Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

#SB5

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Start date: September 27, 2023
End date:

----------------------------------

ANG DAMING PAGBABAGO. Ganoon siguro talaga kapag nagkaka-edad ang isang tao. Nagbabago hindi lang ang pisikal na anyo, kundi pati pagkilos at pananaw. Hinuhubog ang isang tao ng kanyang mga pinagdadaanan at karanasan, kaya walang tao na maari mong husgahan sa kung sino man siya at ano man ang nagawa niya sa nakaraan.


Naglalakbay ang diwa ko. Iniisip iyong mga nagawa ko, kung bakit ko nga ba nagawa? At kung anong klaseng isip ba noon ang meron ako?


"Wala pa ba ang boyfriend mo?" boses ni Mama mula sa likuran ko ang pumukaw sa akin.


Tumingin ako sa labas ng sliding window. Madilim na. Hindi ko alam kung darating pa ba ang taong itinatanong sa akin ni Mama. Hindi ko naman magawang mag-follow up dahil wala naman akong number nito. Sa chat naman ay ang last convo pa namin ay noong isang linggo.


Bagsak ang balikat na sumunod ako kay Mama sa dining. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang makitang masaya si Mama habang naghahanda ng mga plato—tatlong plato.


Napapitlag ako nang biglang tumunog ang doorbell. Sabay pa kami ni Mama na napatingin sa pinto. Habang si Mama ay malawak ang ngiti, ako naman ay tila magigiba ang dibdib sa kaba.


Si Mama ang nagbukas ng pinto. "Tutoy! Akala ko hindi ka na darating! Nagluto pa naman ako ng favorite mo!"


Tutoy... Iisang tao lang ang tinatawag ni Mama sa ganoong pangalan.


Nahugot ko ang aking paghinga nang mula sa pinto ay pumasok ang isang matangkad, moreno, at semi calbo na lalaki. Napakalinis tingnan sa suot na puting shirt at faded baston jeans. Ang makinis na mukha ay bahagyang pangahan, ang bridge ng matangos na ilong ay mataas, ang mga kilay ay itim na itim at makakapal, at ang mga labi ay maninipis at natural na mapupula.


"Laila, andito na ang boyfriend mo!" masayang baling sa akin ni Mama.


Napalunok ako nang tumingin sa akin ang guwapong lalaki. Ang ngiti sa mapulang mga labi niya para kay Mama kanina ay naging malamig nang magtama ang aming mga mata.


"H-hello..." Kahit halos hindi ko mahanap ang aking boses ay sinikap kong batiin siya.


Humakbang siya palapit sa akin at ganoon na lang ang pagsinghap ko nang halikan niya ako sa noo. "Hi." Maaligasgas ang buong-buo na boses niya.


Ang boses niya ay lalong lumaki at tumigas na halos hindi ko na makilala.


Niyaya na kami ni Mama sa dining. Nauna ang lalaki na sumunod habang ako ay naiwan sa kinatatayuan na tila isang tuod. Parang panaginip. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya.


Hindi nagbabago ang saya ni Mama nang nasa dining na. Masayang-masaya ito habang kumakain kami. Ngayon na lang ulit si Mama naging ganito. Marami itong kuwento, mga paulit-ulit na pangyayari na naganap noon.


Ang lalaki naman sa aking tabi ay panay ngiti at tango kay Mama. Nang maubos ang tubig sa baso ni Mama ay siya ang nagsasalin mula sa pitsel. Hindi siya nagbago; attentive at malambing pa rin siya sa mama ko.


Nag-beep ang phone ko. Wala sa sarili na basta ko lang tiningnan kung ano ang message na dumating.


Israel:

I miss you...


Hindi ko na makuhang i-reply ang text dahil sa mainit na mga mata na nakatingin mula sa gilid ko. Nang sulyapan ko siya ay nahuli ko ang sandaling pag-igting ng panga niya.


"Bakit ngayon ka lang ulit pumunta?" tanong ni Mama sa kanya. "Nag-away ba kayo ng anak ko? At ikaw, Lai. Ibaba mo ang phone mo. Nasa hapag kainan tayo."


Ibinaba ko naman ang phone.


Patuloy pa rin si Mama sa malumanay na pagsasalita. "Kahit mga bata pa kayo, matuto na kayong magbaba ng pride. Kung talagang mahal niyo ang isa't isa at ayaw niyang magkahiwalay, wag niyong patatagalin ang away. Kasi kapag tumatagal 'yan, mas nagiging malalim ang pagkakasira. Diyan na rin pumapasok ang mga tukso at mga maling desisyon sa buhay."


Pareho kaming walang kibo habang patuloy sa malumanay na pagsasalita si Mama.


"Ikaw ba Tutoy, wala bang umaaligid na babae sa 'yo? Baka naman kaya ka inaway ng anak ko dahil marami kang babae sa school niyo?"


"Malabo 'yan, Ma," sagot niya nagbigay ng lamig sa katawan ko. He was still calling my mother 'Mama'.


"Paanong malabo? E ang pogi, ang bait at ang lambing mo. Baka, wala kang kaalam-alam, meron na palang nababaliw sa 'yo."


Matagal bago siya sumagot. At nang sumagot ay pakiramdam ko'y tuluyan nang tumigil ang aking paghinga. "Meron nga, Ma."


Si Mama naman ay napanganga habang naghihintay ng kuwento mula sa kanya.


"May stalker ako." Kahit hindi ako tumingin ay alam ko na nakangiti siya habang nagsasalita. "Patay na patay sa akin mula pa elementary. Matalino itong stalker ko. Wala akong kamalay-malay, na kaya pala walang tumatagal na girls sa akin ay dahil may nangyayaring hokus-pokus sa likuran ko. Hanggang sa nanawa na lang ako at tinabangan na sa mga girls dahil pare-pareho lang naman nangyayari."


"Hala, ay sino 'yang stalker mo na 'yan?!" tumaas ang puno ng pag-aalalang boses ni Mama.


Halos magdugo na ang ibabang labi ko sa aking pagkakakagat.


Hinawakan naman niya si Mama sa kamay. "Okay na, Ma. Wala na. Tumigil na. Nakuha na ang gusto e."


Ang huling salita ay halos ako na lang ang nakarinig sa hina ng pagkakasabi niya... o sadyang sa akin niya lang talaga ipinarinig.


Bumalik na naman ang usapan sa mga pangyayari sa nakaraan. Lumalalim na ang gabi pero hindi pa rin maubusan ng kuwento si Mama. Habang nag-uusap sila ay inilabas ko ang aking phone. Mahirap nang tanghaliin ako ng gising bukas. May mga inuwi akong office works.


Matapos kumain ay nauna nang tumayo si Mama. "Anong oras na? Napasarap ang kuwentuhan natin, ah. May pasok pa kayo bukas sa eskwela. Di ba kapag late pa naman sa school niyo ay hindi na nagpapapasok ang guard."


Napatingin ang lalaki sa akin. Umiwas naman ako ng mga mata sa kanya.


Bumaling si Mama sa akin. "Laila, parang hindi ko yata nakita ang uniform mo? Hindi ko tuloy naplantsa kanina. Paano na iyan? Maaga pa naman ang pasok niyo bukas dahil may flag ceremony kayo tuwing Lunes."


"Ma, Saturday po ngayon..." mahinang sabi ko.


Napakamot si Mama ng ulo. "Sabado ba? Pero kanina ay pumasok ka, ah? Nakalimutan mo pa nga ang baon mo. Tapos inihatid ka nitong si Tutoy rito noong uwian niyo. Tumambay pa kayo sa veranda kanina dahil tinuruan mo pa siya sa assignment niya sa Math, di ba?"


Kumuyom ang mga palad ko.


"Teka, Tutoy!" Nilingon siya ni Mama. "Bakit pala hindi ka naka-uniform? Naka-uniform ka kanina nang ihatid mo si Laila, ah? Saka bakit parang tumangkad ka? Lumaki ang katawan mo at parang lalo ka yatang gumuwapo?"


Niyakap niya si Mama at hinalikan sa noo. "Thank you, Ma. Magaling po kasi mag-alaga ang anak niyo."


"Ah, ganoon ba? Basta wag na kayong mag-aaway, ha? Palagi mong ihahatid si Laila pagkatapos ng klase niyo sa school, ha?"


Hindi siya sumagot.


Tumikhim ako para sumabat sa kanila. "Oras na ng inom ng gamot ni Mama. Kailangan na rin niyang magpahinga."


Sabay naming inihatid si Mama sa kuwarto nito. Nang kami na lang dalawa ay namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin.


"S-salamat sa pagpunta," mahina at patag ang boses ko nang magsalita. "Malaking bagay ito para kay Mama..."


Tango lang ang sagot niya. Wala na ang gana, wala na ang ngiti at wala na rin ang kinang sa dating pilyong mga mata na noon ay palagi kong nakikita.


Humakbang na siya papunta sa pinto habang ako ay nakasunod para ihatid siya. Akmang ihahatid ko siya hanggang sa gate nang marinig ko ang malamig na boses niya. "Wag ka nang mag-abala."


Nakagat ko ang aking ibabang labi at marahang tumango. Humakbang na siya patungo sa gate. Hanggang sa sumakay na siya sa dala niyang owner ay hindi na siya lumingon sa akin. Saka ko lang pinakawalan ang isang mapait na ngiti nang wala na siya.


Napabuga ako ng hangin. Para pa din akong nananaginip. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumunta nga talaga siya ngayon dito. Matapos ang lahat ng nangyari sa nakaraan ay hindi ko na inaasahan na papaunlakan niya ang pakiusap ko.


Ang lalaking iyon pala ay walang iba kundi si Asher James Prudente—


Siya ang ex-boyfriend ko 6 years ago...


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro