Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

WHY? Why was I crying? Why couldn't I stop my tears?! Did I miss Miko this much?!



Biglang sumingit sa harapan namin ang nakakiling na mukha ni Lola Mameng. "Aba'y bakit umiiyak si Sandara?!"


Saka lang ako napahiwalay kay Miko. Naitulak ko siya bigla.


Napasimangot naman siya, pero nandito ang lola niya. Ngumiti siya sa matanda. "Hi, La! Na-miss niyo ba ang pinakaguwapo niyong apo?"


"Aba'y, ikaw lang naman ang lalaking apo ko!"


"I miss you, 'La." Niyakap ni Miko si Lola Mameng. "Uy, teka, anong pabango mo? Ang bango, ah! Parang chix lang! Baka naman, bigla akong magkaroon ng bagong lolo niyan, ah?!"


Pinaghahampas naman siya ni Lola Mameng. "Ay, naku itong batang ito! Anong edad ko na, hindi na kayang kumalampag!"


Nakangiti si Miko nang lumingon sa akin. Doon ko naalala ang aking itsura. "Ah, ano, paligo na sana ako, pero dumating ka..."


Iyon ang nababaan ng mommy niya. Nakapagpalit na si Tita Mitchy ng pambahay. T-shirt at malaking shorts kung saan kita ang bato-bato nitong mga binti. Ang seryosong mukha ay iglap na naging maaliwalas. "Nandito na pala ang baby ko."


Sinalubong naman ito ni Miko. "Hi, Mommy! Magkaka-baby na ang baby mo!"


"Ikaw pa rin ang baby ko," nakangiting sabi ni Tita Mitchy habang tinatapik siya sa pisngi. "Ano, kumusta ang biyahe mo? Traffic ba masyado? Sabi ko naman sa 'yo, kahit na next week ka na lang umuwi. Mahirap iyong lingguhan ang uwi, mapapagod ka."


"Sakto lang. Saka gusto ko naman talagang umuwi." Sabay simpleng sulyap ni Miko sa akin.


"Kung ang inaalala mo ay si Zandra, okay lang naman siya. Maayos naman siya rito. Sa bahay lang siya, at least ay nakakapagpahinga."


Bumaling sa akin si Tita Mitchy. Sa isang linggong nagdaan, ngayon lang ito sa akin ngumiti. "Sige na, Zandra. Maligo ka na. Ikaw naman, alam mong uuwi ngayon si MJ, di ka man lang nag-ayos ng sarili mo."


Hinila na nito si Miko sa kusina. "Halika na, baby ko. Ano bang gusto mong kainin? Fried chicken?"


Nalunok ko ang aking laway nang ilabas ni Tita Mitchy ang chicken legs mula sa freezer. Isa iyon sa mga groceries nito kanina. Naglabas din ang babae ng Coke in can at inabot kay Miko. "O magpalamig ka muna habang nagluluto ako. Ako na ang magluluto dahil hindi pala iyan marunong mangusina si Zandra. Mukhang spoiled sa kanila kaya walang kaalam-alam sa mga gawaing bahay."


Bago pa isalang ni Tita Mitchy sa kawali ang manok ay umalis na ako para pumasok sa banyo. Ayokong maamoy ang aroma ng pagpiprito sa manok dahil baka matakam lang ako.


Lahat ng pagod ko ay nabanlawan ng malamig na tubig mula sa shower. Ang sarap talaga maligo sa gabi. Miss na miss ko ito. Nitong mga nakaraan kasi ay bawal maligo sa gabi, bawal din magtagal sa banyo, dahil nagtitipid sa tubig. Init na init tuloy lagi ang pakiramdam ko. Kaya ngayong puwede na ay talagang bumawi ako.


Dalawang beses akong nagsabon. Ang sarap-sarap dahil kanina pa talaga akong tanghali naiinitan. Preskong-presko ako nang makatapos. Ang sarap siguro ng magiging tulog ko nito kahit pa naka-electric fan lang. Bawal din kasing magbukas ng aircon.


Ang sabi ni Tita Mitchy ay nahihirapan daw kasi itong mag-ipon para sa tuition ni Miko, kaya kailangan naming mag-ibayong tipid. Saka ano naman kung walang aircon? May electric fan naman. Okay rin naman dahil at least, nakaligo ako. Presko ang aking pakiramdam.


Paglabas ko ng banyo ay kumakain pa rin si Miko sa kusina habang kaharap ang mommy niya. Panay tanong ni Tita Mitchy sa kanya kung kumusta siya sa Manila, kung okay lang ba siya, at kung ano ang gusto niyang kainin bukas. Nakaka-amaze lang, hindi mo aakalaing may soft side ang isang babaeng brusko pa sa lalaki kumilos at manamit.


I was about to go upstairs when Miko's eyes met mine, as though he had been waiting for me. Napatingin din tuloy sa akin ang mommy niya.


Patayo si Miko nang pigilan siya ng mommy niya. "My, baka hindi pa kumakain si Zandra."


"Naku, kumain na iyan. Anong oras na, e."


"Ayos lang," sabi ni Miko na sa akin pa rin nakatingin. "Halika, Zandra, kain ka ulit. May fried chicken pa. Sa 'yo itong malaking hita."


I gulped when I peeked at the fried chicken on the table. Even from a distance, it appeared juicy. Na-miss ko ang ganoong pagkain dahil buong linggo na salitan lang na itlog at noodles ang aking kinakain.


Ang mga paa ko ay pahakbang na, hindi na ako para mahiya pa, kasi gusto ko rin talagang kumain kahit kumain na ako kanina. Kaya lang ay nagsalita ang mommy niya. "Ano ka ba, MJ?! Kumain na nga si Zandra kanina. Wag mo nang pilitin. Hindi rin maganda sa buntis ang nagpapasobra sa kain dahil baka manasin. Lalo pa at gabi na, baka hindi na matunawan!"


Nakayuko na nagpatuloy na lang sa pag-akyat sa itaas ng bahay.


I had only been in the room for about two minutes when Tita Mitchy walked in as I combed my damp hair. Nagmamadali ang kilos nito at mahina ang boses na nagsalita. "Anong ginagawa mo? Buksan mo na iyong aircon, para lumamig na! Aakyat na rito mayamaya si MJ!"


"Sige po." Binuksan ko ang aircon, na ngayon na lang ulit nabuksan. Nang magsimula nang lumamig ay lalo akong napreskuhan. Napangiti ako dahil ang sarap ng hangin!


Nag-e-enjoy ako sa pagtapat doon nang bumukas muli ang pinto. Naabutan ako ni Miko na nakanganga sa aircon. Naka-pajama siya at walang pang-itaas at nagkukuskos ng tuwalya sa basa niyang buhok. "Hoy, kabagan ka."


Lumapit siya sa closet. Nang maparaan siya sa aking harapan ay hindi ko napigilang mapasinghot. Bakit ganoon? Same naman kami ng ginamit na shampoo at bodywash, pero bakit parang iba ang bango niya?


He took a t-shirt from the closet and put it on. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at yumuko. Saka ko naalala na nasa akin pa pala ang suklay. Nag-loading pa ako bago siya na-gest. Nagpapasuklay siya. Sinuklay ko naman ang kanyang buhok.


Nang makatapos ay nag-angat siya ng mukha. Nakangisi sa akin. "Gutom ka?"


"Ha?" Lumikot ang mga mata ko. "S-sinabi na ng mommy mo na kumain na nga ako kanina, di ba?"


Parang wala siyang narinig. Nakangisi pa rin. "Labas tayo?"


"W-where are we going?"


"Diyan sa lomihan sa kanto."


Iyong pagkakatulala ko sa kanya ay sandali lang, dahil mayamaya lang ay nauwi na sa isang ngiti. Lalo namang lumawak ang kanyang pagkakangisi. Kumuha siya ng sweater sa closet at ibinalot sa akin, saka niya na ako hinila palabas ng kuwarto. At oo, sasama ako. Kakain kami ng lomi riyan sa kanto!





NGAYON NA LANG AKO NAKATULOG NANG MATAGAL.


Ngayon na lang ako nakapagpahinga nang ganito. Ang sarap maghihiga sa kama at matulog pa, kasi bukas pa rin iyong aircon. Ang lamig-lamig habang nakabalot ako sa comforter. Napadilat ako bigla. Ha? Bakit nga ba bukas pa ang aircon? At bakit bukas ang aircon?! Napabangon ako at kinabahan. Para lang maalala na nandito nga pala ngayon si Miko.



Kagabi siya dumating. Napangiti ako. Umuwi nga pala siya. Kaya hindi ako nagising na gutom, dahil isinama niya ako sa labas. Bukod sa 2 serves of lomi, ibinili niya rin ako ng buy 1 take 1 burger at juice sa Minute Burger kagabi!


Speaking of Miko, napahagilap agad ang mga mata ko sa paligid ng kuwarto. Mag-isa na lang ako sa kama. Wala na siya. Nasaan na siya? Hala, umalis na ba siya?! Pero Sabado pa lang, ah? Pero what if umuwi na siya ng Manila?! Paano kung umalis na pala siya?!


Nagpa-panic na bababa na dapat ako sa kama nang bumukas ang pinto. Natulala ako nang mula roon ay pumasok si Miko. Naka-tshirt ng white at jersey shorts na black. Basa pa ang kanyang buhok. Bagong ligo, at ang bango-bango!


"Hi." Ang aliwalas ng kanyang pagkakangiti. "Gutom ka na?"


Tulala pa rin ako. Nandito pa talaga siya. Hindi pa siya umuuwi ng Manila!


Naupo siya sa gilid ng kama, at ngayon ko lang napansin na may hawak siyang paper bag. Paper bag ng Jollibee! Kaya pala kanina pa ako may naaamoy na masarap! Akala ko kasi siya lang iyon.


Binuksan niya ang paper bag. "Maaga ko nagising, kaya naisipan kong mag-jogging kanina habang tulog ka. Napadaan ako sa bagong bukas na Jollibee kaya doon na kita ibinili ng almusal."


Almusal pero anong oras na? Brunch na ito. At sakto lang din dahil ang dami niya palang binili para sa akin. Two pieces ng chicken with rice, plus one extra rice, may Yum burger din, fries, at orange juice. Ayun, tumulo na ang laway ko. Pero di ko sure kung dahil saan tumulo, kung sa food ba o sa kanya. Parang magkasinsarap kasi.


Nang matauhan sa naiisip na kagagahan ay nagpunas agad ako ng laway. Mabuti na lang at busy si Miko sa pag-aasikaso ng food sa harapan ko. "You can eat fast food once in a while, right?" nakangiti niyang sabi sa akin.


Nakangiti akong tumango. Hindi lang dahil sa ang bango niya at ang guwapo, hindi lang din dahil sa pagbili niya sa akin ng brunch ko, kundi dahil ang cute niyang mag-English. Mula nang mag-college siya sa Manila, dumadami na ang alam niyang salita. Kahit pa more on 'kanal language' pa rin siya, madalas ay sounds expensive na!


Magana akong kumain pagkatapos habang siya ay nanonood lang sa akin. At hindi lang ito, dahil may meryenda pa ako. Ibinili ako ni Miko ng pansit at banana cue sa labas, with matching palamig. Oh, my tummy was so satisfied and happy!


Hindi lang buong Saturday ako busog, kundi pati buong Sunday. Sa umaga na may duty si Tita Mitchy ay wala kaming ginawa ni Miko kundi kumain. Panay luto siya ng stocks nila, fried chicken, ham, at sausage. Nakakapagpapak din ako ng Bearbrand na gatas hanggang gusto ko.


Sa tanghali naman ay tulog ako. Talagang pahinga kung pahinga. Buong linggo akong naglalampaso ng sahig, naglilinis ng kusina, nag-aasikaso kay Lola Mameng sa pagligo, pagbibihis, pagkain, at pag-inom nito ng gamot. At ngayon na lang ako makapagpahinga nang bongga.


Gusto ko lang mahiga, magpalamig dahil hindi pinapatay ni Miko ang aircon. Tapos meron pala akong biscuit na kinakain. Ibinili kasi ako ni Miko ng maliit na lata ng Skyflakes. Iyong isang tumbler niya rin ay kanya nang ibinigay sa akin. Nandoon ang tubig ko kapag nauuhaw ako.


Kahit tuwing matatapos kumain ay hindi na ako ang naghuhugas ng mga pinagkainan, kasi si Miko ang gumagawa. Ako na lang ang nagpupunas ng mesa. Wala namang imik sa lahat ang mommy niya.


Sa hapon naman ay nandoon kami kay Lola Mameng. Kundi niya ito kinukulit ay nilalambing. Ako naman ay naaaliw lang sa panonood sa kanilang maglola. Kapag naman naihi sa sahig ang matanda ay si Miko ang bahalang maglampaso.


At kapag gabi na at tulog na ang kabahayan, pumupuslit kami ng labas ni Miko para kumain ng lomi sa kanto. Ito, buong weekend tuloy na happy ako at ang tummy ko. Kaya nga lang, lahat ay merong katapusan.





MIKO WAS LEAVING AGAIN TOMORROW.


Ngayon lang nag-sink in sa akin na Monday na nga pala bukas. Hindi man umuwi ngayon si Miko, ay bukas kailangan niya nang bumalik ng Manila. May pasok na siya at buong linggo na naman siyang wala.


Wala tuloy akong gana kaninang hapunan. Basta, ang bigat ng aking pakiramdam. Ang kaunti lang ng aking kinain at umakyat na agad ako rito sa kuwarto. Hindi ko lang alam kung napansin ba ni Miko ang mood ko, kasi kanina pa siya sa akin patingin-tingin.


Nauna na ako sa kuwarto namin. Iniwan ko muna siya sa baba, dahil siya ang nag-asikaso kay Lola Mameng sa pagpasok nito sa kuwarto nito. Siya rin ang naglinis ng arenola ng matanda.


Nasa ibaba pa si Miko, at hindi pa rin ako makatulog kaya naka-Indian sit pa ako sa kama habang nag-i-Internet. Habang nagtitingin-tingin ng mga ganap sa newsfeed gamit ang bago kong account na naka-fake name na at ang photo ay si Justin Bieber, naparaan ako sa mga suggested friends.


Friend ko si Miko kaya nasa-suggest sa akin ang mga friends niya. Isa na roon ang account ni Arkanghel na Arkanghel DV. Nasa Amerika na ito sa huling balita ko. Isinama na ito ng tunay nitong mga magulang. Pumunta ako sa profile nito. Wala lang, na-curious lang ako kung kumusta na ba ito ngayon.


Nag-Indian sit ako habang nakaupo at nakatingin sa account ni Arkanghel na wala man lang new post. Parang hindi na yata nabubuksan ang account. Siguro ay may bago na itong account ngayon. Naisip ko tuloy si Sussie. Kumusta na rin kaya ngayon ang babae?





"ANO IYAN?"


Muntik ko nang mabitiwan ang phone nang biglang may magsalita. Nakapasok na pala si Miko sa pinto ng kuwarto na hindi ko namamalayan. Nakapamewang siya habang salubong ang makakapal na kilay, at dito nakatingin sa phone ko.


"Ah, wala." Inalis ko na sa account ni Arkanghel ang screen. "Nag-Internet lang..."


Binuksan ko ang lampshade nang papatayin niya na ang switch ng ilaw. Inayos ko na rin ang kama dahil baka hihiga na siya. 11:00 p.m. na pala kasi. Hindi ko na namalayan ang oras kaka-Internet. Ngayon na lang din kasi bumilis ang Internet pagkauwi niya galing Manila.


Hindi pala natuloy ang pagpapa-check up namin. Sa next week na lang daw, dahil iyong pinakamalapit na OB rito ay available lang tuwing weekend. A-absent siya ng Friday para makapagpa-check up ako. Ang sabi ko nga ay okay lang kahit sa ibang OB na public, kaya lang ay kaibigan ng mommy niya iyong OB, at gusto nito na doon ako magpaalaga.


Miko sat on the edge of the bed with his eyes still focused on my phone. Inilagay ko naman ang phone sa drawer ng bedside table. Nagtaka ako dahil lalo yatang nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa ginawa ko.


"Tulog na ba si Lola Mameng?" pagbubukas ko ng bagong topic.


Tumango lang siya.


Ilang segundong katahimikan bago ko natagpuan ang aking mahinang boses. Pailalim ko siyang sinilip. "Uhm, Miko... marami ba kayong gagawin sa school bukas?"


Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Bakit? Ayaw mo ba akong pumasok?"


"Ha? Hindi naman!" napapahiyang sabi ko. "Natanong ko lang naman!"


Humalukipkip siya habang nakataas pa rin sa akin ang isang kilay. "Nabo-bore ka ba rito?"


"Hindi naman." Umayos ako sa pagkakaupo sa kama, at mayamaya ay ako naman ulit ang nagtanong. "Miko, sino pala ang mga tao sa bahay ng daddy mo sa Manila?"


Nagsalubong ang mga kilay ni Miko.


"Uhm, wala lang, naitanong ko lang naman kasi curious ako. May katulong ba sila? Kailangan ba nila ng tagalinis ng bahay? O kaya ay tagaluto kahit hindi ganoon karunong magluto, but can cook naman?"


Matagal siyang nakatingin sa akin bago sumagot nang tanong din. "Bakit may ire-refer ka?"


"Ha? Wala! Na-curious nga lang ako!" Tapos napayuko. "P-pero what if lang, merong gustong sumama sa 'yo... Pero hindi naman magpapabigat. Tutulong sa house, kahit walang sahod. Iyong ganoon. What if lang—"


"May problema ba?"


I was surprised by his question. Mabilis akong napailing. Pag-angat ko ng mukha ay nakatitig siya sa akin na parang hindi naniniwala. Naalala niya siguro na kanina pa iba ang aking mood, kaya hindi siya naniniwala kahit sabihin kong walang problema.


Napayuko muli ako. "Miko, pag nanganak ako... Ano nang mangyayari?"


I'd been meaning to ask him this. Sa isang linggo na nagdaan na wala siya rito, gabi-gabi ko iyong naiisip bago ako matulog. "I mean, Miko, what's gonna happen next? Next year iyon, graduating ka na niyon. Do you have any plans in mind?" Hindi naman ako umaasa nang aalukin niya ako ng kasal, pero sana kahit plano lang kung ano na ang magiging sitwasyon namin. Mag-i-stay pa rin ba kami rito?


Saan siya magwo-work? Sa Manila ba? Iiwan niya pa rin ba ako rito? I really wanted to know. I was waiting for his answer para lang mapatanga.


"Hindi ko alam."


"W-what?"


Tumingala siya habang hinihilot ng mahahabang daliri niya ang kanyang leeg. "Sa totoo lang, hindi ko pa alam."


"You can't just say that. You must have a plan!" Napataas na ang tono ko.


"Zandra, iniisip ko rin naman kung ano ang gagawin, wala pa nga lang concrete plan kasi wala pa naman akong trabaho. Pero syempre, pag nakatapos ako, maghahanap na ako agad ng trabaho para—"


"Saan ka maghahanap ng trabaho?" aggressive na tanong ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon. "Sa Manila ba? So, paano ako? At ang baby natin? Saan kami?!"


Tumingin siya sa akin. "Zandra, mas okay na dito muna kayo. At least nandito si Mommy. Mas panatag ako na may tumitingin-tingin sa inyo—"


"Ayoko rito!" bigla kong sabi na halos pasigaw.


Natulala siya sa akin.


Napalunok ako sa nakitang gulat dahil sa bigla kong pagsigaw. "Uhm, I mean, ayoko rito kasi... Kasi ano..." Pilit kong piniga ang aking utak para makaisip ng dahilan, and I came up with: "Ayoko lang iyong pakiramdam na... iiwan na naman ako."


Partly, totoo naman ang dahilan ko. "Miko, hindi ko lang maiwasang malungkot. Naaalala ko ang... parents ko."


Ang gulat sa mukha niya ay napalitan ng pagiging seryoso. "Nagsisisi ka ba na hindi ka sumama sa kanila?"


Natigilan ako sa tanong niya. At higit lalo sa pagbabago ng kislap ng mga mata niya.


"Nagsisisi ka ba, Zandra?"


"Miko..."


"Sagutin mo ang tanong ko, nagsisisi ka ba?"


"It's not that I regret coming with them, it's just..." Iyong tungkol sa baby, hindi at ayokong pagsisihan iyon. Pero iyong sitwasyon, oo. It really made me think, and I wished I hadn't made a hasty decision. Na sana, naglakas-loob ako na kausapin muna sina Mommy at Daddy. At baka kahit buntis na ako, ay puwedeng may ibang set up pa naman na puwedeng mangyari. Pero iba ang naging dating kay Miko ng sagot ko.


"Pinili mong pumunta rito, Zandra," malamig na sabi niya. "Pinili mo ito. Pinili mo ako."


Hinawakan niya ang aking pisngi habang nilulusaw ako ng naghahalong dilim at lamig sa mga mata niya.


"Kaya, Zandra, kahit magsisisi ka pa, it's already too late." Pagkuwa'y nakakaloko siyang ngumiti. "Whether you like it or not, you're stuck with me. Indefinitely."


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro