Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 74

"OPEN YOUR CAM AND LET ME SEE YOU."



Napapikit ako nang mariin nang alalahanin ang kagabi. It was awkward at first, but the following moments were amazing. It was so hot, he was so hot.


I miss Asher James Prudente so much!


He was already half-naked when he opened his cam. Katatapos lang ng duty niya. He was in a room with a lampshade as the only light source. Pero sapat na iyon dahil ang mahalaga ay nasilayan ko siya muli. Ganoon pa rin naman siya, sobrang guwapo pa rin, sobrang mahal na mahal ko pa rin.


Nasa kama siya, nakasandal sa dingding habang hawak ang phone, at ang mapupungay na mga mata ay nakatingin sa akin. His voice was low and hoarse. He asked me to show myself to him, and I did.


Doon ako sa rooftop magdamag. Akala ko ay mahihiya ako kapag nakita ni Asher na malaki na ang aking tiyan, na mawawalan siya ng gana, pero kabaliktaran ang reaksyon niya. Napahawak pa siya sa kanyang bibig habang nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala.


Ang mga mata niya na pagod at malamlam ay nabuhay nang makita ang mga pagbabago sa katawan ko. Napuno ng fondness ang mga titig niya, na tila naluha pa nga, at pagkatapos ay napuno ng damdaming walang kasing init.


"Lai, sigurado ka ba rito?" tanong niya na para namang kapag umatras ako ay mapapatalon siya nang wala sa oras sa barko.


Sa halip kasi mawalan ng gana nang makita ang pagbabago sa katawan ko ay parang mas lalo pa siyang ginanahan. Pero tinanong niya pa rin ako kung okay lang, kung hindi ba ako mahihirapan, at sinabi niya rin na magsabi lang ako kung hindi ako komportable. Ang sabi ko naman ay manahimik siya at magsimula na kami.


It was my first time to do this and it was really awkward at first. He asked me to spread my legs, to touch myself, while looking at him and only him.


Bawal akong tumingin sa iba, kahit sa pader, dapat habang hawak ko raw ang aking sarili ay sa kanya lang ako nakatingin. Bawal din pumikit kasi nga dapat sa kanya ako nakatingin. Daming rules pero sumunod na lang ako para hindi magtampo.


"You missed this, Lai?" maaligasgas ang boses na tanong niya sa akin nang kanyang ilabas ang naninigas na bahagi. Ngayon ko lang iyon nakita sa cam at parang gusto kong dukutin bigla.


Kahit hawak-hawak niya iyon at para pa ring anumang sandali ay kakawala. Nang simulan niyang hagurin ay lalong nagalit, lumaki ang sukat, at ang dulo ay mas namaga. Teka, makapag-screenshot nga.


"Ah, Lai..." ungol niya na ang sarap-sarap sa tainga. Kagat-kagat ni Asher ang ibaba niyang labi habang pabilis nang pabilis ang hagod niya sa sarili. Ilang ulit iyon kahit pa ilang beses lumabo ang cam niya, pero pinupunasan agad niya.


Ang pangungulila ko sa kanya ay kahit paano'y naibsan na. Kahit wala siya ay pakiramdam ko ay magkasama kami, na kasama ko siya sa buong gabi. His low voice was enough to make me feel good all through the night. And yes, cravings satisfied!





MASARAP NA GISING.


Bago kasi ako natulog ay nakatanggap ako ng 'goodnight' kahit pa alas tres na iyon nang umaga kanina. Nakasimangot pa siya nang sabihin ko na antok na ako. Ngayon lang daw pala kasi sila nagkaroon ng matinong connection sa barko. Pero pinababa na rin niya ako dahil nga walang kasama si Bobbie sa kuwarto sa second floor.


Bago natulog ay nagka-chat pa kami. Two hours na lang ay duty na siya ulit pero sinusulit nga niya kasi ang Internet. Pinagalitan niya lang naman ako sa chat tungkol sa kanina. He disliked it when I stopped touching myself gently in the last few minutes. He said I should be careful because I might get hurt.


Nag-suggest ako na what if bumili ako ng toy, pero nagalit lang lalo. Subukan ko lang daw magpasok ng kahit ano sa ano ko, yari daw ako. Siya nga raw ay nagtatiyaga lang sa tissue, kaya magtiis din daw ako.


Nagha-humn pa ako ng kanta habang tumutulong sa paghahanda ng almusal noong umaga. Magaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos mag-almusal ay dumating sina Tita Judy. Ibinigay nito sa akin ang cell phone ni Mama Madi. Dinaanan nila sa Sunterra.


Dito ko na inutos kasi madali lang naman makita ang phone sa aking pinagtaguan. Kinalikot kaunti ni Kuya Abel. Ayos naman daw. Kailangan lang talaga ng kasukat na charger.


Mabuti na lang at merong lumang charger ang isang kuya ni Asher na si Amos. Meron itong koleksyon ng mga lumang phone nito at charger. Mapagtabi raw kasi talaga ito sa mga lumang gamit, kaya nga mukhang junkshop ang kuwarto nito.


Pagkasaksak ko ng charger sa kuwarto ay may kumatok sa pinto. Pagbukas ko ay si Kuya Abel ang naroon kasama ang tatlong bata. Sina Bobbie at ang kambal. "Bakit?" tanong ko.


Kakaiba ang ngisi sa akin ng panganay na barako. "Lai, dito muna sa 'yo ang mga bata. Mag-aaway lang kami ng tiyahin mo."



Hindi na ako nito hinintay makasagot. Itinulak na nito ang mga bata papasok sa kuwarto, sabay sibat. Nakita ko na lang na bumukas ang kuwarto ng mga ito at may humablot na rito papasok sa loob.


Okay, mukhang matindi nga ang pag-aawayan ng dalawa dahil hindi na makahintay ng gabi. Ariba na agad kahit sa gitna pa ng katanghaliang tapat.


Dito na muna sa akin ang tatlong makukulit. Pinaglaro ko lang saglit at pagkatapos ay aking pinag-afternoon nap na. Katutulog lang ng mga ito nang mag-beep ang phone ko. Kay Renren galing. May cell phone na ba ulit ang babaeng ito?


My better half ❤:
Lai, finallyyy! Mommy left and forgot to lock her room, so finally Renren got to text you after 100 years! OMG, Renren so inis! Renren hates them all! But Renren is also takot, coz what if you forgot Renren na? OMG, Renren can't! Renren gonna cry like this: HUHUHUHU


Grounded pa rin pala ito at nagpuslit lang ng cell phone. Mula nang maghiwalay ang parents ay doon na ito nakatira kay Mamila kasama si Tita Rica, kaya roon ay mas bantay-sarado ito.


My better half ❤:
(Message 2: )

Anyway, Lai. Are you really staying there with the bird brains family? Are you serious about living with them? Like reallyyy?! Hindi ba ewww? Have you already forgotten what that man did? He acted on his own like feeling niya he knew better than you! He supported your poor and palaasang family in Bacao! He is truly a bad man like this: 😈 😈 😈


My better half ❤:
(Message 3: )
He supported them and spoiled them, and that's why those parasites became even more lazy and bold! Feeling niya matutuwa ka sa ginawa iya? E iyon nga ang ayaw na ayaw mo di ba? Ayaw mo na pinangungunahan ka, pero ginawa niya pa rin! So you should hate him! You should never forgive him!!!! (Yup, Lai, I'm screming. Ouch, ouch, my throat!)


Marami pa itong text na hindi ko na binasa pa ang iba dahil kinatok ako ni Aram. Kauuwi lang nito. "Lai, baba ka muna sandali. 'Diyan ate mo."


Ate ko? Pagbaba ko ay nagulat ako nang makita ang babaeng nakatayo sa sala. Lady cut na black polo shirt at jeans ang suot. Bumaling sa akin ang bagama't maganda subalit napakaseryoso nitong mukha. Si Ate Linda!


Ngayon na lang ulit ito nagpakita kaya nasabik ako na lapitan siya. "Ate, alam mo na ba ang nangyari kay Betchay—"


"Laila, anong ginawa mo?!" Hindi ako nakatapos sa sinasabi dahil nauna na siya. "Bakit mo binigyan ng pera sina Nanay?!"


Alam na niya? "Oo, binigyan ko nga sila. May kasulatan kami bago nila tinanggap ang pera. Para hindi na sila manggulo. At para na rin makapagsimula na sila."


"Hindi na manggulo?" Napahilamos ng mukha si Ate Linda. "Sa tingin mo tatalaban sila ng kasulatan mo? Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sila talaga kilala, ano? At anong sinasabi mong panimula nila? Sa tingin mo ay doon talaga nila ginamit ang pera na bigay mo?!"


"Malaking pera iyon. Tigsasampung libo sila pang-negosyo. Sinobrahan ko pa. May twenty-five thousand pesos para sa mga utang nila, groceries, at panlagay ng insulation foam na kisame. Para talagang iyong bigay ko na pang-negosyo ay hindi nila magalaw sa ibang bagay."


"Puwes makinig kang mabuti, Laila. Walang negosyo, hindi sila nakabayan alin mang utang, at hanggang ngayon ay wala pa rin silang sariling kuntador. Pero noong nakaraang linggo na fiesta sa Bacao at birthday ni Tatay, ay bumaha ng alak sa inuman sa atin at meron pang pa-lechon! Sina Ate Laura at Ate Lenlen ay may tig-iisa na ring ngayong bagong cell phone!"


Kumuyom ang mga palad ko.


"Syempre, ito ang main event... Laila, nakalaya na si Limuel mula sa kulungan. Nakalaya na ang bunso natin!"


Ang kaso ni Limuel ay napakatagal na. Ang kaso ay pambubugbog sa menor de edad nitong ex live in partner kaya ito nakulong noon. Hindi na naasikaso dahil wala namang pangbayad ng private attorney o kahit pama-pamasahe papunta sa opisina ng PAO.


"Doon lang naman dinala ni Nanay iyong pasobrang pera na bigay mo. Walang maayos na proseso. Nagpadulas lang ng limang libo sa mga pulis para makalabas at binayaran iyong ex ng asking money nito na twenty thousand pesos para iurong ang kaso. "


Nanghihinang napaupo ako sa sofa. Damn me for thinking that those people still have hope.


"Laila, sinabihan mo ako na tiisin sila, iyon ang ginagawa ako ngayon. Nabubuhay na ako ngayon para sa sarili ko, pero ikaw, bakit inaalala mo pa rin sila? Dahil sa ginawa mo, binigyan mo lang sila ng dahilan para isiping marami kang pera. Binigyan mo rin sila ng dahilan para lalong umasa."


"Kapag bumalik sila, puwede nating ituloy ang restraining order." Isang lalaki ang nagsalita mula sa hagdan. When I looked up, Aram was standing there.


Mukhang kanina pa ito roon na nakikinig sa amin subalit tahimik lang. Seryoso ang mukha nito nang bumaba. "Lai, they can't just ignore the agreement as they please. They signed it, and it is legally notarized. You can teach them a lesson if they'll try to mess with you again."


Hinawakan ni Ate Linda ang mga kamay ko. "Laila, wag mo na silang alalahanin. Isipin mo ang sarili mo at ang kalagayan mo ngayon. Pero kapag ginulo ka nga nila ulit, puwede kang gumamit ng legal na paraan. Mabuti na rin siguro iyon para talagang matauhan na sila na hindi ka nakikipagbiruan."



"Sorry, Ate Linda..."


Niyakap na ako ni Ate Linda. Hinaplos niya rin ang tiyan ko at malamlam ang mga mata na ngumiti sa akin. "Salamat, Laila, dahil bumalik ka. Pero katulad ng sinabi mo sa akin, unahin mo rin muna ang sarili mo. Lalo ngayon na magkaka-baby ka na ulit."


Tumango ako. Ako na ang yumakap sa kanya sa pangalawang beses. Nagkuwentuhan kami saglit. Tinanong ko kung saan siya ngayon pero ayaw niyang sabihin. Basta sa pabrika pa rin pala siya nagtatrabaho, tapos kumuha rin siya ng ilang pirasong subject dahil gusto niya na mag-aral ulit.


Inalok ko siya ng kahit magkano na tulong pero okay lang daw siya. Kinakaya naman daw ng sahod niya sa pabrika ang kanyang gastusin. Inalok ko rin siya ng meryenda pero tinanggihan din niya. Mukha naman siyang hindi talaga gutom. Mukha ring hindi niya na talaga tinitipid ang sarili ngayon.


Nang iwan na kami ni Aram ay tinanong ko si Ate Linda. "Ate, matanong ko pala. Di ba sabi mo ay nagpapadala si Asher ng pera sa Bacao ng halos tatlong taon na wala ako?"


"Oo. Sampung libo buwan-buwan. Kaya nga talagang hindi na pumasok sa construction si Tatay, at umasa na lang. Kaya rin laging may away sa bahay kasi nag-uunahan sila sa paghahati-hati ng pera."


"Paano niyo natatanggap ang sampung libo kada buwan?"


Nangunot ang noo ni Ate Linda sa tanong ko, pero sumagot pa rin siya. "Kay Betchay. Sa kanya pinapadaan tapos ibinibigay niya kina Nanay."


Kay Betchay? Nang tanungin ko pa si Ate Linda ay wala na siyang ibang masabi sa akin. Minsan na nga lang kasi siya umuwi sa Bacao kaya nagugulat na lang din daw siya sa mga nangyayari doon.


Nang magpaalam na si Ate Linda ay saka ko napansin ang suot niyang poloshirt. Black Ralph Lauren. Kusang gumana ang utak ko. Magkano ang provincial rate na pasahod sa pabrika? At magkano ba ang RL ngayon na poloshirt?


Nakaalis na ang ate ko ay nakatingin pa rin ako sa pinto. Ah, sa huling pagkakatanda ko ay ang presyo ng RL poloshirt ay around four to five thousand pesos. At ang suot ni Ate Linda ay hindi naman mukhang peke.





GABI NA NANG MATAPOS AWAY 'DAW' ANG MAG-ASAWANG ABEL AT JUDY. Ngiting-ngiti ang tiyahin ko na tila bulaklak na namumukadkad nang bumaba mula sa hagdan. Inirapan ko naman ito.


"Ano? Inggit ka kasi wala kang kaaway?" bulong nito sa akin nang dumaan sa gilid ko. "It's your time mainggit, pamangkin!"


Bumaba na rin kasunod nito si Kuya Abel na pasipol-sipol. Good mood. Sumalampak agad sa sofa at tinawag ang tatlong bata. Nanood ang mga ito ng TV.


Dahil may kalakihan na ang tiyan ko ay hindi na ako pinaghuhugas ng plato. Ngayong natapos ang dinner ay si Kuya Abel ang naghugas habang ang tiyahin ko ang bantay sa mga bata.


Maaga pa naman kaya napagdesisyunan kong tanungin si Betchay tungkol sa napag-usapan namin kanina ni Ate Linda. Walang sariling phone si Betchay kaya kay Rio na phone ako tumawag.


Ang tagal ng ring pero walang sumasagot kaya nagtaka na ako. Mga limang ring bago may sumagot sa tawag ko sa phone ni Rio. Pero hindi ito ang nasa kabilang linya. Boses babae. [ Hello? ]


Nabosesan ko. "Betchay?" Bakit naririto ang phone ni Rio?


[ Hello, Tita, bakit po?! ]


"Nasaan si Rio? Bakit nasa 'yo ang phone niya?" Never na iniwan ni Rio ang phone nito. Never din itong nagpapahawak ng phone sa ibang tao.


[ Ah, hehe, wala po si Theodore! Umalis! ]


Tumaas ang kilay ko sa paraan ng pagtawag ni Betchay kay Rio. Tiyak na hindi iyon magugustuhan ng lalaki. Pero hindi ko na iyon inintindi pa dahil may narinig ako na mga kalabog sa background. Meron din akong naririnig na tila galit na pag-ungol. Tila may gusstong kumawala na kung ano.


Magtatanong pa lang ako nang makarinig ng pagbato. Mukhang binato ni Betchay ang kung ano man iyon. [ Tita, wala po iyon. May aso kasi rito na iniwan sa akin saglit ng kapitbahay para bantayan. E masyadong matapang, kaya itinali ko muna at binusalan. ]


"Ah, okay. Anyway, Betchay, kaya pala ako tumawag sa 'yo ay dahil may gusto akong itanong. Tungkol doon sa pagpapadala sa inyo ni Asher ng pera noon. Sa 'yo raw dumadaan ang padala. Ang tanong ko, paano nakakarating sa 'yo ang pera?"


[ Ah, opo! Sa akin nga po dumadaan ang padala ni Kuya Asher na ten thousand monthly! Dinadala po ng isang babae sa school ko tuwing katapusan ng buwan! ]


"Babae?"


[ Opo. Babae. Inaabangan niya ako sa gate ng Gov tuwing katapusan ng buwan. Doon po sa school na pinasukan ko noong high school. Tapos inaabot niya po sa akin iyong sampung libo. Ang sabi niya ay galing daw po iyon kay Kuya Asher. Sustento raw namin. ]


May bumundol na sa aking kaba. "Betchay, puwede mo bang i-describe sa akin ang itsura ng babaeng ito?"


[ Hmn, maganda po siya, Tita, pero mukhang suplada at maarte. Tapos sa tuwing pumupunta siya ay hindi puwedeng walang kulay pink sa suot niya. ]


Doon na tuluyang nagtagis ang mga ngipin ko. Nagpaalam na ako kay Betchay. "Salamat, Betchay."


[ Okay, Tita! Kailangan ko na rin pong asikasuhin iyong aso rito kasi kahapon pa po ito walang kain at ligo! Bye na po! ]


11:00 PM. Tulog na ang sambahayang Prudente nang bumangon ako. Dahan-dahan lang dahil baka magising si Bobbie sa tabi ko. Hinanap ko sa drawer ang nai-full charge na kaninang cell phone ni Mama.


Gusto kong aliwin lang ang sarili dahil ayaw ko na mag-isip muna ng kahit ano. Nami-miss ko rin si Mama kaya nagtingin-tingin muna ako ng photo gallery niya.


Nagsimula akong maluha nang makitang halos karamihan ng photos sa phone ay puro kuha ko. Puro noong high school ako. Ang dami-dami na halos mapuno na ang phone. Hindi man perpekto ang pagmamahal sa akin ng babaeng ito, pero ang mahalaga ay minahal niya ako.


Napasibi ako sa pagluha. "I miss you, Ma... I miss you so much..."


Nagtingin din ako sa inbox niya. Wala namang masyadong laman. Ibabalik ko na sana sa drawer nang maisip na i-check ang block nito. Ang inaasahan kong makikita ang mga filtered messages ng scammers, pero laking gulat ko nang makilala ang number na nandoon. Number ni Papa Gil!


Ang daming mga messages ni Papa! Mga text nito kay Mama na malamang na hindi na nabasa pa ni Mama, dahil nang i-block nito ang number lalaki ay baka hindi na naalala pang i-unblock ulit! I doubt kung alam pa ito ni Mama dahil ito na iyong mga panahong nasa Manila na kami. This was the time when Mama was starting to have problems with her memory.


Ang mga text ni Papa rito ay puro pagmamakaawa kay Mama. Nanginginig ang mga daliri na pinagbubuksan ko at binasa.


+ 639 1736 22
Madi, alam mo na hindi kita magagawang lokohin! Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang balita na nakipagbalikan ako sa dati kong nobya, pero hindi iyon totoo! Mula nang makilala kita ay hindi na ako tumingin pa sa iba! Kahit tutol pa sa iyo ang pamilya ko, pipiliin at pakakasalan pa rin kita kahit ilang ulit pa!


Hindi ko rin alam kung paano nagsimula. Basta nang dumating kami ni Mama sa Manila ay ramdam ko nang may kakaiba sa kanila. Hindi ko na nakikita si Mama katawagan si Papa sa phone at palagi na rin itong tulala.


+ 639 1736 22
Paano kita magagawang lokohin, Madi? Ipinaglalaban kita palagi! Kahit malayo ako ay batid ng langit kung paano ko ipinagdadasal ang kaligayahan at kaligtasan mo sa araw-araw. Kaya pakiusap, asawa ko, maniwala ka na hinding-hindi ko magagawa ang ibinibintang mo!


+ 639 1736 22
Madi, asawa ko, mahal ko. Ika-isang buwan na ngayong araw na ito. Sana pagbigyan mo na ako na makausap ka kahit isang minuto. Nangungulila na ako sa inyo ng anak natin. Mahal na mahal ko kayo ni Laila. Nagsisikap ako rito para sa magandang buhay ng ating munting pamilya at ang saktan kayo ay hinding hindi ko makakaya.


+ 639 1736 22
Madi, ako ulit. Si Gil. Kumusta ka na? Galit ka pa ba? Hindi ka pa rin ba sa akin naniniwala? Limang buwan nang hindi mo ako kinakausap. Limang buwan na ring masakit ang dibdib ko. Pang isang daang message ko na rin yata sa iyo ito, pero wag kang mag-alala, mahal ko, hindi ako mapapagod at susuko.


+ 639 1736 22
Madi, sa wakas pinayagan na akong umuwi ng aking amo. Pag-uwi ko ay sisiguraduhin kong maaayos ang hindi pagkakaunawaan na ito. Patutunayan ko sa iyo na ang ating munting pamilya na magkatuwang na binuo ang tanging patuloy na uuwian ko. Ikaw, ang anak nating si Laila, kayo lang ang buhay ko.


+ 639 1736 22
Madi, ilang araw na lang flight ko na, subalit ilang araw at gabi na rin na naninikip ang dibdib ko. Nag-aalala ako hindi para sa sarili ko kundi para sa iyo. Sana mahintay mo ako. Mahal na mahal kita, asawa ko.


Puro patak na ng luha ang screen ng phone ni Mama. Dahil ito na ang mga huling text noon ni Papa bago ito atakihin sa puso.


+ 639 1736 22
Kaunti pa, Madi, malapit na akong umuwi. Gustong gusto ko na kayong makita ulit at makasama ng anak nating si Laila. Yayakapin ko kayo nang mahigpit. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang buhay ko.


Sa pinaka huling text nito ay doon na ako napahagulhol. Nakauwi na nga si Papa noon, pero nakakahon na nang umuwi.


Ang tindi ng impit na hagulhol ko. Sinisisi ko ang sarili. Nagalit din ako kay Papa dahil naniwala ako kay Mama. Sa pagkakaalam kasi ni Mama ay pumunta ang US Citizen na ex ni Papa sa Dubai at nagkabalikan na ang dalawa. Awang-awa ako noon kay Mama sa tuwing nagbi-breakdown ito. I had no idea that Mama's mental state at that time had started to deteriorate to the point where she could no longer think clearly and was already experiencing delusions.


Kung may cell phone lang sana ako noon at kung hindi lang sana ako nakinig kay Mama na i-deactivate ang mga social media ko, sana ay nakatanggap din ako ng message ni Papa. Sana nalaman ko ang mga paliwanag nito at sana naipaliwanag ko iyon kay Mama. Nasagip pa sana ang aming pamilya.


Ang sakit. Sobrang sakit. Umuwi si Papa sa Pilipinas na wala nang buhay. Inatake ito sa puso sa Dubai pa lang. At ni hindi man lang kami umuwi ni Mama ng Cavite kahit para sumilip lamang dito. Kahit anino namin ni Mama ay hindi dumating hanggang sa mailibing na ito.


Iyon ang panahon na mas puno ng hinanakit ang puso namin kaysa pagluluksa. Nagpakain kami sa sakit, nagpakain sa pait. Pero hindi wala palang katotohanan lahat. Hindi totoo ang pinaniniwalaan ni Mama. Never na nagloko si Papa!


"Papa, I'm sorry..." impit na hagulhol ko habang yakap-yakap ang cell phone. "I'm sorry, Papa... Papa ko...!"


Nagtagis ang mga ngipin ko nang may mapagtanto sa lahat ng ito. Since Mama's mind was already in chaos at that time, she was an easy target as she was vulnerable, so it was easy for the Valmoridas to add fuel to the fire. They were the ones who made Mama believe that Papa was cheating on her.


May text din ang demonyong ex-husband ni Tita Rica na si Tyrion Estrada kay Mama. Pumupunta ito noon sa amin sa Manila para dalawin si Mama. Ito ang nambubuyo kay Mama upang lalong magalit kay Papa. But based on his last text messages to Mama, she never had an affair with him. It was that scumbag who pestered my mother!


We never had a chance to mourn Papa's passing, Mama passed away with her heart filled with resentment, and it was all because of Tyrion and the Valmoridas. Those evil incarnates were to blame for my parents' failure to reconcile until the last moment!





MAAGA PA LANG AY TUMAKAS AKO SA BUENAVISTA.


Dumaan muna ako sa pinakamalapit na bukas na computer shop saka nag-Grab paalis. Pagdating sa harapan ng gate ng mga Valmorida ay hindi na ako nag-doorbell. Inabot ko ang lock sa gilid at nagtuloy na agad sa loob.


Si Renren agad ang nakita ko sa sala. Naka-all pink pajamas at mukhang kagigising lang. Maligayang napairit ito nang makita ako. "OMG, Lai! You came to save Renren! And you're pregnant again?! Is it mine?!"


Napalabas naman sa kanya-kanyang kuwarto sina Tita Rica at ang Valmoria Matriarch na si Mamila. Nang makita ako ay sabay pa na nanlisik ang mga mata.


"Anong ginagawa ng ampon na ito rito sa pamamahay ko?!" Malakas pa sa kulog ang mapangmatang boses ni Mamila.


Si Tita Rica ay hinatak agad si Renren palayo sa akin. "Anong ginagawa mo rito, Laila? Ang kapal ng mukha mo na magpunta rito matapos niyong kamkamin ni Madi ang insurance at bahay ng kapatid kong si Gil nang mamatay ito!"


"Mommy, don't shout at Lai! She's pregnant with our child!" awat ni Renren sa ina pero binusalan ito ni Tita Rica sa bibig ng tissue.


"Manahimik ka, Renesmee Althea!" bulyaw nito sa anak, saka muli akong hinarap. "At sa tingin mo, Laila, ay hindi ko malalaman na pinupuntahan ka ni Renren sa apartment mo noon sa Manila?! Malamang na nanghihingi ka ng pera sa kanya kaya wala siyang naiipon man lang ni sinco sa mga suweldo niya!"


Si Mamila ay galit na galit ulit na nagsalita. "Hindi pa kayo nakuntentong mag-ina sa pagkuha niya sa anak kong si Gil, sa asawa ni Rica na si Tyrion, at ngayon ay pati mga apo ko!"


"Tapos na kayo?" malamig na tanong ko sa kanila. Nang hindi sila agad nakasagot ay saka aking ibinato sa kanila ang laman ng envelope na dala ko.


Nagliparan sa ere ang mga papel na may print ng mga screenshot. Mga usapan nila tungkol kay Mama mula pa noon hanggang sa ngayon. Nanlaki ang mga mata ni Tita Rica nang mahawakan ang ilan sa mga iyon.


"I am not yet finished." Nilabas ko rin ang mga papel na may screenshot na itinago ko pa noong noon pa, kapag binubuksan ko account nila nina Tita Tootsie.


"Iyan naman lahat ng usapan niyo ng panta-traidor niyo sa iba niyo pang kamaganakan, paninirang puri sa mga kapitbahay niyo, at maging mga plano niyong mag-iina na pagnakawan ulit ang pondo ng subduvision kung saan presidente ngayon si Tita Rica ng home owners association."


Naging kakulay ng mukha ng mag-inang Rica at Mamila ang kulay puting pader sa sala.


"Noon ay nagpipigil ako na ilabas ang mga iyan, dahil alam ko na pag nademanda kayo ay malamang na kay Papa Gil din kayo hihingi ng tulong. Si Papa rin ang mamomroblema dahil hindi naman niya kayo matitiis. Pero ngayon na wala na si Papa ay solong-solo niyo na ang problema!"


Nang makabawi si Tita Rica sa pagkabigla ay galit na galit na nagsikap itong magmatapang. "Bakit ka meron ng mga ito, Laila?! Binuksan mo mga account namin nang walang pahintulot, kaya pag lumabas ang mga ito, ikaw ang idedemanda namin!"


"Bakit? May ebidensya ka ba na ako nga ang nagbukas ng mga account niyo?" Ngumiti ako nang nakakaloko. "Paano kung i-deny ko at sabihin na may nagpadala lang sa akin ng mga iyan? Katulad ng may magpapadala lang din ng mga iyan sa mga taong involved sa mga kabulastugan niyo? May magagawa ka ba?"


"Napakademonya mo!" Akma akong sasampalin ni Tita Rica nang itulak ito ni Renren. Bagsak ito sa sofa.


"Mommy, don't hurt Lai!" Pagkuwa'y hinarap ako nito. "Lai, are you okay? Don't worry, I will protect you and our baby at all cost—" Hindi nito natapos ang sinasabi dahil sinampal ko ito.


Halos matabingi ang mukha ni Renren sa lakas ng sampal ko. Gulat na gulat naman sina Tita Rica at Mamila.


"Ano'ng karapatan mong ampon ka na saktan ang anak ko?!" tili ni Tita Rica na bumangon mula sa sofa kung saan ito bumagsak.


Hinarap ko ito. "Di ba gusto mong malaman kung saan dinala nitong magaling mong anak ang mga sinasahod niya sa trabaho sa mga lumipas na taon? Di ba nagtataka ka kung bakit nanghihingi pa siya sa inyo tapos wala man lang siyang naipon?"


Nang tumingin si Renren sa akin ay nanlalaki na ang luhaang mga mata niya. "L-Lai..."


Ngumiti ako nang mapait sa kanya. "Renren, it was you right?"


Nanginig ang mga labi niya. "L-Lai, no... I-it's not me... It's that bird brain... He framed me up because he's jealous that I am now the one you love and—"


Hindi ko pinansin ang kabaliwan niya. "It was you who supported them for the past two years. You are the real reason why those you call parasites became even more lazy and bold! Ikaw ang may kagagawan at hindi si Asher!"


"Lai, I'm sorry!" Napaiyak na si Renren. "I just did that because I wanted you to hate him! Ayoko nang bumalik ka sa kanya! Gusto ko na akin ka na lang!"


Sinampal ko siya ulit. "You crossed the line, Renren. Hindi na ito simpleng pag-iinarte mo lang o pagiging baliw at immature mo na puwede kong palampasin. At tama ka, ang ganitong gawain ay dapat na ikinagagalit at hindi dapat pinapatawad!"


"No, Lai! No!!!" Nag-hysterical na si Renren. "No! You can't hate me! You absolutely can't! Ah, no!!!" Kung hindi pa ito niyapos ni Tita Rica ay mapapalugmok na sana sa sahig.


Si Mamila ay galit na galit sa akin. "Ikaw, anong ginawa mo sa mga apo ko at nagkakaganyan sila sa 'yo? Napakademonya mo!"


"Kayo ang mga demonyo! Mga ganid! Sinira niyo sina Papa Gil at Mama Madi! Sinira niyo ang pamilya ko! Mga demonyo kayo kaya kung ano man ang pinagdadaanan ng pamilya niyo ngayon, karma niyo iyan!"


Sa matinding galit ay nakalimutan ko nang buntis ako. Natauhan lang ako at nakaramdam ng takot nang damputin ni Mamila ang awditibo ng landline nila. Malaking babae ito kaya alam kong mahihirapan akong umiwas dito. Napapikit na lang ako habang yakap ang aking tiyan nang ihahampas na nito sa akin ang telepono, pero hindi natuloy.


Hindi natuloy dahil may malamig at baritonong boses mula sa naiwan kong bukas na pinto ang aming narinig.


"SIGE TANDA, ITULOY MO IYAN NANG MAPAAGA ANG MEET AND GREET NIYO NI SAN PEDRO."


Paglingon ko ay ganoon na lang ang aking pagsinghap. Isang matangkad at napakaguwapong lalaki ang nakatayo roon. May hawak na baril ang kaliwang kamay na nakatutok kay Mamila. Salubong ang makakapal niyang kilay, mga matang bagaman kalmado ay kasisinagan ng titis ng apoy, at ang makinis na morenong balat niya ay bahagyang namumula sa init. At ang buhok niya sa ulo ay semi calbo na ulit!


Napaluha ako nang makilala siya, "Asher!"


"I heard that my baby mama is here, that's why I'm here," balewalang sabi niya na nakatutok pa rin ang hawak na baril kay Mamila.


"That's illegal possession of firearm!" sigaw ni Tita Rica nang makabawi sa takot. "P-puwede kang makulong!"


"And who told you that my gun has no license?" tamad na tanong ni Asher. "Gusto mo akong idemanda? Go, try. Mag ubusan tayo ng pera at koneksyon, kung meron man kayong alin man doon. Tapos pagpustahan na rin natin sino sa atin ang makukulong."


Dalawa sa kuya ni Asher ay may frat, abogado pa ang isa, ang tatay niya ay mabait pero walang makakapagsabi kung paano magalit, at balita ko ay puro nasa crame ang mga pinsan nito. At bonus na lang ang koneksyon ni Arkanghel Wolfgang.


"Pero puwede ring hindi na umabot doon kung tatapusin na natin dito ngayon." Ang malalamig na mga mata ni Asher ay dumilim habang hawak pa rin ang baril. "Hindi kayo purong Kabitenyo, di ba? Kaya siguro wala kayong alam kung paano kami trumabaho rito."


Napalunok ako. Puwera sa mga konesyon, purong taga Cavite ang mga Prudente. Sa side pa lang ni Aling Ason ay napakarami na nilang kamaganakan, karamihan pa ay mga frat o opisyal ng lalawigan. Kung gugustuhin lang ng pamilya nila na may ipatumba, malinis na malinis nilang magagawa.


"W-why are you doing this?" usal ko sa nanginginig na boses.


Nang bumaling sa akin ang magagandang uri ng mga mata ni Asher ay lumamlam iyon. Pagkuwa'y ngumiti sa akin ang mga labi niyang mapupula. "Simply because your enemies are also my enemies... baby mama."


jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro