Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

"HINDI AKO SI ARKANGHEL, PERO PAGTIYAGAAN MO MUNA AKO."



Saktong alas dose ng hating-gabi. Bago matapos ang araw ng birthday ko. Yumukod siya at hinagkan ako sa noo. "Anong ginagawa mo rito?" gulat pa ring tanong ko.



Namulsa siya sa suot na cargo shorts. Ang ayos niya ay simple lang. Pambahay na puwede ring pang-mall. White shirt na may print ng Attack on Titan anime sa harapan, checkered cargo shorts, at sombrelo na kulay itim. His accessories were two small silver hoop earrings on both ears and a silver dot on the left side of his pointed nose.



When he took off his black cap, I noticed his quite long hair was still wet. It looked like he had taken a shower before coming here, that was why he smelled so good. Aside from the scent of his men's cologne, which was a combination of amber, mint leaves, and leather, I could also smell his Head & Shoulder shampoo and Irish Spring body wash.

 

Ngumiti siya. "Birthday ng nag-iisang pinsan ko. Alangang wala ako? E di nagtampo ka."



Pigil naman ang ngiti ko nang simangutan siya. "Bakit sa bintana ka dumaan? Paano kung may makakita sa 'yo at mapagkamalan kang parte ng akyat-bahay gang?!"



Pinamewangan niya ako. "First of all, paano ako dadaan sa pinto e anong oras na? Mamaya ma-imbyerna pa ang erpat at ermat mo kapag nagising sila kung magdo-doorbell ako. Hindi rin naman ako puwede kanina sa mismong party mo pumunta, kasi second of all, hindi naman ako imbitado, di ba?"



"Ano iyong pang-third of all?"

 

Ang ngiti niya ay nauwi sa ngisi. "Third of all, mas exciting dumaan sa bintana kaysa sa pinto."



Inirapan ko siya kahit nakangiti na ako. "Bakit hindi ka nag-text muna? Ginulat mo ako. Paano kung nagsisigaw ako rito dahil napagkamalan kitang magnanakaw pala?"



"Hindi mo gagawin iyan, naamoy mo pa nga lang kung gaano ako kabango kanina, napipi ka na. Paano ka pa makakasigaw?"

 

Nagkakangitian na kami, parang walang nangyari. Parang hindi ako inis sa kanya noong nakaraan. Sa isang iglap, limot na namin iyon. Bumalik na ulit kami sa dati. And I was happy to see him tonight. He didn't forget my birthday.



"Kumain ka na?" malambing na tanong ko.



"Di pa nga e. Me tira pa ba sa handa mo?"



"Pansit na lang. Nasa ref."



"Okay na iyon. Pag-init mo ako. Tapos kung may juice kayo, ipagtimpla mo na rin ako."



"Okay." Lumabas na ako para gawin ang mga sinabi niya. Nasa hagdan na ako nang matigilan. Wait, inutusan niya talaga ako? At sumunod naman agad ako?!



Huminga ako nang malalim. Okay lang, ngayon lang naman. Na-appreciate ko na hindi niya nakalimutan ang aking birthday kaya palalampasin ko siya ngayon. Nakangiti na akong nagpunta sa kusina para ipag-init siya ng pansit at ipagtimpla ng juice.



When I returned to my room, Miko was already lying on my bed. Yakap na rin niya ang isang unan ko habang chill siyang nagsi-cell phone. Ang unang pumasok sa isip ko ay sawayin siya, kaya lang ay bakit parang ang bagay niya sa aking purple bedsheet? Hindi rin nakakatakot na marumihan ang higaan ko dahil mabango siya.

 

Nang lumingon siya sa akin ay saka lang ako napakurap. Ngumiti naman siya. "Ayan na ba pagkain ko?" Bumangon siya. "Puwedeng kumain dito sa kama mo? Di ako maghuhulog, promise."



Tumango lang ako at ibinigay sa kanya ang plato na may lamang pansit at tinapay. Iyong baso ng juice naman ay aking inilagay sa bedside table. Nagsimula na siyang kumain. Hindi ko alam kung saan siya galing dahil sunod-sunod ang subo niya, mukhang gutom na gutom.



Pagkakain ay dumighay pa siya. Nakapagtataka na hindi naman ako nandiri, pero ang kapal pa rin ng mukha niya. Ni hindi man lang siya sa akin nahiya. O baka talagang kumportable siya sa akin, kaya wala siyang paki.



Sumandal siya sa headboard ng kama habang hinihimas ang nabusog na tiyan, pero hindi man lang lumaki. Patag pa rin. "Musta pala birthday mo?" tanong niya.

 

"Okay lang. Mas may bisita pa sa akin si Mommy."

 

Tinapik niya ang espasyo sa kanyang tabi. Alam ko na iyon. Pinalalapit niya ako. Ewan ko na naman kung anong pumasok sa aking kukote dahil sumunod naman ako. Tumabi nga ako sa kanya. Pareho na kaming nakasandal ngayon sa headboard ng kama.



Nakapikit siya habang nakasandal. Ako naman ay hindi mapakali. Titingin sa kanya, tapos titingin sa harapan. Hindi ko alam kung may balak ba siyang matulog o tamang pahinga lang. Nang sumunod na tumingin ako sa kanya ay muntik akong mahulog sa kama nang makitang nakadilat na siya.

 

He was looking at me. "Bakit? Gusto mong makipaghalikan?"



My lips parted at his question.



"Nag-toothbrush ako bago pumunta rito, kaya lang kumain ako ng pansit. Okay lang ba sa 'yo?"



Para akong may sapi na tumango.



An amused smile drew on his red lips. "Game?"



I didn't answer. Instead, ako ang tumingala para abutin siya. Napaungol naman siya nang magdikit na ang mga labi naming dalawa. Ang isang malaking palad niya ay agad na sumalo sa aking ulo upang mas mai-anggulo ako.

 

Magaan lang sa umpisa. Nakadilat pa nga kami habang magkahinang ang aming mga mata at marahang gumagalaw ang mga labi namin, hanggang sa unti-unti nang mapapikit at ang pagsasalo ng aming mga labi ay unti-unti na ring dumidiin at lumalalim.



Ang mga braso ko ay kusang yumakap kay Miko habang nilalasap ang paglalim ng aming halik. Kanina ay hindi ko gusto ang luto ni Mommy sa pansit, per ngayon, masarap naman pala.



Nang matapos ay pareho kaming habol ang kanya-kanyang paghinga. Ngumiti siya sa akin. "Na-miss mo ako, ano?"



Inirapan ko naman siya. "Baka ako ang na-miss mo."



"'Yan ang gusto ko, palaban."



Tinampal ko naman siya. "Siraulo!"



Hinila niya ako at pinasandig sa kanyang balikat, sumandig naman ako habang ang isang kamay ay nakayakap sa bewang niya. Nilaro-laro niya ang mga daliri ko sa isang kamay, tapos minsan ay dinadala niya sa kanyang mga labi para maingat na halik-halikan, at sa huli ay nauwi rin kami sa pagho-holding hands.



Tamang chill lang. Nakapikit kami. May mahinang background music galing sa phone ni Miko na naka-charge sa bedside table ko. Sinasabayan niya iyon sa kanyang mahina at maaligasgas na boses.

 

~ "My heart's a stereo. It beats for you, so listen close. Hear my thoughts in every note. Oh, oh..."



Napangiti ako habang nakapikit at nakasandig sa kanya.

 

"Make me your radio, and turn me up when you feel low. This melody was meant for you. Just sing along to my stereo. Oh..."



Stereo Hearts ng Gym Class Heroes featuring Adam Levine. Naririnig ko lang ang kanta noon, pero mas na-appreciate ko ngayon na kinakanta ni Miko. Kahit sa mild rap part ng kanta ay ang lamyos ng boses niya. Para akong idinuduyan sa kung saan.



Nakaidlip na nga ako. Ang sarap ng tulog ko kahit paupo habang nakasanding at nakayakap sa kung anong matigas at mabango. Kumportable ako kahit pa may tugtog pa rin sa paligid. Iba na ang kanta. Nang magmulat ako ng mga mata ay papaliwanag na ayon sa unti-unting pagkabura ng dilim sa kalangitan, na nakikita ko mula sa nakahawing kurtina sa aking bintana.

 

Nang mapatingin sa lalaking aking sinasandalan ay doon lang ako nag-panic. Miko was really here! He really went here last night! It wasn't a dream!



Tulog na tulog siya habang nakasandal sa headboard at lungayngay ang ulo. Hindi na siya kumilos kagabi dahil siguro ayaw niya akong magising. Hindi rin naman siyang mukhang nangangalay kahit pa nakasandig ako sa kanya sa magdamag. Umayos ako ng upo at pinagmasdan siya. Alam kaya niyang nakatulog na rin siya?



Kailangan ko na siyang gisingin bago tuluyang mag-umaga. Mamaya lang ay magigising na ang parents ko. Mas lalong hindi siya puwedeng maabutan ng mga kapitbahay dahil tiyak, chismis malala ang mangyayari.



Pero paano ito? Parang hindi kaya ng konsensiya ko na gisingin siya? Ang himbing niya kasi, tapos ang amo talaga ng mukha niya pag tulog. Parang nalulusaw iyong sungay niya at napapalitan ng halo sa ulo sa tuwing wala siyang malay-tao.



Okay, hahayaan ko muna siyang matulog kahit ilang minuto pa. Mayamaya ay gigisingin ko na rin siya. Habang naghihintay sa oras ay pinagsawa ko na lang muna ang aking mga mata sa payapang itsura niya. Paggising kasi siya ay maligalig siya, kaya rare moments itong mga ganito.



Sa kakatitig ko sa kanya ay bumaba ang aking paningin sa bandang leeg niya. Dahil hindi kami nagpatay ng ilaw sa gabi ay maliwanag dito sa kuwarto. Kitang-kita kung ang makinis na balat niya. Parang ang bango-bango. I wanted to bite his neck, and dang me because I unconsciously did it!



Napakurap-kurap na lang ako habang nakakakagat sa kanyang leeg. Napaungol siya na parang nasaktan. Shit!



Agad akong lumayo, kasabay nang pagmulat ng mga mata niya. Medyo namumula-mula pa dahil kagigising lang. Hinaplos niya ang kanyang leeg na kinagat ko. "Ano iyon?" paos na tanong niya. Parang hindi pa buo ang huwisyo. "Ang sakit. Parang may kumagat yata sa akin."

 

"Ha?" pagmamaang-maangan ko. "E-ewan, kagigising ko lang din."



Napaayos na siya ng upo habang hawak-hawak pa rin ang parteng iyon ng kanyang leeg. "Me salamin ka? Peram nga."



Kumuha naman ako sa drawer at inabot sa kanya. Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi sa nerbiyos. Hindi naman halatang kagat ng tao iyong nasa leeg niya kasi mas lamang ang pagkalat ng pamumula. Ewan, nasipsip ko kasi yata kanina.



Tiningnan niya ang leeg niya sa salamin. "Tangina, may ipis ba rito sa kuwarto mo? Nakagat yata ako."



Binawi ko na ang salamin ko sa kanya. "Walang ipis dito. Baka lang may nakapuslit kagabi dahil binuksan mo iyong bintana." Itinago ko na ulit ang salamin bago pa humulma ang aking mga ngipin sa balat niya mayamaya. Inirapan ko siya pagkatapos. "Saka bakit ba puro ka mura? Ang aga-aga!"



"Ayaw mo ba?"



Nakasimangot pa rin ako. "Ikaw, gusto mo ba ako na magmura?"



"Hmn." Napaisip siya. "Wag na, bad. Pero puwede rin naman."



"Puwede?" Lalo akong sumimangot.

 

"Oo, puwede kang magmura. Basta ako lang mumurahin mo, tapos lights off."



Ayun, isinubsob ko siya sa unan.



Pinagkape ko pala muna siya matapos ko siyang muntik nang mapatay sa suffocation. Bago lumiwanag nang husto sa labas ay pinalayas ko na siya. Inihatid ko siya sa bintana dahil doon ulit ang daan niya. Bago sumampa roon para lumabas ay naghalikan muna ulit kami. Hindi naman kami bad breath kasi lasang kape.



Palabas na siya nang hilahin ko pa siya ulit dahil nabitin ako. Alam ko kasi na medyo matatagalan na naman ulit bago kami magkita. Tumingkayad ako at hinalikan siya nang mariin na ginanti niya nang mas mariin pa. Nang maghiwalay kami ay ang pupungay ng mga mata niya sa akin. Ah, I wanted to swallow this man whole...



And... I wanted to keep this side of him... only for myself.





"OY, ZANDRA. PAPASOK KA NA SA LA SALLE, DASMA?"



Binati ako ng mga kapitbahay paglabas ko. Papasok na ako. "Dalagang-dalaga na talaga ang anak ni Jesela. Ang ganda pa at ang bait na bata. First year ka na ngayon, ano?"



Magalang na sumagot naman ako, "Opo, nursing po."



Unang taon sa DLSU-Dasma. Ayaw ko sanang mag-nursing, pinilit lang talaga ako ni Mommy. Para daw more chances na makapag-abroad. Ganoon ang paniniwala ni Mommy na hindi mabali-bali.

 

Saka hindi ko naman daw talaga kailangang mag-work, dahil kapag nag-asawa ako, iyong asawa ko naman daw ang bubuhay sa akin. Ang importante lang, meron akong diploma para hindi ako maliitin.


"Ingat, Zandra!" paalam sa akin ng mga kapitbahay. Mukhang sincere naman ang mga ito na natutuwa sa akin. Siguro ay nasa isip ng mga ito na isang matinong anak, mabuting estudyante, at mahinhin na dalaga talaga ako.

 

But little did my neighbors know, that every night, there was a high school boy I secretly let into my room through the window.



Gabi-gabi. Hindi nagkatotoo iyong sinabi ko noong nakaraan na matatagalan ulit bago kami magkita muli ni Miko, dahil pagkatapos noong gabi ng aking birthday, bumalik ulit siya sa sumunod na gabi, at sa mga sumunod pang gabi. Basta tulog na sina Mommy at Daddy, at sarado na ang mga kapitbahay, ay nakaabang na ako sa bintana. At pagsapit ng 11:00 pm, hindi puwedeng hindi siya darating.



Ganoon lang ulit. Magkatabi kami sa kama. Tamang kuwentuhan ng tungkol sa mga ganap sa maghapon sa kanya-kanyang school, soundtrip, madalas din ay foodtrip dahil lagi na siyang may bitbit. May pasalubong siya sa akin palagi. Kadalasan chips, balut, pizza o buy 1 take 1 na burger, at panulak na softdrinks.



Nanonood din kami minsan ng movie sa phone niya. Dina-download niya iyong mga hiling kong chick flick movies, kahit pa sabi niya ay ang corny. Pag wala naman na kaming magawa ay natutulog na lang. At syempre, hindi puwedeng mawawala ang paghahalikan. Pero hanggang doon lang.



Tuloy rin ang communication namin kahit through text or chat. Ina-update niya pa rin ako sa mga ganap kay Arkanghel at doon sa Sussie na pinopormahan nito. Kaya alam na alam ko na hindi pa sinasagot ng Sussie na iyon si Arkanghel.



Pariwarang Friend:
Tumutulong si Arkanghel sa pagde-deliver ng mga paninda ni Sussie online. Binabayaran din yata siya para extra income. Pero hindi pa sila.

 

Tatango-tango ako habang binabasa ang text. Alam kong hindi na mayaman sina Sussie. Nag-o-online selling na ito ngayon para may pangbaon sa school at makaipon ng pang-college. Ibig sabihin ay lamang pa rin ako rito. Bukod sa may kuya sa Canada, may negosyong resto bar ang daddy, ay nag-aaral ako sa isang private university.



Aanhin ni Arkanghel ang isang babae na walang maitutulong dito? Mahirap ang buhay para lalong pahirapin pa. Dapat isip ang pinapagana.


Kung sa akin si Arkanghel, bukod sa matutulungan ko itong makapag-college dahil makikiusap ako kay Daddy na gawin itong part-time waiter sa bar namin, o minsan ay mag-gitarista pa ito roon, ay may chance pa itong makapunta ng Canada.

 

Nagtipa ako ng reply kay Miko.



Me:
Good job! Basta, bantay ka lang diyan. Update me kung may bagong balita. Also pala, sunduin mo ko mamaya sa La Salle. Gabi na ako uuwi dahil may practice ng cheering squad. I'll wait for you.

 

Kapag ginagabi ako, automatic na iyon na alam ni Miko na kailangan niya akong sunduin. Minsan ay siya pa ang nagtatanong sa akin.



Pariwarang Friend:
Pota, may pustahan kami nina Isaiah sa bilyaran e. Pero sige, isip na lang ako dahilan dito sa mga kupal.



Nagtipa ako. Binanggit ko rin na may bagong umaaligid sa akin sa La Salle. Noong last time kasi ay may isa rin akong masigasig na manliligaw. May kayabangan at hindi makaintindi ng salitang "NO". Ang nagpatino rito ay ang kamao ni Miko.



Me:
May new suitor pala ako now. Di ko type kasi bukod sa bastos, pinagkakalat pa na kami na kahit binasted ko na siya. Malamang na nandito na naman iyon mamaya. Maghihintay na naman sa akin. Hmpppp.



Saglit lang ay may reply agad si Miko.



Pariwarang Friend:
Ge, ge. Ako bahala. Tatakutin lang ba?



Me:
Yup. Takot lang. Mukhang duwag naman. Ayaw lang talaga maniwala nong sinabi ko na may BF na ako. Kaya need mo magpalit ng damit before punta here, okay? Bawal nakapang-high school. Okay na kahit anong casual clothes basta di ka nakatsinelas lang.



Pariwarang Friend:
Oks. Mag-uniform ako ng pang Lyceum. Hiram ako sa kuya ng ex ko last week.



Me:
Sige, kaya mo yan. Makapal naman mukha mo. Bye, see you later!



Ibinalik na sa aking bag ang phone ko. Nakangiti ako na sumakay na ng jeep papuntang Pala-Pala. Hay, ang gaan talaga ng buhay kapag meron kang Michael Jonas Pangilinan!




THEIR GRADUATION DAY.


Ang bilis ng mga araw. March na. Second year college na ako next year at graduating naman na ngayon sina Miko. I prepared a gift for Arkanghel, and of course, a gift for Miko. Hindi ko naman siya makakalimutan, e di nagtampo siya!


Mas mahal nga lang ang gift ko kay Arkanghel. I saved up from my allowance to buy Arkanghel a pair of white Nike sneakers, kasi pansin ko na paulit-ulit na lang iyong gamit nitong Adidas, tapos fake pa. May original Chuck Taylor man ito, pero bigay lang naman mula sa pinaglumaan ni Isaiah.


Si Miko naman ay mahilig sa black na shirt kaya ang ibinili ko siya ng black shirt na Nike, dahil sumakto na may 20% off. Inilagay ko sa paper bag ang mga ito saka naglakad na papunta sa Gov. Doon din kasi gaganapin ang graduation ngayong schoolyear.


Nangangalahati na ang ceremony pagdating ko. Sa gilid lang ako kasama ng ibang nanonood. Nang patapos na ay saka lang ako nakalapit. Ang una kong nakita ay si Isaiah na hila-hila ni Tita Anya sa tainga. "Ikaw, ang sabi mo iihi ka lang! Bakit ang tagal mo? Magsisimula na kayong tawagin sa stage isa-isa!"


"May hinanap lang ako, Ma," pangangatwiran naman ni Isaiah. Ang tangkad, binatang-binata na pero tiklop pa rin sa ina. Sinaway naman ng papa ni Isaiah ang mama nito.


Nang aking makita si Arkanghel ay lalapitan ko sana, kaya lang ay busy ito sa hawak na phone. Nagsalubong ang mga kilay ko. Sino naman kaya ang itini-text nito ngayon? Alam ba niyang nandito ako for him, ha?!


Nagpapaalamanan na ang mga tao. Lumapit si Asher na tropa rin nila, kasunod nito ang nanay nito na isang malaking babae na tadtad ng ginto ang tainga at leeg. Iyong itsurang matapobreng donya dahil naka-donya maxi dress, iyon nga lang ay pink World Balance sneakers sa paahan.


Nakipag-beso ang nanay ni Asher na si Aling Ason kay Tita Anya. "Mars, graduate na ng high school ang mga barako natin. Sa wakas!"


"Sinabi mo pa, Ason! Kolehiyo na ang sunod! Kaya kaming mag-asawa ay more kayod!"


Lumapit din si Miko. Nakahubad na ang suot na toga, at nakasampay na sa balikat. Kasunod niya ang mommy niya. Maiksi ang buhok. Malaking babae at bato-bato ang katawan. Mukhang nagdyi-gym. Nakasuot pa ng unipormeng pang-policewoman. Ngayon ko lang ito nakita at hindi ko akalaing may edad na pala ito.


Kompleto ang mga nanay maliban sa mama ni Arkanghel na wala rito. Papa niya lang na si Tito Kiel ang um-attend sa ceremony. Narinig ko na binati nina Tita Anya at ng nanay ni Asher ang mommy ni Miko. Nagbatian ang mga ito.


Ako naman ay name-mesmerized sa mommy ni Miko. Nakuwento niya sa akin na dating Police Corporal ang kanyang mommy, at na-promote na raw ito noong nakaraan lang na Police Staff Sergeant. Ang astig! Girl power!


"Aba, mga binata na talaga itong mga ito, ah," magiliw na baling ng mommy ni Miko kina Arkanghel, Isaiah, at Asher. "Mga totoy, okay lang mag-girlfriend, normal lang iyan dahil mga binatilyo na kayo, pero wag seryoso."


Nabura ang pagkakangiti ko.


Nagpatuloy ang mommy ni Miko sa sinasabi. "Okay lang naman mag-girlfriend, pero pampalipas oras lang dapat. Kumbaga ay libangan lang. Kahit ilan pa ay puwede. Panira lang naman iyang mga babaeng iyan, sa totoo lang."


Iyong paghanga ko rito kanina ay biglang lumagapak sa lupa. Kahit sina Tita Anya, Tito Gideon, Tito Kiel, at ang nanay ni Asher ay umasim ang mga mukha sa sinabi ng mommy ni Miko. Hindi naman na nagkomento ang mga ito.


Nag mag-uwian na ay nagkanya-kanya na. Sumakay na sa tricycle pauwi sina Isaiah at ang mga magulang nito, pero si Tito Kiel na papa ni Arkanghel ay nasa gate pa paglabas ko. Nagtataka ako dahil hindi nito kasama si Arkanghel. Nagpaiwan daw sa loob.


Ano pa ba ang gagawin ni Arkanghel sa loob e nagkakaligpitan na ng mga upuan? Patay na ang ang ibang ilaw doon, e. Napapasok tuloy ulit ako para hanapin ito.


Ang sabi ni Tito Kiel ay wala raw silang handa kaya ang plano ko sana ay ako ang bibili ng pizza at softdrinks. Tapos deretso pag-uusap na rin sa kanila kung ano ang course na kukunin ni Arkanghel sa college, at ang pag-usapan na rin ang pagpa-part time nito sa restobar namin.


May plano na ako ngayong gabi. Ngayon na rin kasi ako talaga magtatapat kay Arkanghel. Graduate na ito ng high school, tapos na ang paglalaro at seryoso na dapat dahil college na. I wanted us to finally level up our relationship. Tama na ang M.U. na lang, dapat maging kami na. I was so excited that I made an extra effort to make myself beautiful tonight.


Sa may stage ko natagpuan si Arkanghel. Nakatayo habang hawak ang phone. Wala na roong mga tao. Ito na lang. Nakangiti ako na lalapitan na sana ito nang bigla akong mapahinto. Hindi pala totoo na nag-iisa ito. Dahil meron itong babae na ngayon ay nakatakda na nitong lapitan.


Doon sa bandang likod ng stage ay naroon si Si Susana Alcaraz o Sussie. Nag-usap silang dalawa nang masinsinan. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil ramdam ko ang aking pagkadurog. Nakahanda na akong higit pang masaktan dahil alam ko na ang kasunod, maglalapat na ang mga labi nila—pero biglang may kamay na tumakip sa mga mata ko.


Napanganga ako sa gulat nang bigla akong higitin ng kung sino, sanhi upang mapatalikod ako sa masakit na tagpo. At sa aking pagtingala ay ang maiinit na mga mata ni Miko ang nasalo ko.


"Hindi ako masaya sa regalo mo," sabi niya na seryoso ang mukha. "Marami na akong t-shirt sa amin, e. Puwede bang bilang regalo, singilin na lang kita sa utang mo?"


Utang? Nanlaki ang aking mga mata nang maalala iyong dati pang utang ko. Iyong sa pustahan kung saan natalo ako, pero sabi niya na saka ko na lang bayaran. Iyong video!


Dahil nang makabawi ay ako naman ang sumeryoso. Nagtatagis ang mga ngipin ko dahil bakit nga ba ako magpapakalugmok ngayong gabi dahil lang sa nakita ko? Si Arkanghel lang ba ang nag-iisang lalaki sa mundo?!


"Ano, Zandra?" maaligasgas ang boses na untag sa akin ni Miko. "Saan tayo? 11:00 p.m. na. Tulog na ba ang parents mo—"


Hindi ko na pinatapos si Miko. "Dami mo pang sinasabi. Tara na sa kuwarto ko!" Pagkuwa'y hinatak ko na siya palayo. Siya naman ngayon ang nakanganga sa gulat habang hila-hila ko.


jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro