Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

DID I MAKE THE RIGHT CHOICE?


Ngayon pa ba ako talaga ako magtatanong? What a joke, right? Pinasok ko na ito, pinili ko, wala sa aking pumilit na kahit sino, kaya dapat pangatawanan ko.


"Sumunod ka," Miko said in a cold tone after letting go of my neck and turning away from me.


Hindi naman mahigpit ang pagkakasakal ng malaking kamay niya kanina sa aking leeg, ni hindi nga masakit, pero napahaplos pa rin ako roon ng aking palad. Nakailang lunok din ako dahil tila naiwan doon ang init na mula sa kanyang kamay.


Pumasok siya sa loob nila. Hindi na lumingon sa akin kahit para i-check kung nakasunod ba ako sa kanya. Sumunod na lang ako.


Pagpasok sa sala nila ay ang lola niya lang ang tao na naroroon. Iyong matandang babae kanina. Nang makita ako nito ay kinawayan ako. "Ay si Sandara!"


"Zandra po," pagtatama ko rito.


"Ay, Zandra pala." Napabungisngis ang matandang babae, pagkuwa'y napalingon kay Miko. "Ay, Zandra, sino pala iyang kasama mo? Ang guwapo, kamukha ng aking apo. Kaya laang ay mas guwapo ng konti riyan iyong aking apo."


Si Miko ay nagtuloy sa hagdan. Bantulot naman ako kung susunod ba ako o hindi. Doon niya ako nilingon. He arched me a brow, as if he was asking what I was doing and why I wasn't following him?


Nagpaalam naman na ako sa matanda. "La, mag-uusap po yata kami ng apo niyo."


Nalukot naman ang mukha ng matanda. "Aw, ay hindi ko iyan apo. Mukhang ipinaglihi iyan sa sama ng loob, e. Iyong apo kong si Tisoy ay palangiti, palaging masaya, at palabiro. Iyan e parang nakabuntis pero iyong nabuntis e ayaw sa kanya."


Si Miko na nasa gitna na ng hagdan ay biglang napaubo na tila nasamid. Nang lingunin ulit ako ay salubong na salubong na ang mga kilay. Galit na.


Nagpaalam na talaga ako sa matanda. "'La, mamaya na po, ah? Galit na po ang doppelganger ng apo niyo."


"Sige," sabi naman ng matanda. "Pero kung anong gawin sa 'yo niyang lalaking iyan, sumigaw ka lang, ha? Tatawag agad ako ng pulis! Aba, anak ko yata ay isang policewoman! Mana sa akin, matapang!"


Sumunod na ako kay Miko sa second floor ng bahay. He entered the first door. After I got inside, he shut the door and switched on the light. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kuwarto niya.


Hindi malaki ang kuwarto, sakto lang. Ang pintura naman ng kuwarto ay light blue pero halos di na makita dahil sa tadtad ang pader ng mga poster at sticker. May kama sa gilid na bakal ang frame, isang bedside table na may nakapatong na lampshade, may built in closet sa harapan, at doon naka-hanger sa pinto ang school uniform niya sa FEU na polo at slacks.


Meron din siyang maliit na window-type aircon. Bagama't manilaw na sa luma ay mukhang working just fine pa naman. He also had a stand on the side of the room with old cassettes, songbooks, and CDs. Next to it, there was an electronic keyboard piano with a headphone jack.


Iyong mga nasa poster pala at sticker ay iba't ibang banda na halo ang foreign at local. Sa foreign ay 98 Degrees, Westlife, Backstreet Boys, NSYNC, O-Town, Boys II Men, The Red Jumpsuit Apparatus, Paramore, at Coldplay. Sa local naman ay Silent Sanctuary, Cueshé, Hale, Eraserheads, Join the Club, Itchyworms, Parokya ni Edgar, Siakol, Kamikazee, at Imago.


Hindi ko alam kung gaano katagal akong nalilibang sa pagpapaikot-ikot ng tingin sa kuwarto ni Miko, kaya hindi ko agad napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Nakahalukipkip siya at nakataas na naman ang isang kilay.


Tumikhim naman ako upang itago ang pagkapahiya. "Uhm, ito ba ang kuwarto mo?"


"Hindi. Kuwarto ito talaga ng lola ko, dinala lang kita rito para i-tour."


Napasimangot ako. "Mahilig pala sa banda ang lola mo, ano?" sarkastikang sabi ko dahil sa asar sa pagkapilosopo niya.


"Oo, rakista iyong lola ko, e. Iyang piano, siya rin tumutugtog niyan. Pati iyang uniform ng FEU, siya gumagamit. Naniniwala kasi siya na walang pinipiling edad ang edukasyon. Motto niya is 'age is just a number'."


"Niloloko mo ba ako?!"


Napamewang naman siya. "Kailan ba kita niloko?"


Oo nga naman, kailan? Lahat ay ipinapakita niya sa akin, wala siyang itinatago, kasi wala siyang paki kahit ma-turn off ako. Walang mawawala sa kanya dahil hindi niya naman ako gusto.


"Bakit pala tayo nandito?" pag-iiba ko ng paksa dahil bigla na lang akong nawalan ng lakas makipag-sagutan sa kanya.


"'Buti pinaalala mo." Tinalikuran niya ako at nagbukas siya ng closet. Nagkalkal siya roon ng damit. "Sabi mo, aalis na kamo kayo dapat bukas pa-Canada. Malamang hindi makakaalis ang mga magulang mo na wala ka."


I bit my lower lip. The truth was, before I left the house, I wrote a letter to Mommy and Daddy. Maiksi lang, hindi ko sinabi ang tungkol sa aking pagbubuntis, pero direkta at nilinaw ko roon na hindi na ako sasama bukas sa Canada. Sinabi ko rin doon na wag na akong hanapin dahil sumama na ako kay Miko.


Ang lakas lang ng loob ko, ano? Hindi pa nga ako sigurado kanina sa kalalabasan ng pag-uusap namin ni Miko, pero inilagay ko na agad iyon sa aking sulat. Para bang alam kong tatanggapin niya ako agad.


Kumuha si Miko ng shorts. Nang hubarin niya ang suot na pajama ay napatalikod agad ako. "Ano ba? Bakit basta ka na lang naghuhubo?!"


Nakakaloko naman siyang sumagot. "Ay, sorry. Almost two months na rin pala nang huling makita mo ito. Di ko naisip na baka limot mo na ang itsura."


Napakuyom ako ng palad para magtimpi kahit napipikon na talaga ako. Mabuti na lang dahil paglingon ko ulit ay naka-shorts na siya.


May kinuha siyang hoodie na kulay light brown sa closet at inihagis sa akin. "Suutin mo. Mahamog na sa labas."


Nakasimangot ko naman iyong tinanggap. Siya naman ay kumuha ng kulay puti na sombrelo, at saka isinuot. Nang lumabas siya ng kuwarto ay sumunod naman ako dahil alangang magpa-iwan ako.


Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi ko pa naitatanong. Pagbaba sa sala ay nilapitan niya ang kanyang lola. "La, alis muna ko."


Tiningala siya nito at napangiti na ang matanda. "Ay, ang apo kong Tisoy pala ito! Kaguwapo talaga at palaging kabango!"


"Pakisabi na lang pagdating ni Mommy, umalis kamo ako." Inginuso niya ako. "Kasama ko siya."


Tumingin sa akin ang lola niya. "Ay, ang ganda naman niyang batang iyan. Saan mo 'yan nakilala?"


Halik lang sa noo ang sagot ni Miko sa mga tanong ng matanda. "Dito ka lang, La. Abangan mo sa pag-uwi si Mommy. Babalik din kami agad ni Zandra." Hinagkan niya pa ito muli sa ulo. "Congrats pala, magkakaapo ka na sa tuhod."


Nakanganga ako nang iwan na ni Miko ang lolo niya na nakanganga rin dahil sa kanyang balita.


Nilapitan niya na ako at iginaya palabas ng pinto. Nang nasa may gate na kami ay saka ko siya pinigilan sa pulso. "S-saan tayo pupunta?"


Niyuko niya ako. "Sa inyo. Aalis na dapat kayo bukas, dapat man lang alam nila na hindi ka na sasama. Kung ayaw mong harapin sila, ako na ang haharap."


"W-what?!"


Tinalikuran naman na ako ni Miko at pumara na siya ng tricycle. Sa likod siya ng driver naupo at ako sa harap. Ayun, hanggang makabalik tuloy kami sa Brgy. Pinagtipunan ay nakanganga pa rin ako. Feeling ko nga ay kinabagan na ako.


Nang makarating sa amin ay hindi ko na magawang ihakbang ang aking mga paa. Malamang sa mga oras na ito ay nabasa na nina Mommy at Daddy ang sulat ko, malamang nagpa-panic na ang mga ito, lalo pa at aking ini-off na ang phone ko.


"Maghintay ka rito. Ako na lang ang pupunta sa inyo."


I looked up to Miko. His face was serious. Inayos niya ang suot kong hoodie. Ang sabi niya ay siya ang haharap kina Mommy at Daddy. Mas okay nga siguro na siya na lang muna, dahil hindi ko talaga kayang harapin ang parents ko.


"Wag kang aalis dito. O mas maganda, doon ka malapit sa may tindahan. Doon kita babalikan." Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa bahay namin habang nakapamulsa na siya sa suot na shorts.


Napalunok naman ako. Would he be okay? Hindi siya mukhang takot, pero noong madampian ako ng kamay niya kanina ay naramdaman ko ang panlalamig niya. He was nervous but he didn't want me to know.


Lampas kalahating oras na pero wala pa si Miko. Ano na kaya ang nangyayari? Gusto ko nang sumunod, kaya lang ay pinangungunahan ako ng takot.


Nang matanaw ko nang naglalakad si Miko sa dilim ay saka ako umalis sa aking tinataguang poste. Inaayos niya ang kanyang suot na sombrelo habang naglalakad. Namamawis sa kaba ang kamay ko nang salubungin siya.


"Okay na."


"A-anong okay na? What did you tell them? And—" Ang dami ko pang itatanong nang makita sa liwanag ng lamppost na putok ang gilid ng mga labi niya.


Umiwas naman siya at dumura patagilid. "Wala ito." Wala? Pero iyong dura niya sa lapag ay may dugo?!


"W-who did that to you?!"


"Ang sabi ko, hindi ka na sasama bukas pa-Canada. Na sa akin ka na titira. Hayun, nahampas ako ng mommy mo ng hawak niyang Starbucks stainless tumbler."


Napahawak ako sa aking bibig. Hindi lang kasi iyon ang injury ni Miko. Sa liwanag mula sa lamppost ay isa-isang lumilinaw na may sugat siya sa gilid ng kanyang mata, his left cheek was red, and he had scratches on the side of his neck, which I was sure were also done by my mom.


"Galit na galit mga magulang mo," kalmado na sabi niya na parang wala lang na bangas-bangas ang kanyang mukha. "Gusto kang sunduin para kunin. Pinalalayo ako sa 'yo at isasama ka pa rin daw sa Canada sa ayaw mo at sa gusto."


"Nabanggit ba nila ang ginawa kong sulat? Have they read it?"


"Oo yata, pero wala silang pakialam. Gusto ka pa rin nilang bawiin. Balak pa ngang sumama sa akin ngayon para kunin ka at iuwi rito, pero sinabi ko na ang totoo. Na buntis ka na."


Nanlata ako sa sinabi niya. Wala pa sana akong balak ipaalam iyon agad kina Mommy at Daddy, kaya lang ay kung hindi rin sinabi ni Miko ay baka mapasugod pa sa Bacao ang mga ito upang bawiin ako.


"Nang malaman nilang buntis ka, ito." Itinuro niya ang kaliwang pisngi. "Ito iyong sagot ng daddy mo."


Napahawak na ako sa kuwelyo niya. "A-ano pang sinabi nila? A-anong reaksyon nila?!"


"Nagulat noong una, hindi makapaniwala. Mataas tingin nila sa 'yo, e. Di nila matanggap sa isang tulad ko lang na undergrad ka babagsak. Gusto ka pa ring makausap ng daddy mo, pero pigilan ng mommy mo. Ito raw ang buhay na pinili mo, kaya pangatawanan mo."


Napabitiw na ako kay Miko. I get it. Tutuloy pa rin ang parents ko bukas pa-Canada kahit hindi ako kasama. Malamang din na hindi nila ipapaalam sa iba na hindi ako kasama. Malamang na hindi nila ipaalam, lalo ni Mommy, ang tungkol sa aking kalagayan. Hinding-hindi nila masisikmura ang kahihiyan.


Mababang boses ni Miko ang pumukaw sa pag-iisip ko. "Tara na?"


Sa buong biyahe pabalik ng Bacao ay tahimik ako sa loob ng tricycle. Ganoon din naman si Miko na katabi ko. Kanina sa papunta ay sa likod siya, pero ngayon ay tinabihan niya ako sa loob. Wala siyang sinasabi, pero ilang ulit ko siyang nahuhuling sumusulyap sa akin sa salamin na kaharap namin. And yet I couldn't see any emotion in him, so I had no idea what he was thinking.


1:00 a.m. na kami nakauwi ng Bacao. Patay ang ilaw sa labas pero bukas lahat ng ilaw sa sala. Mukhang nakauwi na ang mommy niya. Papasok kami ng gate nang mapahinto ako. Napalingon naman sa akin si Miko. Nakataas ang isang kilay sa akin.


"M-magagalit ba ang mommy mo?" maliit ang boses na tanong ko.


Parang wala lang na nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko pa naman siya nakitang nagalit sa akin kahit kailan."


Sa kanya, pero what if sa akin ito magalit?


Inalis niya ang suot na sombrelo at may dinukot mula sa bulsa ng shorts niya. Napatanga ako nang makitang tatlong pirasong band aid iyon. Nakapikit siyang yumuko sa akin. "Lagyan mo iyong mga sugat ko."


Ibig sabihin, pag-alis pa lang namin kanina ay nagbaon na siya nito? Ibig sabihin ay aware na siya na posibleng mabugbog siya ng parents ko?


I put the bandages on him even though his wounds had not yet been cleaned. Mukhang mas importante sa kanya na hindi maisip ng kanyang mommy na sariwa pa ang mga sugat. Iyong isa ay sa may bandang gilid ng mata, iyong pangalawa ay iyong namumula sa kaliwang pisngi, at ang panghuli ay iyong putok ng gilid ng kanyang mga labi.


Pumasok na kami sa loob ng sala. Tama nga ako, nandito na ang mommy niya. Si Michelle Suarez. Isang Police Staff Sergeant. Nakatayo ito sa bandang kusina at aligagang palakad-lakad habang lumalaklak ng beer in can.


Malaking babae talaga si Michelle Suarez, tan ang kulay ng balat, at pudpod ang gupit ng buhok na daig pa sa lalaki. Nakahubad na ng police polo uniform pero naka-slacks pa sa pang-ibaba. Sa pang-itaas naman ay naka-boxer sando na lang na puti, na sa ilalim ay masisinag ang suot na itim na racerback sports bra. Kitang-kita ang ma-muscle nitong balikat at biceps.


Napakaseryoso ng pangahang mukha nang suyurin ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang bumaling kay Miko ang paningin ay saka lang lumambot ang ekspresyon nito.


"Mommy, nasabi na ba ni Lola sa 'yo?"


Tumango ang bato-batong ginang. "Oo." Muli itong sumulyap sa akin. "Pero sigurado ka bang sa 'yo iyan?"


Napatda ako sa narinig.


Nilingon ako ni Miko. "Zandra, pumasok ka muna sa kuwarto ko. Alam mo naman kung saan, di ba?"


"Sa kuwarto mo?" sabat ng mommy niya. "Bakit sa kuwarto mo?!"


Seryoso ang tono nang sagutin ni Miko ang tanong. "Mommy, dito na sa atin titira si Zandra."


"At bakit?" Napataas ang boses ng mommy niya. "Wala ba siyang bahay? Ano? Wala ba iyang mga magulang para makitira na lang siya sa kung saan-saan—"


"My, hindi sa kung saan-saan siya titira, kundi dito," matigas na putol ni Miko sa sinasabi nito.


"MJ?!" Napahaplos sa noo ang bato-batong ginang. Ilang ulit napahingal ito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!"


"Sige na, Zandra," ulit ni Miko sa mahina pero mariing tono. "Pumasok ka na muna sa kuwarto. Susunod ako."


Atubili man ay umakyat na ako sa hagdan nila. Mas gugustuhin ko pa nga sa kuwarto niya kaysa ang marinig pa ang pag-uusapan nilang mag-ina. Kaya lang ay hindi ko pa tuluyang naisasara ang pinto, narinig ko nang nagpatuloy ang pag-uusap sa ibaba.


Ang boses ng mommy ni Miko ay pigil pero tila kulog na gustong kumawala. "Ang sabi ko sa 'yo, mag-girlfriend ka nang mag-girlfriend, kahit pa araw-araw magpapalit-palit ka, kahit pagsabay-sabayin mo pa, wala kang maririnig sa akin! Pero wala akong sinabi sa 'yo na mambuntis ka! Bakit ka nagpaisa?!"


"MJ, naman, ni hindi mo nga sigurado kung iyo iyong dinadala ng babaeng iyan o kung talagang buntis ba iyan! Paano kung ang plano pala niyan ay pikutin ka lang?!"


Para akong sinampal dahil sa sinabi ng mommy ni Miko. Isasara ko na dapat ang pinto pero natukso ako na pakinggan ang isasagot niya.


"MJ, pag-isipan mo ito. Kapag nandito iyang babaeng iyan ay mas mahihirapan ka nang takasan iyan. Syempre, aasa na talaga sa 'yo talaga iyan. Bakit di mo na lang ibalik iyan sa mga magulang niya? Doon siya sa kanila magpabigat at wag sa 'yo! Nag-aaral ka pa! Hindi ka pa nga graduate!"


Doon ko na isinara ang pinto. Hindi ko pala kayang marinig ang isasagot ni Miko. Dahil kahit naman bali-baliktarin ang mundo, tama ang mommy niya. Magiging pabigat lang ako rito. Ako ang may kasalanan pero nandadamay ako ngayon ng ibang tao.


Nakaupo ako sa gilid ng kama. Tulala. Hindi ko alam kung lampas isang oras na ba ako dito na hinihintay si Miko. Nang marinig ko ang pag-ikot ng doorknob ay doon ako napatayo.


Pumasok siya sa loob, at nagulat pa nang makita ako. "Bakit hindi ka pa natutulog?"


Seryoso ba siya sa tanong niya? Paano ako makakatulog knowing na nag-uusap pa sila sa ibaba ng mommy niya? At paano rin ako basta makakatulog sa kuwarto niya?


"Uhm, a-anong napag-usapan niyo ng mommy mo?" pilit kong kaswal na tanong. "Ayaw niya ba na dito ako?"


"'Wag mo nang intindihin iyon. Okay na. Nagkausap na kami."


Okay na? Really?


Nagbukas siya ng closet. Humila siya ng bedsheet doon at dinala sa kama. Iyong nasa kama ay tinanggal niya para palitan. Napalapit naman ako para tulungan siya.


Tumingin siya sa akin at narinig ko siyang napa-tsk, pagkatapos ay napailing. Napalabi naman ako. Tinutulungan na nga siya riyan, ang arte pa.


Pagkatapos naming mailagay ang bagong cover ng kama ay pinagpagan niya pa iyon. Iyong dalawang unan ay pinalitan niya rin ng cover. "Humiga ka na at magpahinga. Bukas na natin pag-usapan kung ano man ang dapat pag-usapan."


"Tabi tayo?"


"Bakit?" He arched an eyebrow at me again. "Saan mo ako gustong patulugin? Sa labas?"


Hindi naman sa ganoon. Pero wala man lang ba siya kahit pagpapanggap lang na kunwari sa lapag siya matutulog? Pagbukas niya ng lapshade at pagpatay ng main light sa kuwarto ay nauna pa siya sa aking nahiga sa kama!


Padabog ako na nahiga na rin. Small double bed size nga lang ang kama niya na sumunod lang sa single bed, malawak pa kung tutuusin ang kama ko sa amin, kaya ito, nagkakabungguan kami rito ngayon ng siko.


Nilingon ko siya. Bakit kasi siya nakatihaya? Saka may space pa naman yata sa gilid niya, ah?! Hindi ba siya mag-a-adjust kahit ngayon lang? "Puwede bang makiusod kahit kaunti?"


He looked at me with his eyebrows raised. Wait, kanina ko pa napapansin. Bakit ba kanina pa niya ako tinataasan ng kilay?


Nagpakumbaba pa rin naman ako kahit naiinis na. "Uhm, Miko, naninibago pa kasi ako. Baka lang naman puwedeng umusod ka nang kaunti kahit ngayon lang—"


"Nakaninong kuwarto ka ngayon?" tanong niya na bigla-bigla.


"Ha?" Ano ba iyong tanong niya? His expression and tone were calm but there was something else in his eyes.


"Nakaninong kuwarto ka ngayon, Zandra?" ulit niya. "Kay Arkanghel o sa akin?"


"K-kuwarto mo."


"Sinong nakabuntis sa 'yo?"


Again, what kind of question was he spouting?!


"Zandra, sinong nakabuntis sa 'yo? Si Arkanghel o ako?"


"Ikaw!" Sa biglang pagsagot ko ay tumalsik tuloy ang aking laway sa kanyang pisngi.


But he didn't seem to mind; there was even a smile on his lips when he wiped it, although his eyes remained cold. "Alam mo pala. Pero may nakakalimutan ka."


Napalunok ako. "W-what is it?"


"Nagustuhan mo si Arkanghel di ba, dahil good boy kamo? Pero ako, simula pa lang, nakilala mo na bilang tarantado. Wala akong itinago kahit kailan sa 'yo. Kaya dapat, Zandra, hindi ka na nagugulat."


Nang makuha ang sinasabi niya ay napaawang ang mga labi ko.


Nauwi sa madilim na ngisi ang mga ngiti sa akin ni Miko. "Zandra, sa akin ka nagpabuntis, kaya dapat expected mo na kung ano ang pinapasok mo."


jfstories
#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro