Epilogue
SINO KA BA?
Nandito ka na naman.
Hangin na hindi nakikita, pero nararamdaman. Nagkukusot ako ng mga mata dahil inaantok pa, at sa nanlalabong aking paningin, naaaninag ko ang isang babaeng estudyanteng palaging nakatayo, ilang dipa mula sa aking puwesto.
Akala ko ay namamalik-mata lang ako. Pero nang isang beses ay sumubok ako. Kunwaring nagkusot muli ng mga mata, tapos pasimple akong dumilat nang kaunti, ay doon ko naaninag na naman siya. Pagdilat ko nga lang ay parang bula na naman siyang nawala.
Sa sumunod na araw na lutang na naman ako sa puyat dahil sa paglalaro sa computer shop, muntik na akong madapa. Kahit mamikit-mikit ay hindi nakaligtas sa akin ang isang pagsinghap. Nagpanggap ako na hindi iyon napansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. At sakto, natalisod naman ako sa bato. Pero hindi ako nasaktan, sa halip ay natuwa ako. Dahil napatunayan ko, hindi talaga siya isang guni-guni lang.
Hanggang sa nagkaroon na nga siya ng hulma sa gilid ng paningin ko. Palagi siyang nasa tabi-tabi. Noong una, akala ko nagkakataon lang, pero hindi.
At kailan nga ba lahat nagsimula? Tumaas ang gilid ng mga labi ko. Noong Grade 7 pa yata.
...................................................................................KAILAN KA BA LALAPIT?
"Hi, baby!" Yumapos sa braso ko ang isang babaeng estudyante. Ahead sa akin ng isang taon.
Sa aking gulat ay naitulak ko ito sa noo. Muntik tuloy itong mangudngod. Pero sino ba kasi ito?
Sumipol ang tropa kong si Miko. Pagtingin ko rito ay bumuka ang bibig nito. "GF mo, gago!"
Aw, girlfriend ko pala. Kahapon nga pala ay nagkaroon ako ng girlfriend. Pang ilan na ba? Panglima na yata. Panglima na akala ko ay siya na. Pero hindi pa rin pala.
Dahil kahit sino ang maging girlfriend ko, nararamdaman ko pa rin ang mga mata na nakatingin sa akin mula sa malayo. At sa tuwing pipikit ako at muling didilat, ay aking nababanaagan pa rin ang isang babaeng nakatayo ilang dipa mula sa kinatatayuan ko.
Minsan ay naiisip ko pa rin na baka nalipasan lang ako ng gutom sa kalalaro. Hanggang isang araw ay parang naging slow motion ang paligid ko. Sa unang beses na dumaan siya, sa wakas ay nakita ko na rin siya nang buo.
Isang babaeng estudyante na may maliit na mukha, mapusyaw ang balat, maiksi ang buhok, nakasuot ng makapal na salamin, at may suot na braces sa ngipin. Nag-e-exist siya. Totoong tao siya. At mula niyon, hindi na siya nawala pa sa paningin ko. Nakikita at nakikita ko na siya, kahit saan pa man siya pumuwesto at magtago.
Sa tuwing umaga na papasok ako, sa gilid ng aking mga mata ay aking makikita siya na papasok din sa gate kasunod ko. Sa bawat recess at breaktime, sa bench, sa canteen, o sa stage, naroon din siya ilang dipa lang sa akin ang layo.
Sa ibang direksyon nakatuon ang mga mata niya, pero sa tuwing hahakbang ako, simpleng susunod siya. Kung saan ako pupuwesto, ilang dipa mula sa akin ay doon siya makikita. Maglalabas ng phone, magsusuot ng earphones, at ibabato sa malayo ang paningin niya.
At kapag aalis na ako, bibilang lang ang ilang minuto, ititigil niya na ang ginagawa, at saka na rin tatayo.
Hindi lang sa may gate, sa bench, sa canteen, dahil minsan sa gilid ng aking paningin ay natitiyempuhan ko rin ang mga ilang beses na pagdaan niya sa room namin. Sa umpisa ay mahirap mapansin, pero basta maging listo ka sa pag-abang, matitiyempuhan at matitiyempuhan mo rin.
Kung normal na estudyanteng napaparaan, hindi siya mapapansin, hindi siya pag-aaksayahan kahit tapunan ng tingin, dahil may ganoon siyang aura na inilalabas; iyong kawalang gana niya sa paligid; kaya naman para lang siyang hangin na hindi talaga kapansin-pansin.
Hindi ka maghihinala dahil ang mga kilos ay normal, deretso ang tingin, pormal ang ekspresyon, pero kung magtatiyga ka sa pakikiramdam, mahuhuli at mahuhuli mo rin ang paglingon niya at simpleng pagsulyap.
Pero ang tanong na paulit-ulit, ay bakit ba ayaw niya pa rin sa aking lumapit?
...............................................................................NAKAKAINIS NA.
Tumingin ako sa aking bagong girlfriend. Nakalimutan ko na ang pangalan niya, pero basta girlfriend ko na raw siya. Kahapon naging kami. Bigla siyang sumabay sa akin sa paglalakad at dahil lutang na naman ako, hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. At noong tumango ako, ibig sabihin pala niyon ay kami na.
Mabait naman itong si Bia, Lia, Thea, o kung ano man ang pangalan niya. Basta mabait siya, maganda, at mas mahal niya raw ako kaysa sa parents niya.
Hindi lang siya ang ganito. Lahat ng naging girlfriend ko, lahat sila sinasabing mahal daw ako. Ang kaso, lahat sila ay mabibilis magbago. Nagiging mahigpit, mapaghinala, at naghahanap sa akin ng kung anu-ano. Mga bagay na clueless ako.
Ano ba kasi ang dapat na gawin ko? Mahal ko rin naman sila, e. Ganoon kasi ako, basta mahal ako, mahal ko rin. Gusto ko namang tumagal ang relasyon namin, ang kaso, sa tuwing nagkaka-girlfriend ako ay may maximum of two weeks lang palagi.
Ano ba talaga ang mali?
...................................................................................HANGGANG NALAMAN KO NA ANG SAGOT SA TANONG.
Dahil sa kanya. Dahil ayaw niya akong mapunta sa iba.
May ginagawa siya na akala niya ay hindi ko alam. Kapag maghihiwalay na kami ng kung sino mang GF ko, susundan niya ito. Pagkatapos niyon, bibilang na lang ako ng oras o minuto, totopakin na ang current GF ko, hanggang ang ending ay magbi-break na kami nito.
Pang lima, pang-anim, hanggang pangpito. Sa bawat maiiksing relasyon na natatapos sa pagwo-walk-out sa akin ng mga ito, hindi puwedeng wala siya sa gilid ng mga mata ko. Ang ekspresyon ay walang pakialam sa paligid, habang ang mga mata ay nakatingin sa malayo. Pero alam ko, naririto talaga siya para siguraduhin kung nagtagumpay ba siya.
Naiinis na talaga ako. Kung gusto niya talaga ako, bakit hindi siya sa akin lumalapit? Nakakabagot nang mag-abang at makiramdam lang. Siguro kung sasagarin ko ang pasensiya niya, baka sakaling doon ay wala na talaga siyang pagpipilian.
Bahala ka sa buhay mo. Ayaw mong lumapit, di ba? Di ko na alam ang trip mo, kaya bahala ka riyan. Tapos bigla siyang nadapa sa building namin. Tsk, lampa naman pala. "Hoy, ilan nahuli mong isda?"
Ano na naman kaya ang ginagawa nito rito? Inangat ko siya kasi ayaw tumingin. Iwas na iwas. Guilty na may kasalanan. Mukhang may ginawa na namang kalokohan.
Ayaw ko pa siyang bitiwan. Kaya nag-isip siya ng paraan. "Tingnan mo oh!" May itinuro siya. Iyong pang-uuto na pangtanga.
Pinigilan ko ang pagtaas ng sulok ng aking mga labi. Ah, ganito gusto mo? Sige, pagbibigyan ko. Tumingin naman ako sa itinuturo niya. At pagkatapos, bigla niya na alang akong itinulak. Lagapak ako sa lapag.
Ang sakit pota! Pag-angat ng mukha ko, nananakbo na siya palayo. "Hoy!" sigaw ko. Pero wala na. Ang bilis niya na parang may gulong sa mga paa. Iskamerrr!
Napaungol na lang ako at tumayo na. Nakapamewang ako habang nakatanaw sa dinaanan niya. Tsk, nakakabuwiset, pero bakit kaya nangingiti ang mga labi ko?
Cute. Ang cute niya. At iyon na ang simula ng tuluyan nang pagpapakilala niya sa mundo ko, kahit ang totoo, kilala ko na siya. Basa na sa akin ang papel niya. Pero ganito iyang trip niya, e. Nag-e-enjoy siya. Kaya sige lang, e di sakyan.
..........................................................................................SINGLE NA NAMAN PALA AKO.
Wala pa ulit ibang lumalapit. Wala pa ulit nagdedeklara sa akin ng instant relationship. Tamad na tamad ako sa buhay, nang may pumasok sa room namin na pamilyar na mukha. Ito si Marilou 'Lou' dela Cruz.
Nangislap ang aking mga mata pagkakita rito. Syempre, alam ko na isa ito sa mga kaklase niya. Ang lagay ba ay siya lang ang may alam sa akin, at ako ay wala? Mukha niya!
Cute itong si Lou. Hindi katulad ng ibang girls na kahit wala akong gawin, gusto na agad ako. Naaaliw ako rito. Siguro ay nakaka-relate na rin. May iba kasi itong gusto, pero hindi rin lumalapit dito. Unti-unti ay kahit walang pinag-uusapan, nauwi kami sa silent na kasunduan.
Palagi ko nang hinihintay si Lou tuwing pasukan, tapos hinahatid sa uwian. Okay naman ito, kahit halatang ginagamit lang ako. Ayos lang naman, kasi kung may nakikita man itong reaksyon sa lalaking talagang gusto nito, meron din akong nakikitang reaksyon sa babaeng simple kong minamatyagan.
Ngayon lang kumunot nang ganito ang noo niya, ngayon lang naglapat nang mariin ang mga labi niya, at ngayon ko lang din nakita ang pagkuyom ng mga palad niya. Ah, nice one. Katakot-takot na pag-summon ng lakas ang kailangan kong gawin upang walang maipakitang ekspresyon, kahit pa sa loob-loob ko, aliw na aliw ako.
Hanggang sa hindi na nga siya nakatiis. Nagpakita na rin ng motibo at dinaan ako sa bilis. O akala niya lang talaga na ako ang nadaan niya sa bilis.
Naging kami. At sa unang pagkakataon, na-enjoy ko ang pakikipagrelasyon.
...............................................................................GUSTO NI LAI ANG MUKHA KO KASI GUWAPO RAW AKO.
Kung gusto niya ang mukha ko, e di dapat ingatan ko ito. Bawal nang makipag-basag ulo, dahil baka mabangasan ako, malulungkot si Lai. Kaya mula noon ay palagi na akong may dalang salamin, para puwede kong maya't maya i-check ang mukha ko.
"Ang vain naman ng bebe namin," tukso sa akin ng isa sa tropa na si Miko.
Tumingin ako rito. "Anong masasabi mo sa mukha ko?"
"Hmn..." Napahimas ito sa baba. "Wala akong pangit na tropa kaya guwapo ka, pero mas guwapo syempre ako."
"Anong sabi mo?!" Uminit agad ang ulo ko. "Itong mukha ko, gusto ito ni Lai! Tapos sasabihin mo na mas guwapo ang mukha mo?!"
"Hoy, mga gago! Ano iyan?!" Dumating sina Isaiah at Arkanghel.
Kung hindi pa pumagitna sa amin ang dalawa ay babanatan ko na talaga si Miko. Kahit kailan ay bastos ang bunganga nito. Inis na iniwan ko na ang mga ito.
Narinig ko pa ang nakakairitang mga salita ni Miko bago ako tuluyang nakalayo. "Tarantado pota, anong nangyari doon? Nag-a-adik ba iyon?!"
Gusto ko pa sanang bumalik para sapakin ito, pero nakita kong dumaan si Lai. Sa isang iglap, nawala lahat ng bigat. Gumaan ang paligid at nakangiti na ulit ako. Nanakbo ako palapit sa kanya at nagpahimas agad ng ulo ko. Pagkatapos ay magkatabi na ulit kami sa bench na nagpalipas ng mga oras.
Bati ko na pala ulit si Miko. Niyaya ko ito na maupo sa bench. Nag-dirty finger ito sa akin, pero masaya pa rin ako. Humilig ako sa balikat ni Lai nang may ngiti sa mga labi ko.
...................................................................................................GUSTO KO PALAGING NAKIKITA SI LAI.
Gusto ko siyang laging kasama, kausap, at naaamoy ang pabango niya. Badtrip ako kapag wala siya. Kaya pagka-graduate niya, para akong inubusan ng saya. Nakangiti lang ako sa kanya pero pag wala na siya, madilim na ulit ang mukha ko. Madilim na ulit ang mundo.
Pati mga kuya ko ay nababanas na sa akin, may sayad na raw ako. Pero wala akong paki. Basta si Lai lang sa akin ang magpapangiti. Si Lai lang ang mundo ko. Kaya kahit bumalik si Lou, at sinasabi nitong ako na raw ang mahal at sana ay kami na lang, pinalayas ko. Panay pa rin ang punta, pero tinatakasan ko.
Kasi walang iba. Si Lai lang talaga. Na kahit anong gawin niya, pupurihin ko. Kahit anong sabihin niya, paniniwalaan ko. Kahit pa nitong mga nakaraan, alam kong ang mga lumalabas sa bibig niya ay puro na kasinungalingan. Meron siya sa aking itinatago.
Wala siyang alam, sinusundan ko siya. Hindi lang sa gusto kong malaman, kundi dahil sa nag-aalala ako sa kanya. Hindi siya talaga umuuwi agad sa boarding house niya sa Manila. Meron siyang pinupuntahan sa Bacao, na napag-alaman kong tunay niyang pamilya.
Ampon lang si Lai. Ngayon ay natagpuan niya na ang kanyang tunay na pinagmulan. Katulad ng mga ampon na napapanood sa TV, hindi naman lahat, subalit karamihan, nagsisimula na rin siyang malito kung saan ba talaga ang lugar niya sa mundo.
Isinisiksik niya roon ang sarili. Naniniwala siya na dahil iyon ang tunay niyang pamilya, baka doon talaga ang lugar niya. Sa tuwing pupunta siya, nasa likod niya ako. Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya, binabantayan siya, dahil ayaw ko siyang mapahamak.
Katulad ngayon, nasa tapat na naman ako ng kalsada ng nilalabasan niyang makitid na esikinita. Nakatungo ako, bahagyang nakayuko, at nakasombrelo habang umiinom ng Zesto.
Pagsakay niya ng tricycle ay doon lang din ako kumilos. Pumara din ako ng tricycle. "Kuya, pakisundan iyon!" turo ko kay Manong sa tricycle na sinasakyan ni Lai. Wala pang taxi rito e, kaya trike-trike muna.
Sinundan ko siya hanggang Tejero. Pagsakay niya ng mini bus pa-Baclaran ay saka ko siya tinawagan. Sumagot siya pagkatapos ng dalawang ring. [ Hello, Asher? Oo, kakauwi ko lang sa boarding house. Maghapon kasi ang klase at maraming ginawa, kaya hindi kita na-text kanina. ]
Ngumiti ako kahit pa may lungkot na namumuo sa dibdib ko. Sinagot ko siya sa boses na masigla. "Okay lang, basta magpahinga ka. Mahal kita."
Umandar na ang mini bus paalis ay nakatayo pa rin ako at tinatanaw siya.
Tsss, Lai. Mahirap kang mahalin at intindihin. Pero boring kasi buhay ko, kaya gusto ko talaga iyong nahihirapan ako. Kaya go, bring it on, baby!
..............................................................................................PERO, LAI, KAILAN KA BA MAGSASABI SA AKIN?
Hinihintay ko lang siya, pero mukhang wala talaga siyang balak. Okay lang. Kung saan siya komportable, okay lang talaga sa akin. Titiisin ko na lang iyong sakit. Sakit lang naman ito. Ang importante, masaya siya palagi.
Pero masaya ba talaga si Lai? Bakit parang hindi?
Umuwi ulit siya galing Manila. Mukhang pagod na pagod, malungkot ang mga mata, at nanginginig ang balikat. Nang matapos na niyang ayusin ang sarili ay saka lang ako lumapit sa kanya at nagpakita. Nakangiti na siya sa akin. Handa nang magpanggap na okay lang ang lahat.
Ako rin. Handa na ring magpanggap na hindi ko alam na hindi talaga siya okay. Handa na ring gawin ang lahat, para kahit paano, mapasaya ko siya at makalimutan niya kahit sandali ang kung ano mang nakakasakit sa kanya.
Lahat ng gusto niya, ginagawa ko. Lahat ng ayaw niya, iniiwasan ko. Pagdating sa kanya, daig ko pa ang maamong tuta.
Akala ko noon, mahalin ko siya nang sobra, hindi siya mawawala. Na walang magiging problema, basta intindihin ko lagi, sundin ko lagi, at wag akong magrereklamo. Pero sa huli, bibitiwan niya rin pala ako.
..............................................................................WALA NA SI LAI PERO NANDITO PA RIN AKO.
Ginawa ko lahat. Pero sa huli, iniwan niya rin ako. Ang sabi ko, hindi na ako magiging tanga, kaya ko naman iyon, e. Akala ko kasi cute ako kapag tanga, pero kung sawa na siya sa ganoon, sa parang walang utak, at puro mukha lang, ay kaya ko naman. Magbabago ako, sabihin niya lang. Gagawin ko naman lahat, basta wag lang niya akong iwan.
Kaya lang, umalis pa rin siya. Iniwan niya pa rin ako para mag-aral sa Manila. Pati mama niya, kasama niyang umalis. Pero bago pa nila lisanin ang Cavite, hindi niya alam na nagkausap kami ni Mama Madi.
Humiling sa akin ito na wag siyang habulin sa Manila. Na gamitin ko ang oras na magkahiwalay kami para paunlarin ang aking sarili. Para kapag magkita ulit kami, meron na akong maipagmamalaki. Doon ko rin naalala ang aking pangako kay Lai, na magsisikap ako para maabot ang mga pangarap niya sa akin. Sa amin.
Iyong sakit at pangungulila ko sa kanya, ibinuhos ko lahat sa pag-aaral. Talagang pinaghusayan ko. Kasi baka kapag sobrang talino ko na, ay bigla na lang bumalik siya. Nag-aral ako sa isang maritime academy sa Dasma, kumuha ng tutor sa English, at nag-take ng online vocational course sa computer programming.
Lahat ng oras, abala ako. Ihi na lang ang pahinga. Kasi gusto ko na laging may ginagawa, kasi sa ganitong paraan, nalilimutan ko siya. Ayaw ko siyang pakaisipin dahil kung nasaan man siya, ay baka mabilaukan na lang siya bigla o kaya ay madapa.
SABADO. Wala akong magawa. Pumunta ako sa isa sa mga studio-type apartment namin dito sa street. Naroon kasi ngayon, at bagong tenant, ang isang tropa ko.
Nakatayo si Miko sa labas. Tulala. Shirt na plain white at blue jersey shorts ang suot. Nang mapatingin siya sa akin ay saka lang ngumisi. "Bebe."
"Anyare?" tanong ko.
Dito na pala sila sa amin umuupa ni Zandra. Nagulat na lang ako nang isang gabi, nangatok sila at nakiusap na kung puwedeng umupa. Wala silang ibang dala kundi ilang pirasong damit at sarili lang nila. Saka ito nga, buntis si Zandra.
Si Zandra, kaka-graduate lang ng college sa La Salle Dasma. Papunta na ang buong pamilya sa Canada. Tapos ito namang si Miko ay isang taon na lang ay dapat graduate na. Sa Manila ito nag-aaral, kaya nagulat ako nang biglang umuwi.
Nagulat din ako dahil magkasama sila. Hindi sila mukhang masaya, kaya ewan ko rin ba kung paanong sila pala. Siguro basahin niyo na lang sa kuwento nila.
Dumukot sa bulsa ng jersey shorts si Miko. Papel na pera. Dalawang libo. Inabot sa akin na seryoso na ang mukha. "Repa, pasensiya na. Kulang pa sa upa namin ito. Pero dedelihensiya ako mamaya. Bubuuin ko ito."
Tinanggap ko naman ang pera. "Ako na ang bahala magsabi kay Nanay."
"Salamat." Ngumiti sa akin si Miko. Ngiti na hindi abot sa mga mata niya na ngayon ko napansing malalamlam pala.
Pumasok na si Miko sa loob. Naririnig ko silang nag-uusap ni Zandra. Pabalang sumagot si Miko sa simula, pero sa huli ay naging maamo nang parang tuta.
"Saan ka na naman galing?!" Boses ni Zandra na mahina pero mariin.
Sinagot naman ito ni Miko sa magaan na tono. "May kinuha lang."
"Anong kinuha? Ang tagal mo! Saka, bakit pagkain ko lang iyong iniwan mo? Saan ka kumain?! Kumain ka na ba?!"
"Basta, kumain na ako. Uminom ka na ba ng vitamins mo?"
"Oo, pero last ko na iyon. Ubos na. Wala na rin tayong bigas at stocks! Tapos, kailangan ko ulit magpa-check up!"
"Akong bahala."
"Lagi na lang ganyan! Ikaw bahala! Wala namang nangyayari! Puro ganyan!" Napahikbi na si Zandra. Paglingon ko sa bintana ay walang lakas na hinahampas nito si Miko sa balikat, subalit sa huli ay kumalma na nang yakapin ng lalaki.
"Tahan na, gagawa ako ng paraan." Masuyo na hinalikan nito sa ulo ang babae. "Tahan na..."
Nakangiti man si Miko ay malamlam ang mga mata. Nahihirapan sila, pero magkasama. Napailing ako at mapait na napangiti. Naglakad na ako paalis. Ang isang kamay ko ay nasa aking dibdib.
So this was the feeling of a dog in the streets without an owner.
...................................................................................ALWAYS LAI.
After a few years, Lai returned to Cavite with her adoptive mother, Mama Madi. Alam ko, nagkikita na ulit kami. Malamig siya, malamig din ako. Mas okay na rin ang ganito, dahil hindi pa puwede. Dahil hindi pa buo ang pangarap namin, at ang pangako ko kay Mama Madi.
Ang hirap lang dahil hindi ko siya kayang tiisin. Ang hirap lang dahil ngayon ay nakikita ko na ulit, ang dating oras-oras ay laman ng isip ko lang. Yes, despite the passage of time, it was still Lai. It was always Lai.
There was no other woman for the past years. I didn't even bother to throw a glance at anyone, because for me, if it was not Lai, they were not worth looking out for.
...................................................................................IT WAS TORTURE.
It was so hard not to hug her, kiss her, and beg her to accept me again. Because I knew that I would leave again.
Nang siya ang lumapit, hindi na ako nakapagpigil. Lahat ng pinangako ko, pinako ko. Hindi ko kayang tiisin, sasabog na ang puso ko. I had longed for her for so long that I could not resist the temptation anymore.
The urge to kiss her, taste her, and caress her body once more was so strong, that I had no other choice but to finally give in. And it was pure bliss. That even if I died in her arms, I would die a happy man.
And then came our last night together. I left Lai the day after...
...................................................................................WHAT WERE YOU THINKING WHEN I LEFT YOU?
I was a coward for not telling Lai to her face that I was leaving. I was afraid that she would stop me, and that I would agree. Because I knew that I would.
I left her and asked her aunt to tell her about my departure. I left a note to apologize for not being able to see her before getting on board.
Ang balak ko, tatawagan ko siya agad sa unang bansa na dadaungan ng barko. Ang kaso, hindi ko na ma-contact pa ang number niya. Wala na rin siya kahit ano pang social media. Hindi na rin pala sila nagkita ng tita niya, ni hindi na sila nakapag-usap pa, dahil wala na raw siya pagpunta nito sa Sunterra.
Hindi ako makahinga kasi alam kong magagalit siya. Habang nagtitiktik ng kalawang, naglilinis at nagpipintura ng barko, tumutulong sa operasyon ng cargo, hindi ko na sigurado kung pawis pa ba o luha na ang sa aking tumutulo. Ang hirap-hirap ng malayo. Ang hirap-hirap nang alam kong nag-iisip siya ngayong mga oras na ito, pero wala akong magawa para pagaanin ang nararamdaman niya.
Wala nga lang pagpipilian kundi magpakatatag. Dahil ito iyong propesyon na pinili ko, ito iyong mas mabilis na paraan para maibigay ko sa kanya iyong buhay na masagana, na wala na siyang aalalahanin pa.
Kaya pagbubutihan ko na lang dito. Titiisin ko iyong pangungulila, iyong hirap, at maging ang init sa tuwing nasa mainit na lugar ang barko, at iyong ginaw sa tuwing biglang lilipat sa lugar na ang klima ay malamig. These were only small sacrifices in exchange for achieving my objectives.
After all this, I would finally go home to her, as nothing was more important than returning to her.
So, please, my love, wait for me a little longer...
...................................................................................WALA NA SIYA.
Pagbaba ko sa barko, wala na si Lai. Hindi niya na ako nahintay.
Wala pang limang buwan, nakababa na ako. Pero wala na siya pagbalik ko ng Cavite. Halos magmakaawa ako sa barko pa lang, kina Kuya Abel at sa tiyahin ni Lai na si Ate Judz, para hanapin siya, pero hindi sya makita ng mga ito.
Mas nauna pa akong pumunta sa Sunterra kaysa sa amin sa Buenavista. Pero wala talaga siya. Wala na siya. Meron na roong bagong umuupa, pero hindi rin alam kung nasaan siya, at puro online bank transaction lang ang pagbabayad sa kanya. Ni number niya ay wala. Tangina, nakakabaliw kung saan siya hahanapin.
Kung saan-saan na ako nagpunta. Sumubok na rin ako sa pamilya niya sa Bacao, pero wala ring alam ang mga ito. Hanggang sa aking pagiging desperado ay sumubok na rin ako sa side ng adoptive mother niya. Sa mga Valmorida. And I was glad I did. Because my one month of discreetly following her cousin, Renesmee Althea Valmorida Estrada, had paid off.
I finally found her. I finally found Lai!
Nasa isang building apartment sa Mandaluyong. Second floor. Room 8.
Gusto ko siyang lapitan, magmakaawa sa kanya, pero natigilan ako nang makitang ngayon pa lang siya unti-unting nakakabangon mag-isa. Iyong walang ibang inaasahan, walang pini-please na tao, at walang iniintindi kundi ang sarili niya. Ito rin iyong panahon na napakaganda niya sa paningin ko.
I was not going to ruin the new life she had just started to build, but it didn't mean I was giving up on her. I would give her the time she needed, and I would be content loving and supporting her from a distance, but when we were both ready, I would take her back with me.
Nag-rent ako sa kaharap na building. Isang buwan ako roon bago ang sunod na sampa ko sa barko. Inubos ko ang natitirang araw upang pagmasdan siya at bantayan mula sa malayo.
Hindi siya lumalabas, nasa loob lang siya palagi, at magbubukas lang ng pinto kapag may kukuning deliveries. Sa sliding window, sa tuwing hahanginin ang kurtina niya, saka ko lang siya makikita. Kung hindi nakaharap sa laptop ay marahang tumatakbo sa treadmill, o kaya ay nakaupo sa rubber mat, at nagyoyoga habang nakapikit.
She was so clueless of her surroundings. She had no idea I was here, and there was another person watching her. Iyong babaeng kakulay ni Peppa Pig palagi ang suot. Dalawang beses yata ito sa isang linggo sumusulpot. Patingin-tingin lang sa paligid, nagmamatyag, tapos aalis na ulit. Ang pekeng pinsan niya, si Renesmee Estrada.
Mukhang harmless naman ang babae at mukhang totoong concerned sa kanya. Pinabayaan ko na lang ito kahit pa naaasar ako. Wala akong magagawa. Ngayon lang naman, ngayon lang ito. Ngayon, Renren, ngayon lang, ikaw muna ang bahala kay Lai.
Dumating na ang araw ng pagsampa ko ulit sa barko. Ang bigat sa dibdib pero hindi ko puwedeng talikuran ang bagay na sabay naming pinangarap dati, at ipinangako ko rin sa mama niya. Ang magkaroon ako ng kakayahang mabigyan siya ng buhay na deserved niya.
...................................................................................PERO ANONG NANGYARI HABANG WALA AKO?
Noong isang beses na ka-video call ko si Nanay, may nabanggit siya tungkol kay Lai. Nakita raw ng kumare niya sa Manila. Doon sa SSS . Parang malaki raw ang tiyan at tumaba. Hindi ko na natapos ang tawag, naibagsak ko na ang aking cell phone sa lapag.
Hindi pa sigurado at parang ang labo, kasi sinabi niya na safe siya, pero paano kung may nakalusot pala?
Tulala ako na nagpunta sa head ko para magpaalam kung puwedeng bumaba sa kahit saang bansa na dadaungan namin, pero napagalitan lang ako. Na hindi raw laro itong trabaho na pinasok ko.
Gustong-gusto ko nang bumaba, pero sa malas ay na-extend pa. Ang hirap. Ang hirap-hirap magtrabaho na ang gulo-gulo ng isip mo. Minsan ay nagdidilim na sa pagod iyong paningin ko. Minsan, naiisip ko na lang tumalon.
Ang gulo-gulo ng utak ko. Paano kung totoong buntis si Lai? Paano kung may nakilala na pala siyang iba habang wala ako? Tapos nabuntis siya? Hindi ako papayag! Kahit sino pa ang nakabuntis sa kanya, basta sa akin pa rin iyong baby! Basta baby niya, baby ko rin! Akin!
...................................................................................HINDI KAMI NAWAWALAN NG KOMUNIKASYON NI ATE JUDZ. Kahit hirap lagi sa signal sa laot, sa tuwing makakasagap ng signal kahit ilang bar lang, o sa tuwing bababa sa kung anong bansa, hindi puwedeng hindi ako magtitingin ng chat mula rito, o tatawagan ito.
Wala pa rin itong komunikasyon kay Lai. Pero isang araw ay bigla itong nag-chat. Nag-text daw si Lai. Nangungutang. Kailangan ng pera. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko.
Bakit mangungutang si Lai? May sarili siyang pera, kumikita siya sa online job, bukod pa sa extra income na galing sa pagpapaupa niya ng bahay sa Sunterra. May nakuha rin siya sa insurance ng mama niya. Kilala ko rin siya, mautak siya pagdating sa paggastos, matipid, at hindi nagpapaubos.
Kaya bakit siya nangungutang? At fifty thousand? Saan niya gagamitin? Lumipad agad ang paningin ko sa kalendaryo. Sukat ay napahawak ako sa bibig ko. Tangina.
...................................................................................I SENT ONE HUNDRED THOUSAND PESOS TO HER AUNT.
I told Ate Judz to forward the money to Lai. Walang tanong, walang pag-uusisa, na ipadala lahat sa kanya. Hindi rin kailangang sabihin kung kanino galing, basta makuha lang niya nang buo.
Nag-aabang ako, baka kasi kailangan niya pa, pero nawalan na rin sila ng komunikasyon pagkatapos, dahil nagpalit na agad ng SIM si Lai. Ibig sabihin, wala na ulit balita.
Hindi na ako nakatiis. I looked for Renesmee Althea's social media. I reached out to her. Sinabi ko na alam kong pinupuntahan niya si Lai. Mga isang buwan yata bago niya ako ni-reply. Parang isang buwan niya pang inisip ang ire-reply sa akin. Mabait naman pala. Pero hindi ko lang din sure. Iyon nga, sinabi niya na hindi buntis si Lai at baka busog lang daw.
Dahil sa sinabi ni Renesmee, nakaya ko pa ulit maghintay. Kahit napapaisip pa rin ako, no choice naman ako kundi maghintay. Nakatanggap ako ng offer sa kompanya ng kaibigan ng tatay ko. Pagkatapos ng kontrata ko, puwede akong makapunta ng Norway. Anim na buwan lang pero malaki ang kikitain. Once in a lifetime na pagkakataon, pagbalik ko, malaki-laki na ang madadala ko. Ibig sabihin, mas madali na akong makakatapos.
Pagkatapos nitong Norway, matutupad ko na iyong pangako ko kay Mama Madi. Puwede ko na ring harapin si Lai. Kaya iyong offer, pikit-mata ko nang pinatos. Ang kaso lang, iyong anim na buwan na kontratang unang pinag-usapan, na-extend pa ng ilang buwan.
...................................................................................SUMATOTAL NA DALAWANG TAON.
Pagbabang-pagbaba ko, deretso ako sa apartment ni Lai sa Mandaluyong. Nakatayo ako sa tapat ng building, nakatingala sa terrace kung saan makikita ang pinto ng studio-type apartment niya. Isang oras, dalawa, hanggang sa tatlo na. Ni hindi siya man lang dumungaw sa bintana.
I still waited for her. Tumambay ako sa tapat na tindahan. Kahit mainit ang sikat ng araw, nakatayo lang ako rito. Naka ilang Skyflakes at bote ng mismo Coke, hanggang sa maghapon na, saka ko lang nakitang bumukas ang pinto niya.
Inayos ko ang suot na cap saka ako nakayuko na tumawid sa kalsada. Lumabas siya ng building na mag-isa. Wala siyang kamalay-malay, nakasunod ako sa likod niya.
Sumakay siya ng jeep, sa loob siya habang ako ay nasa unahan. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang ako ay sa rearview mirror siyang palihim na minamasdan.
Bumaba siya sa palengke, nag-withdraw sa ATM, bumili ng stocks, at sumakay na ulit ng jeep. Ganoon ulit. Nakasunod ako. Nakasunod hanggang sa matiyak kong safe na siyang nakauwi.
Pagbalik niya sa apartment niya ay siya namang baba ni Renesmee sa building. Napataas ang isang kilay ko. Bakit iniwan niya ito sa unit niya habang namamalengke siya?
Bumalik na rin ako ng Cavite pagtingin ko na patay na ang ilaw sa apartment niya. Nang sumunod na pangalawang araw ulit ako bumalik ng Mandaluyong. Nandoon ulit ako sa may tindahan, umiinom ng Coke.
Nakita ko ang pagbaba ni Renesmee mula sa taxi. Galing ito sa trabaho. Ang daming bitbit. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang ang nakalitaw na box ng manika sa eco bag nito. Para iyon kanino?
Hindi iyon ang unang beses, may pangalawa pa, at may pangatlo. Sa tuwing pumupunta ang babaeng ito, palaging may dala-dala na laruan ng bata. Kadalasan ay manika.
Sa pang-apat na punta nito, bumaba ulit mag-isa si Lai. Sa pagkakataong ito ay hindi ko siya sinundan. Sorry, love, may gusto lang akong malaman.
Inayos ko ang suot na cap at saka ako pumasok sa building apartment. Walang CCTV kaya walang problema. Umakyat ako sa hagdan saka tinungo ang floor ng unit ni Lai. Pagkarating doon ay nakiramdam muna ako sa pinto. May sounds mula sa TV.
♩ ♪ ♫ ♬
I love you in the morning
And in the afternoon
I love you in the evening
And underneath the moon!
♩ ♪ ♫ ♬
Children's song? Lumapit ako sa sliding window na nakabukas pero may harang na grills at screen. Dahil sa paminsang pagtama ng hangin ng electric fan sa kurtina ay may mga pagkakataon na nahahawi ito. Sumilip ako.
Ang una kong nakita ay ang alphabet rubber mat sa sahig kung saan may babaeng nakahilatang natutulog. Mukhang pagkaalis na pagkaalis ni Lai ay nakatulog agad. Namukhaan ko, ito ang pekeng pinsan ni Lai na si Renesmee!
Umikot pa ang paningin ko sa paligid. Aside from the alphabet rubber mat, and an open TV where a children's show was playing, there were other children's items scattered on the floor. Pink play cart, dolls, stuffed toys, and toy kitchen utensils. I also saw a small bookshelf with fairytales on the side. Just who owned those things?!
Sa bawat paghawi ng hangin sa kurtina at bawat paglitaw ng loob ng apartment sa aking mga mata, ay patindi nang patindi ang kaba ko. I didn't see any children around, but why would Lai collect such things? Did she have a sideline like online selling?
The pounding in my chest made me nearly deaf. Nararamdaman ko na ang patulo ng pawis mula sa aking sentido. Kabadong-kabado ako nang biglang—
"PEEKABOO!"
Shuta! Muntik na akong atakihin sa puso nang may sumulpot na bata sa bintana.
Who is this kid?! And whose kid is this?!
Ilang ulit akong napakurap habang nakatitig ang nanlalaki kong mga mata sa mapisngi nitong mukha. Malaki itong bata pero sa tingin ko ay nasa dalawang taon pa lang. Morena, makinis, maliit ang matulis na ilong at malalantik ang pilikmata. May kamukha!
Kamukha ni Ason Agoncillo-Prudente! Kamukha ng nanay ko!
Napahawak ako sa aking bibig. No, hindi lang si Nanay. Kundi ako mismo. May picture ako na ganitong-ganito ang itsura, ang nipis ng buhok na tayo-tayo, ang kaibigan lang ay may suot na yellow headband ang batang ito.
Kumiling ang ulo nito habang nakatingin sa akin. Naipit tuloy ang maambok na pisngi. "Hewow!" maliit at matinis ang boses nito.
"H-hello."
"My pet ish sleewpu!" anito sabay turo sa nakahilatang si Renren sa alphabet rubber mat.
Takte, English speaking. Ngumanga ito. Ipinakita sa akin ang maliliit na ngipin.
Tumikhim ako bago ulit nagtanong. "What's the name of your father?"
Bumungisngis ang bata. "Amen!"
Napaungol ako. Shet! Walang duda! Anak ko nga ito!
......................................................................................KUNG PANGUNGUNAHAN KO SIYA, MAGAGALIT SIYA.
Lai had more layers than the earth. She had peculiar ways of reasoning. Even if you tried to fathom her, your brain would only bleed.
I knew that. That was something I knew very well. Even though I couldn't entirely comprehend her thoughts, I knew how she would react to certain situations. Alam ko na kapag pinilit siya, lalo lang siyang magpupumiglas at magmamatigas. So, fine, I would let her do this her way for the meantime, kahit nanggigigil na ako at gusto ko na silang iuwing mag-ina sa amin sa Buenavista.
Sumampa ulit ako ng barko, kasi kung mananatili ako, baka maakyat ko na lang siya basta sa apartment niya. Tumanggap na lang ulit ako ng kontrata, pero limang buwan lang. Malaki-laki na ang ipon ko. Halos kalahati ng kinita ko sa barko, ibinili ko ng lupa na dagdag paupahan nina Nanay para dagdag nila ni Tatay sa negosyo.
May sariling pera naman ang mga magulang ko, hindi naman sila humihingi, pero nagbibigay ako. Hindi dahil dapat gawin, kundi dahil gusto ko ring gawin. Kada uwi ko rin, hindi puwedeng hindi ko ipapasyal si Nanay. Ibinibigay ko rin kahit hindi nito hilingin.
Hindi rin naman ako nagpapaubos. Iyong kalahati naman sa ipon ko, deretso sa pag i-invest. Habang maaga pa, kumuha na ako ng insurance. Private at government. Bukod pa sa kita sa barko, may kita rin ako sa stocks at crypto. Iyon ang isa pang pinagkakaabalahan ko, dahil ayaw kong mag-rely sa single income lang, kahit gaano pa kalaki ito. Gusto ko na may backup ako.
Nakatulong na ang aking mga tropa ay kapareho ko ng utak. Kung dati ay games, inom, at bilyar ang usapan, ngayon ay kundi tungkol sa pamilya ay pagkakaperahan. May GC kami kung saan nagtutulungan at nagtatanungan kung saan pa magagandang mag-invest. Ang leader namin dito ay si Arkanghel Wolfgang.
Ang sinasabi ko lang, ngayon ay handang-handa na ako. Natupad ko na ang huling habilin sa akin ng mama ni Lai, at pati na rin ang pangarap niya mismo sa akin. Kaya ngayong pagbaba ko na ito ng barko, magtutuos na kaming dalawa, sa ayaw man at sa gusto niya.
...........................................................................................UUWI NA SI LAI.
Nakatanggap ako ng text mula sa landlady niya sa Mandaluyong. Kakosa ko na pala ito, matagal-tagal na. Dinaan ko lang noong una sa pagpapa-cute, tapos tuwing dadaong ang barko, nagpapa-package ako rito. Syempre, hindi lang para dito. May chocolates at laruan sa buong apartment building, para hindi halata na isang pinto lang talaga roon ang gusto kong pabigyan.
Halos sambahin tuloy ng mga tenant ang generous nilang landlady, pero hindi alam ng ibang tenant, mas maraming dinadala ang landlady sa apartment ni Lai. Hindi rin alam ng mga ito, na tanging si Lai lang ang may mababang upa, dahil ang kalahati ay sagot ko. Hindi rin syempre alam ni Lai, dahil hindi naman siya taong makikipagkuwentuhan doon kahit kanino.
Ang landlady na iyon ang taga-report sa akin. Ito ang nagsabi na nagpaalam na si Lai, dahil uuwi na ito ng Cavite. Uubusin na lang ang deposit na dalawang buwan. Nang ma-receive ko ang text, nag-file na agad ako na bababa na ng barko at hindi na mag-e-extend.
Finally, my love was tired of playing hide and seek anymore.
...................................................................................LAI WAS REALLY BACK.
Alam ko rin na kasama niyang dumating si Bobbie. Alam ko kung kailan ito sa kanya kinukuha ni Ate Judz, kailan ibinabalik, at alam ko rin kung kailan siya lalabas para bumili ng kailangan, kumuha ng deliveries, at kung kailan magtatanim at magdidilig ng mga pananim niya.
Wala pa siya, alam ko na. Kumbaga, iyong kinakalkula ni Lai sa utak niya, matagal ko nang nakalkula sa utak ko.
Naglalakad siya ngayon, maluwag ang suot na shirt, naka-tsinelas lang. Walang kaayos-ayos, pero wala akong ibang gustong tingnan sa paligid kundi siya lang. Tanging siya lang. At iyong pasensiya ko ay gahibla na lang.
Nang lumampas siya sa akin ay saka ako umalis sa shop na aking pinagtataguan. Ilang dipa ang layo ko sa kanya habang sinusundan siya sa paglalakad. Mula sa pagpapaayos niya ng cell phone, pagbili ng chocolate popsicle ice cream, hanggang sa pagpunta niya sa stand ng mga ukay-ukay na t-shirt sa gilid ng daan.
Dinidilaan niya ang chocolate ice cream na hawak habang ang isang kamay ay hinahawi ang mga shirt na ukay. Bawat paghagod ng dila niya sa ice cream ay umiiksi nang umiiksi ang pasensiya ko.
Alam kong wala na siyang pera, dahil narinig ko kanina nang bumibili siya ng ice cream. Balak niya pang bumili ng isa pa, pero kulang na ang dala niya. Hindi niya rin dala ang phone niya na may Gcash.
Humakbang ako patungo sa mga paparating na kabataang naglalakad. Mga estudyanteng babae na malalakas ang boses sa pagkukuwentuhan. "Pst, mga bata."
"Bakit po?" tanong ng isa matapos makipagsikuhan sa mga kasama. Naghagikhikan pa habang titig na titig sa akin.
Inilabas ko ang aking wallet at inabutan iyong mas malapit sa akin ng buong five hundred. "Pangmeryenda niyo." Namilog ang mga mata ng mga ito.
Tinanggap agad ang inaabot ko matapos magsikuhan na naman at impit na naghagikhikan. Itinuro ko sa kanila ang kinaroroonan ni Lai. "Nakita niyo iyon? Banggain niyo."
Mabilis namang na-gets ng mga ito ang gusto ko. Nag-abot pa ulit ako ng isa pang buong five hundred. "Make it like an accident. Babawiin ko ang isang five hundred kapag pumalpak kayo. Doon siya dapat babagsak sa kahon ng mga damit, dahil bawal siyang masaktan."
Nagmamadali naman na ang mga ito na pumunta sa itinuturo ko. Habang naglalakad ay gumaslaw ang mag kilos. At noong nasa likod na ni Lai, ang isa sa mga ito ay itinulak ang kasama, dahilan upang masubsob si Lai sa mga shirt na ukay. Doon tumaas ang sulok ng mga labi ko.
Nagsimula na siyang makipag-areglo sa tindera ng ukay. Naghintay pa ako ng ilang minuto, hanggang sa tingin ko ay mainit-init na ang usapan nila. Doon na ako umeksena.
...................................................................................THAT DIDN'T END THERE. IN FACT, THAT WAS THE START.
That meeting was my ticket to her life again. Alam kong buwiset na buwiset siya, pero wala siyang magagawa. Sagad-sagaran na ang pagka-miss ko sa kanya.
Paggising sa umaga, susubo lang ako ng tinapay, magkakape, maliligo, tapos tambay na sa kanto ng street sa bahay niya sa Sunterra. Hihintayin ko na dumating si Ate Judz, at kapag nakuha na nito si Bobbie, saka ako lalabas sa pinagtataguan kong poste.
Pupuntahan ko na siya, bubuwisitin, hanggang sa masanay siya ulit sa pagmumukha ko, sa presensiya ko. Syempre, si Lai ito, e. Syempre aawayin ako lagi. Pero maliit na bagay. Kahit nga gusto niya akong sapakin, io-offer ko pa sa kanya ang buong mukha ko.
Ilang beses ko siyang tinangkang hulihin tungkol sa anak namin, pero matigas ang lola niyo. Ayos lang naman, deserve ko ito. Kaya araw-araw ganito, sangkatutak palagi ang pasensiyang dala ko.
Siguro sa mga mata niya ay hindi ko pa deserve. Naiintindihan ko na puwedeng threatened siya dahil baka agawin ko si Bobbie sa kanya. She grew up pleasing everyone around her, believing she had no place and that no one wanted her for who she truly was... until she gave birth to Bobbie.
Our kid was her salvation. Her new purpose in life. Her only person. Her world. And she would never risk losing her.
Masakit iyon, pero ang magagawa ko lang ay iiyak kapag nakauwi na ako. Kasi wala akong karapatan na isumbat kahit ano sa kanya. Siya ang mas naghirap. Kaya kung gusto niya rin akong pahirapan, kahit pa hindi pa rin iyon papantay sa paghihirap niya, tatanggapin ko nang buong puso at kaluluwa.
Mas okay na sa akin iyong harap-harapang masaktan, kaysa iyong malayo ako sa kanya, pero nasasaktan pa rin kasing hindi ko siya nakikita. Di ba?
So I let her believe that I was oblivious to everything. She wanted to play this game, and she liked playing the role of game master, so just like before, I would politely go along.
...............................................................................BUT JUST BECAUSE I SAID I WOULD WAIT, I WOULD NO LONGER DO ANYTHING.
Tao lang ako na nasasagad din. Syempre, magpapakitang gilas lagi ako, magpapapogi lagi, didiga tuwing may chance, at syempre, hinding-hindi ako papayag na masingitan.
Nang pumunta siya sa mall kasama si Bobbie, nandoon ako. Kasi bakit ko hahayaang mag-mall mag-isa ang mag-ina ko? Di ba dapat family bonding, kahit pa hindi sila aware na nakiki-bonding ako.
May lalaking lumapit kay Lai. Ang angas amputa, e tainga ko lang naman ang height. Akala mo pa kung magsalita ay kung sinong nakakaguwapo sa akin, e kahit yata magpuyat ako ng isang linggo ay mas guwapo pa rin ako.
Ahg, damn. I was willing to wait for Lai until she finally opened her door again, but it was not possible now. My patience had finally run out. Pagdating ni Lai si cashier, bago pa siya lapitan nong lalaking kausap niya kanina, ay nauna nang humakbang ang mga paa ko.
That was a harsh decision that I would never, ever regret because it was also the day that our daughter hugged me for the very first time.
...................................................................................SHE HIDES MORE THAN SHE SHOWS...
Ngumingiti na naman siya sa akin, kinakausap na naman ako, at gusto pa raw akong gawing 'friend'. Pero ayaw ko kasi ng 'friend' lang!
Alam ko na may iniluluto na naman siya riyan. Alam na alam ko iyan. Sa tagal ko siyang mahal, hindi ko pa malalaman ang galawan niya? Pero sige, pagbigyan.
...................................................................................THE CLOCK IS TICKING.
I knew that she still had no plains of giving in. Medyo matagal ko na rin siyang pinagbibigyan, pero hindi na kakayanin. Sagad na sagad na ako. Palapit na rin ang pagsampa ko ulit sa barko. Hindi na ako aalis nang hindi kami nagkakaliwanagan. Kaya noong nag-text siya, pumunta agad ako.
Wala si Ate Judz, pero alam kong babalik dahil bago ako umalis, ginamit ko ang phone ni Nanay at nag-text ako. Kunwari pupunta si Nanay sa bahay nito sa Lancaster. Alam ko na magkakandarapa agad si Ate Judz na isauli kay Lai si Bobbie. And that was my plan.
Pagpasok sa gate ay hindi ako nag-lock, kahit sa pinto, bago ako nagpakaladkad kay Lai ay tiniyak kong hindi rin naka-lock. Syempre, pati iyong pinto ng kuwarto kung saan kami.
And what I intended to happen actually happened. Hindi nga lang kasama na ang makakaabot sa amin sa akto ay si Bobbie mismo. Damn, bad shot agad ako sa anak ko!
...................................................................................BABY MAMA WAS TESTING MY PATIENCE TOO MUCH.
"I don't love you anymore." Walang kurap niyang sinabi iyan.
Nang tumalikod siya ay napahawak ako sa aking batok. Ahg! My blood pressure!
Hindi na raw ako mahal. Syempre, masasaktan ako at tataas ang dugo ko, pero hindi ako maniniwala. Unang-una sa lahat, wala siyang matibay na ebidensiya!
...................................................................................RIO THEODORE ESTRADA.
Isa pa ito. Matagal na akong nagtitimpi lang dito. Ilang beses na kaming nagkabanggaan dati pa. Alam ko na kahit may hidden agenda ay may naitulong pa rin ito sa aking mag-ina. Hindi nga lang ibig sabihin na hahayaan ko itong maka-epal, lalo ngayon na nakikitaan ko na ng ibang emosyon ang mga mata ni Lai.
"I have no intention of losing Lai to you... or to anyone."
Nakatingin lang sa akin ang mga mata ni Rio. May tagas siya sa ulo, pero alam ko na hindi siya manhid na tao. Nginisihan ko siya. Gusto kong klaruhin sa kanya. Na hanggang humihinga ako, hindi mapupunta sa kanya, kahit anino ng mag-ina ko.
Sorry but when it comes to my family, I would never accept defeat.
..................................................................................."IF YOU WANT A REAL LITTLE BROTHER, YOU SHOULD COOPERATE."
"Yes, Papa!" Sumaludo sa akin si Bobbie. Matalinong bata ito, kaya nga gigil lagi ang nanay at hipag ko.
Hinalikan ko ito sa noo. "Your mama will see you tomorrow. For now, kay Papa muna si Mama." Ngayon lang naman, ngayon lang sila maghihiwalay ni Lai. Yumakap naman na sa akin ang bata at saka nanakbo na papunta sa hipag ko, kay Ate Judz.
I kidnapped Lai. Yes, kriminal na naman tayo.
Ito siya ngayon, gigil na gigil na nakatingin sa akin. Mapait sa dibdib ko, pero tiis lang. Sinalubong ko ang matatalim na mga mata niya, saka nginisihan siya.
"You can hate me all you want, but you can't leave me."
...................................................................................AND SHE REALLY DIDN'T LEAVE.
Lai stayed. And I guess this was the right time for us to finally take off the masks we had been wearing for so long. We were both pretentious, we both played well, and we both thought we were the master of this game.
But who was really the game master here? May pakialam pa ba kami? Magkalapat na ngayon nang mariin ang mga labi, sabay na pinarurusahan at pinapatawad ang isa't isa. At nang humihingal na magkahiwalay kami, wala nang kailangang pag-uusap pa. We were both aware that we finally came to a mutual agreement.
Nothing else mattered as we both knew we were crazy in love with each other. Iyong pinakamasasayang oras sa buhay ko, nangyari sa mga huling araw ko nang pagbalik sa barko. Hindi pa nga lang pala lahat ay alam ko... For Lai had one more secret that I still didn't know.
...................................................................................WE HAD LOST A CHILD.
May isang bagay pa pala ang nakaligtas sa kaalaman ko. Parang bomba sa akin nang marinig ang pagtatapat niya na meron pa kaming anak. It was not the baby in her belly right now, but the late twin of Bobbie.
Iyong ligaya ko, bigla na namang gumuho. Naalala ko kung paano ako namatay dati. Namatay na ako noong iniwan ako ni Lai. Pero namatay ulit ako ngayon. Namatay ulit ako sa nalaman ko.
............................................................................................GALIT BA AKO KAY LAI? THE ANSWER WAS CLEAR AS DAYLIGHT. NO.
She just did what she thought was right. I would never blame her. She didn't deserve the blame or the hate. I left her alone, I let her shoulder everything by herself. Iyong ipinadala kong one hundred thousand noon, barya lang iyon sa mga pagod at sakripisyo niya.
Alam ko na malakas si Lai, pero hindi porke't malakas, hindi na kailangan ng karamay. Kaya siguro iyon na lang din ang pakonswelo ko kay Renesmee, kahit asar ako sa pagsisinungaling nito at pagdikit-dikit kay Lai na parag tuko. At least, Renesmee was there when I was not. I would always be grateful to her for that.
Iyong galit ko sa sarili, iyong matinding pagsisisi, lahat iyon, pinapatay ako nang paulit-ulit. Bakit inuna ko iyong pangarap? Bakit inuna ko iyong pangako? Bakit? Ang daming bakit? Hanggang sa pagsakay ko ng barko, dala ko iyong sakit na nakakasugat.
Ngayon, iniwan ko na naman si Lai. Inuna ko na naman ang kumita ng pera, dahil hindi na lang isa ang anak namin, meron na ulit isa pa. O dahilan ko lang din iyon kasi ang totoo ay hindi ko siya kayang harapin. Hiyang-hiya ako. At hiyang-hiya ako, kasi ito na naman. I let her down. Again.
She asked me if I had already forgiven her. Hindi na naman kami nagkakaintindihan. Pagkalipas ng ilang buwan, bumaba na ako. She was crying profusely. She thought I was blaming her, that I still loved her, yet hated her at the same time. She was mistaken. I would never resent the woman who held my heart for so long.
Magkadikit ang aming mga noo habang hawak ko ang magkabilang pisngi niya. Katatanggap niya lang ng singsing na bigay ko.
"You really still love me..." humihikbi niyang sabi. Ito iyong Lai na mahina, nasa yakap ko, iingatan ko, at aalagaan ko. Ako lang ang makakakita ng kahinaan na ito, at palalakasin ko siya at pasasayahin hanggang sa abot ng makakaya ko.
Iyak siya lalo nang iyak. Sinamahan ko siya sa lahat. Isinarado namin iyong mga bukas na pinto sa buhay niya. At pagkatapos ay sinamahan ko siya sa pinto kung saan magiging masaya lang siya.
"Don't be shocked to see me whenever you get into trouble. As I said, your enemies are my enemies. Your battles are my battles. And your pain is also my pain."
Hinalikan ko siya sa noo. Hahayaan ko siyang iiyak lahat ngayon, pero pagkatapos, hindi na siya iiyak ulit dahil sa sakit. Last na ito, Lai. Hindi ako papayag na hindi. Kasi ayaw ko nang iiyak ka pa ulit.
...................................................................................IT WAS A GRAND ONE. THE ONE SHE DIDN'T ASK FOR, BUT THE ONE SHE DESERVED, SO I GAVE IT TO HER.
♫ ♬
Maybe it's intuition
But some things you just don't question
Like in your eyes, I see my future in an instant
And there it goes I think I found my best friend
I know that it might sound
More than a little crazy but I believe...
♩ ♪
Ang ganda-ganda ni Lai, ang aliwalas ng ngiti niya, kaya nga mugtong-mugto na iyong mga mata ko sa pag-iyak kanina pa. Ako talaga iyong umiiyak. Kahit pa pinagtatawanan ako ng tropa, wala akong pakilam sa kanila. Sila rin naman umiyak, e. Lalo na si Isaiah, sinipon pa nga pagkatapos ng kasal nila ni Vivi.
Basta ako iiyak, hindi lang ngayon, kundi kagabi pa. Kung di pa ako hampasin ni Nanay sa balikat, hindi pa ako titigil. Wag daw ganito kasi nakakahiya sa mga bisita. Pero ano nga ba kasi ang pakialam ko sa mga bisita? Kahit nga wala ni isa ang naririto kasama namin, pakakasalan ko pa rin si Lai. Props lang naman talaga sila.
Ayaw kasi ni Lai na magpakasal kami nang kami lang. Sayang daw iyong ibabayad sa venue at handa, kaya ito, nandito rin pati ang tropa ko. At ang kumakanta pala ngayon ay si Miko. Pasikat e, pero sige, hayaan na. Tapos lasing pa. Pero lasing naman na halos lahat sila.
"I knew I loved you before I met you I think I dreamed you into life. I knew I loved you before I met you. I have been waiting all my life..." malamyos ang boses niya habang kumakanta, badtrip lang kasi parang di naman para sa amin ang pagkanta niyang hayup siya, kasi doon siya nakatitig sa asawa niya.
Sa gilid naman namin ay ang mesa ng mga bisita. Present lahat ng tropa. May mga nadagdag din. Iyong asawa ni Carlyn, si Jordan, na kaklase noon ni Lai sa special class, iyong kapatid nito na si Jillian, at iyong asawa nito na anak ng teacher noong high school. Kilala ko ito, nakasama namin noong upakan ni Isaiah si Chung sa Buenavista. Ito ang unang umupak, kaya lamog na nang ibaba si Chung sa sala.
Hugo pala ang pangalan. Kanina pa nito kaaway si Carlyn. "Hoy, wag ka sabing maligalig! Kaya ka ma-dating you is a mistake, e!"
Mukhang nakahanap dito ng katapat si Mayora. Akmang sasabunutan nito ang nakangising lalaki nang humarang ang maamong mukha ng nakangiti nitong hipag. "Sis, can I just arbor him?"
Hinarap na lang tuloy ni Carlyn at nilambing ang namumulang nakayukong asawa. Umiwas na ako ng tingin, kasi pati si Arkanghel ay nilambing na ang asawa, ganoon din si Hugo sa asawa nito, kanya-kanyang lambingan na sila sa mga asawa nila.
Tapos ako rito, iniwan ng asawa ko. Umalis muna kasi si Lai. Tinawag siya ni Nanay. Habang wala siya ay ang inabala ko muna ang sarili sa pagtingin-tingin sa paligid, iyong palagid at kaganapan na hanggang ngayon ay parang panaginip lang.
May mga bagong kalaro na rin pala si Bobbie. Mga anak ng mga tropa. Na-stress lang ako kasi panay ang dikit ng anak ko sa anak ni Miko at Zandra na si Mateo. Pasimpleng itinutulak naman ito ng batang lalaki. Ang kaso, sa tigas ng ulo ay pinagsamang katigasan pa yata ng ulo namin ni Lai ang namana ni Bobbie.
Nang agawin na ni Isaiah ang microphone kay Miko ay bumalik na sa mesa ang lalaki at nagpahimas na ng ulo sa asawa. Tapos mayamaya ay nag-iinom na naman. Hindi ko na sinaway kasi marami itong ambag na alak, puro mamahalin pa. Nakaangat na kasi sa laylayan.
Itinaas nito ang hawak na shotglass habang nakatingin sa mga anak namin. "Strong roots, strong fruits!"
Nagsipagtaasan na rin naman ng baso ang ibang tropa. Napailing na lang ako habang nangingiti. Lumakad ako patungo sa mesa na may isang abay na babae, akala mo wala sa kasalan kasi nagpapakalunod sa alak. Nang mag-angat ito ng mukha ay hulas na sa kakaiyak ang make up.
Nanlilisik ang mga mata nito sa akin, tapos biglang umatungal ng iyak. "How can I be with Lai forever? We are not cousins, and I can no longer marry her, dahil sa 'yo, mang-aagaw ka!"
Kahit may kalokohan itong ginawa, hindi ko pa rin nakalilimutan na ito ang nasa tabi ni Lai noon. Ito ang kasama ng mag-ina ko sa panahong wala ako. Hinimas ko ang buhok nito. "You can still be with Lai if you want."
Napakurap-kurap naman ito. "W-what?"
Yumuko ako at binulungan ito. "Puwede mo siyang maging hipag, may extrang kapatid pa ako, baka bet mo."
Pagkatapos ay iniwan ko na itong tulala. Hinanap ko naman na si Lai. Napangiti ako nang makita siya. Naroon pa rin siya kay Nanay. Pinadede niya kasi si Baby Garry.
Oo, may bunso na pala kami. 5-months old na lalaki. Si Leigh Ashton V. Prudente o Baby Garry. Sa nickname, ang nagdesisyon pala ay ang ate, si Bobbie.
Lai said, heaven gave us back our first baby. Kamukhang-kamukha raw kasi. Siguro, premyo sa amin dahil naging mababait kami. Pero ito man o hindi iyong dati naming baby na binawi sa amin, nagpapasalamat kami. Kasi binigyan ulit kami ng pangalawang pagkakataon na maging magulang ng panibagong baby.
Ngayon, naranasan ko nang bumangon kahit antok pa, para magpalit ng diaper at maghele habang pikit pa ang isang mata, para lang matulungan ko si Lai na makapagpahinga.
Ngayon nga ay panglimang buwan na, sa susunod na buwan ulit ang sampa ko sa barko, pero ang dami ko nang babauning masasayang alaala na dati ay wala ako. Lahat ngayon ay nararanasan ko na. Kaya walang sandali na hindi puno ng pasasalamat ang puso ko.
Pabalik si Lai sa akin ay niyapos niya agad ako. Hinalikan ko naman siya sa noo. "Ang bilis mong bumalik."
Nakangisi siyang tumingala sa akin. "What can I say? I have the most handsome husband in the world and I can't wait to be with him again."
Ahg, cute!
Napangisi na rin ako, pero nang pumailanlang na ulit ang isang mabining awitin, kumakanta na ulit ang isang tropa, sumeryoso na ulit ako. Si Lai naman ay nakatingala pa rin sa akin habang nakangiti ang maaliwalas niyang mukha.
"Lai, thank you. I'll make you happy no matter what..."
"I love you, too."
Bago pa tumulo na naman ang mga luha ko ay niyakap ko na siya nang mahigpit. Nakangiti ako habang ang mga mata ay nanunubig.
We had been through so much, but I believed that all the sacrifices and the pain we had endured in the past were the reasons our love had strengthened even more. We were now stronger than before.
Ano ngayon kung nakangiti ako habang naiiyak? Ano kung para akong tanga? I don't care about anything, as I am now in the height of bliss.
Ang babaeng tinatanaw ko lang noon, hinihintay kung kailan ako lalapitan, at dahilan kaya ako tulala sa kisame gabi-gabi, asawa ko na ngayon.
My lovely wife, my partner in life, and also my life, my Laila Valmorida-Prudente.
At ako si Asher James Prudente. Hindi ako ito kung hindi ako nababaliw sa pagmamahal sa babaeng ito. Siya ang buong kuwento ng buhay ko.
- Crazy Stranger, South Boys #5
JF
South Boys#6: Bad Lover is now available in my account. I hope to see you there too! Thankyou again and Iloveyouuu =)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro