Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

New Prologue

#SB6

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Welcome to the final installment of SB Series ;)

Start date: September 12, 2024
End date:

----------------------------------------------------


TRABAHO. Isang pangangailangan ng tao na nagdadala ng hindi lang pera, dignidad, pati na rin respeto sa 'yo ng ibang tao. Kaya kahit minsan ay nakakasawa na ang paulit-ulit, nakakapagod, at nakakaubos na pangyayari, hindi ka pa rin puwedeng sumuko.


Pumasok ako sa gate ng isang madilim na bahay. 12 hours ang aking dumaang duty, ngayon na lang ako nakauwing 11:45 p.m. Kaunti na lang, alas dose na ng hating gabi. Pagod na pagod ako dahil inabutan pa ng traffic sa may Tejero. Doon kasi ang ospital kung saan ako nagtatrabaho.


Pagpasok sa sala ay siyang baba ng isang babaeng nakasimangot mula sa hagdan. Si Jesela Asuncion. My mom. "Zandra, maglinis ka muna ng sarili bago ka pumasok sa kuwarto at wag kang gagawa ng ingay."


Kahit palaging galit si Mommy, malaki ang pasasalamat ko rito. "Thank you, My. Hayaan niyo, off ko naman po sa sunod na araw, kaya ako po muna ang bahala sa—"


"Hmp. Ewan ko sa 'yo."


Tumalikod na si Mommy, at sandali lang ay may katawagan na ito sa phone. Long distance call. Hindi ko lang sigurado kung ang kausap nito ay si Daddy ba o si Kuya. Kahit sino naman sa dalawa, iisa lang ang tiyak na pakay ni Mommy. Pera.


Pumunta muna ako sa banyo dahil hindi nga ako puwede sa kuwarto nang pawisan at maalikabok. Naghubad ako, naglinis ng katawan, then I put on a thick purple robe.


Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako dahil nakatayo si Mommy sa aking harapan. Walang hawak na phone. Hindi na nakasimangot. Sa halip, namumutla ang mukha.


"Zandra..." Hindi magawang sabihin ni Mommy ang gustong sabihin. "Zandra..." Sabay turo nito sa main door sa sala.


Sumunod naman doon ang tingin ko. Nangunot ang aking noo dahil hindi naman bukas ang ilaw sa labas.


Nasagot ang tanong ko nang makuha nang magsalita ni Mommy sa nanginginig na boses. "N-nasa labas. Nasa labas siya!"


Nanigas ang katawan ko.


May sasabihin pa si Mommy pero naglakad na ako paalis. Nakabibingi ang kalabog ng dibdib ko, pero wala akong pagpipilian kundi labasin ang kung sino mang 'bisita' namin.


Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang madilim na paligid. Madilim dahil dis oras na ng gabi at hindi naman bukas ang ilaw namin dito sa labas. I preferred not open it.


Ayos naman na ang liwanag ng buwan at umaabot na kapiranggot na liwanag mula sa lamppost sa labas. Sapat na. Sapat na para aking maaninagan ang nakatayong matangkad na lalaki sa aming garahe.


Nakapasok na pala siya sa gate. Naka-long sleeve. Nakapamulsa sa suot na jeans. Nakatayo roon at kalmadong naghihintay, parang kung may lalabas man dito o wala ay ayos lang. What was new, anyway? He was always like this.


Ano kaya kung hindi ko nga siya nilabas? Aalis ba siya... o maghihintay hanggang sa abutan na siya rito ng bukas?


Sensing my presence, he slowly turned around. And even though it was dark, I could see the coldness in his eyes.


Kuyom ang isang palad na kaswal na nagsalita ako. "Bakit ka nandito?"


"Kumusta ka na?"


Instead of answering, he asked me too. My throat went dry when I heard his voice 'again'. It was still the same. His baritone voice was still low, husky, and... cold.


"Anong kailangan mo?" I asked him again.


"Tinatanong mo talaga 'yan?"


"Bakit hindi?"


Nakatitig lang siya. Ni hindi nagtatangka na lumapit. He was staring at me as if he was penetrating my soul. I didn't like it. It was... uncomfortable.


Umiwas ako. "Y-you should leave. Gabing-gabi na. May pasok pa ako sa trabaho bukas."


Patalikod na ako nang magsalita siya muli. "Bakit ka nagta-trabaho?"


"Bakit hindi?!" Hindi ko na napigilan ang pag-alsa ng boses.


Kanina pa ako nagtitimpi. Kanina pa kasi gusto ko kaswal lang sana, pero hindi ko pala kaya.


Bakit kailangan pang itanong kung bakit kailangang magtrabaho? Syempre, magtatrabaho ako para kumita ng pera. Para hindi ko kailangang umasa sa iba, para may dignidad ako, at makapag-ambag sa lintik na lipunan na ito!


"Kulang ba ang ipinapadala ko, Zandra?"


"What?!"


"Kung kulang, puwede ko naman dagdagan."


"Bakit ako aasa sa 'yo? Ano ba kita?!"


Hindi siya kumibo.


"Kung wala ka nang sasabihin, umalis ka na kasi gabi na. Gusto ko nang magpahinga." I was about to turn my back on him again, but he wasn't finished with me yet.


"Ito na lang, Zandra..." habol niya sa mababang tono. "How is the kid?"


Nakagat ko nang mariin ang aking ibabang labi.


"The kid, Zandra. Kumusta siya? Kumusta ang a—"


"Matutulog na ako. Pakisara na lang ang gate pag-alis mo."


Pagpasok ko ng pinto ay nanakbo na ako sa hagdan. Hindi ko na pinansin si Mommy na tigagal sa akin. I went straight to my room. Hindi na nag-abalang magdamit muna. Naka-roba pa na nahiga ako sa kama. Iyong pagod ko kanina ay doble-doble na.


Humihingal pa ako sa tensyon nang may tumampal sa mukha ko. Isang maliit at chubby na palad. "Ouch!"


Paglingon ko ay bumungad sa akin ang nakadapang batang lalaki. Nasa edad isa. Bagong gising. Tayo-tayo pa ang buhok, may bakat pa ng higaan ang isang matambok na pisngi, at may bumubulang laway sa cute na bibig. Amoy mabangong gatas.


Napatitig ako sa munti nitong mukha. Baby pa pero ang guwapo na. Makakapal ang itim na itim na kilay. Matulis ang mataas na munting ilong. Mapupula ang mga labi na bahagyang naglalaway. Mas guwapo kaysa cute. At baby pa lang, mukhang pilyo na.


Isang mukha ang pumasok sa isip ko. Mas matured lang. Pero kamukha na parang pinagbiyak na bunga. But I didn't want to think about the other face, so I focused on this innocent kid's.


Nginitian ko ito. "Bakit gising pa ang baby ko?"


Ngumisi ito kaya lumitaw ang ang dalawang pirasong maliliit na ipin sa harapan. Maliliit lang iyon, pero deadly, kaya wag kang palilinlang.


This kid. Ang dahilan ng pagsisikap ko. Ang gabi-gabing nagpapaalis ng pagod ko. Ang dahilan kaya ayoko sanang umalis para pumasok sa trabaho, pero kailangan. And oh by the way, yes, this handsome kid is my kid.


Muli ako nitong tinampal sa mukha. At nang bumuka muli ang mga labi nito ay parang gumulong sa sahig ang puso ko. "Papa!"


Again. His little lips were saying that word again.


Wala namang nagturo pero kusang nababanggit ng batang ito. Of course, he had a dad. It was a fact that I was not hiding from anyone, but also a topic that I refused to talk about.


A simple explanation. I was done with the pain. I was done waiting for nothing.


Nagtagis ang mga ngipin ko. Oo, ang lalaki nga sa labas kanina, ang lalaking ngayon ko na lang ulit nakita, ang lalaking sana nga hindi na lang ulit nagpakita. Siya nga ang papa ng anak ko. A fact that I wanted to ignore, yet couldn't.


Si Miko o Michael Jonas Pangilinan. Ang lalaking hindi man kami pinabayaan, pero hindi rin naman kami ipinaglaban.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro