
Chapter 11
WHAT KIND OF SITUATION WAS THIS?!
I was stunned when I felt Miko's lips against mine. Bakit hindi nakakadiri? Bakit hindi ko siya itinutulak? At ganito pala ang mga labi niya. Malambot na mainit...
Magaan lang. Dampi lang. Humiwalay rin agad siya. Nagkatitigan kami. Pagkatapos ay muli siyang lumapit. Muli niya akong hinalikan. Ganoon lang ulit. Mabilis lang.
Humiwalay ulit. Lumapit ulit. He kissed me again. And again. And I let him. Nang mapatitig ako sa mga mata niya ay may kislap ako roong nakita. Like he was amused or something.
Bumukas ang mga labi ko, kaya nang muli niya akong halikan ay mas mariin ang kanyang ginawa. Mas malalim. Nakakakapos ng paghinga. This time was not just his lips, he was now also using his tongue. His wet, hot tongue aggressively penetrated my mouth.
Napahawak ako sa matigas na balikat niya habang pinanlalakihan ng mga mata. Nawindang ako dahil bakit kailangang ipasok niya ang dila sa bibig ko?! Ganito ba talaga?
Itinulak ko si Miko sa balikat, pero iyong mga kamay ko ay parang walang lakas. Hanggang bumaba iyon sa matigas na dibdib niya dahil halos nakahiga na pala ako kama. Ang dila niya ay pilit hinuhuli ang dila ko. Ang laway niya ay naghahalong lasang mint dahil sa toothpaste at juice sa ininom niyang juice kanina.
Ang sarap. Ang sarap pala ng lasa ng juice sa bibig niya. Mabango rin ang hininga niya, mainit, nakakapaso. Ang mga kamay ko ay napakapit sa suot niyang shirt at ang aking mga labi na walang pagkilos ay ngayo'y nagsimulang gumalaw nang marahan. Gusto ko rin siyang halikan...
Even though I was still clumsy, I still tried to copy the movements of his lips. He felt it and stiffened. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip, nilaliman ko ang aking paghalik. Napaungol si Miko sa bibig ko.
Nang magdilat ako ng mga mata ay nakadilat na rin pala siya. Nakadilat siya habang patuloy kami sa paghalik sa isa't isa. Mabagal, mainit, habang magkahinang ang aming mga mata.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay ngumiti siya. Ang mga mata niyang mapupungay ay tila nakangiti rin. Tulala lang naman ako. Lutang, bitin.
Pinisil niya ang ilong ko. "Dito ka lang, matulog ka na. CR lang ako."
Then he got up and went into the bathroom. Nang wala na siya ay mga ilang segundo pa bago ako napakurap. Kumalat ang init sa aking mukha at napahawak ako sa aking bibig. First kiss!
MICHAEL JONAS KISSED ME.
Si Miko ang unang halik ko, hindi si Arkanghel, kundi siya. Ano ang ibig sabihin niyon? Gulong-gulo ako, kasi hindi naman siya ang gusto ko. Pero bakit pumayag ako? I even responded to his kisses and even liked it!
Hindi ako nakatulog nang maayos kaiisip. Nakahiga lang ako patalikod sa puwesto ni Miko. Nang lumabas siya sa banyo ay nasamyo ko ang mabangong amoy ng shampoo. Naligo siya ulit.
Naramdaman ko siyang lumapit, pero hindi ako lumingon. Pinangatawanan ko ang pagpapanggap na natutulog na. Pinatay niya ang lamp sa tabi niya at tuluyan nang dumilim ang paligid. Parang lalo pating lumamig.
Lumundo ang kama sa tabi ko. Abot-abot ang aking kaba nang mahiga na siya sa tabi ko. Hindi ako humihinga sa susunod na gagawin niya, pero natapos ang ilang minuto nang paghihintay ko, wala pa rin siyang ginagawa.
Nagbilang ako ng up to one hundred sa isip bago siya nilingon, para lang madismaya dahil kaya naman pala tahimik ay tulog na pala! Seriously, nakatulog siya?!
Anyway, it was fine. Hindi ko pa rin siya kayang kausapin dahil pina-process pa ng utak ko iyong halikan namin. I was confused as to why the kiss didn't make me feel disgusted in the slightest... but I found it very pleasant instead.
MICHAEL JONAS WAS LIKE THE MALE VERSION OF SLEEPING BEAUTY.
Nauna akong nagising kahit katiting lang ang naging tulog ko. Muntik pa akong mapatili nang makitang may katabi akong lalaki sa kama. Lalaking may maamong mukha. Kung hindi ko pa siya natitigang mabuti ay hindi ko pa maiisip na siya si Miko.
Mukha siyang mabait pag tulog. Walang pakialam sa mundo habang nakatihaya at ang isang bisig ay nakapatong sa kanyang noo.
Umusod ako sa kanya palapit. Dahil tulog siya ay malaya kong napagmasdan ang itsura niya. Ngayong payapa siyang natutulog, hindi nag-aangas, at wala siyang suot na silver na hikaw sa ilong, kilay, at sa magkabilang tainga, ay ang amo pala talaga ng mukha niya.
Papasa siyang mukhang anghel, sa totoo lang. Wag lang talagang gigising dahil kung hindi walang kuwenta ang lalabas sa bibig ay puro naman kaangasan. Napangisi ako habang nakatitig sa kanya. "Matulog ka na lang talaga para laging mabait ka!"
Nabura lang ang pagkakangisi ko nang matuon ang titig ko sa mga labi niyang natural na mapupula. Bigla ay nanumbalik sa akin ang nangyari kagabi. Napabalikwas ako ng bangon. Shit.
Iniwan ko si Miko na tulog pa rin sa kama. Pumasok na ako sa banyo at deretso na naligo. Iniligo ko ang pag-iinit ng aking mukha dahil baka sakaling mawala.
Sa banyo na rin ako nagbihis at nag-ayos na, para paggising ni Miko ay siya na lang ang gagamit ng banyo. Bago lumabas ng pinto ay napatitig ulit ako sa salamin. I already put lipgloss on my lips but why were they still swollen?
May kumatok sa pinto dahilan para mapapiksi ako. "Oy, tagal ka pa?"
Gising na siya?!
Kumatok ulit. "Pakibilis. Nadyi-jingle na 'ko!"
Nag-panic naman ako. "O-okay, wait, palabas na!"
Pupungas-pungas pa siya nang mapagbuksan ko. Magulo ang buhok, may bakat pa ng unan ang kaliwang makinis na pisngi, pero bakit parang mas fresh pa siya kung ikukumpara sa akin?! Bakit kasi kompleto ang tulog niya habang ako ay hindi?!
Nilampasan niya na ako. Paglabas niya ay nakaligo na rin siya. Nakapagpalit na rin ng damit. T-shirt na black, pants, tapos naka-medyas na. Habang nagsasapatos ay nakakipit sa balikat at tainga niya ang telepono rito sa room namin. Um-order siya ng breakfast.
"Ano sa 'yo?" Tumingala siya sa akin. "Taplisog at cornsilog pa lang daw available."
Napakurap ako. Iyong pagtatanong niya kasi ay parang normal lang. O baka naiilang din siya kaya kunwari ay cool lang? Hindi ko alam kung bakit parang gustong mangiti ng aking mga labi. "Oh sige, tapsilog ako..."
ANO NA BA KAMI?
Nag-kiss na kami. Siya ang first kiss ko. Habang naglalakad kami ay hindi ko magawang alisin ang aking paningin kay Miko, kaya ilang ulit na akong muntik matalisod. Mabuti na lang dahil palagi niyang nadadakma ang bag ko sa likod.
May dumaang pedicab sa harapan namin, agad naman akong hinila sa braso ni Miko para ilagay sa gilid niya.
Nakaalalay rin siya nang sumakay kami sa jeep kanina. Pati sa pagbaba ay nauna siya, tapos hinintay niya ako sa ibaba. Kada tatawid kami ay lagi niyang hinaharang sa akin ang kamay at nauuna siya.
He was too protective of me. And I'd never seen him behave this way with any of his ex-girlfriends.
There was even a time when, despite having a girlfriend, he still prioritized me when I needed him. Iba ako sa mga ito dahil mas matagal niya akong kilala. Magkaibigan na kami tapos magpinsan pa, kahit peke. Iba ang samahan namin. He even accompanied me here, didn't he?
Ang gusto kong malaman ay ano ang ibig sabihin ng paghalik niya sa akin. Mag-uusap kami pagkauwi ng Cavite. Sa ngayon, uunahin ko muna ang aking sadya rito sa Parañaque.
Bumalik kami sa Masville. Sumakay kami ng pedicab. Dahil masikip sa loob ay dikit na dikit ang mga braso namin ni Miko. Ninakawan ko siya ng sulyap. Sa iba siya nakatingin. Chill lang. Napalabi ako.
Dahil alam na namin ang lugar ay madali na lang kaming nakabalik doon sa looban. Umakyat kami sa apartment. May tao na sa loob dahil nakahawi na ang kurtina at naririnig ko na mula rito sa labas ang tunog ng bukas na electric fan.
"Dito lang ako," narinig kong sabi ni Miko. Isang dipa ang layo niya sa akin. He was giving me privacy, and I appreciate that.
Kumatok ako sa pinto ng apartment ni Zed. Saglit lang ay may nagbukas na. Isang matangkad na guwapong lalaki. Lalaki na malaki ang pagkakahawig sa daddy ko. Nandito na nga siya.
White shirt, jersey shorts, at nakapaa lang. Mukhang puyat siya sa kung saan mang pinuntahan niya, pero nawala ang antok sa kanyang mukha nang makita ako. "Zandra?!"
What? He knew me?!
"Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" Napatingin si Zed kay Miko, at agad na napakunot noo. Sumeryoso. "Sino iyan? At alam ba sa inyo na nandito ka?!"
"Oo, alam nila," pagsisinungaling ko. Dahil kung sasabihin kong hindi, baka wala akong mapala sa kanya.
Nagulat siya. "A-alam nila?"
"Yup." Sumilip ako sa loob ng apartment niya, wala akong nakikita na kasama niya. "Can we talk?"
Zed still hesitated before nodding. He opened the door to let me in. Pumasok naman ako dahil nasa labas lang si Miko. Isang sigaw ko lang, alam ko na tatadyakan niya agad ang pinto, kaya malakas ang loob ko.
Hindi rin naman siya mukhang salbahe. In fact, kuhang-kuha ni Zed ang pagiging kalmado ni Daddy. Lalo tuloy nagsikip ang dibdib ko.
Maliit lang ang inuupahan ni Zed. Walang sariling banyo pero may maliit na lababo. Ang gamit ay iilan lang, isang single bed, isang stand fan, at isang Orocan. Walang appliances maliban sa rice cooker. May uniform na pang crew ng Chowking na naka-hanger sa pader.
"Bakit ka pumunta rito, Zandra? Bakit ka pinayagan ng mga magulang mo na pumunta rito?"
"I found out about you, and they were left with no choice but to tell me the truth. But not the entire details. They probably couldn't tell me everything, so they just agreed when I said I'd see you."
Ang itsura ni Zed ay mukhang mabait, mukhang hindi makikialam sa usaping pamilya namin, kaya kailangan ko itong gawin.
Matagal pa siya na napatitig sa akin, na tila inaarok kung totoo ba ang aking sinasabi. "Wala naman akong balak guluhin ang pamilya niyo. Puwede namang hindi ko na kitain si Papa. Pero papa ko rin siya."
Kumuyom ang mga palad ko. Nakuha ko na ang sagot na aking hinahanap, at ang hirap matanggap.
"Habang nasa amin si Daddy, hindi ka niya pinabayaan..." Hindi iyon tanong, kusa lang lumabas sa mga labi ko.
"Hindi man kalakihan at hindi man regular, pero at least hindi siya nakakalimot magsustento kapag meron siya. Alam ko rin na nagiging dahilan iyon ng pag-aaway nila ng mommy mo, pero wag kang mag-alala, huli naman na ito. Paalis na ako papuntang Canada."
"Uuwi na ako. Thank you for your time." Tinungo ko na ang pinto habang pigil-pigil ang mga luha.
"Zandra," tawag ni Zed sa akin.
Hindi ako lumingon.
"Salamat sa pagbisita..."
Tumango ako at wala pa ring lingon na lumabas na ng pinto. Nakita ko si Miko sa may hagdan ng apartment na nagbi-vape. Napapalibutan siya ng matamis na usok kaya para siyang anghel doon na nagliliwanag. Pagkakita sa akin ay napatay niya agad iyon sabay tago sa kanyang bag.
Tuloy-tuloy na ako sa pagbaba. Sumunod naman siya. Walang tanong. Walang pag-uusisa. Ayos iyon, dahil ayaw ko ring magsalita. Hindi ko pa kaya. Hanggang makasakay kami ng pedicab papunta sa labasan ay wala akong narinig sa kanya.
Nakasakay na kami ng baby bus pabalik ng Cavite nang marinig ko ang mababa at mahinang boses niya. "Ayos ka lang?"
"To be honest, I don't know," sagot ko naman. Hindi ko talaga alam kung ayos lang ba ako o ano. Nalaman ko na ang aking gustong malaman, pero parang ayaw pa ring tanggapin ng isip ko.
It was just a blessing that I could be real in front of Miko. Kaya kahit nagsisisinghot ako buong biyahe pa-Tejero ay wala siyang paki. Inabutan niya lang ako ng panyo nang sa tingin niya ay puwede nang mapiga ang panyo ko dahil basang-basa na ng luha.
Naghiwalay na kami ni Miko pagdating ng Malabon. Inihatid niya rin muna ako sa pila ng tricycle papuntang Pinagtipunan bago siya pumunta sa pila ng pa-Bacao. Ginulo niya ang buhok. "Ge, ingat."
May pagtutol na umahon sa dibdib ko nang makita siyang naglalakad na paalis. Parang ayaw ko pang umuwi, parang ayaw ko pa siyang pauwiin, pero nakaandar na ang aking sinasakyan. Malungkot na napasandal na lang ako sa sandalan.
Nang makauwi sa amin ay wala akong nadatnan. Wala iyong perpekto kong mga magulang. Ito rin ang unang pagkakataon na umuwi ako na madilim ang sala, walang sumalubong sa akin, at higit sa lahat, makalat.
Wala sina Mommy at Daddy. Baka hinahanap ako, o baka nasa resto bar namin. Ewan ko. Ayaw kong isipin. Ayaw ko pa rin sila munang harapin.
Sa wall clock ay 11:00 a.m. ang oras. Nagmamadali akong pumanhik sa kuwarto ko. Uunahan ko sila bago sila dumating. Naligo ako ulit at nagbihis ng uniform. Papasok ako kahit half-day lang!
12:24 ako nakarating sa school. Hindi pa simula ang klase sa tanghali. Hindi ko alam kung pumasok din ng half-day si Miko, pero sana nga ay pumasok siya. Kahit magkasama lang kami buong araw kahapon at kanina, gusto ko ulit sana siyang makita...
Pumunta ako sa room para ilagay muna roon ang bag ko, tapos ay hahanapin ko na si Miko. Sana talaga pumasok din siya. Hindi pa rin pala kasi ako nakakapagpasalamat sa kanya.
Nagulat si Faye pagpasok ko sa pinto. Katatapos niya lang kumain ng lunch at ibinabalik pa lang ang lunch box sa bag. "Bakit ka absent kanina, Zandra?"
"May pinuntahan lang." Paglagay ng bag sa upuan ay nagsuklay ako. Nagmamadali ang kilos ko. Habang nagsusuklay ay sinasabayan ko pa ng pananalamin.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo, patay kasi ang phone mo tapos di ka rin nag online kagabi." Nagsasalita si Faye pero wala sa kanya ang atensyon ko. Ang nasa isip ko ay sana pumasok din si Miko.
Ang kaso, baka hindi. Baka tinamad na. I-text ko kaya? May more than thirty minutes pa siya. Makakahabol pa siya kung sakali mang nasa kanila pa siya.
"Anyway, Zandra..." Hindi pa pala tapos si Faye sa pagsasalita. "Uhm, di ko rin pala nakita iyong guy na palagi mong kasama sa bench. Absent din ba siya?"
Doon ako napatingin kay Faye. Bakit niya itinatanong?
Napanguso si Faye nang kunutan ko siya ng noo. "I'm just asking. Napansin ko lang na wala siya sa bench, e di ba doon siya madalas tumambay?"
"Hindi ko alam," masungit kong sabi.
Hindi naman na nagsalita si Faye. Nagbasa-basa na siya ng libro na next subject namin sa hapon, pero nang tumalikod ako ay ramdam ko ang pag-angat ng mukha niya at paghabol sa akin ng kanyang mga mata.
Hindi ko na inintindi si Faye. Mabibilis ang hakbang ko. Paglabas ko ng building ng Grade 12 ay sa bench agad ang aking deretso. Ang balak ko ay pupunta ako sa Grade 11 building, pero hindi na pala kailangan. Nangislap ang aking mga mata dahil sa natatanaw na lalaking ngayon ay nasa bench nakaupo.
Si Miko! Naka-uniform siya! Pumasok siya!
Kasama niya si Isaiah. Nagse-cell phone sila habang magkatabi. Ang lawak ng pahabang batong bech na magkaharap, pero nagigitgitan sila. Parang may pakpak naman ang mga paa ko nang humakbang papunta sa kanila.
"Hi, boys!" bati ko pero ang aking mga mata ay nakatuon kay Miko.
Tumaas lang pareho ang mga kaliwang kilay nila at tumango. Pagkatapos ay patuloy pa rin sila sa paglalaro. Ni hindi siya tumingin sa akin. Ah, kasi nga naglalaro.
"Tangina, dapa na naman!" paungol na reklamo niya.
He cursed, but it was okay.
Kailan ba aalis si Isaiah? Kailan ko masosolo si Miko? Baka may sasabihin kasi siya sa akin, pero hindi niya masabi dahil nandito ang kaibigan niya.
Dumaan si Asher kasama si Lai. Tinawag ito ni Isaiah. "Boi, tara laro!"
"Kayo na lang," tanggi ni Asher saka sumunod na sa nauunang si Lai. "Good luck, mga hinayupak!"
Naupo na ako sa harapan nila. Nakay Miko pa rin ang aking atensyon ko. "Miko, pumasok ka pala," sabi ko sa tono na maliit at pa-girl, at hindi katulad ng madalas kong gamiting tono sa kanya na kung hindi pasuplada ay pasinghal.
"Oo," sagot naman niya habang tutok na tutok pa rin sa screen ng kanyang phone.
Napangiti naman ako na akala mo ay dinaanan ako ng kung anong hangin. "Ah, ano pala ang sabi ng mommy mo pag-uwi mo?"
Si Isaiah naman ay napatingin na sa akin. Obvious na obvious ang nasa ekspresyon nito. Gulat kung bakit ang bait ko kay Miko.
Sumagot naman sa tanong ko si Miko. "Wala si Mommy, nasa duty. Lola ko lang nasa amin."
"Ah, owwkay. Nag-lunch ka ba muna bago ka pumasok—"
"Shuta, patay!" biglang sigaw niya. Nakasimangot siya na tumigin sa akin. "Ano ba iyon? Mamaya na kasi, napatay tuloy ako e!"
"Ha?" Natigilan ako. Nagalit ba siya? "O-okay, I'm sorry."
Si Isaiah na palipat-lipat sa amin ng tingin habang nakataas ang isang kilay ay napasipol.
Naglaro ulit sila. Sa buong sandali ay nakatingin lang naman ako kay Miko. Sa bawat pagsasalubong ng makakapak na kilay niya, pagtaas ng sulok ng mapupulang labi, at ang minsanang pagsimangot.
Malapit na rin ang bell kaya tinapos na nila ang paglalaro. Napapalatak siya. "Bitin, pota!"
May dumaan na girls. Iyong isa sa mga ito ay binati si Miko. "Hi, Michael Jonas!"
Kumaway naman siya.
Huminto tuloy iyong girl. "Uhm, break na raw kayo ng ate ko last week? Call po kita maya?"
Pigil ko naman ang paghinga sa paghihintay ng isasagot niya, at nakita ko ang pagtango niya rito. What? Did he just agree? And he did that in front of me?!
Hanggang sa nakaalis na iyong girl ay nakatanga pa rin ako. Litong-lito. Nang mapatingin siya sa akin ay ngumisi ang mga labi niya. "Diyan ka pa pala? Magbi-bell na, gagi!"
Why was he talking to me like this? And why was he still treating me like this?!
Nagpaalam naman na si Isaiah, "Za, una na kami."
Si Miko ay dinakma ang ulo ko. "Oy, sibat na kami. Bumalik ka na rin sa room mo. Wala si Arkanghel ngayon kaya wag mo na hintayin. Absent."
"May LBM daw siya," ani Isaiah.
Nakangisi pa rin si Miko sa akin. "Oo, dalawin mo na lang sa kanila mamaya. Dalhan mo ng saging."
Pagkatapos ay nagkatawanan sila ni Isaiah. Tuwang-tuwa pa na may LBM si Arkanghel. Habang paalis sila ay tigagal ako na nakahabol sa kanila ng tingin.
Nakangiti pa rin si Miko habang kaharutan si Isaiah sa paglalakad. Dinakot nito ang puwet niya tapos napaungol siya. Pagkuwa'y magkaakbay na silang umalis na parang mga tanga.
Ako ay nakahabol pa rin ng tingin. Kahit malabo na ay iniisip ko pa rin na baka lumingon si Miko. Pero wala. Walang lingon kahit isa.
And that was when I realized something. That I was just hoping for nothing. Dahil ganoon pa rin si Miko. Walang nagbago. Sa akin lang may nagbago...
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro