Chapter 16
---TRIGGER WARNING: This chapter contains scenes of k*dnapp*ng, vi*lence, dr*gs, etc., that some readers may find disturbing
-----------------
"PST! OKAY KA NA?"
I was sitting on the side of the road where Miko had placed one of his slippers to keep my shorts from getting dirty. He was crouched in front of me as he stared into my face.
Matapos niyang sabihin iyon kanina ay hindi na ako nakapagsalita. Lalo lang kasi akong naguluhan. Ano iyong ayos lang kahit ano ang isipin ko? Bakit, kung sakali ba ay mapaninindigan niya anuman ang maisip ko?
He let go of me after that, and now I was sitting on the road gutter. Si Miko na naka-squat pabukaka sa harapan ko ay sinisilip ang aking mukha. "Hoy, Zandra. Papaliwanag na, baka hinahanap ka na sa inyo." Kahit ang angas ng salita niya ay masuyo.
Nag-angat ako ng mukha at lumabi. "Miko, hindi ako puwedeng umuwi sa amin. Malamang alam na sa amin na wala ako."
Sabado ngayon, at tiyak itsi-check ako nina Mommy at Daddy sa kuwarto ko, at malamang na alam na nila ngayon na wala na naman ako. Kung ngayon ako uuwi, sasalubungin ko lang ang galit nila. Gusto ko na magpalipas muna.
"Wala ka bang balak sabihin sa kanila ang nangyari?"
"For what? Para madamay ka?" Lalaki ang gulo kung magsusuplong pa ako. Tiyak idadawit siya ng mga ito, baka madamay pa pati reputasyon ng mommy niya na policewoman, at ayaw ko ring maging laman pa ako ng usapan.
Alam ko naman ang kalakaran, na kahit ako ang biktima, sa akin pa rin malamang ang sisi sa huli. Kesyo bakit gabi na ay lumabas pa ako, maiksi pa ang suot kong shorts, at masaklap, puwede pa akong mabaliktad. Maiiskandalo lang ako. Maybe I was being a coward, but I couldn't take the shame.
"Psh." Napahagod siya ng buhok gamit ang kanyang mahahabang daliri. Mukhang na-badtrip.
"Wanted naman na sila e," sabi ko para bawasan ang inis niya. "Saka, wala rin namang masamang nangyari sa akin, kaya ipapaubaya ko na lang ang hatol nila sa makakahuli sa kanila."
Narinig ko kanina na pinaghahanap na ang mga ito dahil sa pag-shoplift at panunutok ng balisong sa isang convenience store. Hindi na mga minor at makikitaan pa ng droga, kaya tiyak na kulong agad ang mga ito.
"Nag-text na ako kay Mommy kanina. Pinatay ko lang ulit ang phone ko para di nila ako ma-contact. Ngayon, magpapalipas muna ako dahil tiyak na galit na galit sila sa isiping umalis ako nang walang paalam."
Mamaya lang ay aalis si Daddy papunta sa resto bar namin, dadalaw rin ang kapatid ni Mommy na tita ko para kunin ulit ang chihuahua na si Lavender, ibig sabihin ay mao-occuppy na sila ng ibang bagay kaya medyo lalamig na ang kanilang ulo.
Yumuko si Miko habang naka-squat, pagkatapos ay narinig ko ang mahinang boses niya. "Hindi ka puwede sa amin, nandoon ngayon ang mommy ko."
"It's okay. Baka sa convenience store muna ako mag-stay," sabi ko para di na siya mamroblema. "Doon na lang muna ako mapapalipas ng oras. Mga after lunch ay uuwi na rin naman na ako."
"Six pa lang, ang tagal pa magtanghali. Saka, wala ka nga man lang yatang pera diyan."
Lumabi ako. Kinuha nga pala ng mga chaka na iyon ang pera ko kanina. Cell phone ko lang ang nabawi ni Miko.
"Hindi naman ako gutom." Sabay tunog ng aking walang pakisamang tiyan.
Nag-init sa hiya ang aking pisngi nang magtama ang mga mata namin nang mag-angat siya ng mukha.
Nag-tsk siya saka tumayo. "Tumayo ka riyan. Sumunod ka sa akin."
Nakalabi na tumayo naman na ako. Isinuot niya na iyong isang tsinelas niya na kanyang pinaupuan sa akin kanina. Naglakad siya at sumunod naman ako sa kanya. May mga dumaraan ng jeep sa parteng ito ng kalsada. Pumuwesto siya sa may gilid. Nakabuntot lang naman ako. Parang ang sarap lang mawalan ng utak ngayon at sumunod lang at magtiwala sa kung ano ang plano niya.
Nang may dumaang jeep pa-Malabon ay pinara niya. Hindi ko alam kung ano ang balak niya pero wala na talagang lakas ang utak kong mag-isip. Habang bumabiyahe ay panay ang hikab ko. Inaantok na ako.
Narinig ko muli ang pag-tsk niya. He took out a black leather purse. Nagbilang ng barya sa malaking palad niya, pagkuwa'y nagbayad siya ng pamasahe. "Buenavista nga ho, dalawa."
Kinatok niya ang bubong ng jeep nang makarating kami sa lugar. "Manong, sa tabi lang."
Lutang pa rin ako nang sumunod ako sa kanyang bumaba. Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta, basta lang ako nakasunod sa kanya. Pumasok kami sa isang looban, makitid ang daan, at iyong dulo ay mga bahay na gawa sa kahoy at mga puno na ang makikita. Napahinto ako dahil pamilyar ang lugar. "Miko..."
Inakbayan niya ako. "'Wag kang mag-alala, akong bahala sa 'yo."
Parang tanga na ganoon lang ay kumalma na agad ako.
Sa dulong bahay kami huminto. Sa tapat ng isang malaking kalawanging gate. Malaki ang lupa sa loob at sa gitna ay may bahay na up and down, kalahati ay gawa sa bato at kalahati ay gawa sa kahoy, sa harapan ay may malaking puno ng mangga. "Tara." Basta siya pumasok.
May dalawang lalaki kami na nakita. Pamilyar ang itsura, sa school din yata namin pumapasok. Ang aga-aga pa na naninigarilyo ang mga ito. Iyong isa ay nakilala si Miko. Bumadha ang gulat nang makita siya.
Nginisihan niya ang mga ito at ipinuwesto ako sa kanyang likuran. "Good morning, mga hangal!"
"Wala naman kaming alam, boi," anang isa na biglang namutla. Defensive agad.
"Oo nga, Pangilinan, wala kaming alam," segunda naman ng kasama nito. "Naririnig lang namin nong inuman na babalikan kayo ng tropa ni Chung. Hindi naman kami kasali roon. Tambay lang kami rito."
Dumura sa lapag si Miko at nilampasan na ang mga ito. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Iyong dalawang lalaki ay sumakay na sa nakaparadang motor, nagmamadaling nagsialisan na.
Pagdating sa tapat ng pinto ay inayos niya ang suot kong hoddie. Itinaklob niya sa ulo ko iyong hood at pinayuko ako.
Sumilip ako sa nakabukas na jalousy ng bintana. May dalawang lalaki na tambay sa sala, mga naka-uniform pa na mukhang pag-uwi galing sa eskwela kahapon ay dito agad dumeretso ng punta. Iyong isa ay nagsi-cell phone, iyong isa ay natutulog pa sa sofa, tapos iyong mesita ay may mga basyo pa ng alak na mula pa yata sa nagdaang gabi.
Tama nga ang mga usap-usapan ng mga kamag-anakan ko, na talagang naging pugad na ng mga rebeldeng estudyante ang lugar na ito.
Isang babae na nakamaiksing shorts at sleeveless ang lumabas mula sa kusina. Mukhang kagigising lang at may hangover pa, pero alak na agad ang nasa utak. "Sa Lunes, jol, magpapadala si Ermat ng remittance, sagot namin ng ate ko ang alak."
"Ayos!" maligayang sabi naman ng nagsi-cellphone na lalaki. "Astig ka talaga, Donya Dessy!"
Napakuyom ako ng palad. Si Dessy nga. My cousin na in-uncousin ko na.
Ito ang bahay nila at sila na lang dito ng ate niya ang nakatira. Hiwalay na ang parents nila. Ang papa nila ay nasa Manila kasama ang bagong pamilya at ang mama naman nila ay nasa abroad upang tustusan sila. Walang kaalam-alam na ang pinadadalhan nito ay ganito.
Hinawakan ako ni Miko sa ulo. "Dito ka muna. Kapag may kumausap sa 'yo, wag mong papansinin. Basta yumuko ka lang. Saglit lang ako, babalikan kita agad."
Pumasok na siya sa loob. Naglaho ang ngiti ni Dessy nang makita siya. "M-Miko?!"
Iyong mga tambay sa sala ay napahabol ng tingin sa kanya. "Pangilinan, tagal mo nang di nagagawi rito. Anong atin? May inom ulit mamaya, tatagay ka ba?"
Wala naman sa mga ito ang atensyon niya, kundi kay Dessy na ngayon ay namumutla. "Oy, Dessy, me pagkain ba riyan? Nagugutom ako!"
Nanginig pa ang labi ni Dessy bago makasagot, "S-sa kusina meron, halika."
Inakbayan niya naman ito para sumama sa kusina. Nangunot ang noo ko. Close ba sila? Chill lang si Miko, pero si Dessy ay parang naempatso ang itsura.
I ran to the other window to catch up with them. Sumilip ulit ako doon sa bintana roon na jalousy. May singkit na lalaki roon. Mukhang kagigising lang din at may hangover pa. Kumakain ito ng sinangag at itlog sa mesa. Pagpasok nina Miko at Dessy sa kusina ay nagusot ang matangos na ilong ni Miko pagkakita rito.
Napangiwi naman ako nang yakapin ni Miko sa leeg si Dessy. "Taena naman Dessy, o! Tagal na nating beshywap e, bakit mo naman ako hahainan ng bangagsilog? Ayoko niyan! Tapon mo yan! Now na!"
Iyong lalaki sa mesa na kumakain ay napaangat ng mukha. Bumadha rito ang gulat nang makita si Miko. Muntik nang mailuwa ang nginunguya.
Binitiwan ni Miko si Dessy at nilapitan ito. "Mukhang may tama ka pa, bro. Wala ka pa tuloy alam sa nangyari sa apat na tropapipz mo."
"W-what happened?" namumutlang tanong ng singkit. May accent. Mukhang rich kid.
"Ayun, may mga injury," chill na sagot naman ni Miko. "Pero wag mo nang hanapin, kasi dadamputin na rin ng nga pulis, madamay ka pa. E di ba wanted kang kupal ka?"
"Hey, hindi ako wanted! Na-kick out lang ako dahil napagbintangan ako na nagda-drugs, but it's not true—" Hindi na nito natuloy ang sinasabi dahil inginudngod ito ni Miko sa kinakainan nitong plato.
Napairit naman si Dessy sa takot. "Miko, please! Please, wag dito! Ano bang kailangan mo? Di ba hindi ka na pumupunta rito?!"
Tamad na sinulyapan ito ni Miko. "Bakit, bawal na ba ako rito sa palasyo mo, beshywap?"
Kandalunok si Dessy. "H-hindi naman sa ganoon. Pero hindi ka na nagagawi rito, di ba? Iba na ang tropa mo. Saka, protektado nina Wayne at Hugo ang lugar na ito."
Tumaas ang isang kilay ni Miko at nakakaloko siyang ngumisi. "Sa tingin mo ba may paki ako?"
Inginudngod niya pa lalo lalaki sa plato nang magtangka itong umahon. Kandamura naman ito at naglagabugan ang mga kubyertos sa mesa.
Nginitian ni Miko si Dessy. "Sige na, beshywap, para hindi ako maasar sa 'yo, pakilinis na lang iyong kuwarto ng ate mo. Di ba may aircon doon? Buksan mo na rin, itodo mo para malamig na malamig. Pagod ako, doon ako matutulog."
"M-Miko, naman dadating mamayang gabi ang ate ko. B-baka magalit pag nalamang nagpatulog ako sa kuwarto niya—"
"Tsk, gabi pa naman pala dating, e. Hanggang tanghali lang naman akong makikitulog. Saka kanino ka ba takot? Sa ate mo o sa akin? Beshywap naman, baka nakakalimot ka, isang sabi ko lang sa mommy ko, raid agad itong palasyo mo!"
"S-sige, lilinisin ko na ang kuwarto ni Ate!" Nanakbo na ito paakyat sa hagdan.
"Fuck, let go of me!" Nagpapasag naman iyong lalaki na hanggang ngayon ay nakangudngod pa rin sa plato. Pati yata pilikmata nito ay nadikitan na ng sinangag.
Nalaman ko na ang pangalan dahil may mga sumilip mula sa sala. Ito pala iyong Chung. Wayne Daniel Chung. Dating taga private school. Anak-mayaman nga. Ito iyong leader ng mga chaka na binanatan ni Miko kagabi.
Hindi naman nakapalag iyong mga nakasilip mula sa sala dahil tiningnan ang mga ito ni Miko. Kilala siya ng mga ito. Narinig ko pa ang sinabi nong isa. "Hayaan niyo na iyan, si Pangilinan iyan." Tapos ay nagsibalikan na sa sala.
"Let me go!" gigil na sigaw ni Chung. Nakasubsob pa rin ito sa plato. Hindi makabuwelo siguro dahil nanghihina pa sa hangover, o sadyang malakas talaga si Miko.
Hindi pa rin naman ito binitiwan ni Miko. "Gusto mo raw pabalikan tropa ko?" tanong niya rito. "Bro, walang ganunan. Pagsabihan mo mga pangit mong friends, wag nila kamo kakantiin tropa ko, kasi sa akin kayo mananagot."
"Napakayabang mo!" singasing ni Chung.
"Mayabang talaga ako, bro. Marami akong ipagyayabang, bukod sa mas guwapings ako sa 'yo, pulis pa mommy ko. Mataas ranggo. Isang beses ka lang makulong, promise ko sa 'yo, PWD ka nang lalabas ng kulungan, bro."
"Tinatakot mo ba ako?!"
Lumungkot naman ang mukha ni Miko. "Aw, hindi, bro. Bakit naman kita tatakutin, e di natakot kang kupal ka?"
"Fuck you!"
Iginilid niya ang mukha nito sa plato. "Bro, ganito na lang, may tanong ako. Iyong tatay ng isang tropa ko na taga Malagasang, labas-masok sa kulungan kasi maraming kapit. Balita ko kamo, bro, mahilig daw iyon sa chix na singkit. Kaya, bro, singkit ba mommy mo?"
Nagsisisigaw si Chung habang nakangudngod sa plato. "Fuck you! Fuck you, Pangilinan! Wag ang mommy ko, fuck you!!!"
Lalo namang lumungkot ang mukha ni Miko. "Bro, naman, galit agad, e. Parang nagtatanong lang naman ako. Saka, ayaw mo ba niyon, bro? Iyong di mo naituloy gawin sa tropa kong si Carlyn, matutuloy mangyari sa mommy mo? So ano nga, bro, maganda ba mommy mo?"
"You lunatic! Wag mong idamay ang mommy ko!" sigaw ni Chung na nagpupumilit makahulagpos.
"Aw, e sino na lang pala?" inosenteng tanong ni Miko. "Me kapatid ka bang babae? E okay lang ba, kasi nasa fifty plus na iyong ex-convict na erpat ng tropa ko? Pero mas okay sana talaga kung mommy mo para di malayo age gap. Malay mo, bro, magka-step daddy ka pa. E di ang saya mo nung kupal ka!"
Saka lang binitiwan ni Miko iyong lalaki nang bumaba na si Dessy mula sa hagdan. "M-Miko, malinis na ang kuwarto ng ate ko. Nabuksan ko na ang aircon at bagong palit na ang cover ng higaan."
"Good." Pinisil ni Miko ang pisngi ni Dessy. "Ganyan ka dapat lagi kabait para naman sulit pagiging mag-beshy natin."
Si Dessy naman ay takot na napaiwas. Hinawakan siya ni Miko sa leeg at itinulak papunta kay Chung. "Maninigarilyo lang ako sa labas saglit, pagbalik ko dapat wala na iyang bangag na iyan."
Miko left the kitchen so I ran back to the front door. Paglabas niya ay saktong narito na ulit ako. Mabait na nakangiti siya sa akin na parang hindi siya iyong lalaki kanina sa kusina. "Matagal ba 'ko?"
Napalunok ako bago makasagot. "A-ayos lang naman..."
Lumabas sa pinto sina Dessy at iyong singkit na lalaking si Chung. Iniyuko naman ako ni Miko para hindi ako makita ng mga ito. Lalo na si Dessy. Pagkalampas sa amin ay hinila niya na ako. "Tara sa loob."
Nakayuko pa rin ako nang dumaan sa mga tambay sa sala. Sa itaas ako ng bahay dinala ni Miko. Doon sa unang kuwarto kami huminto. Binuksan niya. Alumpihit pa ako kung papasok, pero kaysa makita ako ni Dessy sa ibaba ay pumasok na rin ako.
Pagpasok namin ay ini-lock niya ang pinto. Nauna siya sa akin sa double bed na naroon. Pinagpagan niya pati mga unan. Sinisiguradong malinis kahit pa bagong palit lang lahat iyon ni Dessy. Habang ginagawa niya iyon ay nakasunod lang naman sa kanya ang mga mata ko.
Naguguluhan ako sa ipinapakita niya. Sa tagal naming magkaibigan, aware naman ako na may itinatago siyang ugali. That he was not always cheerful and stupid, and that he had this side of him. But earlier today was the first time I witnessed him attack someone like it was nothing.
Kanina ko lang din nakita si Miko at narinigan ng ganoon. He threatened that guy, Chung, that something bad might happen to his mother or his sister. And he said that without any emotion in his eyes.
It was disturbing to some extent. He spoke those things as if he could actually make it happen. Na kapag sinabihan niya ang kung sino mang tropa niya na may tatay na labas-masok sa kulungan, manenelikado talaga ang mommy ni Chung o kung may kapatid itong babae. Kahit pananakot lang iyon o biro, hindi niya dapat sabihin iyon. Bakit kailangang madamay ang mga inosente? Pero hindi iba kasi talaga ang logic ni Miko.
Cool lang siya habang nagsisisigaw si Chung. Kahit may madamay, wala lang sa kanya. Tumawa pa nga siya, pero iyong tawa niya ay hindi abot sa kanyang malamig na mga mata. Ano ka ba talaga, o sino ka ba talaga, Miko?
Matapos magpagpag sa kama ay lumingon siya sa akin at matamis niya akong nginitian. A boyish smile that brightened his handsome features.
"Malinis na, puwede ka na ritong magpahinga," he said while still smiling. Ang inosente ng magagandang uri ng mga mata, ang aliwalas ng mukha. He was the guy who saved me, my friend, and also my fake cousin.
He was not someone I wanted to be terrified of. I wouldn't want to think anything negative about him either. So I decided to step closer. Until we were only a few feet apart.
Nagtataka naman ang mga tingin niya nang tingalain ko siya. "Zandra..."
His eyes widened at what I did next. Hawak ang kuwelyo niya na tumingkayad ako at walang pasabi lang naman na hinalikan ko ang mga labi niya.
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro