Chapter 13
AKO ANG BAHALA SA 'YO...
Iniyak ko lahat. Hindi ako nahihiya kasi alam kong wala sa aking makakakilala, hindi niya hahayaan akong mapahiya.
Miko's soft voice, his wild heartbeat, the gentle scent of his neck, and the polo covering my head all appeared to soothe my emotions.
Hindi ko inintindi iyong mga estudyante na napapadaan dito sa canteen at alam ko na napapatingin sa akin. Sino ba ang hindi mapapatingin, ngumangawa lang naman ako ng may sounds.
"Bakit umiiyak?" Isa sa mga naulinigan ko sa mga nagdaraang estudyante.
"Baka nag-away, LQ."
"Baka niloko nong guy," narinig ko pa na malakas na sabi ng isa sa mga dumaan sa kasama nito.
May boys din na nag-comment. "Baka kamo siya iyong nahuling nagloko nong guy, tapos dinaan na lang sa iyak kasi nga nabuko na. Ganyan galawan niyo girls, e."
Tuluyan nang naglaho ang lungkot ko, napalitan na ng pagpintig ng aking sentido.
"O baka nakipag-break iyong guy kasi demanding siya, nagger, selosa, tamang hinala. Mukha pa namang mabait iyong guy, kawawa naman."
Lalong pumintig ang sentido ko. Naiiyak pa ako pero parang mas gusto ko na lang manigaw ng mga tsismoso at tsismosa na kung makapag-comment ay akala mo may alam, kahit wala naman.
Nag-angat ako ng mukha, at nakita kong nakayuko rin pala sa akin si Miko. Nasa ilalim lang ako ng leeg niya kaya wala na yatang isang dangkal ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't isa. Mapupungay ang mga mata niya habang nakayuko sa akin. "Oks ka na?"
Napalunok ako. Hindi lang dahil sa ang suyo ng boses niya dahil nga pabulong, kundi dahil nalanghap ko rin ang mainit at amoy mint niyang hininga. Mukhang buong klase na naman siya na ngumuya ng lagi niyang binibiling bubble gum.
"I-I'm fine now." Kumalas na ako sa kanya.
I looked around, and there were still some students walking past, as well as some hanging around in front of the canteen. I wasn't sure if they were actually chatting or simply curious about us. Nang makita ako na nakatingin ay umalis na rin ang mga ito.
I was frowning when a finger touched my skin. Si Miko. Hinagod niya ang kunot sa noo ko. "'Wag mo nang pansinin."
"Hmp!" Inirapan ko pa rin ang mga usyosero.
Inayos ko na ang aking sarili. Iyong buhok ko ay aking sinuklay gamit ang mga daliri ko. Si Miko naman ay inayos na sa kanyang balikat ang hinubad na polo na itinaklob niya kanina sa akin. Sinuklay na rin niya ang kanyang buhok sa pamamagitan ng paghagod doon ng kanyang kamay at mahahabang daliri.
Naglabas ako ng compact mirror para i-check kung namumugto ang mga mata ko. Medyo. Pag-uwi ko siguro ay dederetso na lang ako sa aking kuwarto para hindi ko makaharap sina Mommy at Daddy. Pagkatapos ko manalamin ay inabot ko ang salamin kay Miko dahil siya naman ang gagamit. Nanalamin din siya.
Para matabunan ang pamumugto ng aking mga mata ay naisipan ko na magpulbo. Inilabas ko ang aking Johnson powder. Pagkapulbo ay nanghingi rin si Miko. Magpupulbo rin daw siya. Ibinigay ko naman. Nagpagpag siya sa kamay niya tapos inilagay sa kanyang mukha at leeg. Tumingin siya sa akin nang matapos. "Maputi?" tanong niya.
"Iyong kaliwang kilay mo, may namuong pulbo." Ang kapal kasi ng kilay niya. May namuti sa kaliwa.
"Awts. Peram nga ulit salamin."
Ibinigay ko naman. Tumayo na kami. Nasa kanya ang bag ko, sukbit niya sa kanyang kaliwang braso nang maglakad kami papunta sa gate. Nasa kanya pa rin pala ang salamin ko, hindi pa rin siya tapos i-check ang sarili. As in habang naglalakad kami ay patuloy pa rin siya sa pananalamin. Yes, this was Miko. Napaka vain.
Pagtingala ko sa kanya ay sakto na nilawayan niya ng kanyang dila ang mga labi niya. Lalo tuloy iyong namula. Kulay cherry.
Wala sa loob na napasipsip ako sa ibaba kong labi. Pinkish ang lips ko kahit walang lip tint, pero bigla akong nainggit sa mga labi ni Miko. Kahit sunog baga siya at hindi naman nagli-lip tint ay mapupula talaga na natural ang lips niya. Ang unfair talaga.
He must have felt my gaze while we were walking because he looked at me. I immediately looked away. In my peripheral view, I saw him shrugging his shoulders.
Paglabas ng gate ay maglalakad na ako pauwi sa amin. Minsan ay sumasabay si Miko dahil doon na siya sa labas ng Prinza sumasakay ng jeep pa-Malabon, kaya akala ko ay ganoon ulit ngayon. But we had just walked a few steps when he suddenly stopped.
Nagtataka naman na napalingon ako. Salubong ang mga kilay niya. Seryoso. I followed what he was looking at. May mga nakatambay sa gilid ng daan. Apat na mga kalalakihan, isa lang sa mga iyon ang naka-uniform, iyong iba ay naka-civilian. Naninigarilyo sa tapat ng saradong tindahan.
Kilala niya ba ang mga ito? Namumukhaan ko iyong dalawa. Iyong isa ay iyong payat na lalaking nakasalubong namin sa sapa noong isinama niya ako sa bilyaran. Napatingin sa kanya ito. Ngumisi pagkuwa'y yumuko.
Iyong isa sa mga ito naman ay nang makita siya ay tinawag siya. "Michael Jonas, ma men!"
Tumingin na rin tuloy iyong dalawa pa. "Pangilinan, guwapings na guwapings, ah? 'Musta ba, boi? Hanggang kailan ka guwapings? Balita, mainit ngayon ang tropa mo sa tropahan ni Chung. Tsk, ang dami mo kasing sasamahan, mga mahihinang supot pa! Paano ka ngayon niyan?!"
"Ah, let's go, Miko," yaya ko sa kanya, para hindi niya na intindihin ang mga ito.
Salubong pa rin ang mga kilay at hindi sa akin tumitingin na inabot sa akin ang bag ko. "Mauna ka ba, magbibilyar pa pala 'ko."
"Ha?" Hindi niya na ako hinintay na sumagot. Bigla na lang niya akong tinalikuran. Laglag ang panga ko nang chill na naglakad paalis. Nakapamulsa pa at akala mo'y hindi ako kasama!
Iyong mga lalaki naman na tambay sa daan ay napasipol. "Awts, iniwan."
Nanggalaiti ako sa inis dahil si Miko ay narinig pa siguro ang sinabi ng isang tambay, pero ni hindi man lang ako nilingon. Seryoso talaga siya na iwan ako mag-isa! Grabe, napaka-ungentleman!
Ano ngayon kung hindi ako sinabayan ni Miko? Makakauwi pa rin naman ako sa amin kahit wala siya. Nakasimangot na naglakad naman na ako pauwi sa amin. Hindi ko na lang pinansin iyong mga nakatambay. Dadaan nga lang ako sa harapan ng mga ito kaya hindi maiwang hindi ko marinig ang kanilang usapan.
"Mali ka naman, boi," sabi ng isa roon sa natatandaan ko na nakasabay namin ni Miko sa may sapa. "Wala iyan. Katulad lang din iyan ng ibang babae ni Pangilinan."
Pagkatapos ay nag-alisan na ng tingin ang mga ito sa akin, na parang waste of time lang kung titingnan pa nila ako. Ano iyon? At ano raw? Isa lang din ako sa babae ni Miko?!
Ano, isa ako sa babae ni Miko?! Duh, hinding-hindi ako magiging babae ng malanding iyon, dahil hindi kami talo! We are cousins, noh!
PAGKAUWI. Wala sina Mommy at Daddy. Iyong chihuahua ko lang na si Lavander ang sumalubong sa akin. Ito iyong binili kong puppy noon kina Isaiah, para lang makasilay kay Arkanghel, ang kaso ay wala naman si Arkanghel sa compound pagdating ko.
"Hala, Lavander!" Ang saya-saya ko na makita ito. Ang liit-liit pa rin dahil na rin sa breed. Kinarga ko agad at pinaghahalikan. "Oh, I missed you so much! How are you?!" Dinilaan naman ako nito sa mukha.
Dahil palagi akong nasa school at hindi animal lover ang mommy ko ay madalas si Lavender sa aking tita na tagarito din sa Bgry. Pinagtipunan. Pinsan ni Mommy ang tita ko na nakatira lang sa kabilang street, kaya madalas ko ring nadadalaw si Lavender.
Lavender was here. Isa lang ang nakikita kong dahilan, si Daddy. Alam nito na masama pa rin ang loob ko, na hindi ko pa rin sila mahaharap ni Mommy, kaya para hindi ko maramdaman na nag-iisa ako, pinabalik nito rito ang puppy na ito.
I carried Lavender into my room. The dog was the one who I ate dinner with, slept next to at night, and talked to while getting ready for school the next day. Of course, it did not respond, but his mere presence was more than enough. Hinaplos ko ang ulo nito. "Thank you for being here, Lav."
It barked and stuck out its tongue in response. I smiled. It was indeed a great idea to get a dog. What a wonderful life to have someone who would always be there for you, who would support you regardless of what you say and do, and who would share your pain without judging you.
A loyal one. Pero bakit kaya biglang pumasok sa isip ko Miko, e hindi naman siya aso?
MICHAEL JONAS, NASAAN KANG ABNORMAL KA?!
Inagahan ko talaga ngayon, hindi lang para umiwas sa aking parents, kundi para ma-corner si Miko. Hindi ko mapapalampas iyong pag-abandona niya sa akin kahapon. Iniwan niya ako basta kahit alam niyang maiinit ang mata sa amin ang mga ng nakatambay roon. What if noong umalis siya ay nabastos ako?! Hindi niya ba naisip iyon?!
Wala siya sa bench. Lumingap sa paligid ang paningin ko. Mahamog-hamog pa, kakaunti pa lang ang papasok na estudyante. Wala pa kaya siya?
May kumaway sa akin. Ang best friend at seatmate kong si Faye. Maaga ito lagi, pero mas maaga ngayon. Bakit?
"Z!" Nanakbo si Faye para salubungin ako. She was smiling from ear to ear. "Nakita ko pala iyong guy na lagi mong kasama. Iyong Miko. Ang aga niya rin pala na dumadating, ano?"
Nandito na si Miko? But where was he?
Nagpapalinga-linga ako nang kalabitin ako ni Faye. "Z, nakita ko siya, lalapitan ko sana, kaso may kasama siyang girl—"
"Saan mo nakita?!"
"Sa canteen." Tumabingi ang bibig ni Faye. "Uhm, iyong girl na kasama niya, GF niya kaya iyon?"
"Some other time, Faye!" Nanakbo na ako para iwan siya. Habol-habol na lang naman niya ako ng tingin nang manakbo ako papunta sa canteen.
"HOY, MICHAEL JONAS!"
Mabuti at maaga na naman din siya ngayon. Nandito nga siya sa canteen at may kausap na babaeng estudyante. Madilim-dilim pa rito dahil bukod sa may bubong na, nalililiman pa ng puno sa likod ng bench, ay wala pang ilaw. Gandang place nga naman para gawing tagpuan sa madaling araw.
Akala ko pa naman ay magmimilagro, pero mukhang bago pa lang sila. Shy type pa kasi iyong girl. Ang hinhin pa noong magpaalam. Pagdaan sa akin ay maliit na nginitian ako. "Hi po, ate."
Ate?! Ah, kilala nga pala ako bilang pinsan ng abnormal na si Miko.
Pag-alis ng girl ay nilapitan ko siya. Hindi nga siya two timer pero oras lang yata ang pahinga. Hindi ko alam kung bakit lalo akong nanggigil sa kanya. Bigla kong hinablot ang basa-basa pang buhok niya.
Nagulat naman siya kaya di nakaiwas. "Aray, pota!"
Napayuko siya dahil sa pagkakasabunot ko, pero ayaw ko pa rin siyang tigilan. "I really don't understand you! Minsan mabait ka at matino, pero mas madalas kang abnormal!"
"Aray, aray, Zandra!" Kandangiwi siya.
"You're bad, Miko! You're bad!" Hinila ko pa lalo ang buhok niya, in two hands na, kaya lalo siyang napayuko habang nakaupo. Para akong may sapi. Naiinis ako sa kanya. Nakakainis siya!
"Aray, sabi! Tangina, baka naman mapanot ako!" Kandapasag naman siya dahil nasasaktan, hanggang sa naabot na rin niya ang buhok ko. Hinila niya na rin kaya napaupo ako sa kinauupuan niya.
We were seated beside each other, tugging each other's hair. Ang sama ng titig namin sa isa't isa pero walang may balak bumitiw.
"Let go of my hair!" tili ko.
"Ikaw muna, bumitiw!" gigil din niyang balik.
"I said, let go of me!"
"Mauna ka!"
Lalo kong hinila ang buhok niya. "No, you do it first!"
Hinila niya rin lalo ang buhok ko. "Ikaw muna sabi!"
May mga napaparaan nang papasok na estudyante pero wala kaming paki. Galit talaga ako. Wala na akong pakialam kahit ang petty, basta naiinis ako. Halo-halo na. Iyong naipon inis ko sa lahat-lahat, pati sa kanya, inilalabas ko ngayon. Sa kanya ko ibinunton.
Saka lang ako natauhan nang sumunod na dumaan sina Arkanghel. Kararating lang nito. Kumiling ang ulo sa amin matapos mapahinto. "Huy, ano iyan? Ganyan kayo maglandian?"
Saka ako natauhan. "Arki?!" Napabitiw ako kay Miko. "You're wrong, we're just playing—" Sinamaan ko ng tingin si Miko na hindi pa rin bumibitiw sa aking buhok. "Ano ba?!"
"Ge, enjoy." Nagtututule na umalis naman na si Arkanghel.
Napapalahaw ako, "Oh, no! My Baby Arki!"
Nang wala na si Arkanghel ay saka pa lang ako binitiwan ni Miko. Itinulak niya ako sa likod kaya muntik na akong mangudngod. Gigil ko siyang nilingon. "What were you doing?! Ipinahiya mo ako sa Baby Arki ko!"
"Sino ba ang nauna?!" maangas na balik niya. Hinagod niya ng kanyang mahahabang daliri ang nagulong buhok. "Shuta, mabuti hindi ako nag-gel, kundi nasayang lang. Penshoppe pa naman gel ko!"
Sa buwiset ko ay dinagukan ko siya.
Gigil naman niya akong hinarap. "Ano ba? Bakit ba ang sadista mo?! Saka, ano na naman bang kasalanan ko?!"
He really didn't know? Was he serious?! Iniwan niya lang naman ako basta kahapon sa harapan ng mga tambay, ni hindi niya man lang ako nilingon! As in he just left me like he didn't know me!
"Dahil ba iniwan kita kahapon?" tanong niya. Umamo na ang kanyang mukha.
Napatigil naman ako. So he knew.
Ngumiwi ang mapupula niyang mga labi. Hindi na sa akin makatingin. "Naalala ko nga kasi na pupunta akong bilyaran. Sorry na."
"May mga tambay roon, iniwan mo ako! Paano kung pag-alis mo ay pinag-trip-an nila ako?! Anong klaseng pinsang hilaw ka?!"
"Ah..." Napakamot siya ng daliri sa kaliwang makapal niyang kilay. "'Di ka namin aanuhin ng mga iyon."
"How could you be so sure?!"
Seryoso na ang mga mata niya at mahina na ang boses nang muling magsalita. "Basta, di ka nila aanuhin. Subukan lang nila."
"What?" Napausod naman ako sa kanya palapit. Hindi ko kasi narinig.
Umiling siya. "Wala. Ayusin mo na sarili mo." Hinarap niya ako at siya ang umayos sa gula-gulanit kong buhok sa pamamagitan ng paghaplos ng mga palad niya. "Kaya di ka magustuhan ni Arkanghel, e. Muntanga ka kasi."
Tinabig ko ang kamay niya. "What did you say?!"
Naiiling siya. "Ayusin mo kasi. Paano ka niya magugustuhan kung para kang tanga?"
"How dare you?! I'm not parang tanga kaya hindi ako magustuhan ni Arki! It's just that he's busy with his studies!"
"Busy sa study?" Natawa siya. "Pota, natutulog nga lang iyong sa upuan maghapon, e."
"Basta, he's busy pa kasi ngayon. Pero alam niya na iyon sa sarili niya na kami sa huli!"
Inayos ni Miko ang kuwelyo niya na nagusot at ako naman ay nagsusuklay na ng aking buhok. Magkatabi pa rin kami sa upuan na kaharap ng saradong canteen. Nag-uusap na ngayon na parang walang nangyari kaninang sabunutan.
Nagkuyakoy siya ng paa habang nakatingala. "Walang GF si Arkanghel. Wala rin siyang nababanggit na nagugustuhan niya sa ngayon. Pero paano kung magkaroon na? Saan ka pupulutin? Sa kangkungan?"
"Hindi siya magkakagusto sa iba!" mataas ang tono na sabi ko. "Kami ang end game!"
Sinulyapan niya ako at tinaasan ng kilay. "Paano ka naman nakakasiguro?"
Napalunok naman ako. "P-pero ikaw na rin ang nagsabi, wala nga siyang nagugustuhan, di ba?"
"Sa ngayon nga, wala. Paano kung bukas ay meron na? Sa isang bukas? Sa isang linggo? Sa sunod na buwan? O sa next pasukan?"
"Nandito naman ako, bakit pa siya maghahanap ng iba?!"
Hinawakan niya ako sa ulo at inilapit ang mukha sa akin. "Kasi mahina ka. Mabagal ka. Napag-iiwanan iyong ganyan."
"What should I do?"
Sa aking pagtataka ay bumaba ang tingin niya sa aking bandang leeg pababa pa sa unang butones ng school blouse na suot ko. "Ano kamong gagawin mo? Simple lang, Zandra.... Akitin mo."
"W-what?"
Nahigit ko ang aking paghinga nang pag-angat muli ng paningin niya sa mukha ko ay mapupungay na ang kanyang mga mata. "Kung di ka marunong, nandito 'ko. Pag practice-an mo ako."
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro