
Chapter 75
YOUR ENEMIES ARE ALSO MY ENEMIES.
Tumango ako habang pumapatak ang mga luha. I felt the weight of the world lifted as Asher and I locked eyes. It was as if his warm gaze were treating my whole being; alleviating my anger, my worry, and my fears.
Palagi akong lumalaban mag-isa, palaging ako ang gumagawa ng paraan kapag may problema, at ako lang din palagi ang nagluluksa sa tuwing nasasawi o nagdidiwang kapag nananalo sa huli. Pero sa pagkakataong ito ay meron akong kakampi.
At ganito pala ang pakiramdam ng hindi ka nag-iisa. Na puwede naman pala umasa minsan sa iba, kaya tuloy sa isang iglap, ang lahat ng tapang ko ay namahinga, at bigla ay gusto ko na lang ipaubaya ang lahat-lahat sa kanya.
Pinaikot ni Asher ang baril sa mahahabang daliri niya saka humakbang palapit sa akin. Sina Tita Rica naman at Mamila ay sabay na napaatras.
Nang nasa tapat ko na siya hinawakan niya ako sa ulo. "Di ba bilin ko sa 'yo na 'wag kang aalis nang walang kasama?" Hindi galit, sa halip ay ang hinahon at ang gaan ng boses niya. His pretty eyes were also looking at me gently.
Sa pagkahulog sa nakakarahuyong mga mata ni Asher ay huli ko nang nakita na nanakbo pala papunta sa patio. Pagbalik ay may hawak na itong mop ng sahig. Napatili ako nang ubod lakas nito iyong inihataw sa likod ni Asher.
Bali ang mop at wasak ang dulo niyon pero ni hindi man lang natinag si Asher sa pagkakatayo. Ang makakapal at itim na itim niyang mga kilay ay bahagyang nagsalubong. Ang mapupulang mga labi niya ay mahinang napamura.
Si Tita Rica naman sa likod ay takot na napaatras. "H-hindi ko sinasadya!"
Kalmado lang naman si Asher na hinarap si Tita Rica. Dinampot niya iyong dulo ng mop. Iyong may basahan. Pagkadampot ay ibinato niya iyon sa mukha ni Tita Rica na napasigaw sa takot.
Si Renren na mukhang medyo natauhan na sa kapraningan kanina ay kinausap ako. "Lai, you should leave. You're pregnant at baka mapaano ka pa rito. Ako nang bahala kina Mommy and Mamila!"
Si Mamila na nagpunta pala sa kusina ay may bitbit ng kutsilyo ang isang kamay at sa kabila naman ay tadtaran para shield nito. Ang tapang-tapang na naman. "Ano, akala mo ay matatakot mo kami ng baril mo! Go on, young man, shoot me! And I will stab you!"
Gumitna naman si Renren. Kay Asher na ngayon nakatingin. "I still hate you, birdbrain, but please get Lai out of here. Baka makasama sa kanya ang stress dito! Her safety must be the top priority!"
Napatingin muli si asher sa aking tiyan na malaki. Bumuga siya ng hangin at hinuli ang pulso ko. "Tara na muna, baby mama."
Hinila niya na ako papunta sa pinto, pero bago lumabas ay nilingon niya muna sina Tita Rica at Mamila. "Para lang malinaw, itatak niyo ito sa mga kukote niyo. Hindi ako takot maging kriminal para sa pamilya ko. Kaya kung mahal niyo rin ang pamilya niyo at ayaw niyong mabalita sa TV, wag na kayong magpapakita kay Lai kahit anong mangyari!"
Bago lumabas ay yumuko pa ako kina Mamila. "Huling paggalang ko na po sa inyo ito." Pagkatapos ay blangko ang mukha na nag-dirty finger ako. "At ito ay para sa ginawa niyo sa mama ko."
Inakbayan naman na ako ni Asher at sabay na kaming pumunta sa kotse niya na nasa labas. Iyong red na Mazda. Siya ang nagbukas sa akin ng pinto ng passenger's seat saka umikot sa driver's.
Sa loob ay siya rin ang nagkabit sa akin ng seatbelt. Wala kaming kibuan nang i-start niya na ang engine. It was like he gave me the chance to cry and finally let go of the anguish that weighed on my heart.
Marahan lang pati ang pagda-drive niya. Minsan ay humahawak sa isang hita ko ang kanyang isang isang kamay habang naiiwan ang isa sa manibela. Patuloy naman ang mahinang pag-iyak ko. Ang dami kong pinagsisisihan. Kina Mama, kina Papa, at sa lahat-lahat.
Nagsisisi na rin ako na tinulungan ko si Renren noong nakita ko itong binu-bully ng mga kaklase nito sa Tejero. Doon na ako nito sinimulang sundan-sundan at doon na rin ito nagkaroon ng interes na alamin ang lahat ng may kinalaman sa akin, kaya ultimo mga tao sa Bacao ay lahat kilala nito.
Bakit ba ako naging ganito? Akala ko ba matalino ako? Akala ko lahat ay aking kalkulado? Pero mali pala ako. Kahit anong talino ko ay hindi ako dapat nagmamalaki. Dahil iba dumisiplina ang itaas. Ngayon ay isinampal nito sa akin na tao pa rin ako na maaaring magkakamali sa huli.
Mga ilang minuto nang maramdaman ko ang paghinto ng sinasakyan namin. Narinig ko ang mahinahon at mahina na boses niya. "Lai, time is up. Tahan na..."
Paglingon ko ay hindi siya sa akin nakatingin pero halatang nagpipigil lang siya. Ang mahahabang pilik-mata niya ay kababakasan ng luha. Ilang beses siyang kumurap-kurap.
Yumuko siya at hinilot ng kanyang mahahabang daliri ang noo niya, at saka pasimpleng kinuskos ang kanyang mga mata. Pagkatapos ay saka lang siya sa akin lumingon at malamlam na ngumiti. "Nag-almusal ka na ba?"
Napahikbi ako sabay marahang iling.
"Tsk. Umalis ka nang walang kain? Paano kung nagutom ang second project natin?"
Ang hikbi ko ay mas lumala. "Kailan ka pa umuwi? Bakit wala kang pasabi?!"
He laughed softly even though his eyes were still sad. "Nakaraang buwan ko pa alam na last port namin ang Manila. Kagabi lang ang baba ko pero wala akong pinagsabihan. Gusto ko kasi na surprise ang pag-uwi ko. Pero ako iyong nagulat kasi wala ka pagdating ko."
Sumandal siya sa sandalan ng driver's seat at kinuha ang isang kamay ko. Dinala niya iyon sa kanyang mga labi habang ang magagandang uri ng mga mata niya ay tinutupok ako.
"Ang aga-aga, kauuwi ko lang ay gusto ko nang magpa-blotter sa pulis at manawagan sa radio. Thankfully, Bobbie managed to calm me down. She informed me that she saw you from the terrace. Lumabas ka raw sa computer shop diyan sa tapat, and that you got into a car. That's when I assumed you'd booked a Grab."
Pinabuksan niya raw kay Amos ang laptop ko. Matinik pala pangatlong barako ni Ason sa pagbubukas ng kahit anong gadget na naka-lock. At doon nga niya nakita sa email ko ang aking booking details sa Grab.
"Thank you for coming to pick me up."
Tumaas ang isang kilay niya. "Galit pa rin ako pero dahil cute kang buntis, pag-iisipan ko kung patatawarin kita."
Binuksan niya ang pinto sa kanyang tabi. Saka ko lang naman nakita na dito niya pala ako dinala sa may Max's Restaurant sa may Tejero. Nakarating na pala kami rito sa kaiiyak ko.
"Wait, baby mama. Just to make it clear, galit lang ako dahil umalis ka sa bahay namin nang walang kasama. Iyon lang. Saka, iyong galit ko ay moderate lang."
Napayuko ako. "Iyong tungkol sa paglihim ko tungkol sa kakambal ni Bobbie... Saka bigla kong pagsasabi sa 'yo kung kailan paalis ka na, di ba galit ka rin dahil doon?"
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pero iyong galit ko ay hindi naman direkta sa 'yo. Mas galit ako sa sarili ko. Tamang sabihin na nahihiya ako sa 'yo. Sinisisi ko ang sarili ko. Kaya kung pagdusahan ko man iyong nalaman ko, deserve ko iyon."
Naluha na naman ako. "Hindi ka talaga nagalit sa akin?"
"You've done so much, suffered so much, and sacrificed so much for our babies, and I haven't done anything in return. Iyong pinansiyal, iyong suporta na ngayon lang, at kahit ang pagsisikap ko, wala pa rin kahit sa kalingkingan ng mga nagawa mo, kaya anong karapatan ko na magalit sa 'yo?"
Natulala ako. Tulala pa rin at wala sa sarili kahit nang bumaba na siya. Napababa na rin tuloy ako. Pero nang makitang nakasimangot siya ay pumasok ulit ako sa passenger's seat at isinara ang pinto. Siya naman ay umikot upang pagbuksan ako ulit at alalayang bumaba.
"Thank you," sabi ko at umabri-siete na sa kanya. Alalay-alalay niya ako papasok sa loob.
Hanggang sa loob ay todo alalay siya. Siya ang naghila sa akin ng upuan, siya rin ang namili ng o-order-in para sa brunch na namin. In-order-an niya rin ako ng bottled mineral para sure na malinis daw ang iinumin kong tubig.
Nang dumating ang pagkain ay siya nag naglagay sa harapan ko ng plato, halos siya na pati ang naghimay sa manok ko, at kulang na lang ay subuan ako. Mukhang nahihirapan siyang gawin iyon kasi magkatapat kami, kaya ako na ang lumipat sa tabi niya at ngumanga. Napatanga naman siya.
Nakatitig siya sa mga labi ko hanggang sa mapailing siya matapos mapangiti. Sinubuan niya na nga ako. Siya rin ang nagpainom sa akin ng tubig sa braso. Tapos pag may gusto ako, ingunguso ko lang, isusubo niya sa bibig ko.
"Gusto mo pa?" malambing na tanong niya.
Tumango naman ako habang nangisngislap ang aking mga mata. Darn, I missed this man so much that made him more delicious in my eyes than the food on our table!
Mahinang pinitik niya ang noo ko. "'Wag din masyadong lamon, kasi baka masobrahan ka sa busog. Mamaya, kain ka na lang ulit. Bibili tayo ng pagkain na gusto mo."
"Opo."
Pagkatapos sa restaurant ay hindi muna kami umuwi ng Buenavista. Nag-drive pa rin siya kahit mukhang puyat at pagod siya dahil kabababa lang sa barko at nag-taxi lang mag-isa pauwi rito nang walang sundo.
Sa may Robinsons Place General Trias niya ako dinala. Maglalakad-lakad muna para matagtag daw iyong kinain ko na marami. Saka, bibili na rin daw kami ng kaunting unang gamit ni baby para makalimutan ko muna ang kaninang mga nangyari.
"Okay lang sa 'yo na pagagastusin kita para lang makalimot ako?" nakalabi na tanong ko sa kanya. "It's like Im gonna use you to unwind..."
Ngumiti siya. "If I can make even half of your worries disappear, then I don't mind being used at all."
Okay, ang hot niya talaga pag nag-i-english. Pero hot din pag Tagalog kaya 'all of the above' ang sagot ko.
Akbay niya ako habang namimili kami. Basta magturo lang daw ako ng gusto ko, pero kung titingnan ay mas mukhang excited pa siya sa akin. Nang makakita nga siya ng damit na pang-baby ay nakita ko pa siyang pasimpleng nagpunas ng mga mata. Ang cute-cute niya.
Tinuro ko naman lahat ng aking nagugustuhan. Pagkatapos namin mag-ikot sa baby section ay nagpahinga kami sa may upuan, panay tanong niya kung okay lang ako, tapos hinayaan ko siyang masahiin ang aking mga palad. Nang makapagpahinga ay nagtuturo na ulit ako.
Sa buong sandali ay nakaalalay siya sa akin, panay turo lang ako ng gusto ko na hindi tumitingin sa presyo, at hindi na rin yata gumagana ang utak ko. Siya na lang iyong nagko-compute sa isip niya.
Siya rin ang tagabantay kung anong oras na, kung marami na ba ang aming nabili, at pati taga-desisyon kung saan kami sunod na pupunta. Pati yata paghakbang ay sa kanya ko na inasa. Ang sarap lang na mawalan ng utak minsan.
Nakakapagod din pala kasing maging strong independent woman, kaya try ko munang maging vulnerable baby girl ng isang maperang dzaddy!
TWO PM NA KAMI NAKAUWI.
Tuwang-tuwa si Bobbie sa mga dala naming gamit ng baby sibling nito. Syempre meron din kami ritong pasalubong, bukod pa sa mga mismong pasalubong ni Asher sa pagbaba sa barko.
Si Nanay Ason naman ay nagpamalengke agad ng iihawing bangus habang si Mang Jacobo ay inihanda na ang kanyang mga malalaking speaker. Sa may garahe kaming pamilya maghahapunan mamaya bilang pagsi-celebrate sa uwi ni Asher.
Ayaw naman nang bumitiw ni Bobbie sa papa nito. Kahit tuloy magbihis ay hindi magawa ni Asher, pero ayos lang dito. Mukhang ayaw rin nitong bumitiw sa bata. Karga-karga niya ito na maghapon. Ni hindi siya nagrereklamo kahit mas mabigat na si Bobbie ngayon.
Punong-puno naman ang puso ko habang nakatingin sa mag-ama na bumabawi sa isa't isa, kaya't kahit naiinggit ay stay put muna ako.
Nasira lang ang gabi nang may dumating na hindi inaasahang bisita. Ang bunsong Punzalan na kalalaya lang sa kulungan. Si Limuel. "Ate Lai!" sigaw nito habang nakasilip sa gate. "Ate, nandito ka raw?"
Natuwa rin naman ako nang makitang okay na okay naman ito. Namayat lang pero pumuti dahil nga matagal na nakakulong. Sinamahan ako nina Asher at Aram nang harapin ito.
"Ate, sorry kung napadaan ako. Gusto ko lang magpasalamat dahil sa 'yo raw galing iyong ibinayad ni Nanay para makalaya ako. Thank you, Ate Lai!"
Tumango ako. Inalok ko ito na kumain pero tumanggi. Nakakain na raw ito dahil galing sa barkada. Nagpainom daw bilang selebrasyon ng paglaya nito. Kaya pala amoy alak at sigarilyo na.
"Umuwi ka na, Limuel. Ayusin mo na ang buhay mo dahil kapag nakulong ka ulit, alam mong hindi ka na makakalaya pa." Dahil nga sa hindi maayos ang paglaya nito kaya may record pa ito sa pulisya.
Nang makaalis na si Limuel ay naramdaman ko ang pagpisil ni Asher sa aking palad. "Ayos ka lang?"
Tumango ako at ngumiti. Magkahawak ang kamay na bumalik na kami sa loob, habang si Aram naman ay naiwan sa labas dahil may tumawag dito sa phone. Tapos ayun na, pangiti-ngiti na sa dilim na akala mo ay kinikiliti ang tumbong.
TAPOS NA ANG KASIYAHAN. Patulog na sana para magpahinga nang makatanggap naman ako ng text mula kay Rio.
Rio:
Lai, I went to Buenavista to see you. I was outside Prudente's residence when I saw that your ex-con brother came to pester you. I followed him to Bacao to threaten him not to come back, but I didn't know he was carrying a knife. And before I knew it, he already stabbed me.
Kalalabas lang ni Asher sa banyo matapos maligo nang salubungin ko siya. "Asher, sinaksak ni Limuel si Rio!"
Sa sumunod na text ay hindi na si Rio at gamit lang ang number nito. It was Betchay telling me not to worry. She said that she already took Rio to the hospital.
Hindi nagre-reply sa akin si Betchay kung nasaang ospital nito dinala si Rio. Napansin naman ni Asher ang pagkabalisa ko. Siya na ang nag-alok sa akin. "Gusto mo bang pumunta sa Bacao para makausap ang kapatid mo? Sasamahan kita."
"Thank you." Asher knew I needed to do this and he was here not only to accompany me but also to support me.
Gumayak na kami. Iniwan muna namin si Bobbie sa mga magulang niya. Sinuutan niya ako ng hoodie para matakpan din ang ulo dahil gabi na at mahamog na.
Bago umalis ay nakita ko siya na isinukbit iyong baril niya sa kanyang bewang. For emergency lang daw naman.
Pagdating sa Bacao ay parang mga nahihiyang daga na nagsipagyukuan ang mag-iinang Lydia, Laura, at Lenlen. Alam na ng mga ito na nalaman ko na kung saan nila pinaggagastos ang aking pinagkatiwalang pera.
"Nasaan si Limuel?" hanap ko sa bunsong bagong labas ng kulungan.
Walang sumagot kaya dumeretso na ako sa kuwarto ni Nanay. Kasunod ko naman si Asher. Sa loob ay natagpuan ko si Limuel na nakahiga sa papag. Nang makita ako ay namutla agad.
Napabangon ang lalaki mula sa papag. "Lai, maniwala ka! Hindi ko sinaksak iyong Rio na iyon!"
"Kung hindi mo siya sinaksak, bakit siya nasa ospital ngayon?" mariing tanong ko.
"Sumugod siya rito at gusto niya akong banatan, kaya napakuha ako ng kutsilyo! Pero tatakutin ko lang dapat siya! Wala talaga akong balak na saksakin siya, nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit! Idiniin niya ang sarili sa hawak kong kutsilyo kaya siya nasaksak!"
"What?!"
"Napabitiw agad ako sa kutsilyo dahil sa pagkataranta, pero siya ay nakangiti pa habang mas binabaon ang kutsilyo sa simura niya!"
Gago lang itong si Limuel pero madali itong hulihin kapag nagsisinungaling o hindi. At alam ko na nagsasabi ito ngayon ng totoo. Nagtagis ang mga ngipin ko. Lintek na Rio!
Lalabas na kami ni Asher nang mapansing may dugo sa damit si Limuel. Binalikan ko ito at inangat ang suot na damit. May benda ito sa tiyan. "Napaano iyan?!"
Doon nangalit ang bagang nito. "Sinaksak ako ng anak ni Ate Laura na si Betchay! Bigla na lang sumulpot dito pagkaalis nung Rio, tapos sa gulat ko ay basta na lang akong sinaksak! Mabuti na lang dahil nakaiwas ako agad kaya nadaplisan lang! Baliw ang batang iyon! Tangina, wala naman akong ginawa sa kanya, pero gusto akong patayin!"
Paglabas namin ng kuwarto ay humarang sa amin si Lydia Punzalan. Ang bilis ng pananalita nito. "Anak, patawad dahil nagastos namin ang pera. Alam mo namang hindi ko puwedeng pabayaan ang bunsong kapatid niyo."
Umiwas ako sa hawak nito. "Iyon ay maiintindihan ko, pero hindi iyong tigsa-sampung libo kayong tatlo, na imbes na negosyo ay alak, lechon, at cell phone ang inuna niyo."
"Anak naman, minsan lang naman kami makahawak ng pera. Minsan lang makakain ng masasarap. Minsan lang din magkaroon ng pera pambiling cell phone ang mga ate mo—"
"Kung minsan lang pala ay bakit ayaw niyong magsipagbanat ng buto? Kung gusto niyo pala na mabago ang buhay niyo, bakit imbes na magtrabaho ay sinasanay niyo ang sarili na tumunganga lang at magparami nang magparami ng lahi niyo rito?!"
Napailing si Lydia. "Laila, ganyan mo talaga pagsalitaan ang taong nagbigay ng buhay sa iyo—"
"At pagkatapos ay ipinamigay ako," dugtong ko. "Ay mali, ibinenta niyo pala ako. Magkano nga ba uli? Magkano ang hiningi niyo sa adoptive parents ko kapalit ko? Isa o dalawang libo?"
Namula ang hupyak na mukha ni Lydia. "Ginawa ko iyon para mapaganda ang buhay mo!"
"Pero bakit ako?!" sigaw ko sa boses na nanginginig na. Hindi ko na iyon ikinasasama ng loob, dahil mahal ko sina Mama Madi at Papa Gil, pero gusto ko pa ring malaman ang dahilan. Bakit sa dinami-dami ng anak nila ay ako ang pinili nilang ipaampon?
Hindi nakasagot si Lydia. Namutla lamang ito. Si Laura ang umabante at matapang na humarap sa akin. "Gusto mo talagang malaman, Laila?"
"Laura," pigil dito ni Lydia pero hindi nagpaawat ang babae.
"Alam mo ba, Laila, kung bakit sa ating magkakapatid ay ikaw lang ang matalino? Kung bakit kahit boba sina Nanay at Tatay ay matalino ka? At alam mo rin ba kung bakit sa ating lahat, ikaw iyong may natural na kaangasan? Kung bakit mataas na ang ere mo bata pa lang?!"
Kumuyom naman ang mga palad ko habang pigil ang hininga sa sinasabi nito.
Ngumisi si Laura bago binitiwan ang mga salitang nagpahagulhol kay Lydia at nagdala ng luha sa mga mata ko. "Dahil hindi ka anak ng tatay namin, Laila! Anak ka ni Nanay sa naging kabit niya noong abogado!"
Naramdaman ko ang aking panghihina nang sa wakas ay marinig ko na, subalit may matitigas na kamay sa akin na sumalo mula sa likod ko. Pinalalakas ako nito para sa iba pang bibitiwang pasabog ni Laura.
"Laila, iyon iyong abogado na nangako kay Nanay ng magandang buhay, na dapat sasamahan niya na! Pero hindi natuloy ang pagtatanan nila dahil natalo iyong huling kaso ng abogadong iyon, na naging sanhi kaya nasiraan ito ng ulo! Nagpakamatay ito bago pa masabi ni Nanay na buntis siya sa 'yo!"
"Laura, tama na sabi!" basag na basag na sigaw ni Lydia sa panganak na anak na hindi naman nagpapapigil.
"Oo, Laila! Kaya ka matalino dahil anak ka ng abogado na nasobrahan sa talino kaya nabaliw! Kaya rin ganyan ang pag-iisip mo dahil may lahi kang baliw!"
Tumango-tango ako habang lumuluha sa kabila ng matigas ang ekspresyon. "Thank you for telling me about my real father. Ngayon ay alam ko nang wala talaga ako dapat pananagutan sa pamilyang ito."
"Laila, anak, patawad..." Inabot ako ni Lydia. "Anak, iyon lang iyong paraan para hindi ka pag-initan ni Nonoy, dahil anak kita sa pagkakasala. Anak, maniwala ka mahal kita..."
Si Asher na mismo ang naglayo sa akin sa babae.
Mapait na nginitian ko naman si Lydia. "Salamat pero masaya na ako sa pagmamahal sa akin ng mga kinilala kong magulang. Hindi man sila perpekto, pero totoong minahal nila ako. At kung meron man akong ipinagpapasalamat sa inyo, iyon ay dahil sa kanila niyo ako ipinaampon at hindi sa ibang tao."
Napalugmok na sa sahig si Lydia habang humahagulhol. Iyon naman ang naabutang tagpo ng asawa nitong si Nonoy. Nagtatanong ang mga mata nito kung ano ang nangyayari.
"Magpapagawa na ako ng restraining order," sabi ko sa patag na boses. "Mula ngayon, kapag nilapitan niyo pa ulit ako, kayo naman ang makakaranas sa dinanas ni Limuel. Kayo naman ang ipakukulong ko!"
Hinila ko na si Asher sa pulso. "Tara na." Taas-noo kahit luhaan na nilisan ko na ang lugar na iyon nang tuluyan. At alam kong alam na nila na hinding-hindi na ako babalik. Hinding-hindi na kahit kailan.
BETCHAY FINALLY REPLIED.
Sinabi na nito sa text gamit ang phone ni Rio kung nasaang ospital sila. Doon kami dumeretso ni Asher. Magkahawak kami ng kamay pagbaba sa parking.
Ang nadatnan namin sa private room ni Rio ay pagtatalak nito kay Betchay. "I said give me my phone, you brat! Kapag gumaling ako rito ay tityempuhan ko talaga na masarap ang tulog mo, pagkatapos ay itatapon kita sa ilog!"
"Nauulol ka na naman, Lolo Teodoro! Try mo kaya munang magpagaling bago mo gawin iyang maitim mong plano, dahil baka maunahan pa kita at ikaw ang kaladkarin ko papunta sa kanal!"
Nahinto lang ang dalawa nang mapatingin sa amin sa pinto. Si Rio ay agad na nangislap ang mga mata nang makita ako. "Lai, you're finally here! Sabi ko na nga ba, mag-aalala ka sa akin!"
Sinenyasan ko si Betchay na lumabas muna. Ang kaninang malditang ekspresyon nito ay burado na at ngayon ay napakabait na ng mukha. "Opo, Tita, sa labas po ako muna!"
Nang wala na ito ay humakbang ako palapit sa hospital bed ni Rio. Kahit naman makirot pa ang saksak ay nagkukumahog naman ang lalaki na makaupo nang maayos sa kama. Inabot niya ang mga kamay ko. "Lai, I'm so glad you're here. I miss you. I miss you so much!"
I felt a murderous aura from behind me. Binawi ko agad ang aking mga kamay na hawak-hawak ni Rio.
"Lai, why?!" Basag na napasigaw naman si Rio. "I was almost at the death's door because of my love for you! Honey, didn't you come here because you now finally came to realize how much I meant to you?!"
"Gusto mong dagdagan ko ng lima ang saksak mo?" Malamig pero kalmadong boses ni Asher.
Itinaas ko naman ang aking kamay bilang senyas na hayaan niya ako rito kay Rio. Hinarap ko ulit ang lalaki sa hospital bed. "Kumusta na ang saksak mo sa sarili mo?"
Namutla lalo ang namumutlang mukha ni Rio dahil sa tanong ko. "Did you meet with that ex-convict? Don't believe him! Kahit kapatid mo pa siya, kriminal siya! Gusto niya lang tayong siraing dalawa—"
"Rio, tama na," seryoso at may finality na bitiw ko.
Natigagal siya. "W-what are you saying?" piyok tanong niya pagkaraan ang ilang sandali. "Are you telling me to give up on you? You know I can't do that. Honey, I love you so much!"
"No, Rio. You don't love me. This is not love. This is an obsession."
Mapait siyang tumawa. "May pagkakaiba ba iyon?"
"Siguro para sa mga klase ng utak na meron tayo ay wala nga iyong pagkakaiba. But the combination of love and obsession works only when both parties share the same feelings for each other. And you know that we don't."
Tumulo na ang mga luha ni Rio. "Why can't you choose me? Ako ang nasa tabi mo nang panahong wala siya. Ako iyong kasama mo noong nag-iisa ka, ako iyong nakakita kung paano ka naghirap, at kung paano mo tiniis at kinaya lahat. I love you, Laila Valmorida! I love you so much and I can love you more than that man can ever do!"
Bumagsak na si Rio sa sahig. Pagapang siyang lumapit sa akin at kumapit sa isa kong binti. "Lai, I love you..." garalgal na sambit niya. "I love you that I can die for you!"
"And I love Lai that I can live for her." May humilang braso sa akin palayo kay Rio.
Gulat ako na napatingala kay Asher. Nasa tabi ko na siya at nakayuko sa akin. Mainit ang mga mata niya na sinasalubong ang mga mata ko.
"Sisikapin ko na mag-ingat palagi para mapalayo sa kahit anong disgrasya. I will also make sure to stay healthy, I will always eat on time, drink lots of water every day, and avoid overworking myself so that I won't get sick. Because love means taking care of someone you love. So how can I take care of you if I die first and leave you behind?"
The deaths of everyone I loved came back to me one by one, mula sa pagkamatay ni Papa, Mama, and lastly, Bobbie's twin. They all left me. But the person in front of me was promising that he would not let me go through the same misery again.
Si Rio sa aking likuran ay tahimik na nakayuko na lang habang nanginginig ang katawan sa pag-iyak, na para bang sa lahat ng ito ay meron siyang napagtanto.
Niyakap ako ni Asher at hinagkan sa noo. "Let's go home. Our kid is waiting for us."
Paglabas namin ay saka bumalik si Betchay. Ito ang dumalo kay Rio na nakayuko pa rin sa sahig.
Pagdating sa parking ay pumasok na kami sa kotse. Madilim pa rin at hindi pa binubuksan ni Asher ang makina. Nang aking hahawakan sana ang kanyang balikat ay hinuli niya ang kamay ko. At sa dilim ay nakakita ako ng pagkislap ng tila makinang na bato.
Natulala ako nang matiyak ang isinuot niya sa isang daliri ko. "Asher...?"
"I'm sorry but this is already long overdue."
Pinagsalikop niya ang mga daliri namin.
"Falling in love with you is like falling in the water without knowing how deep it is; I may drown, but I'll make sure to survive and stay alive because there's no way that I can leave you alone."
Napaiyak na ako. "Nanaginip ba ako? Imagination lang ba ito?"
Mahina siyang tumawa kahit basag na ang boses niya. "Kung di ka lang malaki na ang tiyan mo, may alam sana akong paraan para mapatunayang hindi lang panaginip ito."
"Ask me now, dali," humihikbi namang utos ko. Kasi ayaw ko nang mag-assume lang, gusto ko nang marinig sa salita para talagang siguradong-sigurado na.
Tumikhim naman siya. "Laila Valmorida, I will not die for you because it's not really romantic. It's tragic. And I don't want you crying just because I died; instead, I want you to be always happy by my side. So will you let me live for you, so I can love you, make you happy, and take care of you for the rest of our lives?"
"I do!"
Natawa na naman siya kahit naluluha. "Yes pa lang muna. Excited ka naman—" Hindi naman na natapos ni Asher ang sinasabi dahil kinuyumos ko na siya ng halik. Halik na puno ng pananabik at tinanggap niya naman agad nang buong pag-ibig.
Because yes, this was already long overdue!
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro