay magkaibigan parin. Si Xyrone lang naman ang humiwalay sa grupo niyo diba??"

"Si Xyrone ang leader ng gang. Nung umalis siya, ako yung inasahan nila. Pero umalis din ako dahil kay Nessa. Hanggang sa tuluyan nang nawala ang grupo."

"B-bakit umalis si Xyrone sa grupo?"
Nagdadalawang isip talaga ako kung itatanong ko yan o hindi.

"Hindi ko din alam. Yun ang gusto ko malaman. Pero dahil siya na ang president ng SC hindi ko magawang magalit sa kaniya. Kahit sila Luke at Lee hindi makapalag."

Ganun ba talaga ka powerful ang mga kasali sa Student Council??

"Bakit naman?? Pwede mo naman siya kausapin diba?"

"Gustuhin ko man pero baka hindi ko mapigilan sarili ko dahil sa galit. Lalo na nung isinali niya pa kami sa student council."

"Kasali ka din dun?? Tinanong rin pala ako ni Xyrone kung gusto ko maging V.P. sa SC."

Nagulat naman siya sa sinabi ko. At halata ang galit sa muka niya.

"Wag ka pumayag." Sambit niya. Sa tono ng boses niya halatang nagagalit siya.

"Bakit?? Gusto ko din sumali actually."

Baka may kinalaman si Xyrone sa Science Experimentation na ginagawa dito sa loob ng Pandemonium High kaya gusto ko sumali para malaman ko anv tungkol dun.

"Bakit gusto mong sumali sa SC??"
Tinanong ko siya sinagot din ako ng tanong. Ano ba yan...

"Gusto ko lang... Bakit pareho kayo ni Luke? Bakit ayaw na ayaw niyo ko pasalihin sa SC?"

"Hindi ka naman namin mapipigilan kung gusto mo talaga sumali. It's still your decision but don't trust Xyrone..."

Sinasabi niya ba yan as a friendly reminder? O dahil galit siya kay Xyrone?

"Oo na. I can handle myself..."

Pagkasabi ko nun ay naalala ko yung tungkol sa reflection paper na dapat namin ipasa bago mag lunch time.

"Hmm. Paano ko pala gagawin yung reflection paper? Ano naman ang isusulat ko dun?"

Bakit ko pa kasi kailangan gawin to. Kailangan ko ba talaga magpanggap na estudyante... Nakakatamad gumawa, kung di lang para sa misyon ko hindi ko gagawin...

"Maybe you can include the reason why you choose to study in Pandemonium High? A little bit about your past studies and about yourself..."

Kinuha ko naman agad ang aking notebook pati ballpen at isinulat yung mga sinabi niya...Magandang suggestion yan pero anong sasabihin ko about sa past ko. Sasabihin ko ba ang totoo. Tawagan ko nga si Kia mamaya...

"Thanks..." yan lang ang nasabi ko. Sana di na siya magtanong about sakin.

"The first day I saw you here I'm a bit surprised. Dahil sa nangyare satin sa airport."

"Actually. Hindi ko ineexpect na dito ka pala nag-aaral. What a coincidence."

"Sa Australia ka ba nag-aaral before?"

Haaisst. Anong isasagot ko?? Kia!? Huhu. Hindi naman niya ako pinrepare about dito.

"Hmm. Ahh. No... B-business. Tama... I have a business in Australia."

Nice. Buti naalala ko yung branch ng restaurant ko sa Australia...

"I guess you're alone nung nakita kita sa airport. Don't you have parents??"

Speaking of parents. Tatawagan ko pala si mommy mamayang before lunch.

"Hmm. I have my mom... But she's also busy to her business. What about you??"

"Both of my parents are busy to our family business. I'm the only child."

Am I really gonna trust him about my personal life?? Hindi pwede. Baka sangkot din siya sa misyon ko...

"By the way... Kailangan ko magpuntang library. I'll just finish my reflection paper."

Sambit ko para di na niya ako tanungin ulit...

"Alright. Sasama ako."

Seryoso. Kaya nga ako aalis para makaiwas sa kaniya eh.

"Ikaw bahala. Tara." Sambit ko at nauna nang maglakad.

Habang sabay kaming naglalakad patungong library building, ang daming nagbubulungan na students.

"Baka nakita nila yung issue natin online?" bulong ko kay Mikaelo...

Bigla naman niyang hinigit ang kamay ko at bumilis ang lakad...

"Why don't we pretend then??"

Pretend what??

"Pretend that you're my Girlfriend pra wala na nambubully sayo."

Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"No way... Ayoko... Lalo lang may mambubully sakin... At parang pinatunayan ko narin ang mga sinabi nilang mang-aagaw, gold deager, easy to get. Etc..."

Hindi ganun kadaling magpanggap.

"Then, don't mind them. Hayaan mo silang mag-isip. As long as alam mong wala kang ginagawang masama."

Ganun na nga. Pero iniisip ko lang na baka makaapekto pa sa misyon ko to.

"Wait... I think someone is calling me."

Mom's Calling

"Hello Mommy. How are you?"

"Hi baby. I'm fine. I was a bit worried why you called me. So I immediately call you after my meeting."

"I'm fine. I just miss you so much."

"Okay then. I'll hang up. Bye. I miss you too. I love you."

"Bye mom. I love you too."

Wala pang isang minuto pero sobrang tuwang tuwa na ako...

"Let's go?"

Pumasok narin kami sa loob ng library.

Pagkapasok namin ay nakasalubong namin si Terry pati yung kasama niya. Ang sama ng tingin niya sakin at nakatingin din siya kay Mikaelo.

Kaya hinila na ako ni Mikaelo papuntang elevator. Hinding hindi ko makakalimutan yung sampal niya sakin. Grabe talaga.

"Are you alright?? I already told her to stop bothering you..." Sambit ni Mikaelo na may pag-aalala...

"I'm fine.Don't worry."

"When she bothers you again call me pag di tayo magkasama..."

Paano ko naman siya tatawagan...

Unknown Number Calling

"Is this your number? How did you know my number??"

"I'm the PRO in student council. Just save it."

Oo nga pala. Sabi ni Luke lahat ng SC member may profile ng mga students...

"Hmm. May number ka ni Nessa??" Tanong ko sa kaniya.

Kamusta na kaya siya pagkatapos ng nangyare sa garden. Nakagawa na kaya siya ng reflection paper...

"Here's her number. I'm just gonna get a book to read..."

Inabot niya sakin yung phone niya tsaka umalis. Tiningnan ko naman yung phonebook niya at kinuha yung number ni Nessa.

"Hello Nessa... Si Kaylee to. Kamusta? Nasan ka?? Nakagawa ka na ba ng Reflection paper??"

"Hi Kaylee... How did you get my number?? I'm just fine... Andito ako sa dorm. Ginagawa ko palang yung reflection paper."

Hindi ko nalang sasabihin kung paano ko nakuha yung cellphome number niya...

"Alright. I'm here at the library... Sabay na tayong pumasok at magpasa mamaya??"

"Okay. See you later. Bye..."

Then she ended the call...

Nakita ko naman ulit yung wallpaper ni Mikaelo sa CP niya. Mahilig din pala siya sa anime.

Si Kirito Kun at si Asuna na parehong may hawak na swords. Yung wallpaper niya.

Grabe... I love sword art online. Sana may ganung game sa totoong buhay...

Dumating naman si Mikaelo at umupo sa harap ko. Habang binabasa yung manga book...

"What are you reading?? Is it shoujo?"
Tanong ko naman sa kaniya. Magaganda ang stories ng Shouju company.

"Yeah. It is. Just do your reflection paper..."

Alright. I'm just gonna do it. Maaga pa naman. 9:30 palang. Pero tatapusin ko na to. Wala naman na akong ibang gagawin.

After 30 minutes...

WALA PARIN AKONG NASUSULAT!!

Itext ko na nga lang si Kia. Baka hindi maging tugma ang info na binigay niya sa student administration eh.

To: Kia💫

Kia. Kailangan ko gumawa ng reflection paper tungkol sa school. Bakit ko dito gustong mag-aral and a little bit about my studies. ANONG ISUSULAT KO? Hindi mo ko ininform about my info in this school...

Message Sent..

Baka pag nagsulat ako mabuko pa ang pagpapanggap ko...

Kia has one message...

Naready ko na yan... Isesend ko sa email mo. Iprint mo nalang.

Agad ko naman binuksan yung email ko. At nakita ko naman na yung file...

"Mikaelo. Magpapaprint lang ako saglit..."

"You're done?? Ang bilis ah..."

"Nagbabasa ka kasi kaya di mo namalayan yung oras."

Umalis naman ako agad para iprint na yung reflection paper.

To: Kia💫

Thank You Beshiee :)

Buti nalang always ready si Kia.

After printing. Babalikan ko na sana si Mikaelo pero hinarangan ako ni Terry.

"Looks who's here. Ang babaeng mang-aagaw."

Natatawa nalang ako sa inaasal niya na naaawa. Pinabayaan ko lang siya at aalis na sana pero humarang nanaman siya.

Yung isa naman niyang kaibigan ay kinuha yung reflection paper na dala dala ko habang pinipigilan pa ako ng isa pa nilang kasama.

Bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang inis...

"Ang kapal ng muka mong talikuran ako. Bakit pa kasi ikaw pa ang ginusto niya. Marami namang mas maganda sayo..."

Anong pinagsasabi nitong babaeng to...

"FYI. Wala akong alam sa sinasabi mo at wala akong inaagaw sayo-"

Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko nung sinampal nanaman niya ako. At pinunit ng kasama niya yung reflection paper ko.

"Ayoko kayong patulan. Pero sinasagad niyo pasensya ko."

Tumunog na yung heart beat alarm ko dahil sa galit. Naground yung babaeng nakahawak sakin kaya nabitawan niya ako.

"Ano yun?! ang sakit nun ah. Naground ako..." sabi nung babaeng nakahawak sakin kanina.

"How dare you!"

Mananampal na sana siya pero napigilan ni Mikaelo. Kukuryentehin ko na sana tong babaeng to pra magtino eh.

"M-Mikaelo?"

"I warned you. Don't hurt her again but you didn't listen. Forget that you know me, because I will not accept the arranged marriage anymore..."
Sambit ni Mikaelo.

"But that's unfair. Siya ang nanguna. I will do anything para matuloy ang arranged marriage natin. Please don't do this..." sabi naman ni Terry na naiiyak na. Sinungaling din pala tong babaeng to.

"I don't care..."
Sambit ni Mikaelo at hinila na ako pabalik sa printer machine.

Pinaprint niya ulit yung reflection paper ko at hinigit na ako papuntang elevator.

"I'm sorry for what Terry did to you. Ipasa na natin tong reflection paper mo."

"Ayos lang. Ako nalang magpapasa. Hihintayin ko din kasi si Nessa sasabay siya sakin pra magpasa."

"Alright. Sige mauna na ako. May meeting pa ang SC. Just call me when you need me."

"Okay. Bye..."

Umalis naman na si Mikaelo pagkatapos magpaalam.

Tinext ko na si Nessa at ilang sandali lang ay dumating narin naman siya...

"Kaylee!! Ayos ka lang?? Napanood ko yung video na sinampal ka ni Terry..."

May nagpost nanaman?!

"Huh? Patingin..."

PH ACCOUNT

Look who's here.😏
The Ladies of his PAST, PRESENT and FUTURE is at the campus today. 😶

Three Chikka for today:
1. Bumalik na si Lady of her past pero mukang hindi niya pinapansin...
2. Si ateng hindi na nakapagpigil at sinampal si ate newbie.😂 OMG talaga.
3. Future fiance pala ni Mik ang nanampal pero bakit si ate newbiee ang pinagtanggol at hinila niya paalis?

Here's the video and photos for proof... Sino kayang pipiliin niya sa tatlo?? 🤔
Stay Tune for the next chikka🤗

Yours Trully,
-xixa

"Shocks!! Ang bilis naman kumalat at nadamay ka pa. Sorry"

"Ayos lang...Hmm. Ano bang meron sa inyo ni Mikaelo??" Tanong naman ni Nessa na nagdadalawang isip pa kanina kung itatanong niya yun oh hindi.

"I guess we're friends? Minsan lang naman niya ako pinapansin at pinagtanggol niya lang naman ako kay Terry. Yun lang yun. Pero ang dami na agad issues." Hindi ko parin masabi na magkaibigan na kami kasi hindi naman ako sigurado...

"Hmm. Okay..." Parang may gusto pa sabihin si Nessa sakin pero hindi niya masabi.

"Are you Alright?? Tara na ipsa na natin to at mag lunch nalang tayo."
Sambit ko naman at hinila na siya palayo sa library.

We're on our way to the office nang biglang humarang si Xyrone sa tapat namin.

"Oh. Kaylee and Nessa... how's your day??"

"Pagsabihan mo si Terry at-" tinakpan ko agad ang bibig ni Nessa.

Kahit naman ganun si Terry, ayoko naman na madagdagan parusa sa kaniya...

"Hmm. We're fine. Ipapsa lang namin tong reflection paper namin for today's activity." Sambit ko naman kay Xyrone.

"Alright. By the way di na ako magpapaligoy ligoy. Kaylee you will be my VP and Nessa will be the class representative of Blue HT... It will be announce later after classes at the auditorium. It's not a request it's an order so you should be there..."

Pumasok narin siya sa loob ng SC office..

"Haaiisssttt. Ang kulit din nitong lalaking to eh... Sinabi ko na kanina na ayoko sumali..." inis na sabi ni Nessa. Habang naglalakad kami patungong faculty...

"Okay lang yan. Magkakaibigan naman kayo dati diba??"
Shemay... Nadulas ako...

"Pano mo nalaman??" Gulat na sabi niya sakin.

Ang engot ko din talaga minsan..

"Ah. Hmm. Nasabi lang sakin ni Mikaelo na magkakaibigan kayo dati. Tara ipasa na natin to..." pumasok naman ako agad sa faculty office para ibigay kay Ms. Celine ang gawa namin.

"Thanks Kaylee... By the way. Can I have a favor to both of you? Please do the announcement, that there will be no Classes to the last subject and that all of the students should go to the auditorium... I have a lot of things to do... Here's the key, go to the recording room. Thank you..."

Hindi pa nga kami pumapayag binigay na niya agad samin ang susi...

No Choice. Kaya ginawa nalang namin yung sinabi niya.

Narinig ko naman na kung paano siya nagaannounce.

Pagkaposk namin ang daming pindutan kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Si Nessa na ang nagasikaso at inayos niya din yung ibang wires at may pinindot at nagsenyas na okay na kaya nagsalita naman ako agad after 3 rings.

Good Afternoon.

Announcement from student council officers. There will be no classes for the last subject to all sections of senior and junior high. Students should go to the auditorium for assembly.

I repeat... There will be no classes for the last subject to all sections of senior and junior high. Students should go to the auditorium for assembly.

Thank You...

After three rings, Nessa turn off the speakers at ang dami niyang pinipindot.

Buti nalang alam niya gamitin toh... kasi kahit mahilig ako sa music hindi ko matutunang gumamit ng recording room. Ang dami kasing pindutan.

"Thank You Nessa. Buti marunong ka. Kundi pumalpak na ako at baka nasira ko pa yan. Haha"

"No worries. Ang ganda ng speaking voice mo kaya sure ako maganda din ang singing voice mo." Smabit naman ni Nessa habang nakangiti.

Buti kahit papaano ngumiti na siya kanina kasi halata parin ang lungkot sa mga mata niya...

"I love music. And I think you're right na maganda din ang singing voice ko. Hehehe." Pagbibiro ko sa kaniya kaya natawa naman siya...

"Parinig nga ako ng singing voice. Please..."

"Ayoko... baka umulan. Hahaha."

"Dali na.. Kanta ka na. Gamitin natin tong record room pero hindi ko icoconnect sa speakers sa laptop ko lang. Dali..."

"Ayoko baka mahuli tayo..."

"Ako bahala. Sige na.One song lang. May songs ako dito sa laptop. Pili ka."
Pag talaga kami nahuli dito nako...

"Bahala na nga. One song lang or di naman kaya kahit kalahati lang ng song..." sambit ko naman na may pagaaalala.

Nagaaalangan talaga ako pero alam kong hindi talaga niya ako titigilan kulitin.

"Sige. Magready ka na. Teka anong song??" Nag scroll naman ako dun sa laptop niya ng songs.

"I'll choose... We & Us by Moira."

"Alright. Irerecord ko to tapos ipapasa ko sayo mamaya. I'll count to 3 tapos start na ng kanta."

Nagready na ako sa loob ng recording room. At nagsearch ng lyrics sa phone ko para may guide.

Nag senyas naman na siya at nagsimula na yung kanta.

Rainbow notes up on the wall
Dancing children under rainfalls
Perfect sunset set to ten
Then we begin again

Napangiti naman si Nessa. At napasign pa ng Heart. Haha ang cute niya..

There's a ribbon in the sky
Painting rivers on the moonlight
Moving pictures say the words
Of a story that begins

Dinadama ko lang yung kanta at nagpatuloy habang si Nessa may pinindot doon na kung ano...

I'll hold your hand and wipe your tears
We'll laugh until we run out of years

Nag sign maman si Nessa ng thumbs up.

'Cause no matter if our blue skies turn to gray
There's a ray of sun that's bound to light our way

Ang kulit talaga ni Nessa... Naghands up pa at nagse-sway para sumabay sa kanta. Haha. Wala pa ngang chorus eh.

And although the roads are rough
I'll get through it just because

Ayan chorus na. At may pinindot nanaman si nessa...

I'll have my you
You'll have your me
No matter what may come
We'll have our we and us

Dumating naman si Ms. Celine at may pinindot na kung ano dun. Patay...

Akala ko papatigilin niya ako pero nag sign siya na ituloy lang at nag thumbs up pa... Kaya itinuloy ko nalang hanggang sa matapos yung kanta...

Nagsalita naman si Ms. Celine sa Mic. "Have a good lunch everyone and thanks Kaylee for a wonderful song."

Huh??

Pinatay narin naman nila yung recording.

"Ang ganda ng boses mo... Bakit hindi ka sumali sa Music Club. At Hmm. Beshie inon air ni Ms. Celine at kinonmect sa speakers kaya rinig sa buong school yung kanta mo pero low volume lang.. sorry di ko siya napigilan..."

"Don't worry. I love your voice and it's allowed during lunchtime. You wouldn't want to be late for your Afternoon subject so just go and have a lunch already." Sambit ni Ms. Celine.

Hindi naman yun yung inaalala ko. Panigurado kasi may mambubully nanaman sakin.

Hindi ko man sila pwedeng patulan pero tao lang din ako.

Sino nanaman kayang mangaaway sakin?

_________
_________

AUTHOR'S NOTE

Thank you for reading.❤ Merry Christmas and advance Happy New Year...

-cessa🖤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro