Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

BAKIT BIGLA NA LANG UMINIT ANG ULO NI MIKO?


Hindi naman siya ganito kanina. Ano rin ba ang masama sa sinabi ko? Totoo namang nami-miss ko na ang parents ko. Naging totoo lang din ako na sabihing ayaw ko na rito sa kanila. I didn't mean to offend him, but I also I didn't want to lie to him.


"Miko, I'm sorry kung bigla-bigla akong magdesisyon. Pero ayoko na rito—" Tumayo siya kaya natigil ako sa sinasabi. Nag-panic ako. Saan siya pupunta?


"Matulog ka na, magyo-yosi muna ako sa labas," sabi niya na nakatalikod sa akin.


Magyo-yosi? Nagyo-yosi na siya ulit? Kailan pa?!


Tinungo niya na ang pinto. "Matulog ka na, dahil kahit nagsisisi ka na, huli na. Kaya itulog mo na lang iyan."


Nakanganga na lang ako nang makalabas na si Miko. Galit siya. Hindi ako puwedeng magkamali, galit siya. But why did he suddenly become angry? At ano iyong sinabi niyang I was stuck with him indefinitely? Did he realize that 'indefinitely' could mean "forever."?!


Oh, how come I forgot? Indefinitely also meant an undefined period of time. Although it seemed unending and indefinite, it could change or end. Siguro ang kanyang ibig sabihin ay hanggang sa hindi pa niya natatagpuan iyong babaeng para sa kanya ay dito muna ako.


Whether or not Miko understood the meaning of the word he uttered was no longer important. The conclusion was the same. Nandito lang ako dahil buntis ako. At kung hindi ko lang dinadala ang anak niya, wala ako ngayon dito.


Nahiga ako sa kama at nahiga patalikod sa puwesto niya. Noong una ay malungkot ako, kalaunan ay nakaramdam na rin ng inis, pagkuwan ay galit. Bakit kasi ang init agad ng ulo niya? Sino ba sa amin ang buntis, ha?!


Habang umaandar ang oras ay tumataas din ang emosyon ko dahil hindi pa siya bumabalik. Ano? Hindi ba niya naisip na minsan na nga lang siya rito pero uunahin niya pa talaga ang mag-yosi? Kung ayaw niya akong kausap e di wag! Masunog sana nang tuluyan ang baga niya!


2:00 am na pero wala pa rin talaga si Miko. Gaano ba karami ang sigarilyo niya at hindi pa rin maubos-ubos hanggang ngayon? Sundan ko na kaya? Kung susundan ko naman siya ay parang ako ang may kasalanan kahit wala naman.


At siya pa talaga riyan ang magpapasuyo, ha?! Tumihaya ako at nagpapadyak sa kama. Bakit ako pa talaga ang bababa at maghahanap sa kanya? E ako nga ito riyang buntis! Sa inis ay inabot ko ang unan niya. Binugbog ko iyon ng yakap saka ibinato sa sahig.


Katagalan ay hindi ko na rin nakayanan pa ang antok. Bandang 3:00 am nang tuluyan na akong makatulog. Hindi ko na rin namalayan ang pagbukas ng pinto bandang 4:00 nang madaling araw.


Isang matangkad na bulto ng lalaki ang lumapit sa akin para ayusin ang aking pagkakakumot. Nagtangka pa ito na haplusin ang buhok ko, subalit napabuga na lang ito ng hangin at naiiling na lumabas muli ng pinto.





"MIKO?!" Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama. Mataas na ang sikat ng araw ayon sa liwanag na nasisinag ko mula sa manipis na kurtina ng bintana.


Nasaan na siya? Nakaalis na ba siya? Napatingin ako sa aking tabi sa kama. Nandito na ulit iyong unan na ibinato ko, pero ni hindi man lang nagusot ang sapin sa parteng ito ng higaan. Ibig sabihin, hindi siya rito natulog.


Sumunod kong hinanap ang kanyang duffle bag. Kahit pa alam ko na sa sarili na umalis na siya ay gusto ko pa ring magbaka sakali. Kaya ganoon na lang ang pagbagsak ng aking balikat nang makitang wala na sa closet ang kanyang duffle bag. Nakaalis na nga siya... Bumalik na siya ng Manila...





"ALAM NANG NAGTITIPID, PERO ANONG ORAS NA AY BUKAS PA RIN ANG AIRCON?!"


Pagbaba ko ay ang galit na boses ni Tita Mitchy ang sumalubong sa akin. Napayuko ako. Dahil sa tinanghali ako ng gising ay hindi ko napatay agad ang aircon. Nakalimutan din yatang patayin ni Miko nang umalis ito kanina.


Napahagod sa maiksing buhok nito ang malaking babae nakasuot pa ng uniporme ng pulis. "Mabuti na lang at dumaan ako rito saglit, kung hindi ay baka tulog ka pa rin hanggang ngayon, Zandra!"


Itinuro nito si Lola Mameng na ngayon ay nakayukyok sa sofa. "Tingnan mo ang lola ni MJ, anong oras na pero hindi pa kumakain! Nagpang-abot na ang almusal at tanghalian, pero hindi pa nakakainom ng gamot!"


"Sorry po. Hindi ko po kasi namalayan ang oras."


"Alam mo, Zandra, hindi ganyan ang nakikitira." Hinarap ako nito. "Dapat nga ay nangangapa ka, dapat ay nagpapakitang gilas ka. Pero bakit parang kami pa rito ang gusto mong mag-adjust para sa 'yo?!"


Napayuko na lang ako habang mariing nakakapit sa laylayan ng shirt na suot ko.


"Hindi ako galit, okay?" anito pagkuwan. "Pinangangaralan lang kita, dahil wala ka nang magulang na magpapangaral sa 'yo, ako na lang. Kaya baka masamain mo pa, ha? Baka magsumbong ka pa sa anak ko. Pamroblemahin mo pa iyon!"


Naglakad si Tita Mitchy papunta sa kusina. Kumuha ito sa cupboard ng mga canned goods at iyong natitirang pack ng gatas. "Kunin ko muna ang mga ito dahil wala akong stock sa presinto. Ayoko namang kumain pa sa karenderya o restaurant dahil tagtipid nga ako. Magbabayaran na ng tuition ni MJ sa katapusan."


Pagsilip ko sa cupboard ay isang pirasong lata ng sardinas na lang doon ang natira. Mapapabili na naman yata ako ng itlog na ulam-ulam ko sa buong linggo, dahil mukhang hindi ulit mago-grocery ang mommy ni Miko.


Nang may tumawag sa phone ni Tita Mitchy ay nagbago na ang mood nito. Napangiti na. Pero nang mapatingin ulit sa akin ay sumimangot.


Inasikaso ko na muna na mapakain at mapainom si Lola Mameng ng gamot. Panay naman ang hingi sa akin ng sorry ng matanda.


"Sorry, Sandara, ha? Napagalitan ka pa tuloy. Kasi naman, bakit wala na naman iyang si Tonet?!" tukoy nito sa stay out na kasambahay. "Ang sabi ng aking apo na si Tisoy bago umalis kanina ay pupunta raw si Tonet, kaya hintayin ko raw! Pero di na naman nagpunta ang babaeng iyon!"


Hindi pa rin nagsi-sink in kay Lola Mameng na hindi na nga talaga pupunta si Ate Tonet dito. Hindi ko rin nabanggit kay Miko dahil masyado akong masaya noong nagdaang weekend, at kagabi naman ay hindi rin kami nagkausap dahil bigla naman siya sa aking nagalit.


Pagkainom ni Lola Mameng ng gamot ay tinulungan ko ang matandang maligo. Isang linggo ko na itong ginagawa kaya medyo sanay na ako. May experience na rin naman ako kahit paano sa pag-aasikaso sa mga pasyente dahil sa OJT ko bilang nurse. Mahirap nga lang sa parte na hands on ako ngayon at walang kapalitan di gaya noong internship.


Pagkatapos maligo ni Lola Mameng ay nabasa rin ako kaya deretso na rin ako ligo. Nasa kuwarto na ako at katatapos lang magbihis nang bumukas ang pinto. Si Tita Mitchy. "Zandra, may pera ka ba riyan?"


Meron naman akong pera, iyong iniwan pa sa akin ni Miko last week. May tira pa iyon na nasa seven hundred yata. Hindi pa rin nagagalaw ang aking five hundred kaya nasa one thousand two hundred pa ang pera ko.


"Pahiram nga muna akong five hundred pang gas sa kotse. Nawalan ako ng pera kanina sa presinto. E sa katapusan pa ang suweldo. Ayaw ko naman magsabi kay MJ dahil baka nga mamroblema pa, e malapit na ang exam nila."


"Sige po." Kinuha ko ang aking wallet at mula roon ay kinuha ang five hundred na buo.


Nakatingin naman si Tita Mitchy. Nakita nito na may natira pa sa wallet ko. "O tutal me pera ka pa riyan, ikaw na muna ang bumili ng gulay roon sa naglalako, ha? Mag-gisa ka para ulam. Kailangan ni Nanay ng gulay sa katawan."


Bago ito lumabas ng pinto ay nilingon ako. "Wag mo nang banggitin kay MJ. Kapag nalaman niyang gipit ako ay baka tipirin lang niya ang sarili. Kawawa naman."


Napabuntong-hininga ako paglabas ni Tita Mitchy. Seven hundred na lang ang pera ko, at mababawasan pa. Pero ano ang karapatan kong magreklamo? Nakikitira lang ako rito.





MIKO WAS NOT CONTACTING ME.


Galit pa kaya siya? Naiinis pa rin ako pero mas lamang ang pag-aalala. Fine, I admit that I also missed him. I was praying that the days would pass quickly and it would finally be Friday.


Siya lang naman kasi iyong nakakausap ko, kapag nandito siya ay saka lang ako nakakakain nang maayos, kapag nandito siya ay saka lang din ako nakakapagpahinga. Pero bukod pa sa mga iyon, talagang nami-miss ko siya. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kumain na kaya siya?


Wala ba siyang mahiraman ng phone para mai-text ako o matawagan? Siguro nga ay galit pa siya. Matamlay ako buong araw dahil sa isiping iyon.


Bandang 7:00 p.m. nang umuwi si Tita Mitchy galing duty. Iba-iba ang schedule nito kaya minsan ay nagugulat na lang ako pag aalis ito at uuwi. "Zandra, kape nga."


Habang ipinagtitimpla ko ito ay may tumawag rito sa phone. Biglang umaliwalas ang mood nito. Napatingin muna ito sa akin bago lumabas ng pinto. Nagkibit balikat na lang naman ako.


Malamig na ang kape nito nang makabalik. Nagtaka ako nang tanungin ako nito. "Nasaan ang phone mo?"


"Nasa kuwarto po, naka-charge," magalang na sagot ko.


"Hindi pa naman siguro full charge. Mamaya mo na akyatin. Pag-init mo muna ako ulit ng tubig dahil lumamig na ang kape ko."


Ginawa ko naman. Pagkatapos ay may kasunod pa itong ibang utos. Hanggang sa 10:00 p.m. na ako nakaakyat sa kuwarto. Pagtingin ko sa aking cell phone ay full charged na. My phone was overcharged, but that wasn't what alarmed me—it was the ten missed calls from an unknown number.


May dalawang text. Binuksan ko iyon at binasa.


+639 275***
Miko to. Nakigamit lang ako ng phone. Sorry tulog na tulog ka pa kaya hindi na ako nakapagpaalam pag-alis ko nung Lunes.


+639 275***
Bakit di mo sinasagot? Ge, ge, balik ko na tong phone. Gagamitin na e. Kumain ka na.


Shit! Si Miko pala ang tumatawag sa akin kanina pa. Hindi ko siya nasagot kasi nasa baba ako. Baka isipin niyang galit ako o ini-ignore ko siya!


Kinabukasan ay mas nalumbay lang ako. Tumawag ulit si Miko pero nataon pang nasa banyo ako. Naiwan ko ang aking phone sa sala. Si Tita Mitchy ang nakasagot dahil dumating pala ito noong bandang tanghali. Hindi ako nito kinatok sa banyo. Tapos na nitong makausap si Miko paglabas ko.


Pagkuha ko sa aking phone ay wala man lang text. Tapos hindi ko man lang siya nakausap dahil nga sa nasa banyo ako nang tumawag siya.





ALAM MO IYONG PAKIRAMDAM na ang lungkot-lungkot, pero hindi mo alam kung ano ba iyong ikinalulungkot mo? Ganoon iyong nararamdaman ko. Ang bigat sa katawan, gusto mo na lang mahiga, tumunganga, at matulog.


Gusto ko rin sanang mag-stress eating, kaya lang ay wala namang pagkain. Ubos na iyong binili ni Miko sa aking biscuit. Wala na ring laman ang cupboards sa ibaba. Wala na ring natira sa aking pera dahil sa kabibili ko ng noodles, itlog, at corned beef na pang-ulam-ulam buong linggo.


I was so sad that I went online using my real account. Kahit pa may message sina sina Mommy at Daddy sa akin na galit ay gusto ko nang mabasa. Gusto kong mabasa kahit anong galing sa kanila. Ganoon ko sila ka-miss.


Habang naglo-loading ang Messenger ay nasa newsfeed muna ako. Napadaan doon ang isang post na parang nananawagan. Nahagip lang ng aking paningin ang pangalan ng nag-post. A certain Doralyn.


The post: There are 3.7 trillion fish in the ocean, we're looking for one! Sea it! Wet Yourself! The big question is, where is Arkanghel DV now? #FindingArkanghel


They were looking for Arkanghel? Ah, mga taga-Gov pala ito. Hindi yata updated na isa palang missing heir si Arkanghel at matagal nang wala sa General Trias. Ini-scroll down ko na pero napa-like pa ako sa post nang di sinasadya.


Ia-unlike ko na dapat at pupunta na ako sa Messenger nang biglang nawalan na naman ng Internet. Ayaw ko namang gumastos pa para sa load dahil magkano na lang ang aking pera. Nahiga na lang ako sa kama at itinulog ang lungkot na aking nadarama.





MAAGA PA LANG NG FRIDAY AY GISING NA AKO PARA MAGLABA.


Nakamaluwag na T-shirt ako at maiksing boxer shorts ni Miko. Wala akong suot na bra dahil wala namang ibang tao rito sa bahay ngayon maliban sa amin ni Lola Mameng. Isa pa ay nakakapagod ang paglalaba at napakainit ng panahon kaya gusto kong maging komportable.


1:00 p.m. nang makatapos ako sa pagsasampay. Pagod at pawisan ako, dagdag pa na nabasa ng tilamsik ng tubig ang damit ko. Hubog na hubog tuloy sa pagkabakat ang dibdib ko. Kami lang naman dito sa bahay kaya ayos lang.


Hila-hila ko ang basket ng marumihan nang makarinig ako ng kalansing ng gate. Napaangat agad ang paningin ko. Umuwi na ba si Miko? Bakit ang aga yata?


Nakalimutan ko na ang aking itsura na nanakbo ako papunta sa pinto. Ngiting-ngiti ako para lang mapaatras dahil mali ako ng akala. Ang mommy ni Miko pala ang dumating. At hindi ito nag-iisa. May kasama itong dalawang lalaking pulis!


Napasipol ang isa nang makita ako. "Oy, Suarez, may bago pala kayong kasambahay. Di mo naman nakukuwento, e di sana matagal na kaming napadalaw rito sa inyo."


Iyong isang pulis naman na bilugan at malaki ang tiyan ay ngiting-ngiti habang nakatitig sa kabuuhan ko. "Aba, at ang bata pa nito, ah?"


Hindi ako magkamayaw kung paano tatakpan ang aking katawan mula sa mga mata nila, kaya tumalikod na lang ako. Ang balak ko ay umakyat sa itaas para magbihis. Nasa hagdan pa nga lang ako nang tawagin ako ni Tita Mitchy. "Zandra, ipagtimpla mo kami ng kape."


Napatigil ako at hindi malaman kung susunod ba o ano. "Ah, Tita Mitchy, magbibihis lang muna po—"


"Ipagtimpla mo muna kami, 'Ne, saglit lang kami, e," nakangiting sabat ng payat na pulis na napasipol kanina.


Tumingin ako kay Tita Mitchy upang humingi rito ng saklolo, pero nag-iwas ito sa akin ng mata. Dumeretso ito sa kusina na seryoso ang mukha.


Iyong isang pulis ay sumununod kay Tita Mitchy. Gusto ko na lang talagang maging bastos at tumuloy sa pag-akyat sa kuwarto, kaya lang ay nakita kong palapit sa akin ang isang pulis. "Aakyat ka, 'Ne? May kuwarto ka riyan sa itaas?"


Dahil doon ay napasunod tuloy ako sa kusina kina Tita Mitchy. OA na at paranoid pero wala akong paki, basta natakot ako na baka sundan ako ng pulis hanggang sa kuwarto. Baka sa huli ay sa akin pa magalit si Tita Mitchy. Kaya pinili ko na lang sumunod sa kusina.


Tinakpan ko na lang aking buhok ang bandang dibdib ko. Nakayuko ako habang ipinagtitimpla sila ng kape. Sa aking peripheral vision ay ilang beses kong nakita na sumusulyap sa akin iyong dalawang pulis na lalaki.


Nang dalhin ko na sa kanila ang kape ay halos malusaw ako sa titig ng mga ito sa kabuuhan ko. Kinuha sa akin ng isang pulis ang tasa. Hindi ko alam kung sadya ba iyon o hindi na sumagi ang daliri nito sa kamay ko.


"'Ne, ilang taon ka na? Ang bata mo pang mamasukan, ah? Menor ka pa yata."


"H-hindi po ako namamasukan dito," mahina man ay mariing sabi ko sabay tago ng aking kamay sa likuran. "At hindi na po ako menor de edad."


"Ay, legal age na pala ito!" Nagkatawanan ang mga lalaking pulis.


Iyong payat na pulis ay nginitian na naman ako. "Nag-aaral ka pa ba kaya ka namamasukan? Ano bang pangalan mo? Gusto mo bang pag-aralin kita?"


"Malayong kamag-anak namin iyan," sabi ni Tita Mitchy bago pa humaba ang usapan. Na-gets ko na ayaw nitong malaman ng mga katrabaho na naka-disgrasya ang anak nito.


Nakayukong tumalikod na ako para iwan sila sa kusina. Sa kuwarto ako nagkulong. Lumabas lang ako noong wala na si Tita Mitchy at ang mga lalaking pulis. Naligo ako at nagsabon nang ilang ulit dahil pakiramdam ko'y ang dumi-dumi ko kanina.


Katatapos ko lang magbihis, maluwag na T-shirt ni Miko at jersey shorts, nang basta na lang bumukas ang pinto. Nagulat pa ako nang walang pasabi na pumasok si Tita Mitchy. Bumalik pala ito.


"Iyong kanina, 'wag kang mag-alala, hindi ko babanggitin sa anak ko."


Anong kanina? Iyong tungkol sa pambabastos sa akin? "Tita Mitchy, binastos po ako ng mga kasama niyo po," magalang pero hindi maitago ang hinanakit na sabi ko.


"Mababastos ka ba kung hindi ka kabastos-bastos?" balik ni Tita Mitchy sa akin. "Pero wag ka nang mag-alala. Hindi ko babanggitin sa anak ko ang ginawa mo dahil kasiraan iyon sa pagkalalaki niya."


"Tita Mitchy, sila po iyong nambastos, hindi naman po ako!" naiiyak nang sabi ko.


"Ano bang nambastos? Iyong ganoong remarks, normal lang naman dahil mga lalaki ang mga iyon. Syempre, hindi ba tutuka ang manok kapag palay na ang nakabalandra sa harapan nila na para bang tinatakam pa sila?"


Tita Mitchy's answer stunned me. I was in tears of anger but I didn't speak anymore. Alam ko namang kahit anong sabihin ko, hindi naman ako papanigan nito.


May inabot itong plastic na ngayon ko lang napansing dala nito. "Kunin mo, binili ko ang mga iyan sa nagpapa-order na katrabaho ko sa presinto. Gamitin mo iyan tuwing uuwi rito ang anak ko."


Ang laman ng plastic ay mga sleeveless nightgown na bukod sa maninipis ay masyadong sexy ang tabas. Maiiksi at mabababa ang neckline!


"Iyan ang gagamitin mo tuwing gabi na nandito si MJ. Wag ganyang malalaking t-shirt. Dapat ay kaaya-aya ka nang sumaya ang anak ko tuwing naririto siya."


"Ayoko po," tanggi ko na ibinaba sa kama ang plastic na may lamang mga sexy na pantulog. "Bakit ko kailangang gamitin ang mga iyan? Hindi po ako nagsusuot ng ganyan!"


"Puwes, magsuot ka na. Iyan ang papel mo bilang isang babae. Ang magagawa mo na nga lang ay libangin at pasiyahin ang anak ko tuwing naririto siya, hindi mo pa magawa?!"


Nang lumabas na ang mommy ni Miko para akong inalisan ng lakas sa katawan. Napaupo ako sa gilid ng kama habang nanginginig.


Mas matatanggap ko pa yata kung sinampal na lang ako ni Tita Mitchy. Napahingal ako dahil para akong hindi makahinga. Ang sakit-sakit sa dibdib. Hindi ko na namalayan ang oras sa buong sandali akong nanginginig.


Mga katok sa pinto ang nagpabalik sa huwisyo ko. Alam ko nang hindi si Tita Mitchy iyon. Napapunas ako ng luha kasabay ng pag-aliwalas ng aking mukha. It was Miko, right? It was him, right? He was finally back!


Nag-panic ako dahil dumating na si Miko. Dali-dali kong pinagdadampot ang mga sexy na pantulog saka itinago sa ilalim ng kama. I was panting when he finally entered the room. It was really him. Again, I felt like crying.


Naka-varsity jacket at jeans siya. May sukbit na duffle bag sa kaliwang balikat. Gusto ko siyang lusubin ng yakap. Kaya lang ay galit pa ba siya? Nakatingin lang kasi siya.


"Bakit gising ka pa?" tanong niya. Saka ko nakita ang oras. 11:00 p.m. na pala.


Gusto ko sanang isagot na dahil hinihintay ko siya, pero ang awkward dahil alam kong hindi pa kami okay. Baka galit pa siya. Kaya sinabi ko na lang na, "Napatagal kasi ang tulog ko kaninang tanghali."


Hindi totoo na nakatulog ako kanina kahit pagod na pagod ako sa paglalaba. Nagpa-palpitate ako kanina sa stress at sa sama ng loob dahil sa pambabastos ng mga kasamang pulis ng mommy niya.


Matagal kami na nakatitig lang sa isa't isa nang damputin niya ang tuwalya sa likod ng pinto. "Ligo lang ako. Ang alikabok ko sa biyahe."


Naghintay naman ako sa pagbalik niya. Kalahating oras na mahigit pero wala pa siya. Nang sumilip ako sa pinto ay kausap niya pala sa hallway ang kanyang mommy. Mukhang naharang siya.


Bumalik ako sa kama. Patay na ang ilaw at lampshade na lang ang natitira. Mag-uusap lang naman kami. Nakahiga ako nang pumasok na si Miko. Parang nagkaroon ng tambol bigla sa loob ng dibdib ko.


Sumampa si Miko sa kama. Ang bango-bango niya. Naka-shirt siya at pajama. Nang hubarin niya ang kanyang shirt ay napasinghap ako. Why did he have to undress? Ang lamig-lamig ng aircon, ah?


Miko lay next to me, and I was startled when he hugged me. Damn! I missed Miko; I wanted to hug him back, feel his body against mine, and sniff his neck, but could I?


Galit lang siya sa akin noong nakaraan, pero bakit ganito siya? Hindi na ba siya galit? Saka ano ba kami? Wala pa naman kaming matinong usapan tungkol sa amin.


But Miko seemed to have no intention of talking. Although his actions were gentle, I could tell he was already aroused. Bumaba ang mukha niya sa aking dibdib, at napadilat na lang ako nang malaki nang ang isang kamay niya ay humaplos sa pagitan ng mga hita ko.


I was wearing shorts and panties, yet the heat of his large palm pierced through the garments. Nang humagod din ang mahahabang daliri niya upang damahin ang hiwa ay para akong kinuryente nang bolta-boltahe.


It felt good, but then I suddenly remembered his mother's words. That I should do this and give my all because this was the only way I could give back to her son. That this was my duty and importance as a woman. Dahil doon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.


No, I may be a woman, but women did not exist only to satisfy men! We're more than that! Nang ipasok na ni Miko ang kamay niya sa loob ng aking shorts ay pinigilan ko siya. "Miko, sandali!"


Nagpapigil man siya ay umakyat naman ang kanyang kamay para sa dibdib ko naman pumunta. "Nag-online ka kagabi?" anas niya sa aking punong tainga.


Napakurap ako. Alam niya?


"I saw you," he whispered again in my ears. "You went online using your real account. Why?"


Nakita niya ako? Noon bang malapit nang mawala ng WiFi ay saka siya nag-online? Hindi kami nagpang-abot. Pero bakit tinatanong niya kung bakit ko binuksan ang totoong account ko?


Sinagot ko pa rin naman ang tanong niya. "I missed my parents..."


"Talaga?" tanong niya muli pero iba ang tono.


"O-oo..." paungol na sagot ko dahil pinadaanan niya ng kanyang basa at mainit dila ang aking balat.


"Mga magulang mo ba talaga ang nami-miss mo, Zandra?"


I opened my eyes and saw that he was looking at me. Ang mga mata niya ay hindi mainit kundi malamig. Nang marahan niyang pisilin ang aking isang dibdib ay ewan kung bakit bigla ay naalala ko iyong pambabastos ng dalawang pulis sa akin kanina. Bigla ko siyang naitulak.


Lumayo naman siya pero lalong lumamig ang mga mata. Bago pa ako makapagsalita ay nauna na siya. "Gets ko."


Ha? Anong gets niya?


"Na, Zandra, kung papipiliin ka, hindi ako ang gusto mong nakabuntis sa 'yo." Ngumiti siya. "Si Arkanghel pa rin ba?"


Anong kinalaman ni Arkanghel?! Windang pa ako kaya hindi ako agad makapagsalita, pero iyong saglit na pananamihik ko ay sapat na kay Miko.


Umalis siya sa kama at sa aking gulat ay sinuntok niya ang pader ng kuwarto, kasunod ay ang maigting na mura niya. "Putangina."


jfstories
#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro