Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

PUWEDE BANG PAG-ISIPAN KUNG MAO-OFFEND KA O HINDI?


Mga pauso ni Michael Jonas, nakakainis! Nakaka-move on na nga ako sa mushroom niya, tapos may ganito na naman. Tapos cute daw ako? If I know, nang-uuto lang siya para mautusan niya na naman ako!


Morning. I was getting ready for school. Habang nagsusuot ng necktie sa harapan ng salamin ay napahinto ako. Napatitigi kasi ako sa aking necktie na kahapon ay nilalaro-laro ng mahahabang daliri ni Miko. When I looked in the mirror again, I was shocked to find my cheeks flushed.


Pinagtatatampal ko ang aking pisngi. Tumingin ako sa electric fan ko, nakapatay iyon. Napahampas ako sa hangin. Oh, I see! 


I left the room smiling. Mommy and Daddy were talking downstairs. They seemed to be arguing again. They fell silent as soon as they saw me walk down the stairs. Bigla ring umamo ang kaninang mababangis nilang mukha nang salubungin ako sa sala.


Nagpatay-malisya ako. Ayaw ko pa ring i-entertain ang isipin na may problema ang pamilya namin, kasi alam ko namang wala. Paano kami magkakaproblema? Perpekto ang pamilyang ito. Perpekto ang parents ko!


"Zandra, susunduin ka mamaya ng daddy mo," nakangiti na sabi sa akin ni Mommy. "Mamaya na kayo pupunta sa tito mo sa Bacoor."


Excited akong tumingin kay Daddy na ngayon ay nakangiti rin sa akin. Mabuti na lang pala dahil nabasag ko na ang aking piggy bank. Kinuha ko na roon ang naipon kong two thousand pesos. Magpapadaan ako kay Daddy sa SM Bacoor para ibili si Arkanghel ng Hawk na bag katulad kay Miko.


I was excited until I got to school. For sure na magugulat si Arkanghel kapag naibili ko ito ng bag, maiiyak ito sa pagka-touch, tapos magpapasalamat ito sa akin. Syempre, mag-uusap kami sa bench, magdidikit ang mga balikat namin, magkakatitigan tapos—


"ATE!"


Napalingon-lingon ako, at nakita ko iyong girlfriend ni Miko kahapon. Sa akin ito nakatingin habang kumakaway. Seryoso ba ito? Ako ang tinawag nitong ate?!


The girl was on the bench, and Miko was next to her. Magkasama ulit sila kaya mukhang sila pa rin. Napatingin na rin sa akin si Miko. Nang makita ako at mag-sink in sa kanya ang tawag sa akin ng girlfriend niya ay para siyang biglang nasamid. Pagkatapos ay natawa. Buwiset, at ano ang nakakatawa?!


Nanakbo iyong girlfriend niya papunta sa akin. "Ate!" Biglang hinila ang braso ko. "Ate, si Miko, niaaway ako!"


Pagtingin ko kay Miko ay tawang-tawa pa rin ang abnoy. Nakatayo na. Naglalakad na sa amin habang nakapasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pants. "Tara na, Aira, hatid na kita sa room mo."


"Anna kasi!" maktol ng babae na naka-pout pa rin. Paano kaya ito nakakapagsalita habang naka-pout?


"Ay, Anna pala." Napakamot naman ng pisngi si Miko. "Basta, tara na." Kinuha niya na ang bag ng babae.


"Bye, Ate!" Nakangiti na kumaway naman na sa akin si Anna, na ewan ko kung makaka-kaway pa ba ulit sa akin nang ganito pagkatapos ng araw na ito, dahil sa tingin ko, huling hatid na ito ni Miko rito.


Nang tumalikod na sila ay napabuga ako ng hangin. Hindi lang si Anna ang nagtangka na makipag-close sa akin matapos malaman na pinsan ko si Miko. Marami pang nauna, at wala akong in-entertain maski isa. Siguro kasi aware ako na wala namang tatagal sa mga ito, na totoo namang wala talaga. Pinakamatagal na ang dalawang linggo.


Naisip ko lang, sa dami ng naging girlfriend ni Miko, may nakakita na rin kaya sa namamaga niyang mushroom? Natampal ko ang aking noo kasi ano ba itong naiisip ko?! R18!





NAGMAMADALI AKO NOONG UWIAN. Sinundo nga ako ni Daddy gamit ang kotse namin na ayos na ulit. Dederetso na kami roon ngayon sa Bacoor kung saan nakatira ang nag-iisang tito ko. Mommy let Daddy visit his brother since I'd be accompanying him.


Although I was excited to see my favorite uncle again, I was much more excited to drop by SM Bacoor. Hindi sumagot sa akin si Arkanghel nang tanungin ko kung gusto nito ng bag na tulad ng kay Miko, pero ibibili ko pa rin ito.


Excited ako sa passenger's seat nang aking mapansin na parang iba ang dinadaanan namin. Napalingon ako kay Daddy.  "Daddy, di ba kay Tito Ziggy po tayo sa Bacoor pupunta?" Lampas na kasi kami sa Binakayan at palabas na ng Cavite. 


Hindi sumagot si Daddy, at seryoso pa rin sa pagda-drive. Nanahimik na lang ako sa kinauupuan. Baka naman kasi may dadaanan lang kami o kaya sa ibang lugar sila magkikita ni Tito Ziggy.


Hanggang sa umabot na kami sa Balcaran at nakarating sa Coastal Mall. Nag-park si Daddy sa harapan. "Zandra, dito ka lang. 'Wag kang bababa. At kapag tumawag sa 'yo ang mommy mo, wag mo siyang sasagutin."


Nagtataka man ay tumango na lang ako. Lahat ng sinasabi sa akin ng parents ko, lahat ay walang pagdududa at reklamo na pinaniniwalaan at sinusunod ko. Parents ko sila kaya sigurado ako na wala silang gagawin at sasabihin na hindi totoo o ikapapahamak ko.


Twenty minutes passed as I waited inside our car. Daddy still hadn't returned and I was already bored. Mas maganda sana kung may load ako para makapag-Facebook man lang sana, ang kaso ay two pesos na lang ang regular load ko. Ibabalik ko na sa bag ang phone nang may maisip. What if?


Nag-type ako ng text. Subok lang naman. Pagka-send ng text ay naghintay-hintay ako. Lumipas ang limang minuto. Malungkot na ibabalik ko na sana ang phone sa bag, nang bigla iyong mag-beep.


Pariwarang Friend:
Nagbihis ako. Ngayon ko lang nabasa. Magkano ba ilo-load sayo?


Malawak na napangiti ako. Nevermind the explanation, ang importante, lo-load-an niya nga ako. Yup, ito nga ang pekeng pinsan ko!


I happily typed a reply. Unli 1 day with internet. I'll pay you on Monday! Thankie!


That was thirty five pesos. Ibabawas ko na lang sa aking ipon, tutal mukhang hindi na kami dadaan ni Daddy sa Bacoor. Hindi ko na maibibili pa ng bag na Hawk si Arkanghel.


Pariwarang Friend:
Wag na. Gawa m na lang ako ng 200 words essay about global warming solution. English. Kelangan sa Lunes. Sa papel mo lagay, kokopyahin ko na lang palipat sa formal theme.


Hmp, kaya naman pala. Wala raw kasi iyong pinapagawaan nila sa school ng mga ganyan, may sakit daw sa paa kaya hindi nakakapasok ilang araw na. Pumagay na naman ako.


Pariwarang Friend:
Salamat! Kitakits sa Lunes! Mwah!


Nakanguso ako habang nagta-type ng reply na: 'welcome' lang naman. Ewan ko ba kung bakit nauuto ako nitong tamad na ito.


Nang may load na ay sa profile agad ko ni Arkanghel nagpunta. No new posts dahil hindi naman pala-post si Arkanghel, pero hobby ko na lang talaga na bisitahin ang profile nito kahit wala akong napapala. Basta, masaya na akong i-stalk ito kahit patay na bata ito sa sociel media.


I went back to my newsfeed, scroll-scroll lang. Nagtingin-tingin ng kung anu-ano, hanggang sa dumaan sa akin ang post ni Miko ten minutes ago. Kapo-post pa lang pero meron na itong twenty reactions, karamihan ay puso.


Wala namang kuwenta ang post. Mirror selfie sa bathroom nila. In fairness, maganda ang bathroom. Naka-blue T-shirt siya na may print na NBA, kaya lalo siyang pumuti. Kitang-kita rin ang kapal ng kilay niya. Maangas na nakangisi siya sa salamin. Tapos ang caption: Mirror selfie muna bago tumae.


Nakakabuwiset, di ba? Pero sanay na ako kaya wala na sa akin ang ganitong ka-abnoyan niya. May mga comments na. As always, mga girls ang karamihan.


Marry Ann Bautista: Hi pogi!


Doralyn Poblete: @Rosethel puks, OL din itong isang ex mu. Muling ibalik. Ayiiie!


Rosethel Torres: @Doralyn, no thanks. I know my worth. No to ghoster anymore, hmp~~!


Honhie Mo Lang Akoh: ...'kainiz aman ih. Psh. *sad emoticon*


Marami pang iba na hindi ko na binasa. Syempre, hindi nawawala sa comment section ang mga kaibigan niyang sina Asher at Isaiah.


Isaiah Gideon DV: Ingat, kupal. Kaya mo yan. Dito lang kami para sayo.


Asher James Prudente: Update mo kami pagkatapos mo.


Si Arkanghel lang ang walang comment. Good boy nga kasi ito. Hindi ito abnoy. Nag-like na lang din ako para makadagdag sa reactors.


Mga thirty minutes na akong pabalik-balik lang sa mga post sa newsfeed, na-stress lang ako dahil halos lahat ng tao rito sa social media ay mga ipinaglalaban. Mga hindi nagpapatalo, kahit sa mga topic na tsismis lang at wala naman talaga silang kinalaman.


I yawned and turned off my mobile data. Nakaidlip ako at nang maalimpungatan ay madilim na. Wala pa rin si Daddy. Ang sabi nito ay wag akong aalis dito at maghintay lang ako, pero ang sakit na ng puwet ko sa kauupo. Gusto ko rin sanang mag-inat ng mga braso.


Mukha namang safe dahil may guwardiya rito sa parking, kaya nagdesisyon ako na lumabas saglit. Nag-i-stretching ako habang palingon-lingon sa paligid. Nasaan na kaya si Daddy? Bakit kaya ang tagal nito? Sinubukan kong tawagan ang number ni Daddy pero uncontacted ito. Nag-alala na ako.


What if something had happened to my daddy? Sa naisip ay naglakad ako papunta sa lobby ng mall. Habang lakad-takbo ay palingon-lingon ako sa paligid upang hanapin ito. Pupunta na sana ako sa escalator para umakyat sa susunod na floor nang mahagip ito ng paningin ko. I saw Daddy inside a restaurant.


Why was he there? Kumakain ba ito? Pero bakit hindi man lang ako isinama? Gutom na rin ako kanina pa, e—Nahinto ako sa paglalakad papunta rito nang makitang hindi ito nag-iisa. May kausap si Daddy na isang lalaki!


Nagtago ako sa halamang design sa gilid ng restaurant. Parang may bumubulong sa akin na hindi ako dapat makita ng mga ito. Lumabas na ang dalawa mula sa restaurant. Tapos nang kumain at mag-usap. Matangkad pala iyong lalaking kasama ni Daddy. Mukhang bata pa. Siguro ay nasa twenty five years old.


Dahil sa may tugtog sa speaker kaya may kalakasan ang pagsasalita nila. Sa pinagtataguan ko tuloy ay aking naulinigan ang tanong ni Daddy sa lalaki. "Saan ka niyan ngayon, Zed?"


"Sa Masville pa rin po ako nakatira. Hindi naman po ako umaalis doon."


Naglabas ng wallet si Daddy. Mula roon ay kumuha siya ng mga lilibuhin at inabot sa lalaki. "Zed, ipangdagdag mo ito sa paglalakad ng mga papel mo pa-Canada. I-text mo na lang ako kung kailan ang flight mo, ihahatid kita sa airport."


Yumakap ang lalaki kay Daddy. "Salamat, Pa!"


Pa?! Napahawak ako sa aking bibig sa narinig. Mali lang ba ang dinig ko?! Sa pagharap nito sa gawi ko ay aking nakita ang mukha nito. Kamukha ng daddy ko!


Nang makitang paalis na ang dalawa ay nagmamadali akong nanakbo sa daan na hindi nila makikita. Humihingal ako pagkabalik sa parking lot. Dali-dali kong sinusian ang sasakyan saka pumasok ulit sa loob, bago pa dumating si Daddy.


Habang nasa loob ay parang tubig sa gripo na umagos nang tuloy-tuloy lahat ng mga alaala ng pag-aaway nina Mommy at Daddy nitong mga nakaraang araw, maging ang mga noon pang simpleng pagiging selosa ni Mommy, at pagiging mapagbigay ni Daddy sa pera, para lang maiwasan ang pagkakaungkat ng iba pa nitong pinagkakagastusan.


Pagdating ni Daddy todo hingi ito sa akin ng sorry. "Sorry natagalan si Daddy. Ang tagal kasi ng usapan namin ng gustong mag-invest sa resto bar natin. Hayaan mo, dadaan tayo sa drive thru ng McDo. Bibili tayo ng kahit anong gusto mo."


Bumabiyahe na kami pabalik ng Cavite pero wala pa rin akong kibo. Pagdating sa drive thru ay puro tango lang ako sa mga tanong ni Daddy. Lutang ako hanggang sa makauwi.


Bago pumasok sa bahay ay tinawag ako ni Daddy. "Zandra, ang alam ng mommy mo ay sa Tito Ziggy mo tayo sa Bacoor nagpunta, kaya okay lang ba na iyon pa rin ang sabihin mo kapag tinanong ka niya?"


Sinikap kong ngumiti sa kabila ng pagsakit ng loob ng aking dibdib. This was the first time that my perfect father asked me to lie, and I was not stupid enough to not understand what was happening.


Umakyat na ako sa kuwarto ko at doon sumubsob sa aking kama at doon umiyak. Ang sakit-sakit ng katotohanan na matagal kong pilit na idini-deny, na ang pamilyang matagal kong tinitingala at pinaniniwalaang perpekto, ay hindi naman pala talaga totoo!





"PROBLEMA MO?"


Tulala ako sa bench. Maaga akong pumasok dahil hindi ko matagalang makita at makasama ngayon sina Mommy at Daddy. Nasa isip ko pa rin kasi iyong kagabi, iyong lalaking kamukha ni Daddy na ang pangalan ay Zed, at kung sino ba ito sa pamilya namin.


May mahahabang daliri na pumitik sa harapan ko. Pagtingala ko ay si Miko. Naupo siya sa tabi ko sa bench. Maaga rin siyang dumating. Ang bangu-bango niya. Basa pa ang buhok, naka-T-shirt lang, ang polo ay nakapatong na naman sa balikat.


"Iyan na iyon?" tukoy niya sa hawak-hawak kong one isang sheet ng one whole paper. Iyong pinagawa niya sa akin for his formal theme. Inagaw niya agad, pagkuwa'y masayang napasipol siya. "Ayos ito, galing mo talaga mag-english!"


Nakatingin lang naman ako sa kanya. Bukod kasi sa ang bangu-bango niya ay ang aliwalas ng kanyang mukha. Ang guwapo-guwapo niya lalo ngayong ang liwa-liwanag. Huli ko na napagtanto na sa kanya na pala ako nakatulala.


Mabuti na lang dahil busy siya sa pagtingin sa ipinagawa niya sa akin, kaya hindi niya ako napapansin. Pagtingin niya sa akin ay nakapagbawi na ako ng paningin. "Salamat, ah!"


"Miko, marunong ka bang byumahe?" tanong na bigla na lang nanulas sa mga labi ko.


"Huh?" Itiniklop niya na ang papel at inilagay sa bulsa ng kanyang bag. "Bakit? Saan ba pupunta?"


"Parañaque."


"Anong gagawin mo roon?" Napatitig siya sa mukha ko. "Maglalayas ka?"


Sinimangutan ko siya. "Of course not. May gusto lang akong puntahan, but I don't want my parents to know."


Bigla niya akong pinitik sa noo. "Tigilan mo iyan, mapahamak ka pa."


Nakasimangot na tinabig ko ang kamay niya. "Basta, luluwas ako bukas na bukas din. Holiday bukas kaya sakto dahil walang pasok. Madaling araw ako aalis. Tatakas ako sa amin."


Nakatingin lang naman si Miko sa akin, tapos mamaya-maya ay napailing. "Tigas din talaga ng bungo mo, 'no? Kanino ka ba nagmana?"


"E di sa 'yo! 'Di ba magpinsan tayo?!"


Tumayo na ako. Basta, kahit mag-isa lang ako at walang alam sa pagbiyahe ay aalis pa rin ako bukas. Bahala na kung saan ako makarating. Kahit pa umabot ako sa paghalughog sa buong Masville, Parañaque ay gagawin ko. Aalamin ko ang bagay na inililihim sa akin ng parents ko tungkol sa Zed na iyon!


Iniwan ko na si Miko sa bench na nakahabol sa akin ng tingin. Bahala siya, wala naman akong pakialam sa iniisip niya. Nakakainis lang dahil kung nag-aalala talaga siya na baka mapamahak ako, e bakit hindi siya nagpresinta na samahan ako?!


Sabagay, sino ba ako para samahan niya? Friends lang kami at pekeng magpinsan. Higit sa lahat, hindi niya ako girlfriend para pag-aksayahan niya ng panahon!





KINAKABAHAN AKO. ANO NGA BA ANG DADATNAN KO SA PARAÑAQUE?


3:00 am pa lang kinabukasan ay gising na ako. Bitbit ko ang aking backpack na may lamang bihisang damit, sandwich, at tubig. Lahat ng ipon ko ay dinala ko rin, dahil baka hindi agad ako makakauwi at kailanganin kong mag-check in.


4:00 am. Madilim pa rin ang langit. Ingat na ingat ako na wag makakalikha ng ingay sa paglabas ko ng bahay. Nakakatakot dahil ito ang unang beses na aalis ako na walang kasama at unang beses pa na magbabiyahe ako mag-isa, pero hindi ako aatras. The pain of betrayal was stronger than my fears and worries.


Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako, na niloko ako ng parents na pinagkakatiwalaan ko. Kaya sa araw na ito, ako na mismo ang tutuklas ng totoo. Maingat ang hakbang na tinungo ko na ang gate. Walang katao-tao sa paligid, wala rin kahit aso. Pero kaya ko ito. Kakayanin ko!


Nakakailang hakbang pa lang ako nang matanaw ang isang matangkad na lalaki na nakatayo malapit sa may poste ng ilaw sa kanto. Nangunot ang noo ko. He was wearing blue jeans, and a grey hoodie covering his head, and also had a backpack on his back. Nang tumingin sa akin ay napanganga ako. Miko?!


I took giant steps toward him to see whether I was just hallucinating. But it was really him. Nakangisi ang mapupula niyang mga labi sa akin.


"Akala ko ba maaga tayo? Bakit ang tagal mo?"


Nangilid ang aking mga luha at napahikbi ako. Akala ko ay wala siyang paki, akala ko ay hindi niya ako sasamahan, pero ngayon ay nandito siya sa aking harapan!


Nagtaka naman siya sa reaksyon ko. "Hoy, umiiyak ka?"


Lalo akong napahikbi. Para akong biglang nakakita ng hindi lang basta makakasama, kundi pati kakampi sa katauhan niya. Kaya kaysa sagutin ang tanong niya ay tila may sariling buhay ang mga braso ko na bigla na lang yumakap sa kanya. "Mikooo!"


His body stiffened in surprise, but only for a second. Narinig ko ang mahina niyang tawa na kaysarap sa tainga, pagkuwa'y naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa aking likuran. Wala na ang takot ko at pangamba. Hindi ako mag-isang babiyahe! Dahil kasama ko na ngayon si Michael Jonas Pangilinan!



jfstories
#BadLovebyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro