Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Final Chapter

THIS WAS LONG OVERDUE.


Suot ko ang singsing nang alalayan ako ni Asher na bumaba sa kotse. Nasa garahe na kami ng bahay nila sa Buenavista. Hinalikan niya ako sa noo. "Come on, Lai. Umuwi na tayo kay Bobbie."


Namumugto sa luha ang mga mata na tumango ako. Inalalayan niya ako hanggang sa pagpasok sa loob ng bahay. Hindi na kami nagbukas pa ng ilaw dahil lumalagos naman ang liwanag mula sa salamin na bintana ng sala.


Nauna akong pumunta sa kuwarto habang si Bobbie ay kinuha ni Asher mula sa kuwarto ng nanay at tatay niya. Karga-karga niya ang bata pagbalik. Maingat niya itong ihiniga sa kama. Maingat din na kinumutan at inayos pagkakahiga.


Hawak pa rin ni Asher ang isang kamay ko habang malamlam ang mga mata niya na nakatunghay sa natutulog na bata sa kama. "Lai, I'm sorry that I left you to deal with everything alone."


Tiningala ko siya. "Since you brought up the past, why don't we continue talking about it now?"


Gusto kong maintindihan kung bakit bigla niya akong iniwan. Iyon iyong bagay na gusto kong malaman pero dahil sa takot ay iniiwasan ko naman.


"Ang sabi mo, hindi ka nagalit sa akin. Pero umalis ka pa rin."


"Because I had to." He helped me to sit on the edge of the bed then he knelt in front of me while holding both of my hands. "Kailangan kong umalis kahit pa sobrang sakit mong iwan."


Nakayuko siya sa mga kamay ko na hawak-hawak niya habang mahina ang boses na bahagyang maaligasgas.


"I had to leave while I still could. Kahit pa parang hinihila ko na lang ang isang paa ko makaalis lang. Hanggang kaya kong iwasan ang mga mata mo, bago ka pang may masabi na kahit ano, dapat makaalis na agad ako."


"B-bakit?"


"Kailangan ko nang umalis kasi kung hindi ko gagawin, anong buhay ang maibibigay ko sa 'yo? Hindi pa sapat ang ipon ko, hindi ko pa natutupad ang mga pinangako ko noon sa 'yo, at sa mama mo..."


Nagulat ako. "Kay Mama?"


Tumango si Asher. "Noong unang alis niyo papuntang Manila, pumunta ako. Alas tres ng madaling araw, pumunta ako sa inyo." Napailing siya habang nakayuko. "Ah, no. Alas dos pala. Nasa labas niyo na ako. 'Di ba, ang tigas ng ulo ko?"


Umawang ang mga labi ko. Iyon iyong sinaktan ko siya at iniwan sa Buenavista, pero pumunta pa rin siya?!


"Naabutan ko ang mama mo na nakatulala sa dilim. Nandoon siya sa gate niyo. Nang makita niya ako ay tinawag niya ako. Sinabi niya na aalis na nga raw kayo. Na ilalayo ka na nga niya sa tunay na pamilya mo. Na ikaw na lang ang meron siya, kaya sana pabayaan na rin kita sa kanya."



Nanginig ang mga kamay ko na hawak-hawak niya.


"Pero ayaw ko, Lai. Tumutol ako kahit nagalit pa ang mama mo. Sabi ko, hindi tayo okay, kaya hindi ka puwedeng umalis. I even knelt in front of her to stop her from taking you to Manila. She was angry at first, but in the end, she hugged me.



Your mother said she admired my determination. She said it's fine with her if you end up with me, but before she give me her blessing, I have to promise her something. That I should make myself worthy of you. And I agreed with her. I must give you a comfortable life, one free of worries and suffering. Because you deserve it. Because you deserve nothing but the best in this life."


Pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam na may ganoon silang usapan ni Mama noon.


"So, while you were away, I worked hard to obtain all I have now, so that when we meet again, I can offer it all to you. I can finally give you everything."


Tumingala siya sa akin, basa na ng luha ang magagandang mga mata.


"But then you came back during the time that I still didn't have enough. I did not want my plans to be shaken if we met again, so I tried to avoid you. Umiwas ako kasi alam kong hindi kita matitiis. Iyong pambabalewala mo sa akin noon, ay kahit malaking tulong para mas mapadali ang pag-iwas ko sa 'yo, ay sa huli'y kinaasaran ko. Kasi bakit balewala ako sa 'yo? Talaga bang ayaw mo na? Na as if papayag ako?"


Iyon iyong galit na nakikita ko noon sa mga mata niya? Dahil sa pambabalewala ko sa kanya? Not because he hated me?


"Inisip ko na lang noon na okay na siguro na ganoon ka sa akin, para hindi ako mahirapan na umalis. Ang kaso, Lai, tumitingin-tingin ka na naman sa akin. Tumitingin ka na naman sa akin nang malagkit."


Nakagat ko ang aking ibabang labi.


"Naaasar ako kasi hirap na akong titiisin ka kapag malamig ka, lalo na lang kapag mainit."


Doon na nga may nangyari sa amin nang sunod-sunod.


"Pero umalis ka nang walang pasabi..." mapait kong bitiw.


"Because I got scared. Paano pag sinabi ko sa 'yo tapos pigilan mo ako?" Humina lalo ang boses niya. "Lai, alam mong magpapapigil ako sa 'yo."


Muli na naman na tumulo ang mga luha ko.


"I was leaving the next day, but I couldn't stand not seeing you for the last time. It was midnight when I went to your house. Maniwala ka man sa hindi, hindi rin iyon ang una at huling balik ko na hindi mo alam. At hindi ako basta umalis lang. I left you a note telling you to wait for me and I made sure that your aunt would tell you about my departure. But you didn't receive any of that because you disappeared the instant you learned I had left."


Panay ang tulo ng luha ko habang nakikinig. Buong gabi na yatang mamamaga ang mga mata ko.


"Pagsampa na pagsama ko niyon, sa unang bansa na dinaungan namin, sinubukan agad kitang contact-in, pero wala na ang mga social media mo. Kahit sa email ay nagba-bounce na iyong mga mails ko. Kabadong-kabado na ako. Gustong-gusto ko nang umuwi, Lai. Kung puwede lang, tatalon na ako sa dagat para makauwi agad.


Iyong alis ko na iyon noon, apat hanggang limang buwan lang naman. Sa pagbalik ko ulit, sasabihin ko na dapat lahat sa 'yo. Even though I still have not enough that time, bahala na, basta I will never be separated from you anymore. But when I returned, you were already gone."


Iyon iyong umalis na ako papuntang Manila. Gulong-gulo ang isip ko, wasak na wasak ako, na kahit kay Tita Judy ay hindi ako nagsabi.


"I begged my older brother and your aunt to look for you, but they couldn't find you anywhere. Pagbabang-pagbaba ko, ako naman ang naghanap sa 'yo. Sa tuwing bababa ako at sasampa, ikaw iyong inaalala ko. At sa tuwing nanghihina ako, iniisip ko na lang na iyon ang parusa mo sa akin kaya dapat kong tanggapin. Nagsikap na lang ako at nagpakatatag, para kapag hindi ka na galit, ay may maihahandog na ako sa 'yo. At sa pagkakataong iyon ay may karapatan na rin ako na i-pursue ka, kasi natupad ko na iyong pangako ko sa 'yo at pati na rin si mama mo."


Yumakap na ako sa kanya habang umiiyak.


Mahina siyang tumawa. "Si baby maiipit." Lumayo siya pero kaunti lang. Pinagdikit niya ang mga noo namin. Kung umiiyak ako ay umiiyak din siya.


Hinaplos ko ang kanyang pisngi. The reason of these tears... was me. And these precious tears were enough to make me forget all the pain and suffering.


"Lai I'm sorry for everything..."


Tumango ako habang nakangiti. I would stop pretending that I couldn't see his sincerity. It was finally time to give in. "Asher, magpahinga na tayo. Magpapahinga na tayo..."


Tumango siya at hinalikan ako muli sa noo. Katabi namin si Bobbie na natulog na may ngiti sa mga labi. Pahinga... Yes, this was the 'rest' we needed. After hiding and catching our feelings for a long time, we were finally back in each other's arms...





ANONG ORAS NA KAMI NAGISING.


Wala sina Nanay Ason at Tatay Jacobo. Maagang umalis papunta sa airpot dahil may a-attend-an na kasal sa probinsiya. Dalawang linggo raw na mawawala dahil deretso bakasyon na. Pero may bilin na pag uwi nila, ay dapat ang kasal daw namin ni Asher ay may petsa na.


Dahil wala nga ang mga may ari ng bahay ay balak pa sana naming magtagal sa kama kasaba si Bobbie, kaya lang ay kinatok kami ng isa sa mga kuya ni Asher. Si Amos na magkasalubong ang mga kilay habang tabingi ang suot na salamin sa mga mata. Meron daw kaming bisita sa ibaba.


Napilitan tuloy kaming bumangon ni Asher. Iniwan muna namin ang natutulog pang si Bobbie sa kama. Pagbaba ay hindi ko inaasahan ang makikita.


"MY BETTER HALF!"


Napanganga ako nang ang madatnan sa sala ng mga Prudente ay si Renesmee Althea V. Estrada o Renren. Nakatayo roon ang babae at sa tabi niya ay isang malaking pink na maleta!


"Anong ginagawa mo rito?!"


Umamo bigla ang mukha ng babae. "Lai, I am not here to cause trouble or something. I am here because I have nowhere to go. Lumayas na ako sa amin."


Nagkatinginan kami ni Asher.


"Lai, I know you hate me. I've done a lot of bad things that cannot be forgiven, and I understand if you do not forgive me. But please, have mercy on me just this once. You know that I have no other friends other than you. I don't even know anyone, even at my previous work. As in nothing. In short, I have no one to run to."


Kumibot ang sentido ko. "So anong ibig mong sabihin?"


"Uhm, what I am trying to say is..." Napayuko siya at saka ako sinilip pailalim. "Can I stay here with you for the meantime?"


"Ano?!" Sabay pa yata kami ni Asher. At ang pababa sa hagdan na si Amos ay muntik pang madulas mula sa itaas.


"Lai, listen first!" maagap na sabi ni Renren. "Wala akong balak magtagal, okay? Hanggang sa makabuwelo lang ako at makahanap ng tutuluyan ko. I swear, I will behave. Hindi ako manggugulo. Ni hindi mo ako mararamdaman. If you like, I can pretend as a mumu! Kahit saan ako ay okay lang! Puwede rin ako kahit sa kulungan ng aso niyo!"


Napahawak ako sa aking ulo na biglang nanakit. Si Asher naman ay nakahalukipkip habang masusing nakatingin kay Renren. Si Amos naman sa itaas ay biglang naglaho. Umatras ang mga paa pabalik yata sa kuwarto nito.


Abnoy ito si Renren at hindi ko pa ito napapatawad sa ginawa nito, pero hindi ko rin naman ito puwedeng pabayaan. Bukod sa may utang na loob pa rin ako rito, ay hindi naman ako ganoon kasama para hayaan itong magpagala-gala sa daan. Baka mapaano pa ito dahil bukod sa abnoy nga, ay wala talaga itong ibang kaibigan at wala ring kaalam-alam sa mundo.


Hindi nga lang ito puwede rito kina Asher, dahil hindi ko naman ito bahay. Bumuga ako ng hangin. "Walang tao sa bahay sa Sunterra, puwede ka roon—"


"No," sabi ni Asher na ikinagulat ko. "She can stay here."


"What?" Napatingala ako sa kanya.


Yumuko naman siya para bulungan ako. "Mas mabuti nang nandito iyan para mabantayan natin kilos, kaysa mag-isa iyan sa Sunterra. Baka mamaya ay maisipan pang mag-ritwal doon at gayumahin ka."


Tiningnan ko si Renren. Parang maamong tuta ang babae habang nakatingin sa amin. "I swear, I am just desperate to have a place to stay... I have no hidden agenda..."


"Basta, saglit ka lang dito," sumusukong sabi ko. Nakapagdesisyon na si Asher, at feel ko lang na sundin ang desisyon niya. Hinarap ko si Renren. "Basta siguraduhin mo lang na wala kang gagawing kalokohan. At aalis ka agad bago pa bumalik ang mga magulang nina Asher."


Nangislap ang mga mata ni Renren sa tuwa. "Yes! Thank you, Lai!" She was about to hug me but Asher's big hand blocked her forehead.


"Oops! There are rules that you have to abide by if you really want to stay here. Unang-una, bawal kang lumapit at hanggang tingin ka lang kay Lai!"


Napasimangot si Renren. "And what is the second rule?"


"Iyon ulit."


"The third?"


"Iyon din ulit." Inakbayan ako ni Asher. "Kapag lumabag ka sa batas, doon ka pupulutin sa labas."


Lumabi na lang si Renren at malungkot na tumingin sa akin. Hindi naman ito sa kulungan ng aso pinagkuwarto ni Asher, kundi doon sa kuwarto sa rooftop. Doon muna ito pansamantala. Pero ang ititira nito rito ay bibilangin para kapag may trabaho na ito ay babayaran nito. At kailangan din nitong makisama habang naririto. In short, sa ayaw nito at sa gusto ay sa gawaing bahay ay dapat na tutulong ito!


Good luck, Ren. Good luck!





RENESMEE WAS NOT THE LAST UNWANTED VISITOR. Kinagabihan ay may isa pang bisita ang humabol. Si Rio. Nakalabas na pala sa ospital. He was just standing outside and didn't seem to have any intention of even ringing the doorbell.


Hindi ko pa malalaman na naroon siya. Si Renren lang ang nagsabi sa akin. Pumuslit ang babae papasok sa kuwarto habang si Asher ay nasa baba at naliligo. Nakita niya raw ang kuya niya sa labas pero hindi siya nagpakita rito.


"Are you going to talk to him?" tanong sa akin ni Renren. Nananantiya ang tono pero ang hirap seryosohin dahil naka-all-pink mula headband, partnered pajamas, at house slippers, tapos may suot pang Hello Kitty beauty facemask.


"Should I?" balik ko ng tanong sa kanya. Nakaupo sa ako gilid ng kama dahil kapapatulog ko lang kay Bobbie at hindi pa bumabalik si Asher.


"Uhm..." Napayuko si Renren at nilaro ang sariling mga daliri. "Though I don't like my brother for you, I must admit how crazy he is about you..."


Napabuga ako ng hangin at saka tumayo. "All right. Bantayan mo muna si Bobbie. Paglabas ni Asher ay sabihin mo na nasa labas ako." Iniwan ko na siya nang hindi tinitingnan ang reaksyon niya.


Lumabas ako at pinuntahan si Rio na nakatayo sa tabi ng poste na walang ilaw. Nakatayo lang talaga roon ang lalaki habang tahimik na nakayuko. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay gulat na napatingin siya sa akin.


Humakbang ako palapit habang nananatiling blangko ang reaksyon. Kahit naman may kalayuan kami sa may sinding lamppost ay nakita ko kung paano umalon nang ilang ulit ang lalamunan niya.


"L-Lai..." Muling napayuko siya. "H-hindi ako pumunta rito para manggulo... Maniwala ka..."


Humalukipkip ako sa ibabaw ng malaking tiyan ko. Stressed na stressed na ang baby ko, baka lumabas na itong nakasimangot, kaya ayaw ko nang mag-extert ng emosyon ngayon.


"Uh, I just want to... Uh..." Hindi matumbok ni Rio ang sasabihin. "I just want to... tell you that I am leaving soon..."


Tumaas ang isang kilay ko.


"Nag-email na sa akin ang agency ko. Babalik na ako sa ibang bansa. Next month na iyong alis ko. Alam ko na hindi importante na malaman mo, p-pero kasi... I still want to say goodbye to you."


"Goodbye? Weh?"


"Y-yes..." piyok ang boses na sagot niya. "After much thinking, I believe this is the best option right now. This is the best that I can give you. I don't want to interfere with your happiness. You're so happy, Lai. You're so happy and this is the first time I've seen you like this. I don't want to ruin that happiness... so I am leaving."


Nag-angat siya ng paningin. Ang mga mata niya na kanina'y mailap ay puno na ng luha na pinipigilan niyang bumagsak.


"You said this is not love but an obsession. But I don't think so. Because if this is an obsession, there's no way that I will let you go. I care about your happiness more than anything else. So, please... Please, Lai, make sure to be happy. Make sure to keep this happiness..."


Nanginginig siya sa pag-iyak at hindi natatakot na ipakita sa akin kung gaano siya kahina. But, believe it or not, this was the first time I could finally say Rio had matured.


"Lai, make sure that you will finally live a happy life that is free of worries, hatred, and pain, the life that I had been dreaming to give you. Make sure you'll live that kind of life so that I can finally let go of my feelings for you."


Tumango at doon na maliit na ngumiti. "I will try."


Kahit luhaan ay napangiti na rin si Rio. "T-thank you..." Yumuko siya sa akin. "Thank you, Lai... For giving me the chance of encountering you in this life."


Pagkasabi ay tumalikod na siya. Nagsimula na siyang maglakad paalis. Nakatanaw ako sa kanya habang unti-unti na siyang nawawala sa aking paningin. Ha, I guess it would be a while before I see him again.


Ang tungkol kay Rio ay tuluyan nang nagsara. The same applies to my biological family. Did this mean I was finally free? Ang sagot sa tanong ko ay pagyakap mula sa aking likuran ng matitigas na braso.


"Found you."


Kahit hindi ako lumingon ay alam ko at kilala siya ng puso ko. Palagi. Hindi magbabago.


The man I resented so much, yet still loved despite everything.


Ah, the irony. To love and to hate at the same time...


Sa gitna ng madilim na kalsada, sa street kung saan ko rin siya noon inabandona, kung saan din niya ako tinalikuran, at kung saan ko rin nalaman na umalis siya. Naririto ulit kami.


"The Lai you loved before was bold, pretentious, and would do anything just to keep you by her side. But the Lai you are with now, the real Lai is like this, gloomy, weak, and with many fears and insecurities."


Wala siyang imik na nakayakap lang sa akin. Ang mabangong amoy niya ay hinihibang ang ako.


"Asher, bukod sa tunay na Lai, marami na ring nagbago sa akin. Mga pagbabago na dulot ng mga pinagdaanan ko sa buhay. What if, instead of making you happy, I pass on my misery to you?"


"Do you think I will be disheartened after hearing that? Not a chance."


Napakurap ako nang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "P-pero iba na ako..."


"The Lai in the past and the Lai now. I love both."


Napahikbi ako.


Masuyong hinalikan niya ako sa ulo. "I knew the moment I saw you, that you were going to make me crazy..."


Ang mga hikbi ko ay naging sunod-sunod na.


"And I was right. You really made me crazy." Masuyong tumaas ang mga kamay niya sa braso ko at saka siya yumuko para masuyo akong bulungan. "So Lai, can you look at the man who lives and breathes solely for you?"


Nang lumingon ako sa kanya ay hindi agad ako makatingin sa kanyang mukha dahil sa hiya, pero ang mga daliri niya ay marahang humawak sa aking baba. When I glanced up at him, I caught his gaze which seemed to penetrate my soul.


"Lai, I don't care about how much misery I'll go through. I'll go through anything just to be with you. And you can do anything to me. Whether you trample me or destroy me, it's fine. As long that it's you."


"Okay," sabi ko na tumatango habang tumutulo ang mga luha. "Okay, basta pinaalalahanan na kita. Binalaan na kita kaya walang sisihan. Bago ka pa mabaliw sa akin, matagal na akong baliw. Pag-usapan na natin ang petsa, motif, pati ang menu. No more backing out. You are mine forever."


Malawak siyang napangisi. "I love you, too, crazy woman of mine."


Napangisi na rin ako at yumapos sa kanya. Dito sa street na ito, sa street kung saan ilang ulit kaming nagkasabay noon, kung saan naging kami, kung saan din kami ilang ulit na naghiwalay, dito ulit sa street na ito kami nagbabalik. Dito ko na rin pinakakawalan ngayon lahat-lahat.


So what kung may mga dumaraan na at napapatingin sa amin? We'd gone through a lot and wasted too much time to think about what others had to say.


Iyong klase ng pag-ibig na meron kami para sa isa't isa ay hindi man perpekto sa paningin ng iba ay perperkto para sa aming dalawa. At basta masaya kami, buo ang aming pamilya, at wala kaming natatapakang ibang tao, ay wala nang iba pang mas mahalaga.


Yeah, we may have a weird kind of love, but it works for us.


Kaya sa mga nagdaraan na nagtataka sa amin, kinikilig, at nahihiwagaan, oh, sorry but we were both crazy for each other to give a damn!

UP NEXT IS THE EPILOGUE
#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro